Chapter 38

Acheros P.O.V

It's been 5 years since she left pero hanggang ngayon, siya pa rin ang gusto kong makasama.

"Five more minutes Mr. Martinez at magsisimula na po ang interview."

Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa aking likuran.

"Thank you."

Yumuko lang ito at nagpaalam na aalis.

Hayss.. Kung sana nandito siya, edi sana naipakita ko sa kaniya ang lahat ng nagawa ko.

Matapos umalis ni Deianira ay napagdesisyunan kong mas lalo pang palaguin ang kompanya. Akala ko kasi, kapag naging sikat na ako, babalik siya at sasamahan ako pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

Ilang beses na rin akong nagtangkang tapusin ko ang buhay ko dahil akala ko sasagipin niya ako pero sa huli ako lang ang nasasaktan.

Naiintindihan ko naman ang pag-alis niya, pero may parte pa rin talaga sa akin ang hinahanap siya at hindi ko iyon mapigilan.

"We will start now Mr. Martinez." Biglang saad ng aking sekretarya.

Hindi ako sumagot at naunang naglakad papunta sa aking upuan.

Pag-upo ko pa lang ay agad itinutok ang iba't ibang klase ng kamera kaya medyo napapikit ako at katulad ng mga kalimitang nangyayari sa akin ay nakita ko na naman siya. Minsan nga gusto ko na lang tumitig sa isang kamera para lang makita siya.

"In 3 2 1 START!"

Pagkarinig ko sa sinabi ng direktor ay agad akong umayos ng upo.

"Kasama natin ngayon ang isa sa pinakasikat na young entrepreneur sa buong mundo. No other than Mr. Acheros Dark Martinez!"

Lahat ng news reporter ay nagsipalakpakan sa sinabi ng babae kaya pumalakpak na rin ako para sa aking sarili.

"Nandito ang lahat ng news reporter sa Pilipinas mula sa iba't ibang chanel upang magbigay ng iba't ibang katanongan. Is that okay Mr. Martinez?"

Nakakatawang isipin na dahil lang sa kaniya kaya ko naisipang makilahok sa mga ganito. Naisip ko kasi na baka may mahiwaga silang telebisyon kagaya ng mga nakikita kong palabas tungkol sa mga Diyosa.

"Ofcourse."

Abot langit ang ngiti ko kahit naboboryo na ako sa paulit-ulit na katanongang ibinibigay nila sa akin.

"You may raise your hand now."

Nagsitaasan sila ng kamay at pumili naman ang MC.

"Mr. Corpuz from Hearts Chanel."

Yumuko ito sa akin at tumango naman ako sa kaniya.

"I'm just new here po kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong itanong sa inyo."

Kinuha ko ang aking mic at sinagot ito.

"I'm fine with any question."

Ngumiti muna siya sa akin bago nagtanong.

"May rumor po kasing kumakalat about you and Ms. Cath na matagal na raw po kayong dapat ikasal pero naantala dahil sa dati ninyong sekretarya. Is that true Mr. Martinez?"

Napangiti ako sa unang tanong na natanggap ko. Hindi ko inakalang hindi pa rin nila ito nakakalimutan.

"Me and Cath are bestfriends mula pagkabata kaya expected na ikakasal kami paglaki namin, but I never love her like a lover. And about sa babaeng tinutukoy niyo, she's my real fiance."

Lahat ng taong naroroon at napasinghap sa aking sinabi. Sa limang taong pananahimik ko, ngayon lang ako nakabawi at ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob para sumagot sa kanila.

Dahil sa nauna kong sagot at nag-uunahan na silang magsalita at ang iba naman ay wala ng preno ang pagtatanong.

"Who is the lucky girl?"

"Where is Ms. Cath?"

"Is she rich like you?"

"Why can't we see her today?"

"Is she pregnant?"

Hindi ko alam kung anong uunahin ko sa kanila kaya tiningnan ko ang aking sekretarya upang gawin ang dapat niyang gawin na agad naman niyang naintindihan.

"Mr. Martinez will answer the question one by one so please don't rush and calm down."

Kita ko naman na naintindihan nila ang sinabi nito at isa-isang umupo sa kanilang mga upuan.

""Who is the lucky girl?"

"My one and only Deianira Nikolette."

"Where is Ms. Cath?"

"Cath is busy taking good care of their business."

"Is she rich like you?"

"Rich is not a word to describe her wealth."

"Is she a filipina?"

"My gorgeous fiance is from Greece and her beauty looks like a goddess."

"Why can't we see her today?"

"Because her looks are just for me."

"Is she pregnant?"

"I fully respect her and her family, so she is not pregnant."

Halos lahat ng tanong ay hindi tungkol sa kompanya kung hindi tungkol sa lovelife ko.

"Thank you for all your efforts. This ends our interview. Until we meet again."

Sa sinabing iyon ng MC ay tumayo ako at nagpaalam sa kanilang lahat. Hindi ako pwedeng magtagal sa isang interview dahil may hinahabol akong oras.

"Ilagay mo sa aking mesa ang lahat ng proposals nila sa new project. I'll check it later." utos ko sa aking sekretarya na agad naman niyang sinunod.

Ipinakuha ko ang aking sariling sasakyan dahil may mahala akong pupuntahan at hindi pwedeng mahuli ako.

Alam kong masamang magpatakbo ng mabilis pero wa na akong ibang naiisip na paraan para lang makarating ng mabilis sa dati niyang bahay.

Ito ang ikalimang taon ng kaniyang pag-iwan sa akin at nakasanayan ko ng pumunta dito para lang maramdaman ko ang enerhiya niya. Hindi naman siya patay pero pakiramdam ko, may enerhiya siyang iniwan sa bahay niya. Ang enerhiyang ito ang nagbibigay lakas sa akin upang magpatuloy sa aking buhay.

Araw-araw akong naglalaan ng oras sa bahay na ito at pagkatapos ay babalik ng opisina para gawin ang trabaho at pagkatapos ay uuwi sa kaniyang bahay.

Nakakalungkot lang na sa bawat pag-uwi ko, wala siya upang salubungin ako at ipagluto ng masarap na pagkain. Pero kahit wala na siya at alam kong hindi na siya babalik, hindi pa rin sumagi sa aking isipan ang maghanap ng ipapalit sa kaniya, dahil naniniwala akong nakikita niya lahat ng ginagawa ko at sigurado akong wala ng babae ang makakahigit sa kaniya.

Blag!

Napatingin ako sa kaniyang kwarto at agad itong inakyat.

Pagpasok ko ay nakita ko ang kaniyang pinsan. Hawak nito ang bewang niya habang hinihilot ito.

"Anong ginagawa mo dito at asan siya?" agad kong tanong dito.

Napatingin ito sa akin pero hindi nagsalita dahil nakatuon ang atensiyon nito sa kaniyang bewang.

"Sino ba naman kasi ang nagsabing dumaan ka sa bubong?"

Tumingin muna ito ng masama sa'kin pero hindi ako natakot.

Sa limang taon kong pananatili dito ay palagi ko siyang nakikita. Siya ang nagiging mensahero naming dalawa ni Deianira kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na isarado mo ang bintana?"

Halata sa boses nito ang pagkainis kaya bahagya akong napatawa.

"You can use your teleportation dude. Maliban na lang kung nagiging bobo kana?"

Ibinato nito sa akin ang unan na agad ko namang naiwasan.

Aalis na sana ako sa kwartong iyon ng bigla itong magsalita na nakapagpatigil sa akin.

"She misses you so much and she said she's so happy for your achievements and she's watching you from above. She can't wait to see you Dark."

Hindi ako nagsalita at tumango lang sa kaniya bago isinarado ang pinto.

"Someday baby, someday."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top