Chapter 20

Third Person's P.O.V

"Kaya mo palang mambabae sa harap ng fiance mo?"

Sabay na napalingon sina Acheros at Deianira sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ni Acheros nang makita niya ang mga magulang niya.

Agad nilapitan ni Acheros ang kanyang mga magulang at bumeso.

"Hindi niyo naman po ako sinabihan na dadalaw pala kayo." masayang saad ni Acheros pero naging mataray ang mukha ng kanyang ina.

"Para ano? Para itago sa amin ang babae mo? Matanda kana Acheros kaya dapat alam mo na ang responsibilidad mo." saad ng ina habang nakatingin kay Deianira.

Biglang nanliit si Deianira sa kanyang sarili kaya nagpaalam siyang mauuna na sa opisina at marama pa siyang gagawin.

Sa buong buhay ni Deianira ay palagi siyang tanggap ng mga tao at pinauulanan ng mga papuri pero sa sitwasyon niya ngayon ay nagmukha siyang kawawa.

'Kung pwede lang!' naiinis na saad ni Deianira sa kanyang isipan.

Pagkaalis ni Deianira ay agad na nag-iba ang ekspresyon ni Acheros.

"Why did you do that? Alam nating dalawa na magkaibigan lang tayo kaya sana ay huwag kang lalagpas sa linyang ibinigay ko!" galit na saad ni Acheros habang kaharap ang nagmamakaawang Cath.

"Bakit? Malapit na tayong ikasal Dark kaya sanayin mo na ang sarili mo."

Magsasalita pa sana si Acheros nang bigla siyang putulin ng kanyang ina.

"In your office, NOW!" galit na saad nito bago naunang maglakad.

Hindi alam ni Acheros na may planong masama ang kanyang ina. Gusto ng kanyang ina na iparinig kay Deianira na wala siyang lugar sa kanilang pamilya.

"I don't like that girl son." seryosong saad ng kanyang ina na parang wala si Deianira.

Naikuyom ni Deianira ang kanyang kamao at pilit na pinipigilan ang namumuong galit.

Nilapitan ni Acheros si Deianira at dinala sa harapan ng kanyang mga magulang.

"Mom, Dad. This is Deianira Nikolette, my girl and my future." masayang pagpapakilala ni Acheros pero sinuri lang ng kanyang ina bago sinenyasan si Acheros na paalisin si Deianira sa kanyang harapan.

Hindi sana susundin ni Acheros ang utos ng ina nang si Deianira na mismo ang kusang bumalik sa kanyang pwesto.

"Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ng ina ni Acheros.

Ikinawit ni Cath ang kanyang kamay sa braso ni Acheros at pagkatapos ay idinikit ang dibdib sa braso ni Acheros.

Pilit na inilalayo ni Acheros ang kanyang sarili pero kinakampihan ng kanyang ina ang pagiging malandi ni Cath.

"Bibigyan kita ng apo, kung si Deianira ang magiging nanay ng mga anak ko." saad ni Acheros habang inaalis parin ang kamay ni Cath.

Nagalit si Cath sa sinabi ni Acheros kaya hinalikan niya ito na aksidenteng nakita ni Deianira.

'You'll surely suffer!' galit na saad ni Deianira.

Sa huli ay hindi na napigilan ni Deianira ang hindi magalit. Pinakatitigan niya si Cath habang sinasambit ang isang uri ng sakit.

Agad na umalis si Cath habang hawak ang kanyang tiyan. Napangiti naman si Deianira sa kanyang nakita.

Sa mga oras na iyon ay may isang pares ng mata na kanina pa nanunuod sa away nila. Ang taong ito ang naatasang bantayan ang diyosa upang hindi makapatay ng tao.

Nang makita ng taong ito ang pamimilipit sa sakit ni Cath ay agad niya itong ginamot mula sa malayo. Labis na nagtaka si Cath kung bakit bigla na lang nawala ang sakit na kanyang iniinda. Dali-dali siyang bumalik sa opisina ni Acheros dahil sa takot na baka magustuhan ito ng mga magulang ni Acheros.

"I'm sorry tita, tito kung bigla akong umalis."

Napatingin si Deianira sa kapapasok na Cath at hindi siya makapaniwalang nawala ang sakit na ibinigay niya. Imposibleng mawala iyon dahil siya mismo ang nag-imbento ng sakit.

"It's okay ija. Alam mo naman na ikaw ang paborito ko." natutuwang saad ng ina ni Acheros.

Walang nagawa ang ama ni Acheros kundi ang tapikin ang balikat niya upang iparamdam na kasama niya ang kanyang ama.

"Gusto ko lang sabihin sa inyong dalawa na, naiinip na kami ng iyong ama kakahintay sa aming apo." birong saad ng kanyang ina pero hindi niya nagawang matawa.

"Mom y--"

Hindi hinayaan ng kanyang ina na tapusin niya ang kanyang sasabihin.

"Ilagay niyo sana iyon sa plano niyo. Aalis na kami dahil may flight pa kaming hahabulin." saas ng kanyang ina bago siya bineso at diretsong lumabas.

Sumunod ang ama ni Acheros samantalang si Cath ay nanatili sa loob ng kompanya habang pinakatitigan ang nakatungong Deianira.

Hindi nakatiis si Cath at nilapitan niya ito para sana makipag-away pero pinigilan siya ni Acheros at agad na pinaalis.

Pagkaalis ni Cath ay agad humingi ng paumanhin si Acheros kay Deianira. Alam ni Acheros na nagseselos si Deianira at natatakot siyang pag-initan na naman ni Deianira.

"I'm sorry Nikolette. I swear walang namamagitan sa amin ni Cath. Pwede mong gawin sa kanya ang lahat ng gusto mo at hindi kita pagbabawalan." paliwanag ni Acheros at nagbabakasakaling mag-aangat ng tingin si Deianira pero hindi.

Nagtaka si Acheros kaya sinilip niya ito at nakita niyang mahimbing na natutulog si Deianira. Agad na kinuha ni Acheros ang comforter bago ibinalot kay Deianira.

"Sleep tight my queen." saad niya dito bago hinalikan ang ulo.

Bumalik si Acheros sa kanyang lamesa at sinimulang gawin ang kanyang trabaho. Nakakailang meeting na siya pero nanatiling tulog parin si Deianira at wala naman siyang planong gisingin ito. Gusto kasi ni Acheros na magising ito ng kusa upang hindi maputol ang panaginip nito.

Pagabi na nang mapagdesisyunan ni Acheros na gisingin ito upang ihatid sa kanila.

"Nikolette, we need to go." malambing na saad ni Acheros at dahan-dahang tinapik si Deianira.

"H-Hmm?" saad ng tulog na Deianira.

"We need to go. Ihahatid na kita sa inyo." saad ni Acheros habang hinahaplos ang buhok nito.

Napaupo ng tuwid si Deianira bago inayos ang kanyang sarili. Habang inaayos niya ang kanyang sarili ay tahimik lang na nanunuod sa kanya si Acheros.

"Let's go." saad ni Deianira at naunang lumabas sa kanya.

Wala na masyadong tao sa kompanya kaya walang makakaalam na magkasama sila.

Tahimik ang kanilang byahe dahil inaantok parin si Deianira. Hindi naman nagsalita si Acheros dahil nahihiya siya sa ginawa ng kanyang ina.

"Thank you sa paghatid." pasasalamat ni Deianira bago lumabas ng kotse na agad naman niyang sinundan.

"Kanino itong bahay?" tanong ni Acheros upang hindi mailang si Deianira.

"Kay Phoenix."

"Ilan ang kwarto?" dudang tanong ni Acheros habang sinusuri ang bahay.

"Apat"

Nakahinga na sana ng maluwag si Acheros nang biglang dagdagan ni Deianira ang kanyang sagot.

"Kaso takot si Phoenix mag-isa kaya magkasama kami sa iisang kwarto."

Naikuyom ni Acheros ang kanyang kamao habang iniisip ang mga bagay na ikinakatakot niya.

"May nangyari na ba sa--"

"Pumasok kana sa loob my lady."

Napalingon si Acheros sa kadadating lang na Phoenix. Agad namang nagpaalam si Deianira bago pumasok sa loob ng bahay.

Malaki ang ngiti ni Phoenix habang papalapit sa kanyang kaibigan.

"Namiss mo ata ako Dark at naisipan mong bisitahin ako." biro ni Phoenix sa seryosong Acheros.

"Inihatid ko ang asawa mo kaya muuna na ako." saad ni Acheros at nang papasok na siya sa kanyang kotse ay pinigilan siya ni Phoenix.

"Please take good care of Deianira, Dark. Ikaw lang ang maaasahan ko. Ingat." saad ni Phoenix bago pumasok sa kanilang bahay.

Napailing na lang si Acheros bago tuluyang pumasok sa kotse at umalis.

Pagkapasok ni Phoenix ay agad siyang sinalubong ng apoy. Agad naman niya itong kinain upang maibalik ang lakas niya.

"Sinasabi ko na nga ba." nakataas kilay na saad ni Deianira.

Napatingin si Phoenix sa kanya at ngumiti bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Saan ka nagpunta at nawalan ka ng lakas?"

Sinusuri ni Deianira kung magsisinungaling ba si Phoenix pero bigo siyang makita ito.

"Inikot ko ang kastilyo kaya napagod ako." palusot ni Phoenix pero hindi naniwala si Deianira.

"Inuna mo pa talaga ang pag-iikot kaysa ang sunduin ako? May ibinilin ba si ama?" tanong ni Deianira.

Tumigil si Phoenix sa pagkain bago sinagot si Deianira.

"Inutusan ako ng ama mong libutin ang kastilyo kaya hindi kita nasundo at walang ibinilin ang iyong ama maliban sa pagpapakabait."

Napangisi naman si Deianira sa sinabi ni Phoenix. Hindi kasi basta-bastang nakikipagkita ang kanyang ama kung walang okasyon o kaya ay walang parurusahan pero wala din siyang planong pilitin si Phoenix na sabihin ang totoo.

"Mauuna na ako sa kwarto Flynn. Ikaw na ang bahala dito." saad ni Deianira bago dinagdagan ang apoy na kinakain ni Phoenix.

"Sleep tight my lady." saad ni Phoenix bago iponagpatuloy ang pagkain.

Sinadyang iparinig ni Deianira ang pagsarado ng pinto upang makarating kay Phoenix na pumasok na nga siya pero ang totoo ay nakasilip siya kay Phoenix.

Nakiramdam muna si Phoenix bago hinubad ang kanyang pang-itaas. Tanaw na tanaw ni Deianira ang sugat sa likod ni Phoenix at kitang kita niya ang malalakas na hininga nito dala ng sakit na iniinda.

"M-magpakatatag ka Flynn. Hindi niya dapat makita ito." mahinang bulong ni Phoenix habang ginagamot ang sarili.

Napakuyom na lang ng kamao si Deianira bago tuluyang pumasok sa kwarto at humiga.

"Bakit ka naglilihim sa'kin Flynn?"








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top