Chapter 37

Deianira's P.O.V

Nagising ako dahil sa malakas na kulog na aking narinig. Hindi ko na sana ito papansinin pero ang tunog nito ay hindi normal. Ibang-iba ito sa kalimitang naririnig ng lahat at iisang tao lang naman ang may kayang gumawa ng bagay na ito.

"Stop hiding." seryoso kong saad sa pinsan ko.

Sumunod naman ito sa akin at agad na nagpakita sa akin. Nakahiga ito sa aking kama habang nakapikit.

"Pumunta ka lang ba dito upang gisingin ako?" inis kong tanong dito pero umiling lang siya sa'kin at hindi nagsalita.

"Anong pakay mo sa'kin?"

Bumuka ang mga mata nito at tumingin sa akin ng nakangiti. Mga ngiting nagpapahiwatig ng pagkapanalo.

"Masaya lang ako kasi pinapauwi kana ng iyong ama."

Nanlaki ang aking mga mata na tila hindi makapaniwala sa aking narinig.

"Wala akong nilabag sa mga batas. Hindi na ako nananakit ng tao Tan."

Tumayo siya at pinitik ang aking noo kaya napadaing ako sa sakit.

"Tapos na ang misyon mo kaya maaari ka ng umuwi."

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

"Seryoso? I'm just planning to start my mission, Tan." nalilitong saad ko dito na ikinatawa niya.

"Theá tou pónou, hindi sa minamaliit kita pero naniwala ka talaga sa sinabi ng iyong ama?" nakangiting tanong niya sa akin pero hindi ko ito sinagot at sa halip ay tiningan ko ito ng seryoso.

"Fineee.. Ang totoong misyon mo ay ang magpatawad. Patawarin mo lang si Acheros at paniguradong tapos kana."

"Kailan mo 'to nalaman?" nakataas kilang kong tanong dito.

"Matagal ko ng alam 'to dahil minsan ko ng naitanong ang bagay na ito jay Phoenix."

Wahhhh!! Hindi ko talaga akalain na napakasimple lang ng misyon ko. Ang pagkakaintindi ko kasi sa sinabi ng aking ama ay maging mabait sa lahat ng tao at matutong magmahal ng tao.

"Bakit hindi mo sinsabi sa akin ang bagay na ito?"

Lumapit ako sa kaniya at pinalibutan siya ng baging.

"Nagtanong ka ba? Alangan namang basta-basta ko na lang sabihin sayo?Hindi ko pa naman gustong bumalik sa mundo natin kaya hinayaan kitang mabuhay sa misyong nalalaman mo."

Wala akong nagawa kung hindi ang huminga ng malalim. Wala na rin naman akong magagawa kung magagalit ako sa kaniya. Siguro may dahilan silang dalawa ni Phoenix kung bakit nila inilihim sa akin ang bagay na ito.

"Ano bang misyon mo at parang hindi mo ito magawang bitawan?"

Umupo ako sa higaan at ipinikit ang aking mga mata habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"Misyon kong hanapin ang nawawalang prinsesa ng ulan na siyang pakakasalan ko."

Napadilat ako ng mata at agad na napatingin sa aking pinsan.

"Ano pang hinihintay mo dito? Umalis kana at hanapin mo na siya Drystan. Alam kong nasa paligid lang siya."

Umiling siya sa'kin at ngumiti ng mapait.

"Sana nga nasa paligid lang siya. Balita ko kasi ay nagtatago ito sa'kin. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya gumagawa na lang ako ng kulog sa tuwing gusto ko siyang makita."

Hindi ko alam na may pinagdadaanan pala ang pinsan ko. Hindi kasi halata ang lumgkot niya lalo na't palagi itong nakangiti na parang walang pake sa mundo.

"Huwag kang mag-alala Drystan. Ipinapangako ko sayo na tutulungan kitang hanapin siya." pagpapasigla ko dito.

Tumayo siya at inayos ang kaniyang suot.

"Aalis na ako. Aasikasuhin ko pa ang pagkain para sa pagbabalik mo." paalam nito sa akin.

"Salamat. Mag-iingat ka."

Tumango ito sa akin at tumalikod. Akmang hahakbang na siya pero lumingon ito muli sa akin.

"May isa ka pa lang kahilingan na dapat matupad. Ito ang regalong makukuha mo mula sa natapos mong misyon."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi at agad sinabi ang aking hiling.

"Makakaasa kang matutupad ang iyong kahilingan. Paalam Lady Deianira."

Pagkatapos umalis ni Drystan ay agad akong nag-ayos sa aking sarili at dali-daling pinuntahan si Acheros.

"Acheee!" sigaw ko sa loob ng kaniyang opisina.

Mabuti na lang at wala pang tao kaya walang makakarinig sa akin.

Nalaman ko kasi na dito siya palaging natutulog nitong mga nakaraang araw dahil may problema ang kompanya nila.

"ACHEROS!" muling sigaw ko at hindi naman ako nabigo dahil lumabas ito mula sa isang kwarto.

"Stop shouting princess."

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at sa halip ay hinila siya paupo sa isang upuan.

"Gusto ko lang sanang magpaalam sa'yo. Baka kasi hindi na tayo magkita sa buhay mong ito." panimula ko.

Napakunot ang noo nito na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Anong kalokohan 'to?" kunot noong tanong nito sa akin.

"I need to go home. Wala na akong gagawin sa mundo niyo."

Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"Iiwan mo ulit ako?"

Agad akong umiling sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang pisngi nito.

"I won't leave you Ache. Uuwi lang ako sa amin. Alam mo namang may mga tungkulin akong dapat gawin at hindi ko ito pwedeng talikuran."

Paliwanag ko dito pero isang malungkot na ngiti ang ibinigay nito sa akin.

"I'm so sorry. Ipinapangako kong magiging tayo ulit sa susunod mong buhay. I won't leave you kahit hindi mo'ko makilala." pagpapagaan ko sa loob nito at pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit.

"Hindi ko gustong iwan ka, pero kailagan ko itong dahil ito ang tama. Hindi sa lahat ng bagay, mauuna ang puso Ache, minsan kailangan din nating gamitan ang ating mga utak." dagdag ko dito pero hindi siya sumagot at sa halip niyakap ako ng mahigpit.

"Maiintindihan ko naman kung may mamahalin kang ibang babae, Ache. Hindi kita pipigilan sa mga gagawin mo, dahil alam kong sa susunod na pagkakataon, sa akin pa rin ang bagsak mo."

Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Lumayo ako sa kaniya ng kaunti upang makita ang natutuwang mukha nito.

"Aalis ka na nga lang, magbibiro ka pa. Sa tingin mo, paano kita mapapalitan?" seryosong saad nito.

Ako naman ngayon ang nakaramdam ng lungkot na may halong inis.

"Maraming babae sa mundo Ache at kung kulang pa sila, pwede naman akong magpadala ng babae sa mundo ninyo para lang may makasama ka."

Umiling siya sa'kin at sumenyas na lumapit ako sa kaniya na agad ko namang sinunod.

"Kahit ilang daang taon pa ang umabot, hanggat buhay ka, babalik at babalik pa rin ako sayo Nikolette."

Unti-unting bumibigat ang aking mga mata at ilang minuto pa ay nakaramdam ako ng malamig na patak ng tubig sa aking braso.

My third cry in my whole life.

"Ache"

"Hindi kita pipigilan dahil sa una pang hindi naman kita solo. May sarili kang buhay sa mundong wala ako at naiintindihan kong hindi sa lahat ng oras, ako ang pipiliin mo."

"No..I love you Acheros."

Inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa aking labi upang pigilan ako sa pagsasalita.

"I love you too Nikolette at dahil sa pagmamahal ko, naniniwala akong magkikita pa tayong muli dahil alam kong tayo talaga ang itinadhana."

Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang sinabi at niyakap na lang siya ng mahigpit.

Ang buong akala ko ay mag-aaway pa kami sa bagay na ito dahil hindi niya gustong maiwan pero nagkamali ako. Naiintindihan niya ang sitwasyon namin at wala siyang planong sirain ito.

Makasalanan ako pero binigyan ako ng Diyos ng isang taong tatanggap ng buo sa akin.

Masaya akong nakatingin sa kaniya habang nakapikit siyang nakayakap sa akin.

I promise Ache, muli tayong magkikita at sisiguraduhin kong pareho na ang mundong ginagalawan natin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top