Chapter 30
<3 DAYS AFTER>
Third Person's P.O.V
Tatlong araw ang lumipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si Acheros kay Deianira. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay palaging galit ang dalaga na halos araw-araw ay biglang uulan ng malakas o 'di kaya ay biglang magkakaroon ng malalakas na kulog na naging dahilan upang mangamba ang mga tao. Iniisip ng mga tao na baka katapusan na ng mundo dahil kahit ang mga weather forecaster ay hindi kayang basahin ang takbo ng panahon.
Sinubukan siyang pagsabihan nina Phoenix at Drystan pero mas lalo lamang itong lumala. Umabot na sa tahanan ng mga Diyos at Diyosa ang ginawang pinsala ni Deianira kung kaya't binalak ng mga nakakataas na pabalikin si Deianira sa palasyo upang parusahan pero hindi ito natuloy dahil inako ni Phoenix ang lahat kapalit ng isang pangakong kalayaan.
Walang nagawa ang mga nakakataas kung hindi ang pabayaan si Deianira dahil sa usapan nila ni Phoenix. Inutusan lamang si Phoenix na mas bantayan si Deianira upang hindi ito makagawa mg mas malalang pinsala sa mga tao.
Agad na pumayag si Phoenix dito at bumalik sa mundo ng mga tao kung saan naglalagi si Deianira.
Umaga na nang makabalik si Phoenix sa mundo ng mga tao at bigla siyang kinabahan nang hindi niya makita ang diyosa kaya pinuntahan niya ang kompanya ni Acheros.
Itinago ni Phoenix ang kaniyang sarili sa lahat at tahimik na hinanap ang diyosa na kasalukuyang nagtatrabaho.
"Miss Deianira ako na po diyan." suhestisyon ng kaniyang kasamahan.
"Huwag na. Wala naman akong magawa sa loob kaya tutulong na lang ako sa inyo." nakangiting saad ni Deianira dito habang ipinagpatuloy ang ginagawang pagpprint.
"Kaya nga po eh. Wala na po kayong trabaho kaya dapat po kayong magpahinga. Alam naman po naming lahat kung gaano karami ang mga papeles na kailangan niyong basahin lalo na't wala si sir." nag-aalalang saad ng kaniyang kasamahan.
"Ayos lang talaga ako dito. Pabayaan mo na lang ako at tapusin mo na ang ibang nakaatas sa iyo."
Tumango ang empleyado bago iniwan si Deianira. Maayos lang sana ang naging takbo ng trabaho ni Deianira nang aksidente niyang marinig ang usapan ng dalawang babaeng empleyado.
"Narinig ko sa HR kanina na malapit na raw ikasala sina Miss Cath at Sir Acheros."
"May relasyon ba sila? Hindi naman ata si Miss Cath ang makakatuluyan ni sir."
"Gaga! Wala namang ibang Cath sa kompanyang ito at isa pa, pareho silang mayaman kaya hindi na iyon nakapagtataka."
"Bahala ka pero ako, hindi ako boto sa kanilang dalawa."
"Bahala ka rin kasi kahit hindi ka boto sa kanilang dalawa, sila pa rin ang magkakatuluyan."
Sa inis ni Deianira ay pinalipad niya lahat ng mga papel sa loob ng opisinang iyon na naging dahilan upang magsigawan ang lahat ng tao kaya dali-daling nilapitan ni Phoenix si Deianira at agad itong niyakap ng mahigpit.
"Dark loves you my lady. Huwag mo sanang isipin ang simpleng usapan ng mga tao."
Mabuti na lang at natauhan si Deianira sa bulong ni Phoenix kaya binawi niya ang kapangyarihang inilabas.
"I'm watching you from a far my lady." bulong ni Phoenix bago bumalik sa kaniyang puwesto kanina.
Mas lalong nagsigawan ang mga empleyado dahil sa padabog na pagkahulog ng mga papel pero agad din naman iyong nawala nang pumasok si Cath.
"Hello po Miss Cath."
"Good Morning po."
"Congrats po."
Maaliwalas ang mukha ni Cath habang papalapit kay Deianira samantalang si Deianira ay parang tigre na kahit anong oras ay pwedeng manakmal.
"I came here pala para personal na ibigay sayo ang invitation card sa kasal namin."
Inilahad ni Cath ang imbitasyon sa kanilang kasal pero hindi ito pinansin ni Deianira at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Nakakuha ng atensiyon ang ginawa ni Deianira at nakaramdam ng pagkapahiya si Cath kaya naiinis na kinuha ni Cath ang mga papeles na tinatarbaho ni Deianira at itinapon ito sa ere.
"Anong ginawa mo?!" singhal ni Deianira dito habang nanlilisik ang mga mata.
"Anong itsura 'yan Deianira? Lalaban kana sa'kin? Nakalimutan mo bang empleyado ka lang dito? WATCH YOUR MANNERS!!" galit na singhal ni Cath at pagkatapos ay sinampal si Deianira.
Napasinghap ang lahat kasama si Phoenix. Gustuhin mang magpakita ni Phoenix ay hindi niya ginawa dahil alam niyang magagalit sa kaniya si Deianira.
Napangisi si Deianira habang hawak ang nasampal na pisngi.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka magsisisi sa ginawa mo sa'kin ngayon Cath dahil talagang pagbabayaran mo ang ginawa mo sa'kin ngayon." puno ng diing pagkakasabi ni Deianira.
Natawa si Cath sa banta ni Deianira kaya akmang sasampalin niya na naman ito pero hindi natuloy dahil ginamitan siya ng mahika ni Phoenix. Nagkaroon ng maliit na sugat si Cath sa kanyang braso dahil sa pasong ibinigay ni Phoenix sa kaniya.
"Gusto ko lang sabihin sayo Cath na simula sa oras na ito ay hindi na ako empleyado sa kompanya ni Acheros. I QUIT!" blangkong saad ni Deianira at pagkatapos ay umalis sa lugar na iyon.
Naiwang nakatulala ang lahat ng nanunuod habang si Cath ay iniinda ang sakit ng kaniyang braso.
"Buzzz"
Napalingon si Cath sa kaniyang bag at kinuha ang selpon.
"Let's stop this Acheros. I can't take this anymore. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang saktan ng MAPAPANGASAWA MO! I QUIT!" basa ni Cath sa text na natanggap.
Sa kabilang banda ay ang nagmamadaling Acheros. Gusto na niyang makauwi sa Pilipinas upang ipaliwanag kay Deianira ang lahat. Gusto niyang sabihin ang tunay na rason kung bakit hindi niya nagawang magparamdam ng tatlong araw dito.
"I need to go!" singhal ni Acheros sa mga taong nagbabantay sa kaniya.
"Sorry but you're not allowed to go back to the Philippines." diretsong sagot ng isang body guard.
"I need to explain everything to my girlfriend. Please, I'm begging you to let me go." mahahalata sa boses nito ang lungkot at pangungulila pero hindi ito pinansin ng mga nagbabantay.
"Mom! Dad! Let me go!!" malakas na sigaw ni Acheros at ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at iniluwa doon ang kaniyang ina.
Puno ng awtoridad ang bawat lakad nito habang nakatingin ng masama kay Acheros.
Agad na lumapit si Acheros sa kaniyang ina at lumuhod sa harapan nito.
"Mom please. I'm old enough para magkapamilya kaya sana ay pabayaan mo na lang akong makasama si Deianira." pagmamakaawa ni Acheros dito pero itinulak lang siya ng kaniyang ina.
Kahit itinulak siya ng kaniyang ina ay agad bumalik si Acheros sa kaniyang pagkakaluhod na parang walang nangyari.
"Hindi kita pinalaki ng maayos para lang magmakaawa Acheros. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ang mapapangasawa mo ay si Cath? Hindi mo ba kayang intindihin 'yon?" saad ng ina ni Acheros habang magkasalubong ang kilay.
"Ilang beses ko rin po bang sasabihin sa inyo na si Deianira lang ang gusto kong makasama habang buhay? I love her mom at kaya kong ipahiya ang sarili ko sa lahat para lang payagan ni'yo akong makasama siya."
Napabuntong hininga ang kaniyang ina bago muling nagtanong sa kaniya. Isang tanong na kung saan makikita ang tunay na pinagmulan ng pagmamahal ni Acheros para kay Deianira.
"What made fall in love with her?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top