Chapter 3

"MAYMAY! Halika na rito!"

At saka pa lang tila naalimpungatan si Maymay mula sa mahimbing na pagkakatulog nang marinig ang pagtawag ng ina. Agad niyang pinunasan ang luhang umagos sa pisngi at pagkatapos ay pilit na ngumiti upang lumarawan sa mukha niya ang saya. "Andyan na po, 'ma!' Agad na nagtungo sa kusina ang dalaga.

Inabutan niyang nakahanda na ang mesa. Ilang putahe rin ang niluto ng kanyang ina para mapagsaluhan nilang tatlo. Ang kuya niya ay abala naman sa pagtitimpla ng pineapple juice. "Ma, andami naman niyan eh tatatlo lang tayo."

"Hayaan mo na. Para makapagbigay din tayo sa kapitbahay," malumanay na sagot ng ina ni Maymay. "Umupo ka na, para makakain na tayo."

"O, heto na ang juice. Masarap 'yan," masayang sabi ng kapatid niya.

"Niloloko mo naman kami, kuya. Eh, kahit naman sino ang magtimpla niyan masarap pa rin dahil dadagdagan mo lang naman ng tubig at asukal 'yung pineapple juice sa lata, okay na," natatawang sabi ng dalaga.

"Mas masarap 'yan dahil ako ang nagtimpla. Tinimpla ko 'yan nang may halong pagmamahal." Tumingin ito sa ina bago muling nagsalita, "I love you, 'ma. Happy birthday."

Nangilid ang luha sa mga mata ng ina ni Maymay.

"O, walang iyakan. Kakain pa tayo!" Malakas ang boses ni Maymay para mawala ang namumuong lungkot sa paligid.

Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang mga pagkaing nakahanda sa mesa.
***
NASA BAHAY na rin si Edward nang mga oras na 'yun. It was a tiring day. Being able to do both school works and extra curricular activities is no joke. But he is enjoying his responsibility as the student council president. Hindi naman siya nagrereklamo. Una, siya naman ang may gustong tumakbo para sa posisyong iyon. At sino ba ang numero uno niyang nakalaban kundi si Maymay. Si Maymay na sobrang active rin sa school. Gusto na sana niyang mag-backout sa kandidatura niya noon. Ayaw niya kasing makalaban si Maymay. Tiwala siya na malaki rin ang magagawa nito para sa ikabubuti ng mga mag-aaral sa St. Gabriel Academy. Pero ang buong third year community ang nagpumilit sa kanya na huwag iatras ang kandidatura niya. Kaya sa huli ay itinuloy niya ang pagtakbo hanggang sa palarin siyang manalo bilang pangulo ng student council.

Mas lalo tuloy siyang nahiya kay Maymay. Crush niya ito noon pa, pero dahil fourth year na ito at siya ay third year pa lang, minabuti niyang itago na lang muna ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. At ngayong tinalo pa niya ito sa student election, tila mas lalong nagkaroon ng hadlang para iparamdam niya ritong espesyal sa kanya ang dalaga.

Nakatulugan na ni Edward ang pag-iisip kay Maymay.

RIIINNNGGG!!!

Napabalikwas ng bangon si Edward pagkarinig niya sa tunog ng alarm clock. Alas-sais na ng umaga. Kailangan na niyang kumilos at maghanda papasok sa eskuwela upang hindi siya ma-late sa klase niyang mag-uumpisa ng alas-otso.

Eksakto lang ang dating niya sa klase. Pagpasok niya sa loob ng classroom ay saka naman dumating ang teacher nila sa World Literature na si Mrs. Gonzales.

"Good morning, class!" bati ng guro. Umupo ito sa kanyang upuan habang ang dalang bag ay ipinatong nito sa ibabaw ng mesa.

"Good morning, Mrs. Gonzales!" sabayang sagot ng mga estudyante.

"Okay, I asked all of you to read Iliad by Homer so I am expecting that all of you can discuss that beautiful story to the class." Iginala ng guro ang tingin sa buong klase, pagkatapos ay nagsalita. "Keep all your books. I don't want to see any book on your desk."

Agad na ibinalik ng mga estudyante sa kani-kaniyang bag ang mga aklat.

Muling nagsalita ang guro. "Okay, Kristine share to us the story."

Kampanteng tumayo si Kristine at nagsimulang magkuwento. "Iliad started at the wedding of Thethis, the goddess of water and Peleus, a mortal. The supreme god Zeus invited all of the Gods and Goddesses in Mt. Olympus except for Eris, the goddess of discord because he doesn't want anything to go wrong during the wedding ceremony. However, Eris came to the wedding and threw a golden apple as a prize for beauty. Inscribed in the golden apple is the phrase, "for the fairest".

"Okay, Kristine you may sit down," putol ng guro sa pagkukuwento ng dalaga. "Donny, continue with the story."

Tumayo si Donny at dinugtungan ang kuwento ni Kristine. "Three goddesses present in the wedding wanted the golden apple. They were Hera, the wife of Zeus; Athena, the goddess of wisdom; and Aphrodite, the goddess of love and beauty. They asked Zeus to decide but he declined. Zeus threw the golden apple out of Mt. Olympus and was picked by Paris, the son of King Priam and Queen Hecuba of Sparta. The three goddesses asked Paris to choose among them as to who should be the rightful owner of the golden apple. Paris could not choose so the three goddesses decided to bribe him."

"And what were the bribes of the three goddesses to Paris? Edward, you continue with the story. Donny, please sit down," utos ng guro.

Ipinagpatuloy ni Edward ang kuwento. "Hera promised power to Paris. Athena bribed him with wisdom and victory in wars. Meanwhile, Aphrodite bribed Paris to have the most beautiful woman, Helen of Troy..."
***
"AIZAN!"

Napatingin si Aizan sa pinanggalingan ng tinig at nakita niya si Maymay na nagmamadaling pumasok sa editorial room.

"O, ate May easy ka lang. Okay na 'yung layout. Nadala ko na sa printing house. Sigurado nang may dyaryo tayo sa lunes." Nakangiti si Aiza habang nagsasalita.

"Haay, mabuti naman. Maraming salamat, Aizan."

"Wala 'yun, ate May. Trabaho natin 'yun, eh. Kaya kailangang gawin ang lahat para matiyak nating everything is under control. Takot lang naming lahat sa'yo kung hindi tayo aabot sa deadline."

Napangiti si Maymay. "Masungit ba ako?" seryosong tanong niya.

"Ate Maymay, alam mong napakamasayahin mong tao. Lahat kami rito napapatawa mo. Pero alam rin namin kung gaano ka kaseryoso sa trabaho, sa mga responsibilidad mo. At hinahangaan ka namin do'n. Idol ka namin, ate May. Kahit minsan nasusungitan mo kami, alam namin na ginagawa mo 'yun para maging maganda ang trabaho nating lahat. At saka, nagsusungit ka lang naman 'pag malapit na ang deadline. Other than that, wala kaming puwedeng masabing hindi maganda sa'yo," mahabang paliwanag ni Aizan.

"Totoo?" paniniguro ng dalaga.

"Oo naman. Kahit tanungin mo pa lahat ng staff."

"Sige na nga. Naniniwala na ako."

"Ate May, aalis muna ako ha? May klase ako. Ikaw na lang muna rito."

"Okay, walang problema."

"Good morning, everybody!" Biglang iniluwa ng pinto si Kisses.

"Kung maka-everybody ka, parang andami namin. Dalawa lang kami rito. Paalis na nga si Aizan. Mabuti dumaan ka, para may kasama ako," nakangiting sabi ni Maymay. "Sabay na lang tayong pumasok mamaya."

"Sige, sasamahan kita rito pero sasamahan mo muna ako sa student council office bago tayo pumunta sa classroom."

"Bakit? Anong gagawin mo roon?"

"Isa-submit ko kasi itong application form para sa pageant."

"Ahh," tumango-tango si Maymay. "Sige, 'yun lang pala, eh."

"Ate Maymay, mauuna na muna ako," paalam ni Aizan. "Kisses..." Nilingon nito ang dalaga.

"Babalik ka pa ba mamaya?" tanong ni Maymay.

"Titingnan ko, ate May. Pero 'di ko sigurado, ha?"

"Sige. Ila-lock ko na lang itong room 'pag start na ng klase namin ni Kisses. May mga susi naman lahat ng staff."

"Okay. Aalis na ako, bye!" Lumabas na ng room si Aizan.

Naiwan sa editorial room sina Kisses at Maymay. Wala namang ginawa ang dalawa kundi magkuwentuhan lang.

"Mag-snack kaya muna tayo," sabi ni Kisses.

"Sige, pero daan na muna tayo sa student council office para diretso na tayo sa room pagkatapos mag-snack," suhestiyon ni Maymay.

"Okay. Shall we go?" tanong ni Kisses.

Noon biglang may kumatok sa pinto bago ito dahan-dahang bumukas. Sumilip si Donny at pumasok sa silid.

"Hi, Maymay! Hello, Kisses. Puwede ba kitang makausap sandali? Importante lang," sabi ni Donny habang nakatingin kay Kisses.

"Tungkol saan?" tanong ni Kisses.

"Ah, e..." Lumunok muna si Donny bago itinuloy ang pagsasalita. "Puwede ka bang maging muse namin sa laban ng basketball team sa Wednesday? Nag-usap kaming buong team at nagkasundo ang lahat na ikaw ang gusto naming maging muse. Sana pumayag ka."

Nagkatinginan sina Kisses at Maymay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top