Chapter 4: Ordinary
Sixty years ago, Hidden Sparks was known as the famous Wrecked Land. Dati itong bayan na ginawang warzone. Occupied ang maliit na parte ng population ng mga taong may special abilities. Some got their powers inborn, some were developed genetically while growing up, some were medically modified, and some came from different parts of the cosmos at galing sa dying clans (basically, last of their bloodlines).
Isa ako sa napunta sa Wrecked Land more than half a century ago using a portal para makatakas. Sinakop ang lugar namin ng hindi ko na matandaang species and I ended up joining Wrecked Land Special Forces. Lumalaban kami sa giyera using our powers. Countries versus countries. Destruction was the World War's primary intention.
Back in our super soldier days, nasa different division talaga kami ni Izan. Parte siya ng combat aviation brigade, nasa special forces naman ako. Pero hindi mo na rin masasabi kung sino-sino ang makakasama mo sa giyera kung pare-pareho lang din naman kayong lumalaban sa field.
Same year, sixty years ago, tatlong katok ang dahilan ng pagtingin namin sa pintuan ng opisina ni Commander Williams.
Busy noon ang squad sa pagre-report ng casualty at halos wala na kaming pakialam sa iba pa. We were in the middle of the war. We didn't care about anything or anyone that much aside from winning the battle.
"Sir, Sergeant 11 reports to make a statement."
If there was a man in the field na napapatanong ako sa sarili ko kung bakit buhay pa rin at naroon, malamang na si Sergeant 11 na iyon. Hindi naman talaga siya mukhang lampa, pero may ugali at kilos kasi siyang mapapatanong ang kahit na sino kung tatagal ba talaga siya sa giyera.
Malaki ang katawan niya gaya ng ibang sundalo, but he was the softy guy in the middle of the muscled men. Ang soft ng facial features niya at mukha pa siyang nagbe-baby powder at towel sa likod kapag lumalabas. Hindi rin siya mukhang matalino at palagi pang nakangiti na para bang ang saya-sayang lumaban sa giyera. Annoying siya in a sense na iniinsulto niya kaming lahat na humaharap sa mga kalaban at pumapatay nang walang pag-aalinlangan.
"Sir, Sergeant 11 reports to make a statement."
"Siya na naman?"
"Buhay pa pala 'yan."
But all those impressions changed noong napapadalas na siya lang ang nagre-report sa mga nasasamahan niyang team na nangamatay na lang lahat at naiiwan siyang buhay palagi.
"Hey, soldier."
Natatandaan ko pa kung paano niya ako nginitian noong nilapitan ko siya habang naglilinis siya ng combat boots. We had our own group, and he was there under a dying tree, alone and enjoying his solitude.
"Good day, ma'am!"
"What's your name?"
"Sergeant 11, ma'am."
"Real name?"
"Carmelo. Izan Carmelo, ma'am."
Doon ko unang nakilala si Izan and his war invincibility. He wasn't the sharpest tool in the shed and he always ended up in trouble, but he always managed to survive even if everyone in his team was already dead or on the verge of dying.
He was known as Senior Airman Carmelo sa aviation pero napag-alaman ng mga chief at commander na hindi rin pala siya normal na tao gaya ng ibang sundalo kaya inilipat siya sa division namin. Since we were composed of different species, we were formed into a group of super soldiers at wala na kaming ginagamit na pangalan maliban sa numero.
Naisip ko noon, convenient nga naman na numbers lang ang pangalan namin para mabilis kaming ma-identify.
But as we went along with those tags, I've realized na para sa mga tao, iyon lang kami. We were just numbers. And if we died, we died as a number, not as a human.
Countless deaths all over the world. We needed to lessen the casualties and ended up adding the figures because we were also trained to kill. You couldn't just file a petition not to annihilate each other and promote democracy while the oppressors had a different opinion about death and superiority. And after the treaties existed, nag-retire na kaming lahat. We achieved the accord we longed for. The world became peaceful as how it ought to be.
But that was sixty years ago. We were those super soldiers way back then. Pero ngayon?
Peace was never an option after all, and that was the reason why I became a city villainess.
The government needed to instill that fear of uncertainty and death sa mga tao para ma-manipulate nila ang lahat. Kapag pakiramdam ng tao, hindi na siya ligtas, maghahanap at maghahanap siya ng tagapagligtas.
Hindi madali ang transition kasi galing ako sa phase kung saan ginamit ako—kami—para magligtas ng buhay ng nakararami. At si Mystic ang sinisisi ng mga tao ngayon kung bakit hindi "peaceful" ang Hidden Sparks habang nagpapasalamat sila kay Mister Beckman na tagapagligtas ng buong siyudad.
Ironically, kahit existing si Mystic, hindi pa rin nagbabago ang opinyon ng mga investor na mag-invest dito sa city. Ewan ko na lang ngayon since on hold ang status ni Mister Beckman.
After the war, isa na lang kaming mga buhay na alaala ng masamang kahapon. At ngayon, wala na kaming ibang saysay kundi maging city attraction para sa mga business investor.
Wala nang ibang saysay ang kapangyarihan namin kundi for entertainment na lang.
Madaling mag-transform para sa akin. Kung tutuusin, kahit hindi na ako bumili ng damit, ayos lang. Unfortunately, nasa panahon na kami ngayon na hindi mahalaga kung kaya naming maging pusa at tao any time. Pinaiikot ang city (at ang mundo) ng pera. At kung hindi money-making machine ang pagiging pusa mo bilang special powers, useless ka pa rin. Nakalulungkot lang na isa ako sa nangangailangan ng pera gaya ng ibang nakatira sa siyudad kaya kailangan kong magtrabaho sa paraang alam ko. Pero mas nalulungkot ako for Izan kasi siya naman talaga ang apektado rito kahit pa makapangyarihan din siyang nilalang.
Nine in the morning ang scheduled meeting ni Izan sa head ng city council a.k.a. Vinnie, at nakuha ko pang maghintay sa katapat na food cart sa kanto ng Ember Street para hintayin siya. May ibang padaan-daan sa street na umuulan ng tuyong dahon mula sa katabi ko ring puno at wala pa namang nauupo sa tabi ng wooden bench kung saan ako nakatambay.
Madalas kaming magkita ni Mister Beckman sa bawat mission na ako ang kalaban niya, pero gaya ng sinabi ng vice mayor, mababakante na ako. Logically speaking, mababakante rin siya. Iniisip ko na agad ang budget niya para sa mga susunod na araw.
Ang rate ng service ko bilang city villain ay nasa 5,000 dollars. At dahil taxable income iyon since I was a part-time employee (na under the table nga lang ang transaction at labeled pa as a freelancer), mas mababa pa ang net pay ko kasi twenty percent ang deduction sa salary ko bilang kalaban ng bayan.
Imagine the idea na pati kalaban ng bayan, biktima rin ng tax. Ang tanga pakinggan, sa totoo lang. Pero sure naman akong hindi biktima ng taxable income si Izan since kapag mas mababa sa 750 dollars ang monthly salary (9,000 dollars for an annual income, arithmetically speaking), exempted ang mga empleyado sa kaltas.
Pero kahit pa. Mas mababa pa sa porsyento ng tax ko ang income ni Izan bilang city hero. Dalawang mission ko lang bilang Mystic ang annual income niya as a city hero, kulang pa nga ang accumulated income niya sa isang buwan ko lang. Underpaid na underpaid siya samantalang hindi naman siya inaasikaso nang maayos ng city council.
Isang oras na akong tambay sa Ember, nakatatlong vanilla ice cream na ako at ayoko nang magdagdag ng choco waffle kasi sisinukin na ako maya-maya kapag itinuloy ko pa ang pagkain ng may cocoa. Almost ten in the morning na siya nakalabas ng city hall, at mula sa malayo, kitang-kita ko ang disappointment sa mukha niya habang pinapagpag sa palad ang isang piraso ng papel.
Nasa kalahati pa lang siya ng kalsada nang makita ako sa ilalim ng puno katabi ng food cart. Tinakbo na niya ang pedestrian lane sa kalagitnaan ng tirik na araw.
"News?" tanong ko agad. Inalok ko sa kanya ang hawak kong bote ng mineral water na nabawasan na nang kaunti.
"Mababakante raw muna ako. Pero saglit lang naman daw."
It looked like Vinnie said the same thing to him. Good. Akala ko, makaririnig ako ng panibagong kasinungalingan today.
Kinuha niya ang inalok kong tubig bago umupo sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang ayos ni Izan habang umiinom siya. Hindi na siya mukhang Mister Beckman. I could see us from afar looking slightly so ordinary like the other people here in the mid-city. Ako na naka-tank top at shorts lang. Siya na naka-black tee at jeans. Hindi kami mukhang hero and villain, hindi rin mukhang mga alien. Normal.
"May insurance o kaya personal loan bang ibinigay sa 'yo?" tanong ko habang nakatanaw sa malayo. "I mean, dapat sasaluhin ka nila. Mawawalan ka ng source of income, e." Sinulyapan ko siya para sa sagot pero nakayuko lang siya habang nakatingin sa boteng hawak.
"Binigyan ako ng voucher." Itinaas niya ang hawak. "Puwede ko raw 'tong magamit sa government branches, healthcare institutions, o kaya sa public market na operated ng city hall. Susubukan daw nilang magbigay ng opportunity. Sa ngayon, maghintay na lang daw ng tawag."
"So, maghihintay ka hanggang tawagan ka ng council?"
"May choice ba 'ko?" sagot niya pagsulyap sa akin.
"Poor you."
We both heaved a deep sigh and stared at the grand city hall.
Our normal days were not as normal as today since mababawasan ang source of income namin. Pero mukhang wala kaming choice kundi maghintay sa decision ng city council kung kailan kami babalik sa trabaho namin—bilang city hero at city villain.
"Siguro okay na rin 'to kaysa bayaran ka nila ng 500 dollars," sabi ko na lang habang nakatanaw sa second floor ng city hall. "Vinnie is not the best person to deal with when it comes to finance. Lugi ka."
"You said baka may kakilala kang puwedeng mag-part-time ako."
Nilingon ko siya. Naalala ko si Juliana kasi kailangan daw yata ng trabaho sa warehouse. "Gusto mong dumaan sa Marlet?"
***
The city of Hidden Sparks was peaceful, as it should be. Kaya nga minsan mapapatanong ka na lang kung kailangan ba talaga nito ng city hero kung payapa naman ito.
Pero gaya nga ng sabi ng city council, kakailanganin ng city hero kung may city villain. Crucial din naman ang role ko as the villainess of this land kasi isa ako sa humahatak ng investors dito kung tutuusin.
Kapag natatalo ako ni Mister Beckman, mas naa-appreciate ng investors ang effort ng city council to prevent the city's possible destruction. Walang gaya namin sa ibang city ng East Wellington Region. Ginagawang tourist attraction si Mister Beckman. As if utang na loob ng lahat sa gobyerno ang pagliligtas sa siyudad sa bawat pag-atake ko.
Kung sa bagay, barya lang ang 5,000 dollars na sahod sa milyones na pinapasok ng investors sa Hidden Sparks dahil sa amin ni Mister Beckman.
Limang kanto ang layo ng Marlet Avenue sa Guillen's. Isa ito sa business area ng Hidden Sparks na sobrang pinaglaanan ng budget ng mga investor dahil na rin kay Mister Beckman. Naroon sa hilera ng factories ang warehouse kung saan si Juliana ang manager. Doon ang bagsakan ng raw materials at items na ginagamit sa mga food stall sa Hidden Sparks. Paper plates, paper cups, plastic spoons and forks, table napkins, halos lahat ng related sa food industry na makikita sa streets at fast food joints, sa kanila ang imbakan.
"Hi, Chillie!"
"Jules!"
She ran so fast and ended up stumbling down in front of me. Nasalo ko naman agad siya kahit ang dala niyang clipboard bago pa magtagpo ang mukha niya at ang sementadong sahig.
"Chill!" Kung kumilos siya, parang wala lang. Niyakap niya agad ako nang mahigpit habang paugoy-ugoy kami sa puwesto.
Juliana is a jolly person, sobra. Her brown curls were all over my face while she was hugging me. Halos manguya ko na nga. Naka-pink polo rin siya na uniform ng HGI. Siya ang humahawak ng inventory tuwing Saturday kaya hindi na ako nagulat na narito siya sa ibaba. Kadalasan kasi, nasa kuwarto lang siya sa second floor at nanonood ng movies habang gumagawa ng reports.
Nasa labas ang dalawang truck ng Hidden Gems Inc. Ibinababa ng mga pahinante ang kahon-kahong materyales na ibinabagsak naman ng HGI sa iba't ibang establishment sa buong Hidden Sparks.
"Grabe, girl, bad news ang gumising sa 'kin today!" sabi agad niya na para bang urgent na urgent ang balita for me to hear. "Affected ang lahat ng recession. Probably mag-cut kami ng tao rito sa warehouse."
"Oh." Okay, I was . . . dumbfounded. Izan and I went here to ask for a job opening, and that sounded like a piece of bad news to us as well.
Tinangay ako ni Juliana papalabas ng warehouse at hinatak ko na lang si Izan para sumunod sa amin.
Sumaglit kami sa gilid, sa kanto ng warehouse na katabi ng mga punong may lilim kung saan hindi kami maaabutan ng araw na masakit sa balat.
Nagpaypay agad ng mukha si Juliana habang pasilip-silip sa paligid. Mukha siyang hindi mapakali. I felt off about the whole concept of us hiding from someone or something, I guess.
"Uhm, kasama mo ba siya?" tanong niya habang itinuturo si Izan sa likod ko.
"Well . . . yeah." I nodded.
Nagduda agad ang tingin sa akin ni Juliana. At ayoko ng meaning ng titig niya.
"Girl . . ."
"He's an old friend," I said.
"Uh-hunh." Juliana's eyes didn't look like she was accepting my answer. "A guy friend?"
"Anyway, bakit tayo nagtatago rito sa sulok ng warehouse?" tanong ko na lang bago pa mapunta sa kung saan ang topic.
"Puwede siyang lumayo kahit kaunti lang?" tanong ni Juliana habang nakangiwi kay Izan.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nilingon ko si Izan saka siya matipid na nginitian. "Isipin mo na lang na wala kang naririnig."
Izan just shook his head and walked a little too far away from us. I sighed out of frustration because, knowing him, he could hear us kahit pa isang buong block ang layo niya sa amin.
"Okay, puwede na 'yan," sabi agad ni Juliana, as if namang puwede na talaga ang puwede niya.
"What's happening aside sa victim tayong lahat ng recession?" tanong ko agad habang nakakrus ang mga braso.
"Puwedeng magamit ang rooftop mo?"
"Rooftop . . ." Ako naman ang pinaningkitan siya ng mata. "Because?"
"May mga ibinagsak kasing kargamento sa warehouse na hindi puwedeng ma-check ng customs. Galing 'to sa Broallia na delivered last, last week pa at hindi pa napi-pick up ng dapat na kukuha. Nagsabi na ang city council na magwi-weekly check sila ng mga warehouse sa buong Hidden Sparks simula sa Monday at wala akong ibang mapagtataguan."
My breathing went heavy upon hearing that. I believe I have an idea about the cargo Juliana mentioned.
"Please tell me, this is not the illegal cargo from Buonapati, Jules."
She cringed and I had my answer written all over her face. It is.
"Jules, alam mo ba kung ano ang pinapasok mo?"
"Chill, si Boss ang pumayag dito. Alam mo namang inventory lang ang hawak ko at kaunting accounting, 'di ba?"
"But those cargos are not supposed to be in Hidden Sparks. Dapat nasa Stroker na 'yon last week pa."
Ang bigat ng buga niya ng hangin at nagpaypay na naman ng mukha gamit ang clipboard bago tumanaw sa malayo.
Hindi naman sa delikado ang mga cargo sa Bounapati, pero may mga laman kasi iyong mga item na enough para buhayin ang ekonomiya ng buong siyudad at iligtas kaming lahat sa nakabubuwisit na recession na ito.
Alam ko ba ang laman ng mga cargo? Yes. I stole it from Buonapati a few weeks ago and delivered it to some guy downtown, and they resold it again to another merchant from Broallia, and resold it again sa ibang city, sa may Stroker Boulevard specifically.
It was a paid job. Vinnie paid me to steal the items pero hindi recorded ang trabaho sa city council auditing department. At kapag nakita ng city council na hawak nina Juliana ang cargo, buburahin talaga ni Vinnie ang existence ng kaibigan ko sa balat ng lupa.
Hindi ko puwedeng patagalin ang cargo sa warehouse kasi talagang ha-hunting-in ni Vinnie si Juliana. As much as possible, ilalayo ko na ang mga cargo sa HGI bago pa makita ng customs.
Hindi ko naman kailangan ng trabaho pero kailangan ni Izan ng part-time job. This was a good source of frustration, by the way. Lalo pa't alam kong naririnig niya kami kung saan man siya nakapuwesto ngayon.
"All right, Jules, I can help."
She gasped, and I could see sparkles in her eyes upon hearing my words. "Really?"
"But this is a paid job. Alam mo namang hindi pa open for occupancy ang Guillen's Rooftop, right?"
"Sure! How much do you need?"
I turned my head to Izan and gave him a smirk. I hid my laughter when he put his palm on his face out of second-hand frustration.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top