Chapter 1

Third Person's P.O.V

Deianira wanted to burst into tears. Kanina pa siya paikot-ikot sa parke kung saan sila dinala ng lagusan. Kanina pa siya naghahanap sa assistant niyang si Phoenix. Ang buong akala niya kasi ay sabay silang dadating sa mundo ng mga tao pero bigla itong nawala nang malapit na silang tumapak sa lupa. Mabuti na lang at may alam pa si Deianira sa lenggwahe ng mga tao at nakikibalita parin siya sa mga bagong ganap sa mundo kaya hindi siya gaanong nahirapan sa pakikipaghalubilo.

Magtatatlong oras na siyang paikot-ikot sa lugar pero kahit anino man lang ni Phoenix ay hindi niya nakita. May mga pinagtanongan na rin siyang mga tao pero lahat ng ito ay pinagtatawanan lang siya. Dahil sa pagkalito, naisipan niyang lumapit sa isang coffee shop at tinignan ang repleksyon niya sa salamin. Bigla namang ngumiwi ang mukha niya sa nakita. Hindi niya kasi inaakala na napakadungis niya palang tignan. Bigla naman siyang ngumisi sa naiisip na paraan.

Ipinitik niya ang daliri ng palihim bago tinignan ang paligid. Napangiti naman siya sa kanyang nakikita. Ipinitik niya ulit ang dalawa niyang daliri at awtomatikong may perang lumabas sa kamay niya. Napatingin siya sa paligid at nakita niya ang isang eco bag na walang laman kaya naisipan niyang ilagay doon ang pera.

Ipinitik niya ulit ang daliri upang ibalik ang paggalaw ng oras. Kung kanina ay nababahala siya sa maaaring sapitin niya sa mundo ng mga tao, ngayon ay nagpaplano na siyang sa mundong ito nalang siya maninirahan.

Deianira's P.O.V

Malaki ang ngiti ko habang hinahanap si Phoenix. Napakadali lang kasi para sakin ang manirahan sa mundong ito. Ayon sa mga nakukuha kong balita, pera ang pinakaimportante sa mundong ito at madali lang sakin ang gumawa ng pera kaya masasabi ko na magiging maganda ang buhay ko dito.

Kung hindi na lang kaya ako bumalik sa mundo namin?

Napailing na lang ako sa naiisip. Hindi pwedeng magpakasaya ako dito lalo na't ito ang lugar ng mga mapanlinlang. Kailangan ko lang isipin palagi ang mga masasamang ala-ala sa mundong ito upang hindi ako sumaya sa mundo nila.

"Excuse me miss, ayos lang po ba kayo?" Napalingon naman ako sa likod ko.

Pinasadahan ko ito ng tingin at masasabi ko na HINDI SIYA PASADO SA STANDARDS KO pero pasok siya sa pagiging playboy.

Nagtataka itong tumingin sakin na para bang kinakausap ang sarili.

"Ayos lang ako. Ano pala ang kailangan mo?"

teka, masyado bang pormal? Naiilang kasi ako kapag nagsasalita gamit ang lengwahe nila.

"Nagtataka lang ako kung bakit ka nagbibilad sa araw. Sayang kasi ang pagiging maputi mo kung ibibilad mo lang."

Napangisi na lang ako sa sinabi nito. Hindi sa mabilis akong humusga ng tao pero nakikita ko kasi sa kanya ang larawan ng pagiging babaero.

"Ayos lang ako. Salamat sa iyong pagtatanong. Paumanhin, pero kailangan ko ng puntahan ang dapat kong puntahan. "

Bigla naman siyang napatawa sa sinabi ko. Kahit kailan talaga, napakawalang galang nila.

"Saan ba ang punta mo? Pwede kitang ihatid doon at pwede bang huwag kang maging pormal masyado?"

Sinuri ko ulit ito at wala naman akong nakikitang masamang intensyon kaya pumayag na rin ako. Mabuti na nga yun para mapadali ako sa gagawin ko.

"Saan ka nga ulit?" tanong niya pagkapasok sa kanyang sasakyan.

"Ihatid mo na lang ako sa lugar kung saan ang bilihan ng mga gamit."

Natatawa man ay pinigilan niya at tumango na lang bilang pagsang-ayon.
Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga bagay na nakita ko sa mundo nila noon. Hindi parin ako makapaniwala na mas lalong gumanda ang mundo nila kumpara noon. Siguro kong naging masaya lang k---.

"Nandito ka na. Hindi kita kilala pero mag-iingat ka miss at baka mapagtripan ka pa ng mga loko-loko diyan."

Nagpasalamat ako dito bago lumabas ng sasakyan.

Tila namangha naman ako sa nakikita ko. Isang malaking building ang nasa harapan ko at kitang-kita mula dito ang mga magagandang gamit.

Inobserbahan ko muna ang mga tao kung paano sila pumapasok bago ako sumunod. Mahirap na at baka mapagkamalan pa akong masamang nilalang.

Habang papasok ako, panay ang tingin nila sa hawak kong eco bag.

Akala ko ba pera ang ginagamit nila pero bakit namamangha sila sa dala-dala ko?

Binalewala ko na lang iyon at agad na nilapitan ang damit na nakakuha sa atensyon ko.

Tulad kanina, pinanuod ko ang isang babae habang nakikipag-usap sa isa pang babae. Ibinigay ng kausap nito ang damit habang ibinigay naman niya ang pera.

Sa oras na ganito kailangan ko si Phoenix sa tabi ko. Siya lang kasi ang palaging bumibisita sa mundo nila matapos ang nangyari noon.

Aalis na sana ako nang may humawak sa braso ko. Itinaas ko naman kaagad ang daliri ko pero napatigil din ako nang makitang si Phoenix pala iyon.

Nagmumukha na siyang tao dahil sa suot niya habang ako ay nagmumukhang alipin.

"Kanina pa kita hinahanap. Anong klaseng kasuotan yan Lady Deia?" tinignan ko ito ng masama dahil sa pinipigilan niyang tawa.

"May pera nga ako kaso hindi ko naman alam kung paano ito gamitin."

Ipinakita ko pa sa kanya ang perang dala-dala ko at nanlaki naman ang mga mata niya. Napailing nalang siya bago ngumiti sakin.

"Ipaubaya mo sakin ang pera at ako ang bibili para sayo. Akala ko ba may tagakuha ka ng impormasyon sa mundong ito? Huwag mong sabihin na nakalimutan mo agad?"

Inis kong ibinigay sa kanya ang eco bag bago ito sinagot.

"Hindi kasali ang mga impormasyong ito sa mga ibinabalita niya. Ang tangi niya lang ibinabalita sakin ay tungkol sa pamilya ng taong iyon."

Bigla namang nag-iba ang ugali ko sa sinabi ko. Pilit kasing bumabalik ang mga ala-ala niya sa isipan ko.

"Gusto mo ako na lang ang tagakuha mo ng impormasyon tutal palagi naman ako dito. Hindi naman mahirap hanapin ang pamilya ni -----"

"Saan ba tayo kukuha ng mga isusuot ko? Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao."

Hindi sa hindi ko gustong marinig ang pangalan ng taong iyon pero kanina ko pa kasi napapansin ang mga tingin nila sa akin. Yung mga tingin na nandidiri sa akin.

Hinawakan ni Phoenix ang braso ko at naunang maglakad. Hindi na lang ako pumalag dito at tahimik na lang na nakasunod sa kanya. Habang nakasunod ako sa kanya ay panay naman ang pagbibigay niya ng impormasyon sakin tungkol sa mga nakikita ko kaya medyo naiintindihan ko na ang lugar kung nasan ako.

Ilang minuto pa ay hinili niya ako papasok sa isang designer's shop. Taray ko na diba, alam ko na kung anong tawag sa bilihan ng damit.

"Good Morning sir! How may I help you?" Ngiting bungad ng babae kay Phoenix.

Hindi naman siguro siya nakikipaglandian sa isang tao diba? Kailan pa bumait ang mga tao?

"Show me all the latest womens dress" saad ni Phoenix at agad namang umalis ang babae.

Hinila niya ulit ako paupo habang siya naman ay nakatayo. Napaka gentleman talaga ng tagabantay ko diba.

"Ang tawag sa kanila ay sales lady at bibili tayo ng damit gamit ang pera mo." Tumango lang ako sa sinabi nito.

Napatingin ako sa paligid at pansin ko na kanina pa talaga kami pinagtitinginan ng mga sales lady.

Kinalabit ko si Phoenix na agad namang tumingin sakin.

"Bakit sila nakatingin sa akin?" ngumiti ito sakin at pinasadahan ng tingin ang mga sales lady.

"You're a Goddess Deianira." simple nitong sagot sakin pero hindi parin talaga ako kumbinsido.

"Alam ko pero iba ang titig nila sa akin. " tumawa ito ng bahagya habang kinukuha ang isang upuan bago tumabi sa akin.

"Paano ka ba dapat titigan Lady Deianira?" ngumisi ito sa akin na tila nang-iinis.

"Isa pa talaga Phoenix at isusuli kita sa inyo"

"Ka---"

"Sir, ito na po lahat"

Sabay kaming napatingin ni Phoenix sa mga damit na nakahilera sa harapan namin.

Alam kong pinagtatawanan na niya ang reaksyon ko pero hindi ko talaga maitago ang pagkamangha ko sa mga damit. Nawiwili kasi agad ako kapag gamit pambabae ang pinag-uusapan.

"Kukunin ko lahat yan" 

Ngumiti ang babae sa kanya bago ako binigyan ng nandidiring tingin. Kung pwede lang sanang parusahan ang babaeng yun, malamang kanina pa siya nakabitay patiwarik.

"Ngumiti ka nga Deianira. Tinatakot mo sila sa ekspresyon mo."

Tinignan ko lang ito ng masama bago umupo ng tuwid at inilibot ang paningin.

Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ko ang dalawang sales lady na papalapit sa amin. Nagtutulakan sila na para bang nahihiya.

Nahihiya pa talaga sila sa ginagawa nila?

"H-Hello sir! May tanong po itong kaibigan ko." saad ng isa.

Hindi naman sumagot si Phoenix at ngumiti lang dito.

"Pinapatanong niya po kung available pa ba kayo?"

Taray naman nila. Sa pagkakatanda ko, hindi pumapatol si Phoenix sa babae.

"I'm sorry ladies, pero may kasama kasi ako ngayon and I'm afraid of her" tinignan ko ito ng masama dahil sa huling sinabi niya.

"Ay si sir takot sa katulong niya" napabaling ang tingin ko sa dalawang babae habang nakikinig sa tawa ni Phoenix. Tumayo ako at pinantayan sila.

"Anong sabi mo? Sino ang tinawag mong katulong?" tumawa ang kasama nitong babae na sa pagkakaalam ko ay ito yung babaeng may gusto kay Phoenix.

"Hindi po ba kayo katulong? Napakadungis niyo po kasi hehe" ipinitik ko ang daliri ko upang mapatigil ang oras.

Akmang hahablutin ko na ito nang biglang hinawakan ni Phoenix ang kamay ko at ibinalik ang paggalaw ng oras. Tinignan ko ito ng masama pero hindi siya natinag at sa halip ay nginitian niya ang dalawang babae sa harapan ko.

"I'm so sorry pero hindi na ako available. Pakitawag na lang yung babaeng nag-asikaso ng mga binili ko." tumango ang dalawa at nanlulumong umalis sa harapan namin.

Bumalik ako sa pagkakaupo at inis na tinignan ang bulto ng dalawang babae. Balang araw makakatikim din sakin ang mga yan. Madungis nga ako pero hindi maipagkakailang isa parin akong diyosa.

"Huwag ka ng magalit sa kanila. Isipin mo na nandito ka para magbago at hindi para palalain ang ugali mo."

Hindi ako sumagot sa kanya at sa halip ay pinagkaabalahan ang buhok ko. Napabuntong hininga naman ito bago tumayo.

"Diyan ka muna at kukunin ko lang ang mga pinamili natin. Huwag kang aalis diyan Deianira."

Hanggang sa makaalis siya ay hindi ko ito pinansin. Nang maramdaman ko na medyo malayo na siya sakin ay saka ko pa lamang itinaas ang tingin ko. Aksidente namang may nakita akong pamilyar sa nakaraan ko.

Hindi maaari! Binigyan ko ng parusa ang pamilya nila pero...

Sa pagtataka ko ay hindi ko na namalayan na tumayo na pala ako at nagmamadaling sinundan ang taong nakita ko. Kailangan ko siyang makita! Hindi pwedeng nandito siya.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top