Chapter 27
Deianira's P.O.V
Pagkagising ko ay agad na tumambad sa'kin ang napakaraming pagkain at lahat ng iyon ay mga paborito ko.
Ano na naman kayang pakulo ang naisipan ni Phoenix? Gusto niya atang bumigat ang tiyan ko.
Nakangiti akong bumangon at nang maisipan kong tumayo ay hindi ko nagawa, dahil may dalawang nilalang ang nagyayakapan sa baba ng aking higaan. Nilapitan ko ito at pareho silang pagod. Ano kayang ginawa nila kagabi para mapagod sila ng ganito? Bromance na ba 'to?
Akmang gigisingin ko na sila nang mapansin ko ang dala-dala ni Phoenix. Kung hindi ako nagkakamali, banner ito, pero saan naman niya gagamitin?
Dahil sa pagiging tamad kong magsalita, naisipan kong sipain na lang sila para sila ay magising at hindi naman ako nabigo dahil agad silang bumangon.
"GOOD MORNING theá tou pónou!"
"STAY HAPPY MY LADY!"
Imbes na umiyak ako sa kanilang ginawa ay napatawa ako ng malakas. Hindi kasi ako ang tipo ng taong maiiyak dahil sa tuwa, tatawa ako kapag natutuwa at iiyak ako kapag malungkot o galit.
"Anong pakulo 'to?" nakangiting tanong ko sa kanila habang inisa-isa ang mga pagkain.
Umupo silang dalawa sa aking tabi at walang pasabing hinawakan ang mga kamay ko.
Una kong nilingon ang aking pinsan na parang kinikilig habang nakatingin kay Phoenix.
Wala namang bakla sa mundo namin!
"Theá tou pónou~. Apoy na lang kasi ang piliin mo. Paniguradong sasaya ang buong kalangitan." nakangiting saad nito habang nakatingin kay Phoenix.
Tiningnan ko si Phoenix at hindi mapinta ang kanyang mukha. Pulang-pula siya habang nakatingin ng diretso sa aking kamay.
"May sasabihin ka rin?"
Hindi ito sumagot sa akin at tanging pag-iling lang ang kanyang ginawa. Natawa tuloy ako sa kanyang ginagawa. Naninibago kasi ako sa pagiging mahiyain niya sa akin ngayon.
"Huwag kang tutulad kay Drystan, Flynn. Hindi siya kaaya-aya." saad ko habang pinapakiramdaman ang magiging reaksiyon ni Drystan.
Hindi naman ako nabigo dahil padabog niyang binitawan ang aking kamay at pagkatapos ay tumayo.
"Sa susunod na iiyak ka talaga, hindi na ako dadating at pababayaan kitang umiyak mag-isa. Maghanap ka ng kaaya-ayang pinsan!"
Bago pa siya maglaho ay agad ko siyang naikulong sa aking mga baging. Nagpupumiglas ito pero hindi niya pa rin kayang umalis sa pagkakahawak ng mga baging.
"Galit ka ata? Hindi ka ba sanay sa ugali ko?" nakataas kilay kong tanong dito habang pipantayan ang kanyang tindig.
"Ikaw na nga itong pinapasaya ikaw pa 'tong nanlalait sa'kin. Pasalamat ka nga at dinamayan kita buong maghapon! Nakakapikon kana!" galit na sigaw nito at talagang hindi siya nagbibiro.
Natutuwa ako sa kanyang reaksiyon pero hindi ko dapat ipakita iyon dahil mas lalo lamang itong magagalit sa akin. Napagdesisyunan kong gamitin ang aking kaalaman sa pagiging peke.
"A-akala k-k-ko ba, pinapasaya mo'ko? Bakit n-nagagalit ka sa'kin?" umiiyak na saad ko habang pinupunasan ang pekeng luha.
Pinakawalan ko siya sa pagkakagapos upang mas maging makatotohanan ang aking pag-iyak.
"Hindi mo'ko madadala sa pag-iyak mo Deianira. Hindi ka bata para umiyak sa sarili mong kasalanan." seryosong saad nito.
Hindi ko ito pinansin at mas lalong umiyak sa kanyang harapan at agad namang naalarma si Phoenix.
"Makipag-ayos kana Drystan! Hindi pwedeng umiyak ang diyosa ng sakit!" sigaw ni Phoenix sa kanya kaya agad siyang natauhan.
"Sh*t! Oo nga pala! Lagot ang buong palasyo." natatarantang saad nito bago ito dali-daling lumapit sa akin at hinagod ang aking likod.
"Theá tou pónou. I'm sorry my dear princess. I made a mistake. Hindi kita dapat pinaiyak at huwag mo sanang isipin na magagalit ako sa'yo. Alam mo naman kung gaano ka kamahal ng pinsan mo diba?" pagpapagaan niya sa loob ko.
Malapit na akong mapatawa ng malakas pero imbes na tumawa ay mas nilakasan ko ang pag-iyak.
"Kapag may nangyari sa palasyo Lord Drystan, hindi talaga kita papatawarin." seryosong saad ni Phoenix sa kanya habang gumagawa ng mga bituin gamit ang apoy.
"Wahh! Pinsan! Huwag ka ng umiyak please. Ibibigay ko lahat ng gusto mo." saad nito kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Walang bawian?"
"Oo! Huwag ka lang umiyak."
Napangisi ako sa kanyang sinabi at agad na nagbago ang kanyang ekspresyon.
"Ikaw ang magbabayad sa lahat ng gastusin namin at palagi mo akong ihahatid kapag wala si Phoenix. Maliwanag?"
Nagmamakaawa siyang tumingin kay Phoenix pero nagkibit balikat lang si Phoenix sa kanya na parang sinasabing wala itong magagawa.
"Oo na! Masusunod kamahalan." pagod na saad nito.
Napangiti ako sa kanilang dalawa bago sinimulang kumain. Habang kumakain ako ay lumabas sila upang mag-usap ng masinsinan. Hindi na rin ako nag-abalang makisali dahil kailangan kong unahin ang pagkain kaysa ang makipagdaldalan. Kailangan kong ipakita sa lahat na wala akong nararamdamang sakit at hindi ako kailanman maaapektuhan ng damuhong Cath at Acheros na iyon.
Third Person's P.O.V
Habang kumakain si Deianira ay nag-uusap sina Drystan at Phoenix. Hindi pa rin nakakalimutan ni Drystan ang sitwasyon ng kaibigan.
"Sabihan mo na lang kaya sa kanya at nang mabigyan ka niya ng pagkakataong mahalin. Hindi naman siya mahihirapan dahil napapasaya mo siya at kayo ang magkasama simula pagkabata." kumbinsi ni Drystan kay Phoenix pero umiling si Phoenix sa kanya.
Tinapik ni Phoenix ang kaliwang balikat ni Drystan bago ito sumagot.
"Kahit kailan ay hindi ko hihilingin na mahalin niya ako ng pilit. Gusto kong mahalin niya ako dahil 'yon ang nararamdaman niya." malungkot na saad ni Phoenix.
"Alam mo kung ilang araw na lang ang itatagal ng buhay mo Flynn. Bilang pinsan niya, gusto kong tulungan ka, kaya kung hindi mo gustong sabihin sa kanya, ako ang magsasabi sa kanya." serysosong saad ni Drystan at pagkatapos ay dali-daling umalis.
Bago pa makapasok si Drystan kung nasaan si Deianira, may nagliliyab na ibon ang humarang sa kaniya. Agad na napaatras si Drystan at sinubukang maglabas ng kapangyarihan pero naantala ito nang igapos siya ng nagliliyab na lubid.
"Huwag mong diktahan si Deianira. Kahit pinsan ka pa niya Lord Drystan, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kapag ginawa mo ang bagay na iyon."
Imbes na matakot ay napangiti si Drystan dito.
"Oo na! Pakawalan mo na 'ko at baka makita pa tayo ni Deianira." utos ni Drystan na agad namang sinunod ni Phoenix.
Pagkatapos mapakawalan si Drystan ay dali-dali itong pumasok sa kwarto ni Deianira na kasalukuyang nag-aayos ng buhok.
"Theá tou pónou! May gusto sayo si apoy!" sigaw ni Drystan kaya agad siyang hinila ni Phoenix at tinakpan ang bibig.
Napailing na lang si Deianira at hindi pinansin ang sinabi ng pinsan. May parte sa sarili ni Phoenix ang nalungkot dahil walang pake si Deianira sa kanyang nararamdaman at wala itong planong malaman ang katotohanan.
"Ihatid niyo na lang kaya ako?"
Agad na nagsitanguan ang dalawa sa suhestisyon ni Deianira. Si Drystan ang nagdala ng mga gamit nito habang si Phoenix naman ang tagabukas ng pinto. Nagmistulang mga katulong ang dalawang Lord para lang mapasaya ang babaeng pinapahalagahan nila.
Habang nasa biyahe ay panay ang away nila. Hindi kasi sila magkasundo sa gagawin nila mamayang gabi. Plano kasi ni Deianira na mamili ng mga gamit habang si Phoenix ay maligo sa pool at si Drystan naman ay kumain sa labas.
"Kapag hindi nasunod ang gusto ko.."
Hinawakan ni Deianira ang balikat ng dalawa. "Asahan ninyong magkakaroon kayo ng bagong problema." banta ni Deianira bago lumabas ng kotse.
Hindi nakasagot ang dalawa dahil sa takot na kanilang naramdaman. Napabalik lang sila sa wisyo nang makita nilang nakasunod si Acheros kay Deianira.
Akmang bababa na si Drystan nang pigilan siya ni Phoenix at tiningnan ng seryoso.
"Hayaan mo siyang sumaya Drys." saad ni Phoenix at agad silang naglaho.
Deianira's P.O.V.
Diretso lang akong naglalakad papunta sa opisina nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran kaya napahinto ako.
"Samahan mo'ko sa meeting ko ngayon. I'll wait for you in the car."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top