Chapter 4
Third Person's P.O.V
Tahimik lang na kumakain si Deianira kahit hindi niya gusto ang lasa ng pagkain. Paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya si Tavarious at biglang ngingiti.
Hindi na nakayanan ni Tavarious ang katahimikan kaya siya na ang naunang magsalita.
"Bakit mo kilala si Acheros?" napatingin sa kanya si Deianira na may inis sa mukha.
"Wala lang. Narinig ko lang ang pangalan niya kung saan." hindi naniniwala si Tavarious sa sagot ni Deianira.
"Bakit mo pala nasabing nabuhay ulit kami? at bakit mo sinabing magkapatid kami?" inoobserbihan ni Tavarious ang reaksiyon ng babae pero sa kasamaang palad ay hindi man lang nagbago ang reaksiyon nito.
"Wala naman. May nabasa kasi ako tungkol sa reincarnation at magkahawig ang mukha niyo kaya inakala kong magkapatid kayo." Hindi tumitingin ang babae sa kanya kaya mas lalo siyang ginanahang magtanong.
"Sino ang mas lamang sa amin?" nakangisi siya habang nakatingin sa babae. Nagbabakasakaling pangalan niya ang babanggitin ng babae.
"Wala. Hindi kayo pumasa sa mga taong gusto ko kaya walang may lamang sa inyo."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Tavarious bago inubos ang isang basong tubig.
Pagkalapag niya ng baso ay siya namang pagtayo ni Deianira kaya napatingin siya dito.
'Nagiging weirdo na naman siya' saad ng lalaki sa kanyang isipan.
"Balik na tayo sa lugar na iyon. Doon muna ako mananatili." Biglang nagtaka si Tavarious sa babae. Parang kanina lang ay atat na atat itong umalis sa kompanya.
"Anong gagawin mo sa kompanya? Kung si Acheros ang kailangan mo, hindi mo rin siya makakausap kaagad dahil wala kang appointment."
Umiling ang babae sa kanya bago siya tinignan ng diretso.
"Ikaw ang sasamahan ko. Wala akong gagawin kaya dapat sumama ako sayo." Lalong nanlaki ang mata ni Tavarious sa inasal ng babae. Hindi niya lubos akalain na kahit hindi pa sila ay nagiging clingy ito.
"Sure ka bang si Acheros ang ipinunta mo sa kompanya? Parang ako naman ata ang pakay mo."
Lumiit ang mata ng babae sa sinabi niya. "Si Acheros ang kailangan ko pero ikaw ang nandito kaya ikaw na lang muna." at nauna itong lumabas na agad din naman niyang sinundan.
Hindi din kalayuan ang restaurant na pinagkainan nila kaya naglakad na lang sila.
Seryoso ang babae sa kanyang sinabi. Hindi dahil sa gusto niyang makasama si Tavarious pero gusto niya munang magliwaliw.
Pagdating nila sa kompanya ay agad na bumati sa kanya ang mga empleyado. Nginitian niya lang ang mga ito habang hawak sa kamay si Deianira.
Hinawakan niya ang kamay nito dahil baka matumba na naman ito sa elevator. Nahalata niya kasi kanina na iyon ang unang beses na sumakay ang babae.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" agad na tanong ng babae sa kanya pagkapasok sa kanyang opisina.
"Bakit aayain mo akong mamasyal?"
Tumaas ang kilay ng dalaga at pagkatapos ay umupo sa kanyang upuan.
"Hindi ba pwedeng pinapaalis kita sa harapan ko? Ako ang uupo dito at diyan ka mauupo."
Nalilito si Tavarious kung bakit bigla na lang siyang sumunod sa utos ng babae. Pinakaayaw niya sa lahat ang may umupong iba sa kanyang upuan. Pakiramdam niya kasi ay natatapakan ang kanyang sarili.
Tahimik niyang kinuha ang mga papeles at sinimulan na ang trabaho.
Sa kabilang dako naman ay ang naiinip na Phoenix. Kanina pa siya pabalik-balik ng tingin sa orasan.
Hindi na niya napigilan ang sarili at agad na tinawagan ang kaibigan na agad namang sinagot.
"Nandito na jowa mo Flynn. Pauuwiin ko na ba?"
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa ibinalita nito.
"Sinong kasama niya? Nandiyan parin ba siya sa kompanya niyo? Nagka-usap na ba kayo?"
Tumawa naman ang lalaki sa kabilang linya dahil sa inasal niya.
"Si Tavarious at kababalik lang nila dito. Mukhang magaan ang loob nila sa isa't isa at hindi ko pa siya nakakausap."
'Paano kaya kapag nalaman mo na naging kayo dati? Tignan lang natin kung makakatawa ka pa ba.' saad ni Phoenix sa kanyang isipan.
"Kausapin mo at sabihin mo na susunduin ko siya." Agad namang umalma sa kanya ang kaibigan.
"Kahit isang kang makapangyarihan Flynn, hindi ko ibubuwis ang buhay ko para lang maka-usap siya."
Halata sa boses nito ang takot sa dalaga.
'Medyo sumobra ata si Deianira sa kanya' natatawa na lamang si Phoenix sa kanyang naiisip.
"Hindi pa oras para patayin ka at kahit mamatay ka ay mabubuhay naman kita."
Isang malakas na mura ang narinig niya sa kabilang linya kaya inilayo niya muna sa kanyang tenga ang telepono.
"Pahalagahan mo naman ang buhay ko Phoenix! Nakakatakot kaya yung babaeng yun." Napailing siya sa saad nito.
'Hindi niya parin kabisado ang pangalan ni Deianira kahit tatlong taon ko na itong sinasabi sa kanya.' saad ni Phoenix sa kanyang isipan.
"Maniwala ka sakin. Hindi ka gagalawin ni Deianira at pwede ba tandaan mo naman ang pangalan niya hoy. Deianira Nikolette" medyo naiinis siya dahil nagiging makakalimutin ang lalaki kapag pangalan na ni Deianira ang pinag-uusapan.
"Sige ha ikaw nang bahala sakin. Kakausapin ko na si Nikolette" saad ng kausap niya pagkatapos ay ibinaba ang tawag.
Kinuha ni Phoenix ang susi ng kanyang sasakyan at agad na nagmaneho papunta sa kompanya ng kaibigan.
Nilalabanan ni Acheros ang kaba habang naglalakad papunta sa opisina ni Tavarious. Hindi parin siya makapaniwala sa kanyang sarili na sinusunod niya ang utos sa kanya ng kaibigan.
Pagdating niya sa tapat ng opisina ni Tavarious ay nakita niya ang babae na natutulog sa lamesa ni Tavarious. Tahimik lang siyang nakatingin sa babae nang may maisip siyang paraan upang matignan ito ng malapitan.
Pumasok siya sa loob ng opisina at agad namang napatingin sa kanya si Tavarious.
"Anong g---" sinenyasan niya si Tavarious na tumahimik upang hindi magising ang babae.
"Pakikuha ng mga papeles sa HR department dahil may bagong proyekto para sayo." Papalag na sana si Tavarious pero wala na rin siyang nagawa.
Paglabas ni Tavarious ay pinakiramdaman muna ni Acheros ang buong paligid bago nilapitan ang natutulog na Deianira.
'Mabait ka pala kung tulog. Sana palagi ka nalang tulog.' pinipipigilan ni Acheros ang magsalita upang hindi magising ang babae.
Kinuha niya ang kanyang telepono at palihim na kinuhanan ng larawan ang babae. Hindi niya napigilan ang sarili na dampian ng isang halik sa pisngi ang babae bago kumuha ng litrato.
Nakangiti siya habang naglalakad papunta sa kaninang kinauupuan ni Tavarious. Pakiramdam niya ay magiging gamot sa stress ang larawan ng dalaga.
Naputol ang kasiyahan niya ng padabog na pumasok si Tavarious.
"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo Acheros at pinapunta mo talaga ako sa HR?"
Kumunot naman si Acheros sa itinuran ni Tavarious.
"Baka hindi pa nap-print. Sige alis na ako." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Tavarious at agad na umalis sa opisina nito. Minadali niya ang paglalakad dahil gusto niya ulit tignan ang larawan ni Deianira.
Pagkatapos umalis ni Acheros ay ang eksaktong paggising ni Deianira. Hindi naramdaman ng babae ang presensya ni Acheros. May kung anong promoprotekta dito na kahit anong gawin niya ay hindi niya maramdaman ang presensya ng lalaki.
"Tava alis na ako. Salamat sa pagpapatulog mo." Masiglang paalam niya kay Tavarious. Ngumuso naman si Tavarious matapos marinig ang 'Tava'.
"May sundo ka ba? Pwede kitang ihatid sa bahay mo." umiling ang babae sa kanya.
"Ihatid mo na lang ako sa baba dahil may sundo ako." Agad na naglakad palabas ang babae na sinundan naman ni Tavarious.
Tahimik lang silang dalawa habang palabas ng kompanya. Pagdating nila sa labas ay agad na nanlaki ang mata ni Tavarious nang makita ang nakaparadang sasakyan. Nakita niya kasi ang pinapangarap niyang CCXR Trevita na hanggang ngayon ay hindi niya parin mabili dahil sa pagiging busy niya.
"Asan ang sundo mo?" tanong niya kay Deianira pero ang atensyon ay nanatili sa sasakyan.
"Yang nasa harapan mo." Natatawa siyang lumingon kay Deianira.
"Libre talagang mangarap Deianira. Gusto ko nga din ang sasakyang iyan." tinignan siya ng masama ni Deianira dahil sa sinabi nitong nangangarap siya.
"Lumabas ka nga Phoenix!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kaya lumabas ni Phoenix na may maasim na mukha.
"Pumasok ka na nga lang at gusto ko ng magpahinga. " saad ni Phoenix bago pumasok ulit sa sasakyan. Binalingan naman ni Deianira si Tavarious at nagpaalam ulit dito bago pumasok sa sasakyan.
Pagpasok niya ay nagsalita si Phoenix na ikinatuwa niya.
"Nagawa ko na ang sinabi mo. Mamayang gabi pa eepekto ang ibinigay ko."
Tumango lang siya at pinatakbo na ni Phoenix ang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top