Panimula


Panimula

"Para kang tunog ng martilyo! Pokpok!"

I halted from walking and decided to turn around to face her. Taimtim akong nagdadasal sa utak ko na sana ay dalawin ako ng mga anghel para nawa'y hindi ko ito patulan.

Seems the angels were busy because I found myself holding the girl's hair.

Hindi ako nagpapigil at kaagad na hinablot ang buhok niya. Hindi siya kaagad nakaganti at hindi ko talaga siya hinayaan mahawakan ako.

Kinaladkad ko siya sabay inihiga at pinagsasampal hanggang sa siya na mismo ang nagtakip ng sarili niyang mukha.

I didn't stop until my palms are already aching. It was satisfying to see her in this state. Ilang araw na niya akong pinaparinggan at kung anu-ano ang kinakalat niya sa akin.

Hindi ko na talaga siya sana papansinin pero kahit si Mama ay dinadamay na rin niya sa mga posts niya.

"Tama na please..." umiiyak na untag niya.

I scoffed at her reaction. Seryoso ba siya? Akala ko ba away ang hanap niya? Did people really expect that I would just let them get away with it? Hindi porke't madalas ay hindi ako pumapatol ay iisipin nilang hindi ako lumalaban.

Hindi rin naman talaga maganda ang imahe ko sa karamihan. Why bother keeping a mild temper?

Para saan pa ang pagpapahaba ko ng kuko at pagtatago nito sa Prefect of Disipline? Duh?

"Ginagawan na nga kitang pabor e. Pinapantay ko lang 'yung blush on mo!"

Napatigil ako nang may humawak sa kamay ko. Agad akong lumingon sa direksyon nito.

"Ano 'yan?!" may lumapit sa'min na teacher. Agad niyang tinulungan 'yung babae na ngayon ay mukhang sinabunutan ng sampung kabayo.

Pinagpag ko ang palda ko habang unti-unting tumatayo. Rinig na rinig ko ang hagulgol niya habang ginagawa ko ito.

This is what irks me the most, ang dali lang talaga maging biktima sa mata ng karamihan. Lalo na kung may bahid na ng dungis ang ipinipintang kontrabida.

"Bakit mo ginawa ito sa kanya?" nanlilisik ang mga mata ng guro habang dinuduro ako.

Tangina. Ayoko na mag-explain. Judge me na lang.

Umirap na lang ako at hindi ako sumagot dahil nakabibingi ang pag-iyak nung babae. She was pointing at me while crying, parang batang inagawan ng candy. Nanginginig pa ang kanyang braso sa pagturo sa akin.

I did her wrong but did she even consider the fact she was the first one who fired the shots? Bakit parang ako lang ang may kasalanan?

You spew nasty accusations and you think you deserved the right to pull the victim card? Aba, hindi ba uso ang verbal abuse sa'yo?

"Ma'am bigla na lang po niya sinampal. di ko nga po alam e..." patuloy lang siya sa kanyang paghikbi habang ang mga mata'y nakatuon sa akin.

Umawang ang labi ko.

Humalukipkip ako at unti-unting bumabaon ang mga sariling kuko sa aking braso. Pinipigilan ang nararamdaman na galit.

"Sinabihan niya po ako ng pokpok. Kaya pinatikim ko lang naman sarili ko sa kanya kasi pokpok ako 'di ba? Ano masarap ba mga palad ko?" nakataas ang kilay ko kay blush on girl.

She went mum. See? She can't even defend herself! Ang lakas manghamon ng away pero wala naman palang binatbat.

The teacher looks frustrated. She inhaled some air before shouting at us.

"Go to the Prefect Of Disipline Office now! Both of you!"

"Ma'am! May klase pa po ako sa Pre Cal! Siya na lang po! TVL lang naman 'yan!"

I wanted to refute but I know it's useless. Sa mata ng karamihan, mas mahirap nga naman mag-aral ng agham, sipnayan at teknolohiya kung ito ay i-kukumpara sa pag-aaral ng pagluluto.

She thought that she won because I didn't say anything. Her lips formed a small smirk upon discovering that this might be her victory.

Ha? Asa ka.

"Bumagsak ka sana sa Pre cal mo!" I spat out and her eyes turned to slits in anger. Halos nawala ang binubuo niyang demure nang subukan niya akong kalmutin ulit. Mabuti na lamang na nasa gitna namin ang gurong pumipigil sa gulo na sinimulan niya.

"Shut up! Palibhasa'y TVL ka lang kaya di mo alam ang hirap na dinaranas namin!" She almost shriek at my face. Natatalsikan na 'yata ng laway 'yung guro na kanina pa siya hinahawakan upang hindi makalapit sa akin.

I cross my arms across my chest while pursing my lips. Is that so?

"Oo nga e TVL ako, sis. Gusto mong lutuin kita nang buhay, ha?"

When she noticed that the tables have turned, bumalik na naman siya sa pagiging santi-santita niya. She knew once a fight happens between the two of us, siya ang mas madedehado. She carries the name of her strand — which is STEM. Tinitingala ito dahil madalas nandito raw ang mahihirap na subjects.

Sobrang babaw lang naman ng dahilan bakit siya nagagalit sa akin ngayon. It is because her boyfriend kept on messaging me and viewing my stories on facebook. Hindi na nga ako nag-rereply pero bakit ako pa rin ang puntirya? Why can't she tie her dog on lease, para naman hindi tumatahol sa ibang babae?

I mean, if she hated me that much why would she bother herself on checking me out? Pwedeng-pwede niya naman ako i-block sa cellphone ng boyfriend niya. She simply doesn't care enough for herself that she bothers checking other people than her own.

The teacher was soughing heavily while looking at the both of us. Hindi alam kung paano ito mareresolba. I could give her a hint— just let the both of us fight. Kapagod na mag-explain sa taong sarado ang utak.

"Sige, you can go back to your class." Bumuntong hininga 'yung teacher.

I groaned, I was anticipating a fight.

Pinunasan agad nung babae ang mga luha niya. Bumaling sa akin ang teacher. A worried look plastered on her face.

"Sumunod kayo sa akin sa clinic. Ayoko na aabot pa kayo sa POD. Mabuti na lang at ako lang ang nakakita."

Hindi ko siya teacher sa kahit anong asignatura kaya hindi ko siya kilala. Pero mukhang kilala niya si blush on girl dahil hindi naman niya ito palalampasin kung pareho kaming hindi naman niya estudyante.

"Ma'am kailangan ko po kasi talagang bumalik," sabi ni blush on girl.

"Sige pero pagkatapos ay pumunta ka sa clinic, ha?" bahid ang pagaalala sa tono ng guro.

Nagkibit balikat ako at sumunod na sa guro papunta sa building na pupuntahan niya. It was the main building. Nandito kasi ang clinic.

"Hija, bakit mo naman kasi pinatulan? Dapat hindi ka maging taklesa, matanda ka na." Pangangaral sa akin nung guro.

I almost rolled my eyes.

Nice, this is like shifting the blame to me. When in fact, I tried my best to understand the girl's immaturity. Siya lang talaga 'tong bigla akong sinugod na para bang totoo na agad ang mga paratang niya.

"Hindi po nahirapan ang mama ko umire para masabihan lang po ako ng pokpok ng isang taong walang parte sa buhay ko," sagot ko naman sa kanya.

Bumuntong hininga na naman siya nang malalim. Alam niya sigurong walang kahahantungan ang pangangaral sa akin.

A guy who looked neat went to our direction. His manly scent invaded my nostrils, I licked my lips because of it. Ngumiti siya sa guro kaya naman nanatili sa kanya ang mga mata ko.

Plantsado at halatang sa isang laundry shop pinalabhan ang damit niya. Alam ko dahil ako mismo ang labandera sa bahay kaya imposibleng maging ganyan kalinis ang isang damit gamit lamang ng mga kamay.

Nanatili ang aking mga mata sa kanyang mukha. He looked like an angel. Matangos na ilong, perpektong hugis ng panga, mga mata na mapupungay at isang ngiting anghel ang ginawad niya sa'min.

He gave a curt bow upon noticing that we were headed in his way. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang kausap siya ng teacher na nasa tabi ko.

Honestly, hindi ko alam kung bakit naaagaw niya ang atensyon ko. Fine, he is goodlooking but UJD have a lot of boys who are also sons of Adonis. Mga magagandang nilalang din naman ang ibang lalaki sa school na ito.

"Adren, anak. Pasuyo naman na samahan mo siya sa clinic. Tingnan mo kung may galos ba o wala," bilin nung guro at agad na nagbigay sa akin ng signal na sumunod kay Adren.

Tumingin sa akin si Adren at nagbigay ng tipid na ngiti. Umirap ako sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala.

Pero sa loob ko ay halos tumakbo na ang puso ko papalayo sa kanya. I was clearly attracted to his clean appearance. Iba talaga ang hatak sa akin ng mga lalaki na may pakialam sa itsura nila. But...

Hindi ako nadadaan sa kagwapuhan lang 'no. Di ko naman makakain 'yan. Makakain siguro pero sa ibang paraan at hindi pa ako handa sa ganun. Bata pa po ako, I'm innocence. Charot.

Bumalik ako sa reyalidad nang tumugon siya sa guro.

"Sige po, Ma'am." He answered politely, not even sparing me a glance.

Iniwan na ako nung guro kasama 'yung lalaki na medyo gwapo. Hindi pala medyo, gwapo talaga siya. Pero hindi ako natitinag dahil maganda ako. Mangingisay siguro ako ngayon kung marupok ako sa gwapo pero hindi e.

Tahimik naming nilakad ang hallway na papunta sa clinic. Iniiwasan ko na tumingin sa direksyon niya, ayokong isipin niya na baka may interes ako sa kanya.

Kagagaling ko lang sa away, ayoko naman na may maging kaaway ulit sakaling may girlfriend ito.

Dumating kami sa clinic at may isang nurse na bantay. Si Adren 'yung kumausap sa nurse at lumapit siya sa akin. I sat on the couch as I wait for him to finish talking with the nurse. Kahit ang madalas na masungit na nurse ay nagagawa siyang ngitian. He had that effect, he looked friendly and chill.

Binalikan niya ako habang may hawak na papel sa kanyang kamay. He looked at me and I almost gulped because I could see his features clearly now.

"Pangalan mo?" tanong niya kaya naman agad akong nagtaas ng kilay.

Lumalabas ang tunay na kulay ha. Malandi rin pala ang isang ito.

"Bakit mo tinatanong? Hindi ako interesado sa'yo."

I almost flipped my hair out. Hindi mapigilan ang nabubuong ngiti sa aking mukha. Hindi pa ako interesado sa kanya pero interesado na siya sa akin. Ang hirap talaga maging maganda.

Napaawang ang bibig niya bago siya tumawa nang mahina.

"Ilalagay ko lang sana sa form kasi kailangan nila sa clinic," mahinahon niyang sabi habang pinapakita ang form.

A faint flush tinged on my cheeks. Inayos ko ang buhok ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Okay. Medyo pahiya tayo. Bawi na lang sa susunod.

"Arrisea Cabrera. Huwag mo ako ia-add sa Facebook."

I flipped the small bangs that blocks my view. Kunyari ay walang pakialam pero hinihintay ko lang na bumanat siya. Mukha naman 'yatang wala itong girlfriend. Sana.

"Okay," a sudden smile appeared on his lips. "Strand mo?"

I scoffed at his question. Ang daming tanong! Hindi na lang sabihin kung gusto niya ako e.

"Registrar ka ba? Interview ba 'to? Bakit ang daming tanong?"

"Para po sa form." Pinakita niya ulit 'yung papel.

Nag-init ang aking mga pisngi sa kahihiyan. Of course, may mga tanong para sa clinic. Dapat ko na itigil ang pagkakaroon ko ng mga ideya na hindi maganda. Ako lang ang napapahiya e.

"Ako na magsasagot—" Kukunin ko dapat 'yung form sa kanya kaso hinawakan niya ako sa kamay.

His mere touch made my insides tingle. Agad kong binawi ang kamay ko, I was perplexed with the way his touch made me reacted.

Pinakita niya sa akin 'yung palad ko, namumula ito at halatang namamaga.

"You'll get hurt. It's the least that I can do," Ngumiti na naman siya.

Palagi siyang nakangiti. Magmula kanina hanggang ngayon. Hindi ba napapagod 'yung labi niya?

I decided to use a more friendly tone. Mukhang hindi naman siya tulad ng iba at halos matino naman ang paguusap namin.

"Salamat. TVL ako, sa cookery. Ano pa bang tanong diyan?" I tried to make my voice to sound as girly as possible. Inaasar kasi ako na magandang babae pero pang-maton na lalaki ang boses. Yet, my voice sometimes turns seductive even if I don't want to.

Sinabi niya 'yung mga tanong at sinagot ko naman. Binigay niya ito sa nurse at binigyan ako ng cold compress.

"Himala, hindi efficascent oil." Manghang sabi ko. Si Adren 'yung naglagay cold compress sa mga palad ko.

"To reduce the swelling," maikling paliwanag ni Adren. "Please do tell me if it hurts. I'll try to be gentle as possible."

"Di mo ba tatanungin kung bakit ko siya sinampal?"

Alam ko naman na may mga tao na iba na kaagad ang tingin sa'yo base pa lang sa ginawa mo. Of course, I'll expect the same thing from him. Madali lang naman talaga maging bulag at humusga.

"I think you have your reasons and it's also none of my business," mahinang sagot niya.

Hindi siya nag-angat ng tingin at patuloy lang sa paglapat ng cold compress sa mga palad ko. Unti-unti niya lamang pinapadapo ang malamig na yelo sa aking palad. The ice was melting away the pain. His hands felt cold too.

"Pwede mo na pala ako i-add sa facebook." Ngumisi ako sa kanya. Pwede na 'tong gawing fling.

He's goodlooking and probably easy to tame. Hindi na rin masama kung magiging fling ko ito. Nothing serious, pampakilig lang.

"Not interested," he smiled at me. Hindi ko alam kung sarcastic o ano.

Humilig ako sa pader, hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.

"Sure ka? Wala pang lalaking hindi nahuhumaling sa akin." I decided to act more aggressive, making my face only inches away from him.

He had soft features but a structured face. Mahahabang pilikmata at mapulang labi. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya.

Somehow, he looks angelic. Ang itim niyang buhok ay kinokontra ang kutis niyang tila hindi nasisinagan ng araw.

He's my type. Medyo delikado ang mukha niya dahil alam kong marami rin ang nahuhumaling sa mga ganitong klaseng mukha.

The type that has angelic aura. Parang walang magagawang mali. I had my fair share of troublesome boys, baka ito na ang sign ng bagong buhay ko? I should settle with boys like this one.

My mind immediately went back to reality when I notice his sudden movement.

Naramdaman ko na gumapang 'yung isang kamay niya sa palad ko. Medyo nakaramdam ako ng boltahe dahil dito.

Nakakakuryente. The way his lingering stare invades my mind is simply astonishing. The mere touch of his on my skin creates a sensation that I haven't experience before.

Umawang ang labi ko at agad na sumilay ang isang mapaglarong ngiti.

His eyes flickered when he saw my reaction.

"I'm sorry, but I don't do dating." He sounded apologetic but I can notice the hidden smirk beneath his words.

This only made my smile widened. Confirm! Malandi nga rin ang isang ito! Kaunting kembot lang siguro at kinabukasan ay naka-relationship status na kaming dalawa.

"Really?" I playfully put my hands on his lap. In my past experiences, I know how to make them engage with the thought of me. Alam ko kung paano ako mananatili sa kanilang isipan.

Tinanggal niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng kanyang hita. His smile was still on his face, yet it looks like it was taunting me.

Like what I did is not enough.

Maginoo pero medyo bastos.

"Game? Ano?" nakaramdam ako ng thrill. Gusto ko talaga itong landiin!

Umiling-iling siya sa akin. His angelic face makes me want to grab him and kiss him already. Geez, bakit ba pinapatagal pa kasi? I can't but pluckered my lips in annoyance.

"You're not my type, sorry." Ngumiti siya nang mapangasar kaya naman napanguso ako.

I'm not your type yet. I wanted to correct him because I'm sure he'll be head over heels for me.

"Five thousand kapag nagkandarapa ka sa akin? Ano?" hamon ko sa kanya.

It was just supposed to bait him into accepting my offer. Hindi naman ako seryoso o kung ano man. I just like betting money on it, para naman hindi ako maging talo. Iba kasi ang usapan kapag may pera na nakataya.

His brows knitted before letting out a small laugh. He cast me a meaningful glance before he pressed his lips together.

"You really don't know me," tumayo na siya at pinunasan ang kamay niya gamit ng panyo.

"Hm? Paano mo naman nasabi?" I rested my chin on the back of my palms, not really feeling any pain from the slaps I gave to the girl before.

"Money isn't an issue. I think your losses will be more than any monetary value." He snorted before standing up and leaving the cold compress on my palms. Nagpaalam pa siya sa nurse bago tuluyang umalis ng clinic.

Naiwan ako roon na nakaawang ang bibig at may mga bulanteng binudburan ng asin sa bituka.

Kahit wala na siya dahil lumabas na siya ng clinic ay ramdam ko pa rin ang presensya niya. I leaned towards the wall and bit my lip to supress the overflowing joy I feel.

"Magiging akin ka rin, Adren. At sisingilin talaga kita ng 5k." Ngumisi ako sa sarili ko hanggang sa may napagtantuan ako.

My smirk disappeared, leaving me with only traces of regrets. Paano ba naman kasi, may nakalimutan akong itanong. I secretly punched the cotton chair as I silently screamed in frustration.

Anong strand no'n?!

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top