16

Rach Sy

06:33AM

good morningggggg, kuya!

did you sleep well?

ako kasi hindiii

pero okay lang

ikaw naman iniisip ko e

HAHAHAHAHAHAHA char

anywayyyy

tapos na ba yung cake?

okay lang kung hindi

I can wait for you naman

este sa cake hehehe

btw nasa labas na ko ng bakery

paki-open po pls

Yep. Tapos na.

Just wait a minute, tatalian ko lang yung box ng cake.

ako, kailan mo itatali?

Seen.

pinag-iisipan mo na ba?

HAHAHAHAHHA

yiii okay lang gagi take your time

Seen.

grabe sa seen haaaa

Papunta na ako.

halaaaa itatali mo na ako?

ehe

Kukunin mo tong cake o hindi?

hala kukunin po

tapos na? hehehe

Yup. 420

wala nang discount?

Wala.

presyong jowa, wala?

Jowa ba kita?

magiging pa lang hehe

pwede namang ngayon na

AHHAAHHAHAHA char not char

Seen.

---

“Mag-aral ka muna, bata.”

Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang baritonong boses niya. Sobrang abala ko kanina sa pagtitipa na hindi ko namalayang nabuksan na pala niya ang glass door ng bakery.

Hindi ko maiwasang hindi matulala sa taglay niyang kaguwapuhan. Hawak niya sa kanang kamay ang asul na kahon na may lamang cake na order ko. Magulo ang medyo may kahabaan niyang itim na buhok. Nakasuot siya ng puting t-shirt at itim na short, halatang puyat siya pero guwapo pa rin.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

“Shet, ang pogi mo!” bulaslas ko.

Kumunot ang noo niya at wala nang iba pang emosyong pinakita sa akin.

Inabot ko sa kanya ang bayad ko kasabay din ng pag-abot niya sa akin ng kahon.

“Thank you,” sabay pa namin usal kaya mas lalo akong hindi mapakali sa kinatatayuan ko at gusto ko nang maglulundag sa tuwa.

“Hindi mo ba ako ihahatid?” pagbibiro ko pa nang hindi siya umalis sa harapan ko.

Umiling siya.

“Eh, bakit hindi ka pa umaalis? Uyyy ikaw ha!” pang-aasar ko.

Kumunot muli ang noo niya dahilan ng pagsasalubong ng perpekto niyang kilay.

“Kulang ng twenty ‘tong binayad mo, bata,” mahinang aniya. Tiningnan ko ang hawak niya at four hundred lamang iyon.

Agad na nag-init ang buong mukha ko at napamura ng ilang beses sa isipan ko.

“Ah, hehe, sorry sorry.”

Hinugot ko ang naiwang bente sa bulsa ng palda ko at inabot iyon sa kan’ya.

“Thank you ulit! Bye!” mabilis kong saad at agad siyang tinalikuran at halos tumakbo na papaalis doon sa sobrang kahihiyan.

Shet! Nakakahiya!

Pero shet! Ang guwapo niya! Ack!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top