Chapter 18

Third Person's P.O.V

"Nagmahal kana ba?"

Biglang nagseryoso ang mukha ni Deianira at pinipilit iwasan ang mga titig ni Tavarious.

"Ofcourse. Anong akala mo sa'kin walang puso?" mataray na sagot ni Deianira habang nakatingin sa malayo.

Napatigil sa pagkain si Tavarious at natatawang pinagmamasdan ang nahihiyang Deianira.

"Kwento ka naman kahit yung mga bagay lang na gusto mo sa kanya." natutuwang saad ni Tavarious pero isang iling ang ibinigay ni Deianira.

"Wala akong nagustuhan sa kanya." seryosong saad ni Deianira habang nakatingin ng matalim kay Tavarious.

"Wala? Eh, paano mo siya nagustuhan?" naguguluhang saad ni Tavarious habang umaasang sasagutin siya ng maayos ni Deianira.

Uminom muna si Deianira bago sumagot sa kanya.

"Pake mo? Ang layo niya kaya sa ideal ko." nandidiring saad ni Deianira pero ang totoo ay umaapaw ang saya niya dahil pagkatapos ng isang daang taon ay may nagtanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

"Describe mo na nga. Malay mo kilala ko pala at matulungan kita." sabay kindat kay Deianira.

Walang nagawa si Deianira sa pagiging mapilit ni Tavarious at kanyang napagtanto na wala namang mawawala kung sasabihin niya kung ano ang mga katangian nito.

"Magtanong ka." utos ni Deianira sa nakangiting Tavarious.

"Anong nagustuhan mo sa kanya?" simpleng tanong pero biglang napangiti si Deianira.

"Ugali niya." nakangiting saad ni Deianira habang inaalala ang ugali ng taong minahal niya.

"He's like a hero for me. Yung tipong pwede siyang maging kaibigan at jowa mo, tapos kung ano ang gusto mo ay ibibigay niya sayo." dagdag ni Deianira.

Napangiti si Tavarious ng nakakaloko dahil sa biglaang pag-iiba ng ugali ni Deianira. Hindi kasi siya makapaniwalang nagmahal ito lalo na't napakataray niya.

"Kwento mo naman Deia kung saan kayo nagkakilala tapos paano siya manligaw. Baka pwede kong gayahin." pang-iintriga ni Tavarious.

"Akala mo ba maiisahan mo'ko?" nakataas kilay na tanong ni Deianira pero agad din namang nawala nang makita niyang nalungkot si Tavarious.

"Nakilala ko siya noong nagbakasyon ako dito sa Pilipinas at siya lang ang nag-iisang taong hindi ako nilulubayan kahit napakataray ko sa kanya. Palagi niya akong sinusundan at handa siyang maglabas ng pera para lang makita ako. Later on, nalaman ko na lang na mahal ko na pala siya at wala na kaming sinayang na panahon at agad naming pinag-usapan kung ano ang tunay na namamagitan sa amin." diretsong saad ni Deianira habang hinihintay ang reaksyon ni Tavarious.

"Wala siyang ginawang pakulo? Diretsong tayo na?" gulat na tanong ni Tavarious na sinuklian naman ng tango ni Deianira. Hindi kasi siya makapaniwalang mapapasagot ang isang Deianira ng walang pakulo.

"Asan na pala siya ngayon? Huwag mong sabihing iniwan ka niya?"

Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Deianira. Ang kaninang masayang mukha ay biglang napalitan ng galit na mukha.

"Nagmahal siya ng iba tapos namatay siya." seryosong saad ni Deianira na tila nagagalit sa ala-alang matagal niya ng ibinaon.

"Bitter mo masyado Deia. Nagmahal lang ng iba, patay agad? Move on ka na lang. I'm sure maraming may gusto sayo lalo na si Acheros." mapait na saad ni Tavarious.

Gustong sabihin ni Tavarious na gusto niya ito pero natatakot siyang masaktan sa katotohanang walang-wala siya sa kalingkingan ni Acheros.

"Don't you dare mentiom his name Tavarious!" gigil na saad ni Deianira bago lumabas ng resto at nagmamadaling bumalik sa kompanya.

Dali-daling nagbayad si Tavarious at pagkatapos ay sinundan ang galit na Deianira. Hindi naman nahirapan si Tavarious dahil hindi naman kalakihan ang mga hakbang ni Deianira.

Nalilito man ay pinili niya na lang manahimik upang hindi ito magalit ng husto.

Tahimik lang sila papasok ng kompanya nang bigla silang lapitan ni Acheros at may ibinigay itong puting papel kay Tavarious. Napatigil si Deianira at napatingin din kay Acheros na eksakto namang nakatingin sa kanya.

"Did you eat well?" nag-aalalang tanong ni Acheros pero inirapan siya ni Deianira at diretsomg umalis.

Napabuntong hininga na lamang si Acheros bago binalingan ang gulat na Tavarious.

"Bakit ako? Maayos na ang buhay ko sa kompanyang ito Ache at mas malapit ako sa pamilya ko." naguguluhang tanong ni Tavarious.

"I'm really sorry Tavarious pero wala akong magagawa. Kailangan na kailangan ang isang tulad mo sa isang branch natin. Wala na akong oras para magpaalam sayo dahil napagdesisyunan na ito ng board. I'm sorry dude." kaswal na sagot ni Acheros gamit ang nakakaawang mukha.

"Fine. Pasalamat ka talaga at kaibigan kita Ache."

Pinipilit ni Tavarious ang ngumiti dahil wala naman siyang magagawa kung magrereklamo siya lalo na't isa lang naman siyang empleyado.

Napansin ni Acheros ang pagkatamlay ng kaibigan kaya inaya niya itong kumain sa kanyang opisina. Ang opisina ni Acheros ang paboritong tambayan ni Tavarious kapag may problema ito.

Hindi naman nagdalawang isip si Tavarious at agad pumayag sa alok ni Acheros.

"Ang linis parin talaga ng opisina mo Acheros." namamanghang saad ni Tavarious habang inililibot ang paningin.

"Malinis akong tao kaya dapat malinis rin ang opisina ko."

Napalingon si Tavarious sa kanya na parang nainis sa kanyang sinabi.

"O? Bakit sinabi ko bang napakadumi mong tao? Hinay-hinay lang Tavarious." natutuwang saad ni Acheros.

Napailing na lang si Tavarious bago umupo sa bakanteng upuan na kaharap ng inuupuan ni Acheros.

"May gusto ka ba kay Deia?" biglang tanong ni Tavarious kaya nabilaukan si Acheros na kasalukuyang umiinom.

Tinignan ito ni Acheros gamit ang natatawang mukha. Pilit na itinatago ang tunay na nararamdaman dahil alam niyang may gusto din ang kaibigan niya kay Deianira.

"Syempre wala. Anong klaseng tanong yan?"
Agad na ipinagpatuloy ni Acheros ang pag-inom habang hinihintay ang sagot ng kaibigan.

"Dude, alam kong may gusto ka sa kanya kaya sana ay huwag mo siyang sasaktan. She's really kind and loving kaya hindi ako makakapayag na saktan siya ng kahit sino." seryosong sagot ni Tavarious kaya napatingin si Acheros dito.

"Bakit ako ang pinagsasabihan mo niyan? Diba, dapat sarili mo kasi ikaw naman ang may gusto?" biro ni Acheros. Nagbabakasakali siyang mailihis ang usapan.

"Nah, wala naman akong panama sayo at alam ko naman na medyo torpe ka lang kaya hindi mo maamin sa kanya." kantyaw ni Tavarious.

"Paano mo naman nasabi? Baka nakakalimutan mong ako ang may maraming babae sa ating dalawa." habang itinataas ang kilay.

"Alam ko naman kung bakit mo'ko pinapaalis Acheros. Ngayon ko lang napagtanto na mas lamang pala ako ng atensyong natatanggap galing kay Deianira at baka ngayon ay iniisip mong hindi ka piliin kaya pinapaalis mo'ko." manghang saad ni Tavarious.

"Alam mo naman pala eh pero hindi ako torpe, sadyang malandi ka lang talaga kaya ilaw ang una niyang napapansin." palusot ni Acheros.

Tumayo si Tavarious at naglakad papunta sa pintuan pero bago niya ito buksan ay nagpaalam muna siya kay Acheros.

"Balik na muna ako sa office at baka naghihintay na sa'kin si Deia. Bye DUDE!"

Walang ibang ginawa si Acheros kundi ang umiling na lang sa pagiging isip bata ng kaibigan.

'Sulitin mo muna Tavarious dahil simula bukas, wala ng makakalapit sa kanyang lalaki.' saad ni Acheros sa kanyang isipan.

Sa kabilang banda naman ay ang nagmamadaling Tavarious. Gusto kasing sulitin ni Tavarious ang oras na magkasama sila dahil hindi siya sigurado kung kailan ulit sila magkikita.

"Deia!" masiglang saad niya pagkapasok sa kanyang opisina pero bigla siyang nanlumo nang makitang walang tao at wala rin ang mga gamit nito. Dali-daling nilapitan ni Tavarious ang bintana at nakita niyang sinundo ni Phoenix si Deianira.

Biglang nalungkot si Tavarious at umupo na lang sa kanyang upuan bago itinungo ang ulo at natulog. Tanggap na niya na matatagalan pa bago sila magkitang muli.

"See you soon." saad ni Tavarious bago nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top