EPILOGUE

Third Person's P.O.V

"Let's all hail to our Lord Acheros and Goddess Deianira for their successful union."

Lahat ng Diyos at Diyosa ay masayang pumapalakpak habang nakatingin kina  Acheros at Deianira na kasalukuyang pinapakain ang kanilang biyaya mula sa maykapal.

"Let's all welcome our little God, Lord Phoenix Flynn!"

Ang nasabing bagong little God ay ang anak nina Acheros at Deianira na pinaniniwalaang reinkarnasyon ng napayapang Diyos na si Phoenix.

Walang naging tutol si Acheros sa ipinangalan ni Deianira sa kanilang anak dahil may utang na loob si Acheros dito. Alam ni Acheros kung gaano kalaki ang isinakripisyo ni Phoenix para lang makasama niya si Deianira.

"Anong iniisip mo ama?"

Napalingon si Acheros sa anak niyang lumapit sa kaniya at kinarga ito paupo sa kaniyang paa.

"Iniisip ko lang kung bakit ako binigyan ng malakas na anak." nakangiting saad ni Acheros sa anak.

Dahil sa tuwa ng anak niya ay naglabas ito ng apoy pero dahil sa bata pa ito, ang apoy ay naging usok.

Nalungkot ang bata at biglang umiling kay Acheros.

"Hindi ako malakas ama. Nagkakamali po kayo."

Nakakamanghang isipin na kahit bata pa lang ito ay tuwid na itong magsalita.

"Sinong nagsabi sa iyong mahina ka?Mana ka kaya sa akin."

Parehong napatingin ang mag-ama sa nagsalita at pareho silang napangiti ng makitang si Deianira ito.

"Inaway ka na naman ba ng iyong ama?" tanong ni Deianira sa anak habang nakatingin ng masama kay Acheros.

Umiling ang anak nila at tumingin kay Acheros.

"Nakita ko po na malungkot ang ama kaya nilapitan ko siya para pasayahin."

Hinaplos ni Deianira ang mukha ng anak at nginitian ito.

"Napakabait mo naman anak. Saan ka kaya nagmana?" pabirong saad ni Deianira.

Alam kasi ni Deianira sa kaniyang sarili na malabong magmana sa kaniya ng kabaitan ang anak dahil alam niyang hindi siya isang mabuting Diyosa.

"Sabi ng ama na nagmana raw ako sa kaniyang kaibigan. Totoo ba 'yon ina?  Hindi ba't ang anak ay dapat magmana lang sa kaniyang mga magulang?"

Umupo ng maayos si Deianira dahil alam niyang gustong makipagkwentuhan ang anak.

"Wala namang masama kung magmana ka sa kaibigan ng iyong ama dahil talagang napakabait niya at napakatapang."

Kumislap ang mata ng kaniyang anak at halatang namamangha ito sa kaibigan ng kaniyang ama.

"Nasaan po ang kaibigan ni ama? Ano po ang taglay niyang kapangyarihan? Nasaan po siya ngayon?"

Hindi mapigilan ng anak ni Deianira ang pagbibitaw ng maraming tanong kaya napatawa na lang siya at sinensyasan si Acheros na siya na lang ang sumagot na agad naman nitong nakuha kaya nagsalita ito.

"Bakit mo ba pinapaulanan ng mga tanong ang iyong ina? Nasa isang kasiyahan tayo ngayon kaya dapat tayong makisalamuha sa ating mga nasasakupan."

Paglilihis ni Acheros sa usapan pero hindi pa rin tumigil ang kaniyang anak at sa halip ay inaway pa siya nito.

"Hindi naman ikaw ang aking ina at may pinag-uusapan kaming dalawa."

"Phoenix!" saway ni Deianira sa anak.

Napayuko naman ang anak at agad naman nitong niyakap ang ama.

"Pasensya ka na ama. Hindi na mauulit. Ang galing mo kasing sumali sa usapan ng may usapan."

Nanlaki ang mata ni Deianira sa sinabi ng anak. Akala kasi niya, makikinig sa kaniya ang anak pero hindi pala.

"Phoenix Flynn!" ulit na saway ni Deianira sa anak pero diretso lang itong nakatingin sa ama.

"Ako na ang pinapagalitan ng ina dahil sa iyo, ama. Bakit mo ba ako inaaway!"

Malapit na sanang umiyak si Phoenix nang biglang tinakpan ni Deianira ng makakapal na usok ang mukha nito.

Binalingan ni Deianira si Acheros at inutusang patayuin ang anak.

"Kargahin mo ang anak mo para hindi lumayo ang loob sa'yo."

"Masusunod mahal!"

Sumaludo pa ito sa kaniya bago pinatayo ang anak at kinarga sa kaniyang leeg.

"Samahan muna natin ang mga bisita bago tayo umalis. Nakakahiya naman sa kanilang lahat." saad ni Deianira kay Phoenix.

Binalingan ni Deianira ang anak na kasalukuyang nakatingin ng masama sa kaniya.

"Ayusin mo iyang mukha mo kung gusto mong makapaglaro sa hardin bukas." pananakot ni Deianira sa anak kaya agad itong sumunod.

Magkahawak kamay na naglakad si Deianira at Acheros habang pasan ni Acheros ang kanilang anak papunta sa mga bisita.

"Salamat sa pagdalo. Ang aming emperyo ay lubos na nasisiyahan sa iyong presensiya." nakangiting saad ni Deianira sa Diyosa ng saya.

"Ikinagagalak namin ang mapabilang sa okasyong ito, Lady Deianira. Kahit anong pagkakataon ay maaari akong pumunta para lang mapasaya kayo."

Hinawakan ni Deianira ang kamay nito.

"Salamat dahil pinasaya mo ang mga bisita ngayon."

"Tungkulin ko ang pasayahin ang lahat at isa pa, talagang masaya ang lahat dahil sa iyo, Lady Deianira. Ikaw ang nagpasaya sa kanila."

Nagkaroon pa ng ilang kwentuhan bago nagpaalam si Deianira sa Diyosa ng kasiyahan at lumipat naman sa Diyos ng pagmamahal.

"Ito na ba ang susunod kong papanain?"

Napatawa naman si Deianira at bahagyang umiling.

"Napakabata pa ng anak ko para magkaroon ng mapapangasawa. Salamat sa iyong pagdalo."

Yumuko ito bilang pagpapakita ng respeto.

"Ikinagagalak ko ang maparito, Lady Deianira."

Saglit na nakipagkwentuhan si Deianira dito bago nagpaalam at bumalik sa kanilang pwesto para magbigay ng iilang mga salita at pasasalamat.

Habang naglalakad sila pabalik sa kanilang pwesto ay nakasunod lang sa kaniya ang asawa at ang anak nitong todo ang ngiti sa lahat.

"Makinig ang lahat!" saad ng tagapag-anunsiyo.

Lahat ng bisita ay napatingin sa pwesto nila Deianira.

"Sas efcharistó pou írthate! Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng bagay na nagawa ko sa inyong lahat. Pasensiya na kayo kung nagkaroon kayo ng mapang-abusong Diyosa. Labis akong nahihiya sa inyo dahil alam ko sa sarili ko na labis akong nakapinsala sa inyong lahat. Pasensiya na." (Thank you for coming!)

Nagkaroon ng katahimikan dahil hinihintay ng lahat kung may kasunod pa ba ang sasabihin ni Deianira.

Napangiti si Deianira nang makitang nakatuon ang lahat ng atensiyon sa kanila kaya nakapagdesisyon siyang magpatuloy.

"Hindi ako perpektong Diyosa pero ipapangako kong po-protektahan ko kayong lahat. Bilang susunod na mamamahala sa emperyo, iaalay ko ang aking buhay para lang hindi kayo masaktan at ang ating mundo."

Dahil sa huling sinabi ni Deianira ay nagsalita ang lahat.

"PROTECT THE QUEEN'S FAMILY!"

"PROTECT THE QUEEN'S FAMILY!"

Hindi makapaniwala si Deianira sa kaniyang nakikita. Ang buong akala niya ay hindi pa rin nalilimutan ng ibang Diyosa ang kaniyang nagawa sa kanilang mundo at dahil doon ay baka tumutol ito sa kaniyang pamumuno.

Hinawakan ni Acheros ang kamay ng asawa at ngumiti dito.

"We will protect our family, my queen. I love you."

"I love you too."

************************************

Minsan ay kailangan nating mapalayo sa ating mahal sa buhay para mapaunlad natin ang ating sarili pero hindi ibig sabihin na iyon na ang huling pagkikita. Dadating sa ating buhay na muli nating makakasama ang mga mahal sa buhay nating nailayo sa atin.

Huwag nating kalimutan na may plano ang Diyos sa atin at tanging siya lang ang may kakayahang magtakda sa mangyayari sa atin. Huwag tayong sumuko sa mga pagsubok dahil ang Diyos ay palaging nagbabantay sa atin.

THE END!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top