Chapter 35
3 months later....
Deianira's P.O.V
"Bang your head!"
"Life is getting easier without you!~"
Tatlong buwan na ang lumipas pero hindi ko pa rin kayang magpakita sa kanila kahit alam kong alam nila kung nasaan ako.
"Come on Deia!"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa aking likuran bago ko ito nginitian.
"Later Paul"
Tumango ito sa akin bago pumunta sa dance floor.
Sa tatlong buwang pagtatago ko sa kanilang lahat, hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito. Wala sa aking plano ang tumambay sa isang bar para lang makalimutan ang pagkawala ni Phoenix. Plano kong mamuhay ng normal pero unti-unti kong napapansin ang kabaliktaran.
Unang pasok ko dito ay muntik pa akong makagawa ng away pero mabuti na lang at naiwasan ko kaagad ito. Takot na takot ako sa lahat ng tao dahil baka masaktan ko sila kagaya ng ginawa ko kay Acheros.
"I think we should dance, Queen."
Agad kong inilayo ang sarili ko sa lalaking hahalik sana sa pisngi ko.
"I can't. I'm tired."
Nanlumo ang mukha nito pero hindi ako nadala dahil alam kong peke ang reaksiyon niya.
"I want to dance with you, Queen. Just give me a chance."
Nginitian ko ito bago sinagot.
"I'm so sorry but I won't, so please leave."
Mabuti na lang at hindi matigas ang kaniyang ulo at umalis siya kaagad.
Hayss..
Sa palagi kong pagpunta sa bar na ito ay nabansagan na akong reyna nila. Halos lahat ng oras ko ay inilalaan ko sa bar na ito na kahit ang mismong bahay ko ay pa minsan-minsan ko na lang inuuwian.
"My Lady"
Pakiramdama ko ay nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan.
Hindi ako pwedeng magkamali. Iisang tao lang ang kilala kong may matapang na boses.
"Flynn?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses pero wala namang tao.
"Deianira"
Tubig lang ang ininom ko kaya imposibleng malasing ako.
"Magpakita ka sakin Flynn."
Para akong timang habang nagsasalitang mag-isa.
"Keep walking Deia."
Dahil sa narinig kong boses ay agad kong pinuntahan ang pinanggalingan nito.
"Wait for me Flynn."
Habang naglalakad ako ay panay ang lingon nila sa akin. Siguro iniisip nilang nababaliw na talaga ako.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang aking vip room. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-dali itong binuksan,. At sa aking pagbukas ay agad sumalubong sa akin ang nakangiting Phoenix.
"FLYNN!!"
Dinamba ko siya ng yakap habang tumutulo ang mga luha. Hindi ko alam kung isa na naman ba itong panaginip o talagang buhay siya.
"Stamáta na klaís Ntiá."
("Stop crying Deia.")
Imbes na tumigil ako sa pag-iyak ay mas lalo lamang akong naiyak dahil sa kaniyang paghaplos sa aking buhok.
I can't believe he's here.
"Prépei na stamatísete na klaíte alliós to vasíleio tha katastrafeí. "
"You must stop crying otherwise the kingdom will be destroyed. "
Lumayo ako sa pagkakayakap sa kaniya at sinuntok ito ng mahina.
"I thought you left me. Hindi mo na ulit ako iiwan diba?"
Umaasa akong sasagutin niya ang tanong ko pero iniba niya ang tanong.
"Why are you here?" puno ng kaseryosohan ang mukha nito.
"I'm here to have fun." masiglang sagot ko dito pero iling lang ang isinagot niya.
"Se eída na klaís Ntégia. Eída ta pánta pou ékanes metá to thánató mou." ("I saw you crying Deia. I saw everything you did after my death.)
Saglit akong naestatwa sa aking kinatatayuan dahil sa kaniyang sinabi.
"Alam kong plinano mong saktan si Acheros dahil sa pagkawala ko."
Matapos kong marinig ang sinabi niya ay mabilis akong napayuko at agad na tumalikod sa kaniya para sana lumabas sa kwartong iyon pero nahawakan niya ang kamay ko.
"I'm so proud of you kasi hindi mo itinuloy ang plano mo, pero hindi ako natutuwa sa nakikita ko ngayon."
Puno ng disgusto ang boses nito at pakiramdam ko ay nabigo ko siya na parang sinayang ko lang ang ginawa niya.
"I'm so sorry Flynn. Hindi mo naman maiaalis sa akin ang magalit lalo na't alam kong nawala ka dahil hindi ikaw ang minahal ko!"
Hindi ko na napigilan ang sumigaw sa kaniya. Inaamin kong hindi ko pa rin kayang tanggapin ang katotohanang ako ang dahilan kung bakit muntikan na siyang nawala.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iniharapa sa kaniya. Ngayon ay kitang-kita ko na ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Ofcourse not!"
Itinaas niya ang kaliwang kamay at ipinatong sa aking ulo bago nagsalita.
"Wala kang kasalanan sa nangyari sa akin Deia. I want you to forget those things and start a new life."
Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
"Everything happens for a reason Deia. I want you to go back to the Philippines and start a new life. Wala sa Greece ang taong kailangan mong makita."
Hindi ako sumagot sa kaniya at dinama na lang ang kaniyang yakap. Hindi ko muna gustong isipin ang mga iniwan ko sa Pilipinas, gusto ko munang sumaya ulit habang nandito pa si Phoenix.
"I want you to rest and take good care of your self."
Pagkatapos niyang magsalita ay nakaramdam ako ng antok na ngayon ko lang naramdaman.
Hindi ako nagreklamo dahil alam kong may dahilan si Phoenix kaya niya ako pinapatulog, pero bago pa ako tuluyang makatulog ay narinig ko ang sinabi niya.
"Stop punishing yourself, I can't be at peace."
Phoenix P.O.V
Unti-unti na siyang bumibigat kaya inihiga ko na siya sa kama at kinumotan at pagkatapos at humiga sa kaniyang tabi.
"Wala akong sinisisi sa pagkamatay ko, Deianira. Mahal kita kaya dapat lang na iligtas kita lalo na't hindi mo pa siya lubusang napapatawad."
Alam kong hindi niya ako maririnig dahil hindi normal na mahika ang ibinigay ko sa kaniya.
Hindi ko kasi kayang sabihin sa kaniya ang lahat ng gusto kong sabihin kapag gising siya. Mas nauunahan ako ng takot at hiya kaya mas pipiliin kong sabihin sa kaniya ang lahat kapag tulog siya kahit hindi niya ako naririnig.
Hinaplos ko ang malambot niyang buhok at pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang kamay.
"Sa aking muling paglisan ay huwag ka sanang malungkot. Isipin mo lang na babalik ako para sa'yo at para sa palasyo. Hanggang sa muli nating pagkikita. I love you."
Hinalikan ko ang ulo nito at pagkatapos ay dinala ko siya pabalik sa bahay na itinayo ko para sa kaniya.
Maingat ko siyang inilapag sa kaniyang kama at isinarado ang pinto ng kwarto.
Pinagmasdan ko ang buong bahay at pakiramdam ko ay maliit lang ang bahay para sa kaniya at sa magiging pamilya niya kaya napagdesisyunan kong palakihin ito.
ozzz ozzzz ozzz
Kinuha ko sa aking bulsa ang orasang dala ko at bigla na lang akong napangiti ng mapait. Napatingin ako sa bahay at unti-unting tumulo ang aking luha.
"I'm so sorry Deianira but I can't stay with you. Thank you for everything. I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top