Chapter 1: The Villainess and the Hero
Alam ko namang hindi madaling mabuhay ngayon, at wala namang issue sa akin kung paano ba dapat mabuhay ang mga nilalang sa mundo. Pero sure akong ang mundo, may issue kung paano ba ako dapat mabuhay.
I'm Mystic, part-time city villainess, frustrated barista, plantita, at ako ang owner ng Guillen's Rooftop. At dahil hindi naman ako puwedeng pagala-gala sa city na tinatawag na Mystic, kapag wala akong trabaho bilang so-called evil doer, okay na ako sa pangalang Chillie—yeah, sounds cool, and at the same time, hot.
Maganda ang araw today, masarap mamasyal, gaya ng iba pang mga araw sa Hidden Sparks tuwing hindi ako umaatake sa siyudad. At narito ako sa rooftop habang pakape-kape muna at nagpapahinga.
Wala akong trabaho ngayon bilang kontrabida ng bayan kaya ako muna ang bida ng buhay ko ngayong araw.
I know, people normally didn't like villains kasi nga sino ba ang may gusto sa bad guys? But the government of Hidden Sparks "wanted" some bad guys in town at iyon ang trabaho ko.
Oh, and why did they want some bad guys roving around the city? Because our land was so "perfect" it needed to have a bad side para may pakinabang ang justice system nila.
Pero wala kami sa utopia. Hindi perfect ang perfect system nila. Sobrang eww ng façade ng Hidden Sparks na customarily calibrated for the investors habang binabalewala ang social issues, specifically the employment part. And that, I guess, was the reason why napadpad si Mister Beckman sa rooftop ko today.
And speaking of him, there he was, sipping his hot espresso as if I didn't usually—and casually—see him kapag may WrestleMania event kami sa mid-city. He was wearing a three-shaded blue formal suit and his stubbles were perfectly trimmed. Maayos ang pagkakasuklay ng mahaba niyang buhok at mahigpit na nakatali ng black elastic band. He looked like a boss of a huge company waiting for his date . . . but that was the irony of it.
"Okay, so . . . natanggal ka sa trabaho sa Finnigan's," panimula ko habang naghahalo ng kape sa sarili kong inumin. "As in kanina lang?"
"Can we not talk about that, Chillie?" he asked, placing the cup of coffee above my handmade coaster. "Ang dami naming na-fire, trust me. Hindi lang ako, hindi lang sa Finnigan's."
"But I'm not talking about the whole department where you worked or even about the other employees na na-lay off, Izan. Ikaw ang rerenta rito sa rooftop. Natural, mag-i-interview ako."
"Okay." Ang bigat ng buntonghininga niya nang komportableng sumandal sa cream-colored couch, na ayaw pa sana niyang upuan kung hindi ko lang sinabing walang trap doon.
Ewan ko ba sa kanya. Tingin ba niya sa rooftop ko, puro patibong para pumatay ng tao?
"Ang daming naghahanap ngayon ng apartment. Alam mo namang affected tayong lahat ng recession, 'di ba?" katwiran niya. "Galing na ako sa High Street, wala namang space. Kahit sa downtown. Dito na lang ang pinakamura."
"Alam ko." Tumango naman agad ako at saglit na humigop ng gawa kong mocha shake. "Nagulat nga ako, nandito ka. Sinabi ko naman kasing lumipat ka na ng trabaho, tumanggi ka pa."
"Maganda naman ang offer sa FFC," katwiran niya. "Alam mo namang open ako sa kahit anong full-time work basta legal, 'di ba?"
"Maganda ba talaga? Really?" I gave him my challenging-you-to-justify-your-answer look because he was wrong. Affected ng recession ang lahat pero dapat alam ni Izan na may enough na fund ang buong Hidden Sparks para maka-survive. He worked hard for that city budget since time immemorial dahil siya lang naman ang star ng siyudad na ito para makakuha ng investors ang city council. Pero ewan ko rin kung bakit itinatago sa kanya ang pinaghirapan niya mula pa noong matanggap siya bilang city hero—o bago pa maging Hidden Sparks ang Hidden Sparks.
"Chillie, dito na ang last option ko. Kung hindi, lilipat na talaga ako ng city para maghanap ng bagong apartment. Ayokong lumipat!" He sounded like a kid throwing tantrums in front of me.
"Bakit ba kasi hindi ka nagtayo ng sarili mong bahay noong may pera ka pa?" naiiritang tanong ko habang pinupunasan na ang countertop ng mini bar.
"Sinabi naman ng city mayor na sila na ang bahala sa bahay ko, 'di ba? Alam mo 'yon, binigyan ka rin nila ng same offer at tinanggihan mo rin."
"Izan, that city mayor died more than a decade ago. Ano ka ba? Parang hindi ka nasanay sa city council, a!"
"Kakausapin ko naman ang city council. Pero sa ngayon, kailangan ko talaga ng matitirhan. Ide-demolish na ang Hub. Nabili na 'yon ng William and Henry's para patayuan ng gaming zone, wala na talaga akong better choices ngayon."
Napangiwi ako sa sinabi niya.
Yeah, I am a villainess pero kasi part-time lang naman iyon. Being a city villain is more of a social obligation than a personal psychological issue related to doing some evil stuff.
Naaawa rin naman ako kay Izan kasi talagang ginigipit siya ng city council. At nagpapagipit naman siya, ang tanga-tanga rin talaga niya.
Kung hindi nalalaman ng lahat, masyadong mahiyain si Mister Beckman para hindi agad manghingi ng assistance sa kung kani-kanino lang—especially financial assistance. He is the city hero and he is my ultimate nemesis pagdating sa supernatural slash social duties.
Pero hindi siya si Mister Beckman na savior of the day ngayon. Siya si Izan Carmelo, isa sa natanggalan ng trabaho sa Finnigan's Food Corporation at naghahanap ng murang apartment dahil paubos na raw ang savings niya at hindi pa siya nabibigyan ng separation pay ng FFC.
That made sense. I hated FFC anyway. Masyado nilang inaabuso ang mga employee nila.
The Guillen's Rooftop is not that huge. Pero hindi naman siya higante para sabihing hindi kami kasya rito. Hindi talaga ito rental space as apartment kasi mas madalas ko itong parentahan bilang meeting venue. However, affected din ako ng recession at hindi rin naman ganoon kaliit ang bills na binabayaran ko kaya naghahanap ako ng bedspacer na kahati sa expenses.
Bedspacer.
Sakop ko ang isang buong floor at ang rooftop sa Guillen's Building. Wala namang kaso sa akin ang bedspacers, pero si Izan kasi ang lumapit . . . at may isa akong malaking issue sa kanya.
"'Di ba, nali-link ka kay Morganna? Girlfriend mo ba?" Tangay-tangay ko ang shake ko paupo sa single-seat sofa sa harapan niya.
"Hindi siya big deal, promise." Nagtaas pa siya ng kamay para mamanata.
"So, yes ang sagot."
"No!" he answered with conviction.
Nagtaas lang ako ng kaliwang kilay sabay higop ng inumin ko.
Morganna Yu is a showbiz reporter na laging nili-link kay Mister Beckman. Maganda ba siya? Ewan ko lang sa standard of beauty ng mga taga-Hidden Sparks, pero ayoko sa kanya.
"We're safe. Ako ang bahala," depensa agad ni Izan bago pa ako makasagot.
"I don't trust you."
"Hey, that's my line!"
"I know you're the hero here, Izan. Pero wala talaga akong tiwala kay Morganna. Make sure na hindi ko siya makikita sa kahit saang malapit sa Guillen's kundi pagsisisihan mong ako ang nilapitan mo sa pabor na 'to."
"Don't worry, I can handle everything." He clicked his tongue and winked at me. "Kahit one-month stay lang."
"I hate you."
"So I'll stay here for the meantime, yes?" I hate his adorable smile, sagad.
"May iba pa ba 'kong choice?"
"Ugh, yes! Thank you, Chillie." He went beside me and hugged me from behind.
Siguro nga, may mga part ang cosmos na unfair para sa mga gaya namin ni Izan. Maybe we are special . . . but not as special as we thought.
Mukhang mapapaligpit ako ng kabilang kuwarto mamaya.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top