Chapter 21
Deianira's P.O.V
Hindi ako nakatulog ng maayos dala ng aking nakita kanina. Nababahala ako sa kanyang ginagawa dahil ngayon lang siya nagsinungaling sa akin.
Bigla akong napapikit nang bigla siyang tumayo at inayos ang higaan. Pinakiramdaman ko ito sa kanyang ginagawa.
"You always sleep like a baby." saad niya bago ko naramdaman ang kanyang haplos sa aking ulo.
Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang pagsirado ng pinto kaya agad akong sumilip upang tingnan kung ano ang gagawin niya.
Hinubad niya ang kanyang pang-itaas bago isinuot ang apron. Lantad na lantad sa aking mata ang maskulado niyang katawan na alam kong paglalawayan ng mga babae.
Bago pa ako makapag-isip ng iba, sinuri ko ang kanyang likod at unti-unti ng naghihilom ang kanyang mga sugat.
"The prince healing power~"
Minadali ko ang paglapit sa kanya at pagkatapos ay kinurot ang peklat sa kanyang likuran na naging dahilan upang siya ay mapasigaw.
"What the F---Food!"
Ngumiti ako ng napakalapad upang mas lalo siyang asarin. Kitang-kita ko naman ang pagdaan ng kaba sa kanyang mukha.
"Ayos ka lang?" kaswal na tanong ko dito, kunwari hindi ko nakita ang likod niya.
"O-oo naman! Punta kana sa lamesa at maghahain na ako." saad niya at ibinalik ang atensiyon sa niluluto.
"Kinakabahan ka ata? Patingin nga!"
Binalot niya ang kanyang sarili ng apoy kaya bigla akong napaso. Dahil sa inis ko ay naglabas ako ng isang malakas a hangin upang mawala ang apoy. Mabuti na lang at medyo nanghihina pa siya kaya hindi ako nahirapan.
"Anong nangyari sa likod mo?" tanong ko sa kanya matapos kong makita ang kanyang likod.
"Nadaplisan ng kutsilyo."
'Magsisinungaling na nga lang, halata pa.'
"Saan? Paano?"
"Pumunta kana sa lamesa at tapos na akong magluto." saad niya bago ako tinalikuran.
Wala naman akong magagawa kung ayaw niyang sabihin sa akin ang rason. Hindi ko lang talaga matanggap na naglilihim na siya sa'kin.
"Anong gagawin mo sa opisina ngayon?" panimula niya habang kami ay kumakain.
"Hindi ko alam."
Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi parin siya nagsasalita. Hindi ko naman gustong simulan ang usapan lalo na't nasira ata ang mood niya.
"Ihahatid na kita!" sigaw niya sa labas ng kwarto.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong dumiretso sa kwarto upang magbihis habang siya ay dumiretso sa kusina upang maghugas ng pinagkainan namin.
Kung iisiping mabuti, mapagkakatiwalaan si Phoenix at talagang matapat siya sa kanyang tungkulin kaya hindi ko alam kung sinong damuho ang nanakit sa kanya at talagang nagdulot sa kanya ng labis na panghihina.
Naputol ang aking pag-iisip dahil sa biglang pagkatok ng pintuan.
"Shall we go?"
Napatingin ako sa salamin at nang pasado na ang aking hitsura ay agad akong lumabas. Naabutan ko naman siyang nakapikit habang nakasandal sa gilid ng pintuan.
"Hoy!"
Napatingin siya sa akin bago naunang lumabas ng bahay. Minsan talaga, hindi ko mawari kung bakit nag-iiba ang kanyang ugali.
Sinundan ko nalang ito at tahimik na pumasok sa kotse. Hindi siya nagsalita at binuhay niya lang ang music player upang mag tunog kaming maririnig.
Hindi kalayuan ang kompanya sa bahay kaya hindi naging matagal ang byahe. Pababa na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"I'll be with you today. Huwag kang gagawa ng ikakagalit ko my lady at talagang isusumbong kita sa iyong ama." saad niya.
Tumango na lang ako sa kanya bago lumabas ng kotse at naglakad papunta sa entrance ng kompanya.
Pagpasok ko ay nagulat ako ako sa mga empleyadong nakatingin sa akin. Sari-saring emosyon ang nakikita ko, may galit, naiinggit at may natutuwa.
Napakunot ako ng noo dahil hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari ngayon. Wala naman akong ginawa kahapon maliban sa matulog, kumain at magtrabaho.
"Nikolette!"
Isang boses ang naging dahilan upang sila ay magsialisan.
"Stay calm, my lady."
Bigla akong natauhan sa boses ni Phoenix. Talagang hindi siya umalis ngayon.
"Let's go?" nakangiting saad ni Acheros sa akin pero tinangoan ko lang ito.
Hindi naman siya nagtaka at basta-basta na lang akong hinila.
Habang papasok kami sa opisina ay panay ang salita niya pero hindi ko magawang tumugon lalo na't nasa tabi ko lang si Phoenix. Baka isipin niyang may nararamdaman pa ako para kay Acheros.
"I miss you Nikolette!" masiglang saad niya pagpasok sa opisina.
Ngitian ko lang ito bago umupo sa aking upuan. Kita ko naman sa kanyang mukha ang pagtataka sa aking ikinikilos.
Magtatanong na sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan kaya sabay kaming napalingon dito.
"Good morning sir Acheros. Ipinapatawag na po kayo sa meeting." magalang na saad ng babae na paminsan-minsan ay napapatingin sa akin.
"Meeting? Walang nakaschedule na meeting ngayon."
Biglang napaharap ang babae sa kanya na tila nag-iisip ng mabuting palusot.
'Something's fishy~'
"Biglaan po ang meeting sir. Pasensya na po."
Napabuntong hininga na lang si Acheros bago lumapit sa akin.
"I'll be back. Sabay na tayong maglunch." saad niya sa akin bago ako halikan sa pisngi at sumama sa babae.
Pagkaalis niya ay agad nagpakita sa akin si Phoenix. Ngumiti siya ng nakakaloko pero ang mga mata niya ay tila malungkot o namamalikmata lang ako.
"Hindi ko alam na may pagbabago pala?" nakangiting saad niya sa akin.
"Huwag mo'kong simulan Phoenix at talagang mayayari ka sa'kin."
Hindi na siya nagsalita at natulog na lang sa aking tabi.
Tiningnan ko muna siya bago nagsimulang magtrabaho. Hindi naman ako nahirapan sa aking trabaho dahil ginagamit ko paminsan-minsan ang aking kapangyarihan upang hindi ako mahirapan.
Patuloy lang ako sa pagtatrabaho nang bigla akong hawakan ni Phoenix sa aking kamay.
"Anong problema?" tanong ko sa kanya habang nakatuon ang aking atensiyon sa mga papeles.
"Kain na muna tayo~" saad niya gamit ang pambatang boses.
Napatingin ako sa orasan at hindi ko man lang namalayan na tanghali na pala. Sunod kong tiningnan ang aking cellphone pero wala namang bago kaya agad akong pumayag sa alok ni Phoenix.
"Let's go Flynn."
THIRD PERSON'S P.O.V
Panay ang tingin ni Acheros sa kanyang cellphone na kanina pa napapansin ni Cath.
"Ipagpatuloy na lang natin bukas ang meeting na ito. Let's eat lunch."
Nagsipagtayuan ang lahat dahil sa sinabi ni Acheros. Aalis na sana si Acheros nang hawakan ni Cath ang kanyang braso kaya napatingin siya dito.
"Anong kailangan mo?" nagmamadaling tanong ni Acheros kay Cath.
"Kailangan natin silang samahan kumain, Dark. Iyon ang bilin ng chairman."
Napabuntong hininga si Acheros at tiningnan ang kanyang relo.
"May lunch kami ni Deianira, Cath. Hindi ko naman pwedeng sirain ang sinabi ko sa kanya." nahihirapang saad ni Acheros.
"Naghihintay si chairman sa restaurant kaya kung ako sayo ay pipiliin kong makasama ang chairman. Baka hindi magustuhan ng chairman ang gagawin mo Dark at ipahanap si Deianira." paliwanag ni Cath.
"Fine! I'll just text Deianira."
Napangiti si Cath sa sinabi ni Acheros. Hindi niya kasi inakalang maiisahan niya ang matalinong Acheros.
Pagdating nila sa nasabing restaurant ay magkatabi si Acheros at Cath. Panay naman ang tingin ng dalawang matanda, kasama ang chairman, sa kanilang dalawa.
"Such a great couple." saad ng matandang lalaki.
Walang reaksiyon sa mukha ni Acheros habang abo't langit ang ngiti ni Cath.
"Ofcourse! Mahal nila ang isa't isa kaya alam kong magiging maganda silang pares." nakangiting saad ng ama ni Acheros.
Bago pa makapagsalita ang iba ay agad na nagsalita si Acheros.
"I'm so sorry to disappoint everyone, but I have a girlfriend." nakangiting saad ni Acheros.
Nanlaki ang mata ng lahat maliban kay Cath na naiinis.
"Sino naman ijo?" tanong ng medyo matanda.
"Ipapakilala ko po siya sa inyo sa susunod."
Naputol ang kanilang usapan bang dumating ang kanilang pagkain. Hindi na rin naungkat ang buhay pag-ibig ni Acheros kaya wala siyang problema.
"Isabay mo na si Cath pabalik sa kompanya." utos sa kanya ng kaniyang ama matapos silang kumain.
Tumango lang si Acheros dito bago nagpaalam sa iba.
Pinaunang lumabas ni Cath si Acheros, gusto niya kasing pagbuksan siya ng pinto ni Ache na hindi naman natuloy kaya padabog siyang pumasok sa kotse.
"Huwag mo sanang mamasamain ang sinabi ko kanina. Hindi kita pinahiya Cath kaya sana ay huwag kang magalit." paliwanag ni Acheros sa galit na Cath.
Nagulat si Acheros sa ginawa ni Cath. Ipinuwesto kasi ni Cath ang kanyang kamay sa gilid ng pagmamay-ari ni Acheros.
"Aalisin mo o puputulin ko?!" galit na saad ni Acheros.
Hindi nakinig si Cath at sa halip ay mas lalo pang inilapit ang kanyang kamay.
"I'm your fiance Dark. Hindi masama ang aking ginagawa. I can give you more." malanding saad ni Cath habang hinihipo ang dibdib ni Acheros.
Hindi na napigilan ni Acheros ang kanyang sarili at itinulak ng malakas si Cath.
"I'm taken and I love Deianira, Cath. Stop flirting or else ibabalik kita sa pamilya mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top