Chapter 3: War Veterans

I used to be a heroine. The moment I landed in this part of the universe, I thought saving it from evil would be one of my greatest missions in life. Imagine na galing ka sa isang lugar na winasak ng ibang nilalang, and all you wanted was a peaceful life and a new beginning in a harmonious land. Pagkatapos bigla kang pinasabak sa isa pang giyera.

Hindi madaling maging mabuti, especially if you were surrounded by people with bad intentions.

After my retirement as a war veteran, Hidden Sparks became the place I badly wanted to protect. Narito ang buhay ko, ang mga taong masaya akong makasama, ang mga taong ipaglalaban ko talaga nang patayan kung kinakailangan. But the unlucky part of my city life was the truth that we were governed by evil ones wearing the mask of a good and humble servant. And I couldn't be a heroine when the main requirement of being one was to be a government's underdog.

Si Izan lang naman itong tangang pumayag maging ganoon.

We are powerful beings. We are gods. We are immortals. We are invincible. At ang ikinaiinis ko ay ang laging katwiran ni Izan na "Hindi kasi papayag ang city council na gumamit ako ng powers, Chillie."

Bullshit.

As if he hasn't had the ability to wipe the whole Hidden Sparks in just a snap.

I knew that sounded so evil, but threat is a must-have kung nakikipag-deal kami sa mga halimaw ng gobyerno.

I had a peaceful sleep last night kaya hindi rin joke ang sinabi ko kay Izan na aagahan ko ang pagpunta sa city council. The city hall was located in the middle of the city at tanghali na para sa mga taga-Hidden Sparks ang alas-otso ng umaga.

Ang daming tao sa kalsada na papasok sa office, karamihan ay mga naka-formal attire. Nasa gitna rin ang city hall ng kabi-kabilaan at nagtataasang mga building kaya normal na ang view na wala pang alas-siyete ng umaga ay busy na ang kalsada.

May recession pero hindi mukhang nagkaka-recession sa mid-city. Kung tutuusin nga, hindi ko masasabing may recession dahil maganda ang ekonomiya ng Hidden Sparks kung ang pagbabasehan ko ay ang activity sa paligid at hindi ang figures na nasa news. Iniisip ko pa lang na may kinalaman ito sa darating na eleksyon, napapairap na agad ako.

Of course, the government would control the economy para kapag nagbigay sila ng opportunities sa mga tao, iisipin ng mga taga-city na utang na loob nila ang lahat sa mga politiko. Hero Syndrome is really a headache for me. Para kasing tanga, especially dahil alam ko kung ano talaga ang nangyayari.

The front of the city hall was a fully-occupied parking lot. Expensive cars on the left and bikes were neatly locked on the far right end. Baroque ang original architecture ng building pero mukhang ipababago ng mayor bago pa siya bumaba sa puwesto sa susunod na tatlong buwan. Although, maganda ring ipabago kasi nakalulula naman talaga ang qualities ng structure ng city hall. Para akong pumasok sa malaking simbahan na puro naman mga demonyo ang nasa loob.

The front desk was a folder-populated, elliptical wooden table at naabutan ko roon si Amelia na busy sa desktop niya.

"Good morning, Mystic," she greeted in her usual soprano voice. "Second floor."

"Thanks."

Every time na may meeting sa city council, hindi ako pumupunta as Chillie. I needed to be in my villainess mode kasi haharangin ako sa front desk kapag ordinaryong citizen lang ako. And Chillie is way far different from Mystic.

The red cape added an accent to my whole figure aside from my body-fit, spandex-like uniform. My hair became fiery red every time I transformed, and so were my eyes and lips. Red is a hero color pero wala akong pakialam. I love red. May black belt akong suot na may letter M sa buckle. And my face looked like I was ready to slap some stupid ass in front of me at nagre-reflect ang itsura ko sa glass chandelier and glass doors sa hallway.

Nasa second floor ang office ng vice mayor, and using the elevator was not so Mystic that was why flying in front of the city hall employees was not a surprising view for everyone.

I loved the sound of my heels clicking on the tiled floor bago pa ako makalapit sa office ni Vinnie, the vice mayor. I loved the sound of power and superiority I was producing in this cursed building. Ito ang mga villain-meets-the-enemy moments na lagi kong ina-anticipate every time I visit the city council.

I don't do knocking, so I opened the door and found the man in his mid-forties, sitting on his cushioned swivel chair and doing some paperwork.

"You can knock, Mystic," he said, less than a greeting and more than a sarcastic remark. "You're supposedly my 1 p.m."

"Busy ako ng 1." Umupo na agad ako sa visitor's seat sa harapan ng office table niya saka nag-de-kuwatro. "News?"

Wala yata siyang balak tantanan ang trabaho niya. Ni hindi man lang ako sinulyapan. "Sigurado naman akong nakaabot na sa 'yo ang tungkol sa recession," sabi niya bago kumuha ng panibagong folder sa mesa.

"Unfortunately."

"Alam kong may agreement ang former administration sa 'yo pero magkakaroon ng amendment at nilalakad na 'yon mula pa kahapon."

I cringed upon hearing that. Mukhang ipararamdam nga nila sa akin ang problema ng ekonomiya ngayon.

"So what's the 'bad' news?" I asked, keeping an eye on his serious, busy face. I noticed his thin golden-framed eyeglasses. Alam ko, mahilig siya sa thick black frames. Naninibago ako sa itsura niya, nagmukha siyang sexy daddy.

"Hindi muna kami magbibigay ng project kay Mystic. Sandaling panahon lang naman habang inaasikaso ang pagbaba ng mayor sa position niya."

"And what about you?"

At last, his eyes—a victim of mild astigmatism—landed on mine. "Alam mong alam ko ang ginagawa ko, hindi ba?"

I rolled my eyes at that fact. Vinnie is a hell-raised demon. Well, not literally. Masama lang talaga ang ugali niya. Siya ang perfect definition ko ng tao pero halimaw. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya pero alam na alam niya kung paano kokontrolin ang lahat. And I was a part of that truth.

Napabuntonghininga na lang ako habang napapaisip sa nangyayari ngayon.

"Gaano katagal mababakante si Mystic?" tanong ko agad.

"Hangga't hindi pa dumarating ang eleksyon. Ang daming adjustments. Bumaba ang stock market. Nag-withdraw ang ibang investors."

"What about Mister Beckman?"

"Kakausapin ko siya later."

"Mawawalan na rin ba siya ng trabaho?"

"Is that even your business?"

"He is my business as Mystic. Siya lang naman ang nakakapigil sa 'kin dito sa city."

"Pero mababakante ka gaya ng sinabi ko."

"Then, mababakante rin siya habang bakante ako."

I was expecting for an answer pero nginitian lang ako ni Vinnie. Personally, wala akong pakialam kung mabakante ako as a part-time city villainess dahil hindi iyon malaking bagay sa buhay ko, pero sigurado akong malaking bagay iyon for Izan.

"My rate is ten times higher than him. Wala na rin siya sa Finnigan's. You can't just leave him without any pay," I informed, telling the "head" of the city council about the social and financial status of their so-called hero.

"I'm sure makakahanap naman agad siya ng trabaho, Mystic. He's Mister Beckman. He can do other jobs aside from being a city hero."

I wanted to punch Vinnie straight to his surprisingly good-looking face kaso napapaisip din ako kung bakit ko gagawin iyon.

He was right. Mister Beckman's business was not fully my business after all bilang Chillie. Unless, kailangan nang magbayad ni Izan ng renta. Pero napapaisip din ako kung saan kukuha si Izan ng pera ngayon.

"You may go now, Mystic. Kapag may emergency, just call me."

Tatayo na sana ako pero tinitigan ko pa nang mabuti si Vinnie, just in case na may idaragdag pa, pero ilang segundo rin siyang hindi namansin kaya tumayo na ako.

"If I need a job, will you give me one?" I asked.

"Malamang. Depende sa trabaho."

"If I will destroy the Meronna Bank to steal money because I'm broke, what will you do?"

Napahinto siya sa pagbabasa at inangat ang tingin patungo sa akin. His eyes were full of questions as if I said something worthy of his information-eliciting glares.

"Come on, Mystic. Huwag mong sirain ang sarili mo dahil lang sa pera. May kasunduan ka at ang siyudad na 'to. Huwag mong kalilimutan 'yon."

Hindi ko na napigilan; natawa ako nang mahina sa sinabi niya.

"Huwag kong sirain ang sarili ko dahil lang sa pera? At talagang sa 'yo galing 'yan, Vinnie, ha?" Napailing na lang ako habang pinapagpag ang balikat ng damit ko. "I agreed to be the city villainess kasi roon lang kami nagkakaroon ng trabaho ni Mister Beckman bilang kung ano talaga kami. Begging is not my thing so please, huwag sana tayong umabot sa puntong paninindigan ko na kung ano ba talaga ako sa Hidden Sparks." Dumeretso na ako sa pinto bago siya lingunin ulit. "Let me remind you, Vinnie: I was a war veteran and I was trained to kill, and so is Sergeant 11."


###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top