Chapter 2: "Normal" Citizen

Originally, itong Guillen's Building, limang floors na occupied ng business establishments ang ibaba. I bought my space mula pa kay Armando Guillen twenty years ago—sumalangit nawa ang kaluluwa niya. May dalawang kuwarto sa ibaba: isang pang-akin at isang blangko lang na hindi nagagamit, at ang rooftop.

Masasabi ko namang proud ako sa bahay ko para i-tour dito si Izan. We are professionals, pero kapag wala sa trabaho, he's not the hero of the town and I'm not the villainess he's supposed to defeat. And besides, naghahanap siya ng bahay, so wala siyang choice kundi makisama. Saka okay lang naman yata sa kanya rito kasi masaya naman siya noong pumayag ako.

"Isa lang ang banyo," sabi ko habang itinuturo ang kaliwang gilid sa tabi ng kuwarto ko. "Every five in the morning ang bath time ko. Either you take a bath as early as four or you'll wait until I'm done. Sa gabi, after dinner madalas, depende sa schedule. Magtanong ka na lang kung anong oras ako maliligo."

My whole unit was covered with light blue wallpaper. Naka-white tiles pa nga. Hindi niya masasabing lungga ng masamang tao kasi naka-air conditioner din naman ako. Hindi crowded ang unit ko, pero marami akong nakatambak na stuffed toys sa may sala nang daanan namin.

Who doesn't love stuffed toys anyway? Saka lugar ko naman ito. I don't think may karapatan siyang magreklamo sa mga laruan kong nakakalat.

"Puwede kang magluto any time since maghahati naman tayo sa electric and water bill," paalala ko habang itinuturo ang kusina sa dulo. "You better buy your own food, or if you like, magbigay ka ng ambag pambili ng grocery."

"I don't think may pang-grocery pa 'ko."

Hindi na rin ako nagulat. Wala na nga siyang pera, e. "Then ililista ko na lang sa utang mo."

"Okay lang."

"Welcome ang pets, if you have any. Bawal magdala ng babae, ayoko ng masasabunutan ko dahil sa ingay. Kapag may schedule sa city council, i-inform mo muna ako. Habang wala tayong trabaho sa city, truce muna sina Mister Beckman and Mystic. Hindi ko pa maiisa-isa ang lahat ng house rules kaya baka mag-print na lang ako later at ilalagay ko na lang sa ref. Puwede kang magbayad sa rent in advance kahit half lang muna since baka bukas o sa makalawa dumating ang bills ko. Any negative reaction?"

I looked at him, waiting for any complains, pero mas inuna pa niyang ilibot ang tingin sa buong unit ko bago sumagot.

Walang trap sa unit ko, hello? Normal ang white couch and sala set ko. Normal ang cable signal sa 30-inch flat-screen TV ko at hindi niya makikitaan iyon ng spy cam or bug. Walang weapons sa mga wooden side table at glass center table ko na biglang lilitaw kapag may pinindot siya sa kung saan.

Normal lang naman ako kapag nasa bahay. Hindi na niya kailangang mag-obserba na parang may laser beam na lalabas out of nowhere para patayin siya.

"Nasa Hub pa ang mga gamit ko, but I will bring my things here tonight," he said while scanning my kitchen.

"Sure, take your time." Tumalikod na ako para pumunta sana sa kuwarto nang magpahabol siya ng salita.

"Chill, may alam kang part-time job na 'normal' lang?"

Normal . . . job.

Kapag siya ang nagtatanong ng tungkol sa trabaho, lagi niyang nilalakipan ng label. Of course, we were doing some not-so-normal job kaya malamang na magka-categorize siya.

Nilingon ko siya pagtapat ko sa pinto ng kuwarto ko. "Itatanong ko kay Juliana, baka may opening sila ngayon sa warehouse."

"Okay, thanks. See you later, Chillie."


***


I know it was kind of weird that I'm a city villainess yet pumayag akong mag-stay ang city hero sa unit ko. But Izan was a good ally way back our "super soldier" days. Unfortunately, he was not as great as how people expected him to be. Carefree lang kasi siya noon, minsan lampa pa, at compared sa mga kasama ko sa squad noong parte pa kami ng infantry battalion, masasabi kong hindi siya sobrang seryoso sa trabaho niya.

Nasa present days na kami. Wala na kami sa digmaan. He was supposed to learn his lessons sa previous decades pero parang hindi siya natuto kahit na kailan.

Mister Beckman is a good guy, really. He is a yes man. You need help, he will give you a hand without asking anything in return. Pero iyon ang isa sa inaayawan kong characteristics ng pagiging city hero. Parang inoobliga nila ang gaya niya na paglingkuran ang lahat just because he's "powerful" and stronger than anyone else living in this city—kasi nga hindi siya normal na nilalang.

Again and again, nasa present days na kami. And "normal" human is not as normal as they are supposed to be. And most of all, society, composed of humans with different perspectives and opinions, developed their doctrines with questionable contents and full of discriminating values gaya ng ginagawa nila sa mga gaya namin ni Izan.

Kapag kakaiba ka, automatically, people will mock you. Kukuwestiyunin ka nila, itatanong nila kung ano ka, saan ka nagmula, paano mo nagagawa ang mga nagagawa mo. At kapag wala kang mailatag na sagot, either they will dispose of you, they will study your specie, or they will treat you as a pet. Ang lagay kasi namin, hindi kami belong sa norm, so ano kami?

Nakalilipad kami, nakapagbabagong-anyo kami, nakagagawa kami ng imposibleng mga bagay na hindi nagagawa ng ordinaryong tao—at iyon ang problema. Sa isang society na pulos mga ordinaryong tao, kapag hindi ka normal, either you dominate them o they dominate you. Sa case ni Izan, pumayag siyang i-dominate siya ng mga tao para mabuhay siya nang malaya. Sa case ko, pumayag ako with special conditions. You listen to me or you die. Good news for me, some people are afraid of dying.

However, kakaibang halimaw ang mga tao, and you can't just kill someone just because you want to kill them. Psychopaths do that—and I'm not a pyscho. I just wanted to live peacefully kasi wala na akong ibang matitirhan at ganoon din si Izan.

And speaking of Izan na walang matirhan, alas-siyete na ng gabi siya nakabalik sa Guillen's at dalawang maleta lang ang dala niya na ikinagulat ko. Hindi naman sa umaasa akong sampu ang maletang dala niya kasi madalas siya dating lumabas sa TV, pero parang ganoon na nga. Hindi na rin siya mukhang boss gaya ng ayos niya kaninang tanghali pagdating niya sa unit ko.

He was wearing a black tee and stonewashed jeans. I told him to remove his black runners at ilagay na lang sa gilid ng pinto kasi ayoko ng putik sa sahig. Nakalugay rin ang buhok niya hindi gaya kaninang naka-pony tail pa. Hindi na siya mukhang Mister Beckman dahil hindi rin naman nagsusuot ng black earrings sa right ear ang isang superhero para magmukhang punk. Mukha lang siyang "normal" na lalaking naglilipat-bahay.

"Wala bang nakasunod sa 'yo?" tanong ko pagkasara ko ng pinto pagkatapos niyang pumasok.

"Bakit naman ako susundan?" tanong niya, at nakatunog ako ng kaunting pagkairita sa tono niya dahil sa tanong ko.

Tinapatan ko agad ang pagkairita niya. "Ang dami mong baliw na fans. Bakit hindi ako magtatanong?"

Wala siyang isinagot. Dumeretso siya sa kuwarto na katabi ng akin para ilagay ang mga gamit niya. May single bed doon—na tingin ko naman ay kasya siya kahit paano—at isang study table. May white curtain naman panakip sa sliding window. Wala akong ibang mailalaman doon at wala rin akong balak bumili. If he wanted to have a decent room, this room would suffice. Pero huwag sana siyang mag-expect ng kuwartong mala-hotel dahil hindi ko maibibigay iyon sa kanya.

"May meeting bukas sa city council, nakatanggap ka ng email?" tanong niya paglagay ng mga gamit niya sa gilid ng pinto.

"Yeah," sagot ko agad habang inoobserbahan ang kilos niyang parang nanunukat pa kung magbabago ang isip o hindi. "You know what, dapat kausapin mo talaga ang city council tungkol sa trabaho mo." Sumandal ako sa hamba ng pinto saka nagkrus ng mga braso. "Natanggal ka sa Finnigan's. Enough ba ang sahod mo as the city hero?"

"Ibinaba nila dati ang rate ko sa 500 dollars."

Sabay na tumaas ang mga kilay ko saka napapikit-pikit para alamin kung tama ba ang narinig ko. "500 dollars. Per mission?"

"Per month."

"What?" Oh, dear. I thought my ears heard something stupid. "Seryoso ba ang council diyan?"

"Affected din sila ng recession."

"That's bullshit, man! Recession has nothing to do with your job as the city hero!"

"Wala silang fund, Chill."

"As if I will buy that reason. May fund sila sa military equipments, sa 'yo, wala?" Tumayo na ako nang maayos saka nagpamaywang. "Kung ako sa 'yo, mag-quit ka na."

"Chillie."

He met my eyes with a hint of disappointment. I knew I was not the perfect person to talk about this issue kasi nga, kalaban niya ako sa trabaho—literal—but I hated the idea of underpaying him habang inoobliga nila siyang magtrabaho para sa city. Kung ako ngang gumagawa ng hindi maganda, nababayaran nang tama, siya pa kayang gumagawa ng mabuti?

Okay, let's say na trabaho niya bilang city hero iyon kasi nga "mabait" siyang hero at hindi naman talaga dapat naniningil ang superhero. But they were supposed to help him live as a person with basic needs! Damn the government, mga abusadong hangal.

"Anong time ka pupunta sa city council?" tanong ko na lang.

"Nine in the morning?"

"Then I'll try to go as early as eight. The council needs to have a little talk with me."


###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top