Prologue
Masaya na sana ang diyosa habang nagpapahangin sa kanilang malaking hardin nang biglang lumapit sa kanya ang isang batang lord at bigla siyang niyakap ng mahigpit.
"Please don't leave me my lady!" pagmamakaawa ng isang batang lord.
Naiinis na ang babae sa pagiging isip-bata ng kaharap niya. Hindi kasi matanggap ng batang lord na wala na sila at kailangan pa talagang pumunta dito para lang sirain ang araw niya. Hindi naman literal na bata ang nasa harap niya sadyang nauna lang siyang isilang dito. She is 125 years old and the lord is 25 years old.
Tumayo ang babae sa pagkakaupo nito at tumalikod sa lalaki. Agad naman siyang niyakap ng lalaki mula sa likuran at lumuhod.
"Gagawin ko ang lahat para hindi mo'ko iwan Lady Deianira." Ngumisi naman kaagad ang babae at hinarap ang lalaki na kasalukuyang nakaluhod.
"Pahirapan mo ang pamilyang Villacruz at bilang kapalit mananatili ako sa tabi mo." Tumayo kaagad ang lalaki na may kunot sa noo.
"Hindi ko inaakalang totoo pala na dati ikaw ay n-----"
Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nito nang biglang lumakas ang hangin at itinapon ang lalaki sa malaking sanga ng kahoy.
"Bata ka lang sa paningin ko at wala kang karapatan na ungkatin ang naging karanasan ko." Itinaas ng babae ang hintuturo nito at itinuro ang kaliwang balikat ng lalaki.
"A-aaaaarrrraaayyy!!"
"T-ttttumigil ka na!!!"
Ipinagpatuloy ng babae ang ginagawa niya hanggang sa tinapik siya ng kasama niya kaya napatigil siya. Galit ang mga mata niya nang ibaling niya ang tingin sa kasama niya.
"Hindi ka maaaring pumatay my lady." Ngumisi lang ang babae at akmang itataas ulit nito ang daliri niya pero napatigil ito nang hawakan ito ng kasama niya.
"Ano ba Phoenix! Baka gusto mong gamitin ko sayo ang kapangyarihan mo?"
Tumawa lang ang kasama niya bago binitiwan ang kamay ng babae.
"Hindi ka ba nag-iisip? Mas lalo mo lang akong pinapalakas my lady." Tinalikuran ng babae ang kausap nito at agad na nagmartsa palayo. Tinawag naman ni Phoenix ang mga nakatingin na katulong para tulungan ang batang lord.
"Ipinapatawag ka ng iyong ama. Nasisiyahan daw siya sa mga nakikita niya." Bumaling ang babae kay Phoenix at agad na ngumiti ng malaki.
"Nasaan daw siya?" Mahahalata sa boses ng babae ang saya sa narinig niya.
"Nasa kanyang silid." Tumango ang babae at dali-daling naglakad patungo sa silid ng ama. Napailing na lang si Phoenix sa inasal ng dalaga.
Pagdating ng babae sa tapat ng silid ng ama ay kumatok lang ito at agad na pinapasok.
"Magandang umaga ama! Ano po ang ibibigay niyo sakin?" Bungad niya kaagad sa ama.
Palaging may ibinibigay ang ama niya kapag ito ay nasiyahan sa ginawa niya.
"Ang saya mo ata Deianira. Wala ka bang ideya kung ano ang naiisip ko?" Nakangiti ang ama nito at diretsong nakatingin sa kanya.
Kumunot kaagad ang noo niya sa sinabi ng ama. Masaya siya pero may kung ano sa loob niya na bumubulong sa kanya na isa itong masamang pangitain.
"Ano po ang ibig niyong sabihin ama? Sinabihan niyo ba si ina? Hindi niya kasi ako sinabihan tungkol dito." Tumawa ang ama at ipinatawag sa mga alagad si Phoenix.
Pagkapasok ni Phoenix ay agad itong nagpakita ng respeto sa pamamagitan ng pagluhod sa harapan nito.
"Ibigay mo ang regalo ko sa anak ko, Phoenix." Agad na tumayo si Phoenix at may ibinigay na transparent tablet.
'Ikaw ay inaatasan kong pumunta bukas sa mundo ng mga tao upang gampanan ang ibibigay kong misyon. Hindi ka maaaring bumalik hanggang hindi bukal sa iyong puso ang lahat. '
Biglang lumakas ang hangin matapos basahin ni Deianira ang nakasulat.
"Ama, mas mabuti pang ipadala niyo ako sa kaharian ng mga masasamang damo. Kaya ko po silang paamuhin. Huwag lang po sa mundo ng mga tao."
Umiling ito at biglang tumingin ng seryoso sa kanya.
"Baka nakakalimutan mo na takot silang lahat sayo doon." Umiling ang dalaga at agad na ipinagtanggol ang sarili.
"Nagkakamali po kayo ama. Huling bisita ko sa kaharian nila ay mahal nila ako. Gusto nilang makasama ako."
Biglang napatawa si Phoenix nang may maliliit na baging ang pilit tinatakpan ang bibig niya.
Ipinitik ng ama ni Deinira ang kamay nito kaya agad nawala ang mga baging. Nakahinga naman ng maluwag si Phoenix.
"Akala mo ba ay hindi ko malalaman ang mga kalokohan mo sa labas ng palasyo? " Hindi sumagot ang babae kaya bumaling ang ama nito kay Phoenix.
"Ilang lalaki na naman ang sinaktan niya ngayong araw?" Tinignan ni Deianira si Phoenix ng masama. Alam kasi ng babae na hindi kayang magsinungaling ng lalaki sa harap ng kanyang ama.
"Beynte po, my lord." napatampal sa noo ang ama ni Deinira matapos marinig ang sagot. Humakbang naman palayo si Deianira dahil sa takot nito na pagalitan na naman siya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala silang kasalanan sa nangyari sayo? Magiging ganyan ka na lang ba palagi?" Hindi umimik ang dalaga dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito. Nagpatuloy naman ang kanyang ama.
"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Deianira Nikolette, napakainosente ng isa mong pangalan pero pinairal mo ang unang ugali mo! Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo!" Itinaas ni Deianira ang tingin at tumingin ng diretso sa ama.
"Hindi niyo kasi naiintindihan ang lahat! Akala niyo ba madali para sakin ang gumising araw-araw at ngumiti na parang walang nangyari? Nasasaktan ako ama at hindi niyo alam kung gaano kasariwa sakin ang lahat!" Hindi natakot ang ama ni Deianira bagkus ay mas lalo itong nagalit.
"Sariwa? Isang daang taon na ang lumipas at masasabi mong sariwa pa! Gumising ka sa kahibangan mo anak! Makontento ka naman sa ibinigay mong parusa sa kanila!" puno ng pagmamakaawa ang boses ng ama pero ngumisi lang ang dalaga bago sumagot.
"Mali kayo, hinding-hindi ako makokontento sa maliit na parusang ibinigay ko. Kung maaari ay wala akong ititira sa pamilya nila!" puno ng galit ang boses nito at may lumalabas na itim na awra sa babae.
"Ubusin mo ang pamilya nila at ako ang uubos sa pamilya ng kaibigan mo." Bigla namang nag-iba ang emosyon ni Deianira habang kakikitaan ng takot ang mukha ni Phoenix.
Hindi niya kasi kayang may mangyaring masama sa kaibigan niya.
"Ano po ang misyon na ibibigay niyo?" may disgusto sa boses nito pero wala na siyang magagawa. Ngumiti naman ang ama niya bago nagsalita.
"Spread the love~" Tumango siya at nagpaalam na umalis sa silid na iyon.
Labis naman ang tuwa ng ama ni Deianira matapos pumayag ang anak. Hindi alam ng ama niya na iba ang pagkakaintindi ng anak.
"Sigurado po ba kayo my lady?" Nag-aalalang tanong ni Phoenix sa babae. Ngumiti lang ang babae sa kanya at tumango.
"Pagpasensyahan niyo po ang kalagayan ko my lady. Ako po ang dahilan kung bakit kailangan mong pumayag sa iyong ama." umiling ang babae at inakbayan si Phoenix.
"Tumigil ka nga Phoenix. Importante ka sa akin at anong sinasabi mong kalagayan mo? Nakakalimutan mo ba na isa kang lord?" hindi sumagot ang babae at ibinaba lang ang tingin nito.
"Isipin mo na lang na sabay tayong magbabakasyon kaya dapat maging masaya ka." tumingin sa kanya ang lalaki na may pag-aalala.
"Ayos lang ayo Phoenix. Kayang-kaya ko ito. Ikaw ang mas nakakakilala sa akin kaya alam mo kung nagsisinungaling ako." tumango ang lalaki sa sinabi ni Deianira.
Simula pagkabata ay magkaibigan na sila. Isang lord si Phoenix pero pinili niyang bantayan si Deianira kaysa ang mamahala sa sariling kaharian nito.
Magkasama si Phoenix at Deianira sa hirap art ginhawa ng kanilang buhay kaya masasabing mas kilala nila ang isa't isa.
"Pumunta kana sa silid mo at kumuha ng iilang ginto." nagtatakang tumingin sa kanya si Phoenix.
"Wala akong gagawing masama. Kailangan ang mga ginto upang mabuhay tayo sa mundo nila kaya kumuha ka."
"Kayang-kaya mo namang gumawa ng ginto kaya bakit pa ako magdadala?" sumimangot naman si Deianira at nagmartsa papunta sa sariling silid niya.
"Maghihintay ako sa lagusan my lady! Kapag hindi ka sumipot ay mapipilitan akong kunin ka gamit ang apoy!" pahabol na sigaw ni Phoenix sa papalayong Deianira at tango naman ang isinagot ni Deianira.
Pumunta naman si Phoenix sa lagusan at umupo sa isang sanga ng kahoy habang malalim na nag-iisip.
Tutol kasi siya sa pagpayag ng babae. Alam niya kung gaano naghirap ang babae. Sa loob ng isang daang taon ay walang pinagkakaabalahan ang babae kundi ang mga misyon o di kaya ay ang pagbibigay ng sakit sa mga kalalakihan.
Naalala niya pa dati kung gaano kahinhin ang babae kaya nakasanayan sa palasyo ang tawagin siyang Nikolette na ang ibig sabihin ay inosenteng babae pero nabago iyon matapos niyang bumalik galing sa mundo ng mga tao. Nagagalit siya kapag tinatawag siyang Nikolette kaya simula noon ay ibinaon sa limot ang pangalan niyang Nikolette at ang ginagamit na niyang pangalan ay Deianira na ang ibig sabihin ay pagluluksa ng mga kalalakihan.
"Huwag mong sabihin na may iniisip ka na naman? Gusto mo bang maiwan?" napatingin naman si Phoenix sa bagong dating na Deianira. Tumayo siya at lumapit sa babae.
"Hawakan mo ang kamay ko para hindi ka mawala sa tabi ko pagdating natin sa mundo nila." Tumango si Phoenix at sinunod ang sinabi ng babae.
May sinabi itong mahiwagang salita at ilang sandali pa ay bumukas ang lagusan. Nagkatinginan silang dalawa bago sabay na pumasok sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao.
>>>>>>>>>>>>>>>>NEXT>>>>>>>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top