22
Para kang hindi panganay.
Nakakasawa!
Paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko ang boses ni mama na sinasabi ang mga lintanyang iyan.
Lumabo sa aking paningin ang mga taong naiipon rito sa loob ng food house. Napayuko ako at nakatulala sa mensahe ni mama. Bumilis ang aking paghinga kasabay ng pagsikip at pagbigat ng dibdib ko.
Ayos na sana ‘tong araw na ‘to, e.
Balak ko pa sanang umuwi ng maaga para ako ang magluto ng paborito niyang ulam para sa hapunan namin at para mabalita ko ang mataas kong score sa quiz pero sinira niya ang plano ko.
Kung sawa na si mama sa akin, ako rin.
Ginagawa ko naman ang lahat, ah. Sinasabi ko lang na tinatamad akong mag-aral pero sinusubukan ko pa rin namang unawain ang mga lessons namin. Sinusubukan ko pa rin pantayan ang talino ni Maica. Sinusubukan kong maka-intindi ng mabilis.
Kinakaya ko naman.
Pero tuwing kinukumpara na niya ako sa kapatid ko, nawawalan na ulit ako ng ganang sumubok pa.
Parang lahat ng effort ko, wala lang sa kanya.
Nakakapagod pero hindi pa ako tapos patunayan sa kan’yang kaya ko rin.
“Bata, here oh. . .”
Muli akong bumalik sa realidad nang biglang magsalita si Shadrach, na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa harapan ko. Dala ng gulat ay agad akong napatingala sa kan’ya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagkunot ng noo niya.
“Ayos ka lang?”
Ako naman ang kumunot ang noo.
“You’re crying,” aniya.
Napahawak ako sa pisngi ko. Bahagyang umawang ang labi ko. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako.
Bumilis ng pagtibok ng puso ko at itinawa ko na lang iyon. “Ah! Hindi ah! Napuwing lang kasi ako,” pagsisinungaling ko sabay punas ng basa kong pisngi.
Nakakunot pa rin ang noo niyang nakatitig sa akin pero wala na siyang sinabi. Tumango lang siya bago maingat na nilapag ang order ko sa lamesa.
“Uh, wala akong order na dumplings,” saad ko nang nilapag niya iyon kasama ng fries at coke float na order ko.
Nagtama ang mga mata namin bago siya tipid na ngumiti. Napakagat ako sa labi ko. Shet ang guwapo!
“Actually, all of these are not your order, little miss,” aniya.
“Huh?” lito kong tanong. “Kung hindi sa akin, bakit nilalagay mo sa table ko?”
“Order ko ‘to. . . na para sa ’yo. Now eat,” aniya habang may maliit na ngiting naglalaro sa labi niya.
Napaawang ang labi ko at agad na napangiti nang matanto ang ibig niyang sabihin.
“Omg! Libre mo?”
Tumango siya.
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang abot langit kong ngiti.
Gusto kong tumili!
Gusto kong tumalon!
Gusto ko siyang yakapin!
“Thank you!” buong puso kong sabi.
“Just keep up the good work,” aniya bago siya tuluyang umalis.
Ang bigat na kinikimkim ko kanina lang ay tila naging ulap na sa gaan. Ang mata kong lumuluha, ngayon ay nakangiti na.
Shadrach, isang kang anghel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top