Chapter 3
Tavarious P.O.V
Umalis na muna ako sandali dahil sumasakit ang ulo ko kakaharap sa computer. Hindi naman masamang umalis sa trabaho lalo na't malapit na ang lunch. Relax na relax lang ako habang sumisimsim sa shake nang mapansin ko na may babaeng tinutulak ang guwardiya.
Inilapag ko na lang ang bayad at agad na nilapitan ang babaeng tinulak.
"Pansensya na po kayo pero ang sinabi po kasi sa amin eh bawal magpapasok sa loob ng kompanya kung walang id"
Akmang magsasalita na sana ulit ang babae nang inunahan ko ito.
"Anong nangyayari dito?"
Isang malakas na tibok sa aking puso ang kumawala matapos lumingon ang babae. Parang gumaan ang pakiramdam ko matapos siyang makita.
Kailan pa ako nagkaganito sa taong ngayon ko lang nakita?"
"Itong babae kasi sir eh, nagpupumilit na pumasok."
tinangoan ko lang ang guwardiya bago pinasadahan ng tingin ang babae.
"She's with me"
Hindi naman siguro masamang tulungan ang isang napakagandang dilag diba?
Nauna akong maglakad sa kanya para sana ay pasunurin ito pero hindi ito sumunod sa akin at sa halip ay nakatulala lang ito.
Hindi naman masamang matulala sa kapogian ko.
Nakatulala lang siya habang hinahatak ko ito. Lahat naman ng tingin ay napunta sa amin. May ibang nagtataka, naiinis at ang iba naman ay natutuwa.
Binalingan ko na lang ang babae at tulad kanina, nakatulala parin ito.
Napabalik lang siya sa wisyo nang umandar ang elevator at bigla siyang natumba pero mabuti na lang ay nasalo ko.
"Takot ka ba sa elevator?"
Ngumiti ito sakin at ako naman itong si marupok, nahulog sa kanya. "Nabigla lang kasi ako."
Isang ngiti ang ibinagay ko dito bago ko ito pakawalan. Ramdam na ramdam ko ang kaba ko habang naaamoy siya. Hindi na din mawala sa aking isipan kung gaano kalambot ang kaniyang balat. Sa huli ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"Anong pangalan mo?"
Minabuti kong huwag itong tignan para makapagsalita ako ng maayos. Ilang minuto ang lumipas pero wala parin akong nakuhang sagot kaya inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at nagtanong ulit.
"Excuse me lang miss ha pero anong pangalan mo?"
Mabuti na lang at hindi ako madaling mautal kapag kaharap ang babae. Napangiti naman ako sa naging reaksiyon niya.
"H-Huh? I'm D-Deianira"
Hmm..Deianira, My Deianira..
Bigla akong naakit sa pangalan niya kaya hinaplos ko na lang ang buhok nito kaysa sa halikan siya.
"I'm Tavarious, Tavarious Von Ramirez." inilahad ko ang kamay ko na agad naman niyang tinanggap at sa ikalawang pagkakataon, nalunod ako sa kagandahan niya.
"Deianira Nikolette. Nice to meet you again Tavarious" Hindi ko na lang pinansin ang ibinulong niya at sa halip ay ngumiti na lang dito.
Sakto naman na bumukas na ang elevator kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Sino pala ang sadya mo dito?" tanong ko sa kanya habang nangunguna sa kanya sa paglalakad.
"Yung kapatid mo." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong kapatid na nagtatrabaho dito at higit sa lahat ay wala din akong kapatid, maliban na lang kung may anak sa labas ang mga magulang ko.
"Sinong kapatid?" nagtataka akong lumingon sa kanya at kumunot naman ang noo niya.
"Si Acheros. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo ang kapatid mo?"
Kailan pa naging Ramirez ang isang Martinez?
"Wala akong kapatid." diretso kong sagot sa kanya na ikinatawa naman niya.
"Jusko Tav, Nakalimutan mo ang kapatid mo? Sabay nga kayong nagreincarnate sa mundong ito diba?" mas lalo namang kumunot ang noo ko.
Okay, inaamin ko na nagiging weird na siya pero hindi parin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya.
"I'm a Ramirez and he is a Martinez. Kailan pa naging pareho ang apelyido namin?"
Binuksan ko ang pinto ng opisina ko at agad siyang pinapasok.
"Sa pagkakaalam ko ay Villacruz ang apelyido niyo. Napaka mapanlinlang talaga nila."
Hindi na ako nag-abalang sumagot dahil parang sarili lang naman niya ang kinakausap niya. Tahimik lang akong umupo sa upuan ko habang pinagmamasdan siyang nagsasalitang mag-isa.
"Bakit kaya kayo binuhay?"
"Siguro plano nila itong lahat!"
"Babalik na ako tutal nabuhay na naman kayo ulit."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maaliw sa kanya. Para kasi siyang bata habang kausap ang sarili niya. Napakomportable ng pakiramdam ko kapag nakikita siya at hindi iyon maganda.
"Tava! Aalis na ako ha."
Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang pangalan ko.
'Seryoso ba siya? Tava? Parang pinagandang taba lang ah.'
"Aalis kana agad? Hindi mo na pupuntahan si Acheros?" umasim ang mukha niya pagkatapos kong banggitin ang pangalan ni Acheros.
"Bakit ko pa siya pupuntahan? Wala akong kailangan sa kanya Tava."
Napakaweirdo talaga ng babaeng 'to. Parang kanina lang ay nakikipagsagutan siya sa mga gwardiya dahil gusto niyang makapasok sa kompanyan para lang makita si Acheros.
Ay teka, baka naman nawalan na siya ng interes kay Acheros dahil sakin nabaling ang interes niya.
'Napakagwapo ko talaga sheyt!'
Tinignan ko muna ang orasan bago siya sinagot. Hindi pwedeng umalis siya agad.
"Malapit na mag lunch baka gusto mong sumama sakin."
Umiling siya sa sinabi ko at naglakad papunta sa pinto.
"Hindi ka talaga sasama sa akin? Wala ka namang utang na loob."
Alam kong medyo harsh ang sinabi ko pero wala na akong mahanap na palusot para samahan niya akong kumain. Nababaliw na ata ako. Siguro napasobra ako sa trabaho at dapat na din akong magbakasyon.
"Okay" humarap ito sakin at tinignan ako ng masama. "Wala na akong utang sayo ha. Tumaya ka na nga diyan!"
Hindi ba niya alam na mas nakakaakit siya kapag naiinis? Kahit na weirdo siya, handa ko parin siyang tanggapin.
Napailing na lang ako habang isinusuot ang suit at pagkatapos ay nagmamadaling sinundan siya.
Third Person's P.O.V
Habang masayang nagliliwaliw si Deianira kasama si Tavarious, maasim naman ang mukha ni Phoenix.
Naiinis si Phoenix kay Deianira dahil sa biglaang pagkawala ulit nito. Hindi kasi ito nakinig sa kanya nang sabihan niya itong maupo lang doon at hintayin siyang makabalik.
Pagkatapos mawala ni Deianira ay napagpasyahan niyang ikotin ang buong mall upang bumili ng mga kakailanganin ng dalaga at para na rin hanapin ito.
Dala-dala niya ang maraming shopping bag at kasalukuyan siyang paalis sa lugar. Hindi na din nahirapan si Phoenix dahil kabisado na niya ang mundo ng mga tao dahil sa palaging pagbisita niya dito.
Nagmaneho siya papunta sa isang hotel na kung saan balak niyang dalhin si Deianira.
"Pag hindi ka pa nagparamdam sakin Deianira, ako mismo ang lalapit sayo." ani ng lalaki sa kanyang sarili habang inaayos ang mga pinamili.
Pagkatapos niyang ayusin ang mga pinamili ay napagdesisyunan niyang tawagan ang isang taong kakilala niya na maaaring lapitan ni Deianira.
"Pinuntahan ka ba niya Dark?"
Isang buntong hininga ang narinig niya sa kabilang linya. Ngayon ay sigurado na siya na nagkita na nga sila.
"Hindi mo naman sinabi sakin na may galit pala siya sakin. Nakakatakot siya Fin" halata sa boses ng lalaki na takot ito sa dalaga.
'Minahal mo yan dati! Huwag kang tanga!'
Gusto mang sabihin iyon ni Phoenix pero pinigilan niya ang sarili at baka mas lalo lang malito ang kausap niya.
"Nandiyan ba siya sayo ngayon?"
"Wala ma siya dito."
Kinabahan naman siya sa sinabi nito. Umaasa siya na sana ay hindi pinairal ni Deianira ang pagiging mapaglaro sa lalaki.
"Saan siya pumunta? Sinong kasama niya?"
"Ayon sa nakita ko, kasama niya si Tavarious at nasisiguro ko na kakain sila sa labas."
Lumuwag ang pakiramdam niya sa narinig.
"Sige Dark. Salamat at ingat ka pala. Baka pagbalik niya diyan malamig kana." Gusto niya lang biruin ang kaibigan pero hindi niya alam na natakot ito.
"G*go ka talaga Fin! Wala akong kinalaman sa buhay niyo hoy."
Tawang-tawa siya habang ibinubulsa ang telepono.
Inilibot niya ang paningin at naisipan niya munang kumain bago sunduin ang dalaga.
'Hindi ka naman siguro gagawa ng kalokohan Deianira' saad ng lalaki sa kanyang isipan bago nagsimulang kumain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top