Chapter 4
NAGKATINGINAN sina Kisses at Maymay.
"Please..." Nagmamakaawa ang itsura ni Donny. "Promise, pumayag ka lang kami na ang bahala sa lunch mo for that day. Iti-treat ka ng team."
Tinanguan ni Maymay si Kisses. "Pumayag ka na."
"Pero baka kasi may practice kami para sa Ms. SG," nag-aalalang sagot ni Kisses.
"Ako na ang bahala. Kakausapin ko si Edward na i-excuse ka sa practice. One day lang naman."
"Pumayag ka na, Kisses. Ipagpapaalam ka naman pala, eh."
"S-sige... pumapayag na ako," pagkumpirma ng dalaga.
"Yes! Thank you, Kisses. Maraming salamat talaga. Matutuwa ang team mates ko." Makikita sa mukha ni Donny ang sobrang kaligayahan dahil sa pagpayag ni Kisses. Ibibigay ko na lang sayo sa Monday 'yung jersey na isusuot mo. Jersey din ang pinasusuot sa mga muse since sports activity naman 'yung event."
"Okay, Donny walang problema," nakangiti na sabi ni Kisses.
"Sige, mauuna na ako. Basta, hanapin na lang kita sa lunes for the jersey." Iyon lang at lumabas na ng silid si Donny. Sinundan pa ito ng tingin ni Kisses.
"Guwapo, 'no?" biglang sabi ni Maymay na ikinagulat pa ni Kisses. Kahit kailan napakamagugulatin talaga ng dalaga.
"Si Donny?"
"Oo, sino pa?"
"Ahh, guwapo naman. Sabi mo, eh," tila hindi interesadong sagot ni Kisses. "Halika ka na, kakain pa tayo."
Agad na lumabas na rin ng editorial room ang dalawa. Siniguro pa ni Maymay na nai-lock niya ang pinto.
Nagulat pa si Edward nang pumasok si Maymay at Kisses sa student council office.
"Good morning! Anything that I can do for you?" Kay Maymay nakatingin si Edward.
"I'm here to submit my application form for the Ms. SG," sagot ni Kisses habang kinukuha sa bag niya ang form. "Here it is." Iniabot ng dalaga ang papel kay Edward.
"Okay! Thanks, Kisses. We'll post the schedule of practice in the bulletin board," nakangiting sabi ng binata.
We'll go now, Edward. We still have class," pagpaaalam ni Kisses.
"Halika na, Kisses. Late na tayo," nagmamadaling sabi ni Maymay at hinila na si Kisses papalabas ng pinto.
"Ayy! Teka muna, baka ako madapa!" kunwari ay nagrereklamong sabi ng dalaga.
"Sana wala pang teacher," ani Maymay.
Hindi pinansin ni Kisses ang sinabi ni Maymay. "Ang guwapo ni Edward, 'no?"
"Crush mo ba si Edward?" nagtatakang tanong ni Maymay.
"Hindi, ah!"
"Owws?!"
"Hindi nga!"
"Eh, ba't sabi mo, ang gwapo ni Edward, 'no?" ginaya pa ni Maymay ang paraan ng pagsasalita ni Kisses.
"Totoo namang guwapo siya, ah."
"Kaya nga, crush mo siya!"
"Haay, ang kulit. Sinabi na ngang hindi."
"Eh, 'di hindi!" Nagkatawanan na lang ang magkaibigan.
***
LUNES
Maagang pumasok si Maymay at ang iba pang staff ng The SG Chronicles para mag-distribute ng naturang school paper. Excited ang lahat. Hindi sila sumablay sa deadline. Heto at hawak-hawak na nila ang latest issue ng pahayagan ng kanilang eskuwelahan.
Bago mag-tanghali ay naipamahagi na nila ang mga pahayagan kaya bawat isa ay nagsibalik na sa kanilang mga klase. Bago makarating sa classroom ay nakasalubong pa ni Maymay si Donny at ngumiti pa sa kanya ang binata na ginantihan naman niya ng isang matamis ring ngiti.
Pagpasok sa room ay tumabi siya kay Kisses.
"Nasalubong ko si Donny. Parang dito yata galing."
"Oo, binigay lang niya sa akin itong jersey na isusuot ko sa game nila sa Wednesday.
"Napansin ko, parang may crush sa'yo 'yun," diretsong pahayag ni Maymay.
"Ha? Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Ewan ko. Pakiramdam ko lang. At take note, matalas ang pakiramdam ko."
Umiling-iling si Kisses.
"Kaso, si Edward ang crush mo," dugtong na sabi ni Maymay.
"Hala, hindi! Hindi ko crush si Edward. Naguguwapuhan lang ako sa kanya. Nothing more, nothing less."
Natawa na lang si Maymay sa reaksyon ni Kisses sa pagbibiro niya. "Ba't kaya wala pa si ma'am? Late na siya ng fifteen minutes. Hindi naman nale-late 'yun."
Nagkibit-balikat si Kisses. "Ewan ko. Wala naman siyang advise na 'di siya papasok today, kaya maghintay na lang tayo rito."
"Sabagay."
Isang lalaking guro ang bumungad sa pinto ng classsroom. Pumasok ito sa loob at pagkatapos ay nagsalita. "Excuse me, class pinapasabi ni Mrs. Cortez na hindi siya makapapasok ngayon. Mag-advance reading na lang daw kayo dahil magbibigay siya ng short quiz next meeting. Kung wala na kayong klase, you may go home now or spend your time sa library. Ok?"
"Thank you, sir!" sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.
Isa-isa nang nagsilabasan ng silid ang mga estudyante.
"Halika na, Kisses. Umuwi na tayo." Tumayo na si Maymay at isinukbit sa likuran niya ang kanyang backpack.
"Teka lang, Ate May magre-retouch lang ako." Agad na inilabas ni Kisses mula sa bag ang dalang foundation at kaagad na nagpahid sa kanyang mukha. Bahagya rin nitong nilagyan ang lipstick ang kanyang mga labi.
Nang matapos ay puno ng kumpiyansa itong nagsalita. "I'm ready. Tayo na, Ate May."
Napangiti na lang si Maymay sa ginawa ni Kisses. Sabagay, wala namang masama kung laging magpaganda ang kaibigan niya. Campus beauty ito. Mabuti na 'yung lagi itong maganda at presentable.
Lumabas na ng classroom ang magkaibigan para umuwi.
"Maymay!"
Sabay pang napalingon sina Maymay at Kisses para malaman kung sino ang tumawag.
"Ma'am, bakit po?" nagtatakang tanong ni Maymay sa gurong tumawag sa kanya.
"Mabuti't naabutan kita. Kindly go to the principal's office immediately. Mr. Domingo would like to talk to you."
"Tungkol saan daw po?"
"It's about the editorial you wrote in the latest issue of The SG Chronicles."
Napaawang ang bibig ni Maymay. Si Kisses naman ay napatingin lang sa kaibigan.
"Sige po, pupunta na ako doon ngayon."
Tumango ang guro at umalis na.
Binalingan ni Maymay si Kisses. "Mauna ka nang umuwi, Kisses. Pupunta muna ako sa principal's office."
"Samahan na lang kita, Ate May. Hihintayin kita sa labas ng office para sabay pa rin tayong uuwi."
"Okay lang sa'yo na maghintay?" paniniguro ni Maymay.
"Oo naman," sagot ni Kisses kasabay ang isang matamis na ngiti.
Mabilis na narating ng dalawa ang opisina ni Mr. Domingo.
"Dito na lang ako," sabi ni Kisses. "Hintayin na lang kita rito."
"Thanks." Tumango si Maymay at pumasok na ito sa opisina ng principal pagkatapos nitong kumatok ng tatlong beses sa pinto.
"Good morning, sir!" bati ni Maymay sa principal.
"Good morning! Come in and please take a seat."
Umupo ang dalaga. "Pinatatawag n'yo raw po ako?"
"Yes. Regarding the editorial that you wrote in the latest issue of the school paper," seryosong sabi ni Mr. Domingo habang matiim na nakatitig kay Maymay. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, baka kanina pa nakatimbuwang ang dalaga.
"Bakit po, sir?" nagtatakang tanong ni Maymay.
"Do you think it's right to discuss an issue like that and put some of our teachers in a bad light?
"Sir, that's part of the freedom of expression. Wala naman po akong binanggit na pangalan sa editorial. Sinabi ko lang na nag-eexist dito sa school ang ganung problema base na rin sa mga natatanggap naming reklamo from students. Teachers who are not doing their jobs properly. Hindi naman po siguro maling kalampagin ko sila para maitama kung ano man 'yung pagkukulang nila sa trabaho. After all, nagbabayad ang mga estudyante ng tuition fee sa paaralang ito at dapat naman sigurong matumbasan ng tamang pagtuturo ng mga guro ang perang ibinabayad ng mga nag-aaral dito." Hindi nagpasindak si Maymay sa principal.
"Ang problema nilalagay mo ang mga guro at ang eskuwelahan sa isang napakalaking kahihiyan!" napalakas ang boses ni Mr. Domingo.
"Hindi po 'yun ang intensiyon, sir. Ginawa ko po 'yun para itama ang mali. Kung gusto ko pong ipahiya ang mga guro at ang paaralan, eh 'di sana pinangalanan ko na sila." Buo ang paninindigan ni Maymay kahit alam niyang nagbabago na ng tono at mood ang kausap.
"I want you to make an apology in the next issue of The SG Chronicles. Babawiin mo 'yung sinulat mo sa editorial at hihingi ka ng apology for writing that," seryosong sabi ng principal.
Umiling si Maymay. "Hindi ko po magagawa, sir. Pasensya na po pero kredibilidad ko as a campus journalist ang nakataya dito. I believe na walang mali sa sinulat ko at lalong walang dapat ihingi ng tawad."
"Gagawin mo ang sinabi ko, or gagawin ko rin ang lahat para 'di ka maka-graduate sa school year na 'to."
Pakiramdam ni Maymay ay nanlaki ang kanyang ulo dahil sa huling sinabi ni Mr. Domingo. Hindi na siya kaagad nakapagsalita.
"You may go now. At pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top