Chapter 7
Third Person's P.O.V
"Let's talk Deianira"
Agad na napatuwid ng upo si Deianira at tinignan ng diretso si Phoenix. Hindi niya ipinahalata ang nararamdaman niyang kaba.
"Anong sinabi ko sayo?" mahihimigan sa boses nito ang galit at pagkainis.
Hindi nagsalita si Deianira dahil sa kaba kaya nagsalita ulit si Phoenix.
"Sa lahat ba naman ng sinabi ko sayo ay wala kang naintindihan?Yan ba ang ugali ng isang diyosa?" saad ni Phoenix at nilapitan si Deianira na kasalukuyang nakatungo at tahimik na nakatingin sa kanyang mga kuko.
"Tinitingala ka nila my lady! Sana naman ay huwag mong dungisan ang pangalan ng iyong angkan!"
Napataas ang tingin ni Deianira matapos banggitin ni Phoenix ang kaniyang angkan.
"Sa tingin mo ba ay ginusto kong mangyari iyon Flynn? Sinubukan kong patayin sila pero may awa pa din naman ako!"
Hindi na napigilan ni Deianira ang kanyang nararamdaman. Pinakaayaw niya kasi sa lahat ay ang pinag-iisipan siya ng masama kahit wala naman siyang ginagawa. Hindi kasi niya naipapakita kung ano ang tunay na siya kaya halos lahat ay takot sa kanya.
"Sinubukan kong pigilan ang emosyon ko Flynn pero may iba eh! Hindi mo kasi alam kung ano ang nararamdaman ko!" saad pa ni Deianira at tinignan siya ng diretso. Hindi naman natinag si Phoenix at nakatingin lang sa kanya ng blangko.
"Palagi niyo kasing hinuhusgahan ang mga kilos ko! Akala ko ba mas kilala mo'ko Flynn? Bakit ngayon ikaw pa ang unang nagagalit sakin? Mabait ako! Mabait naman ako ah!"
Tila naaawa si Phoenix sa nakikita niya pero pinipigilan niya ang sariling lapitan at yakapin ito dahil gusto niyang makitang umiyak ang babae. Ang pag-iyak kasi ni Deianira ang nagsisilbing patunay na hindi ito nagsisinungaling.
"Ano?! Hindi ka magsasalita? Kung hindi mo gustong magsalita, pwes uuwi na lang ako!" saad ng dalaga at akmang tatayo na nang may apoy na gumapos sa kanya at pilit siyang pinapaupo.
"Bakit ba palagi kang galit Deia? Hindi ka naman ganyan dati diba?" mahihimigan sa boses ni Phoenix ang pagbabakasakaling mapapaiyak niya ang dalaga.
"Mabait naman ako Flynn. Alam mo na din ang sagot sa una mong tanong kaya pakawalan mo na ako." kalmadong sagot ni Deianira habang nakatingin ng blangko kay Phoenix.
Umiling si Phoenix dito bago siya nilapitan at inilapit ang mukha. Wala ng ibang paraan si Phoenix kundi ang pasukin ang isipan nito.
"Tell me everything my lady. I'll listen."
Pagkatapos magsalita ni Phoenix ay agad napapikit si Deianira at sa muling pagmulat nito ay isang maamong Deianira ang kanyang nakikita.
"Flynn! I-I'm s-so sorry. H-Hindi ko talaga alam ang nangyari Phoenix. P-please forgive m-me." pagmamakaawa ng isang Deianira sa kanya at kasabay nito ay ang pag-uunahan ng mga luha.
"What did you do this time my lady? Bakit mo siya hinayaang lumabas?" agad na tanong ni Phoenix habang inalalayan si Deianira.
"N-Nakaramdam ako ng galit tapos nang makita k-ko si C-Cath ay agad na n-nag-iba ang paningin ko. I really don't know how to c-control this!" saad ni Deianira at umiyak.
Wala ng nagawa si Phoenix kundi ang yakapin ito. Kailangan umiyak ni Deianira upang mawala ang masamang pag-iisip niya pero hindi kailanman ginusto ni Phoenix na makitang umiiyak ang babae.
"Hush now my lady. I'm here, I won't leave you." saad ni Phoenix at sinabayan ng haplos ang buhok ng babae.
Ilang minuto pa ay tumigil na din ito sa pag-iyak kaya napatingin si Phoenix dito. Kitang-kita niya kung gaano ka lungkot ang mga mata nito. Agad namang pinakawalan ni Phoenix ang babae mula sa pagkakagapos.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Phoenix matapos makitang nasa maayos na kondisyon na si Deianira.
"Alin sa dalawa ang gusto mong marinig?" seryosong tanong ni Deianira.
Agad namang naintindihan ni Phoenix na babalik at babalik talaga ang tunay na Deianira.
"Yung hindi brutal." napangiwi si Phoenix sa sinabi niya. Hindi niya kasi lubos maisip na mas brutal pa si Deianira kaysa sa kanya.
"Well, hindi ko din alam. Isa lang naman ang gusto ko at yun ay ang mahirapan silang dalawa. " naiinis na saad ni Deianira.
Napatingin sa kanya si Phoenix na may halong pagtataka. Hindi kasi alam ni Phoenix kung seryoso ba si Deianira dahil ang tono nito ay parang nagseselos.
"Hindi nila alam ang nangyari dati my lady at paano ka makakalimot kong hindi mo siya palalayain?"
Nakakunot noong napatingin si Deianira kay Phoenix.
"Sinong palalayain ko? Wala akong kinukulong Phoenix." diretsong sagod ni Deianira.
"May isang taong nakakulong sa puso mo Deianira at alam ko na alam mo kung sino ang tinutukoy ko." saad ni Phoenix bago ibinaling ang tingin sa labas ng building.
Hindi kayang itago ni Phoenix ang sakit na nararamdaman niya matapos sabihin iyon at hindi pwedeng malaman ni Deianira na nasasaktan siya.
"Walang nakakulong sa puso ko kundi ang pamilya ko, kayong lahat na nagmamahal sa akin." seryosong sagot ni Deianira.
Napatingin naman si Phoenix na tila may itinatagong problema. Napansin kaagad iyon ni Deianira kaya nagtanong ang babae.
"Bakit ganyan ang tingin mo? Anong nangyari sayo? Na to--"
"Paano kung malaman ng mga magulang mo ang ginawa mo? Sa tingin mo ba ay hindi ka nila parurusahan?" putol na saad ni Phoenix.
Lumitaw ang kaba at takot sa mukha ni Deianira na agad naman niyang tinago.
"Hindi mo naman siguro sasabihin diba? Hindi mo naman siguro hahayaang maparusahan ako diba?" tanong ni Deianira gamit ang nakakaawang boses.
Ang boses na ginagamit ni Deianira ay ang boses niya kapag gusto niyang kontrolin ang kausap. Ito ang natatanging panlaban ni Deianira kapag hindi umaayon sa kanya ang lahat.
"Huwag mo akong gagamitan ng boses na yan my lady. Alam nating pareho kung ano ang maaaring idulot ng boses na yan sa katawan ko."
nakangising saad ni Phoenix.
Simula kasi pagkabata ay magkasama na silang dalawa at noong gumamit si Deianira ng kapangyarihan niya ay isang halik ang natanggap niya mula kay Phoenix.
"Bakit ka ba naaakit? Hindi naman ako naghubad sa harapan mo?" naiinis na saad ni Deianira.
"Ewan ko sa boses mo" tumingin ito ng seryoso kay Deianira bago nagsalita. "Paano kung malaman nila? Alam nating pareho na may tagabantay ang iyong mga magulang. Hindi natin alam ang iniisip nila."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Deianira bago sumagot.
"Ewan ko ba Flynn. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng bumalik sa kaharian at doon na lang manakit."
"Anong manakit? Wala ka ng masasaktan doon my lady. 25 years of hurting everyone is enough."
Tumingin sa kanya si Deianira at tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"I'll protect you my lady. Ako ang bahala sayo upang hindi makarating sa kanila pero sana ay kontrolin mo muna ang sarili mo."
Ngumiti sa kanya si Deianira bago lumapit at niyakap siya.
"I will Phoenix. Thank you so much Flynn"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top