Chapter 34

Deianira's P.O.V

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Drystan ay naisipan kong bumalik sa aking kwarto upang makapag-isip.

Totoong nasasaktan ako sa pagkawala ni Phoenix pero hindi parin maikakailang, ako ang dahilan ng kaniyang pagkawala. Gusto ko sanang umuwi sa palasyo upang humingi ng tawad sa kanilang lahat, pero alam kong galit silang lahat sa akin at natatakot akong maparusahan.

Alam kong dapat akong humingi ng tawad sa kanilang lahat at harapin ang mga parusang maaari nilang ibigay sa akin pero hindi ko pa kaya. Gusto ko munang tanggapin sa aking sarili ang pagkawala ni Phoenix, dahil iyon lang ang nag-iisang paraan upang maharap ko ang mga parusa.

Napalingon ako sa bintana ng aking kwarto at tila may tumutulak sa aking sarili upang buksan ito.

Pagbukas ko ng bintana ay agad sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na tila may ipinapahiwatig sa akin at sa aking patuloy na pagdungaw ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang may yumayakap sa akin at tinatawag ang aking pangalan upang umalis sa silid na iyon.

Siguro nga kailangan ko munang ilayo ang sarili ko sa lahat. Siguro ipinadala ang kakaibang pakiramdam na ito upang maliwanagan ako sa dapat kong gawin.

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagkawala ko na parang bula.

Uuwi muna ako sa lugar kong saan tayo nabuo Flynn, I'll be back.

Third Person's P.O.V

Sa mga oras na iyon ay walang kaalam-alam si Deianira na nanunuod pala sa kaniya si Drystan. Kahit naiinis si Drystan sa kaniya ay may pag-aalala pa rin siya sa pinsan.

Gusto mang pigilan ni Drystan ang pag-alis ng pinsan ay hindi niya ginawa. Naiintindihan niya naman kung bakit pinili ng pinsan ang umalis muna. Alam din niya kung saan maaaring pumunta ang pinsan kaya hindi niya ito pinigilan.

Inilibot muna ni Drystan sa huling pagkakataon ang kaniyang paningin sa kwarto ng pinsan bago ito isinarado.

Naisipan niyang puntahan si Acheros dahil baka hinahanap na naman nito ang kaniyang pinsan.

"W-where is s-she?" mahinang saad ni Acheros pagkapasok ni Drystan sa silid.

Hindi agad sinagot ni Drystan ang tanong at sa halip ay humanap muna siya ng mauupuan.

"Are you strong enough to know the answer?"

Blangko ang ekspresyon ni Drystan na naging dahilan upang makaramdam ng kaba si Acheros.

"Did s-she leave?"

Tumayo si Drystan mula sa pagkakaupo at ginamot ang nanghihinang Acheros. Napagdesisyunan ni Drystan na gamutin muna ito bago ito sagutin.

"She'll be back soon kaya ayusin mo muna ang sarili mo." saad ni Drystan bago iniwan si Acheros na nakatulala.

Pag-alis ni Drystan ay agad lumabas ng silid si Acheros at dali-daling inikot ang loob ng bahay. Nagbabakasakali siyang makita ang diyosa pero sa huli ay nabigo siya.

Naputol ang kaniyang paghahanap nang may kumatok sa pintuan kaya dali-dali niyang tinungo ang pintuan, umaasang si Deianira ang kumatok.

Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya ang kaniyang ina.

"Anong ginagawa mo dito?"

Sinubukang hawakan ng kaniyang ina ang kaniyang mukha pero mabilis siyang lumayo dito.

"Kung wala ka namang kailangan sa akin ay maaari ka ng umalis."

Akmang isasarado na ni Acheros ang pinto nang iharang ng kaniyang ina ang sarili nito kaya napadaing ang kaniyang ina sa sakit.

"Ano ba ang kailangan niyo?!" naiinis na tanong ni Acheros dito.

"I need you, son." naluluhang saad ng ina pero hindi man lang nakaramdam ng awa si Acheros.

"Kinuha niyo na ang kasiyahan ko kaya wala na kayong makukuha sa'kin." saad ni Acheros bago tumalikod sa kaniyang ina.

Bago pa makahakbang si Acheros ay nahawakan ng kaniyang ina ang kaniyang balikat kaya napahinto siya at pinakiramdaman ang susunod na gagawin ng ina.

"Alam kong nasaktan ka sa ginawa ko Acheros, pero masisisi mo ba sa'kin kung gusto kong mas guminhawa ang buhay mo? Cath can provide anything you want, anak. So please, marry her."

Itinabig ni Acheros ang kamay ng ina at galit itong hinarap.

"I'll manage the company but I won't marry Cath so please let me rest, mom." saad ni Acheros bago iniwan ang ina.

Walang nagawa ang ina ni Acheros kung hindi ang panoorin ang papalayong bulto ng anak at nang hindi niya na ito makita ay napagdesisyunan nitong umuwi na lang sa kanilang mansiyon.

Sa silid ni Deianira ay may umiiyak na Acheros habang pinagmamasdan ang nag-iisang larawan nito sa kaniyang selpon.

Acheros P.O.V

Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari sa'kin pero bakit kailangan niya akong iwan? Hindi ba niya inisip na masasaktan ako kapag iniwan niya? Alam ko namang nasasaktan siya sa pagkawala ni Phoenix pero nandito naman ako para damayan siya at hindi ba niya naisip na nawalan din ako ng kaibigan?

Tiningnan kong muli ang kaniyang larawan at sa ikalawang pagkakataon ay muling tumulo ang aking luha.

Gustong-gusto ko siyang hanapin upang damayan siya pero hindi ko rin alam kung nasaan siya.

BZZZTT...BZZTTT

Agad kong kinuha sa aking bulsa ang aking selpon. Nagbabakasakaling siya ang tumatawag.

"Yes my baby?" masiglang tanong ko.

Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag at baka mawalan ako ng ganang sagutin ito.

"A-a-ah sir Acheros, I'm not your baby pero may gusto lang sana akong iparating sa'yo."

Napabuntong hininga ako sa aking narinig pero pinilit ko ang sarili kong pakinggan ang sasabihin nito.

"I'm listening." pagpapatuloy ko sa kaniyang sasabihin.

"Kailangan na kailangan na po ang presensiya niyo sa kompanya. Marami ng stockholders ang umaatras dahil nawawalan na raw sila ng tiwala sa inyo, kaya sana ay magpakita na po kayo." natatarang saad nito.

Natatakot akong mawala sa amin ang kompanya dahil alam ko kung gaano pinaghirapan ng aking pamilya ang estado namin ngayon, pero hindi pa ako handang magpakita sa lahat. Baka sa paglabas ko sa silid na ito ay bigla siyang magpakita sa akin kaya..

"Hayaan mo silang umalis. Gagawa ako ng paraan upang bumalik sila o 'di kaya ay hahanap tayo ng bagong stockholders." utos ko dito.

"Sir, may isa pa po."

"Continue"

"Bago lang kasi ako sa kompanya kaya hindi ko alam kung ano ang pangalan niya pero may iniwan po siyang sulat para sa inyo. Sabi po ng ibang empleyado, Deianira raw po ang pangalan niya."

Naalarma ako sa aking narinig.

"Nandiyan ba siya ngayon?"

Please. Please. Sana naman magbago ang isip mo at....

"Kanina pa po siya umalis, sir. Pinigilan ko nga po pero nagmamadali siya."

"I'll be there at kapag bumalik siya,." inipon ko muna lahat ang aking lakas bago magpatuloy. "Pigilan mo siyang makaalis. I badly need that woman." utos ko dito bago tinapos ang tawag.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kompanya ng ligtas. Wala ako sa tamang pag-iisip habang nagmamaneho, kakaisip kong bumalik ba siya o 'di kaya ay nakakain ba siya ng maayos.

"Ito po ang sulat na ibinigay ni Miss Deianira."

Napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin bago kinuha ang sobre. Minabuti kong pumasok sa aking opisina at agad tinakpan ang lahat ng bintana at pagkatapos ay dahan-dahang kinuha ang sulat na napakaloob sa sobre.

I'm so sorry for bringing you too much trouble. I'm sorry if I ruined everything, but one thing is for sure, from now on, I won't disturb you nor cause some harm. I'll always cherish our moment together and thank you for letting me experience a second chance of love. I'm so sorry and please be happy. I'll be back and ask personally an apology. Take care. ILY.

-Nikolette





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top