EPILOGUE

EPILOGUE

TRAVIS' P.O.V

VAMPIRES?

Vampires are the most dangerous and heartless creatures that fictional books and movies had. Para sa mga tao, vampires didn't exist in this world. Dahil sa mga kwento at palabas lang nabubuhay ang mga ito.

Pero ang totoo, matagal na panahon nang may nabubuhay na bampira sa mundong kanilang ginagalawan. Nakakubli sa mata ng mga tao, nagbabalat-kayo.

At isa ang pamilya namin sa mga bampirang nakikisalamuha sa mga tao.

Our great great great grandfather teach us to live in this world like a real human. Natuto kaming hindi pumatay ng mga inosenteng tao upang punan ang aming uhaw sa dugo. Mula sa mga ligaw na hayop sa gubat ang dugo at karneng aming iniinom at kinakain.

Ang alam ng maraming tao ay walang puso ang mga katulad namin, ngunit nagkakamali sila.

Patay man kami kung titingnan, ngunit tumitibok pa rin ang puso namin. We're still know how to care about other people. We also use to save people who needed our help when it comes to danger.

Sinanay kami ng aming mga magulang na makipaglaban at hasain ang aming kakayahan.

Vampires knew of being an immortals. Kilala rin ang katangian ng mga bampira for having a great sense of sight, hearing, touch, smell and taste. They also has unnatural strength and speed that a mortal doesn't.

Ngunit kinakatakutan ang mga katulad namin dahil hindi kami maaaring mabuhay nang walang dugong iniinom. Pero hindi lang naman dugo ng tao ang maaari naming ikabuhay. Malaki na ang nagagawa at pinagbago ng siyensya sa panahon ngayon.

Nang mamatay ang mga matatanda naming ninuno kasama ang mga magulang namin at ilang kasamahan, dahil sa gyerang naganap sa pagitan ng mga tao laban sa mga kapwa nila, iilan na lang kaming natira sa pamilya ng mga Cordova.

At habang pahaba ng pahaba ang panahong nilalagi namin dito sa mundo, ang ilan sa mga kasamahan namin ay nangibang bayan upang humanap ng mas maayos na pamamalagian. Ngunit kaming tatlo ng mga pinsan ko, we stayed here in our Villa.

That's the time we learned to trust some people na s'yang nakakaalam at nakakakilala sa tunay naming katauhan, na nakakubli sa mata ng sanlibutan.

Dahil sa kakayahang meron kami na wala ang ibang normal na tao, we become the most influential family here in the Philippines at maging sa ibang bansa. Ang naiwang negosyo ng aming mga magulang ay mas pinalago pa namin sa mga taong nagdaan.

At ngayon nga, nakilala ang pamilyang Cordova when it comes to businesses.

Habang nakikilala kami, hindi rin nailayo sa amin ang maipagkasundo dahil sa negosyo. At isa na roon ang pamilya ni Ianna.

Ianna is my first love.

Ang inakala kong babaeng makakasama ko na habang buhay, but I'm wrong.

Nang malaman n'ya ang tunay kong pagkatao, she blockmailed me na magsusumbong sa kanyang mga magulang to destroy us kapag hindi ko s'ya hiniwalayan. But because I loved her so much, hindi ko hinayaang makaalis s'ya sa lugar na ito.

And that's the day that I did something very unhumanity.

Sumakto ang eclipse sa araw nang pagtakas sana ni Ianna sa puder ko. And because hindi ko pa kayang kontrolin ang demonyong nasa loob ko sa tuwing sumasapit ang pagpula ng buwan, napatay ko si Ianna.

At upang maitago ang tunay na nangyari, iniba nila ang kwento.

Iyon ang simula ng paglayo ko sa mga tao. Kung lalabas man ako, ang pagiging wala kong emosyon ang ipinapakita ko sa kanila. Nakilala ako bilang isang masungit at cold na Young Master.

And then this woman came into the picture.

She's stubborn and reckless. Hindi rin s'ya marunong sumunod sa mga utos ko at mas sinusunod pa ang kagustuhan n'ya.

By the way, she's my personal secretary.

But instead of killing and firing her, natagpuan ko na lang ang sarili kong napapalapit ang loob sa babaeng ito. I don't know what magic she did to me dahil bagkus na itaboy at palayuin s'ya sa akin, I kept her beside me.

Nagising na lang akong isang araw na ayaw ko na s'yang mawala o hindi nakikita.

And that made me scared.

Scared for her safety from the monster within me.

Pero sa kabila ng takot na iyon, naging kalakasan ko rin s'ya upang huwag hayaan masaktan ng halimaw na nagkukubli sa katauhan ko.

Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Dahil kung kailan handa ka na ulit na magpapasok ng iba sa mundo at puso mo, saka naman doon nito ilalayo ang babaeng nais mong makasama.

History repeat itself nga talaga.

Dahil nagawa ko ring saktan ang babaeng nagpabago ng mundo ko sa pangalawang pagkakataon. Muntik ko nang mapatay ang babaeng handang manatili sa buhay ko kahit gaano man ito kagulo. Ang babaeng mahal na mahal ako, kahit na wala akong ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na dugo n'ya lang ang kailangan ko.

Hindi ko man s'ya napatay, but I killed our precious baby. I killed the baby with my own flesh and blood.

I killed the happiness of my sweet Arissa.

And because of my cowardness, mas pinili kong ilayo s'ya sa akin at sa magulong mundong mayroon ako. I took away her memories. Mas gugustihin ko pang ako na lang ang magdusa at makaalala ng masakit na pangyayaring iyon sa buhay namin, kaysa makitang sinisisi n'ya ang sarili dahil sa pagkawala ng aming anak.

Pero alam kong simula nang dumating s'ya sa buhay ko, nabuo na rin ang bond na namamagitan sa aming dalawa. Alam ko na ilayo ko man s'ya sa mundong mayroon ako, darating ang araw na babalik s'ya sa mundong ito.

At ngayon nga'y nasa harapan ko na ang babaeng ilang taon ding hindi nawaglit sa aking puso't isipan ni kahit ilang segundo manlang.

"Ganyan ka ba talaga? Hindi mo man lang ba iwe-welcome ang sekretarya mo?"

Her sweet ang lovely voice.

The voice of my sweet Arissa that I've really miss.

Gusto ko s'yang ikulong sa mga bisig ko, pero tila napako ang aking mga paa sa kinatatayuan nito. I can't move. Is it because I can't believed that she's here right now in front of me?

"Namiss mo ba ako, Sir Boss? Kasi ako, namiss kita ng sobra."

How I missed her so much!

"A-arissa..."

Damn!

Kailan pa ako natutong mautal?

"Mommy! Mommy! Kilala ko po s'ya. S'ya po 'yong guy na naghelp sa akin para hindi ako mahulog sa hagdan. S'ya po si Mr. Cordova, 'di po ba Mommy?"

Napatingin ako sa batang lalaking nakahawak sa kamay ni Arissa.

I know this kid.

S'ya 'yong batang nakabunguan ko sa mall. Iyong batang hinahabol ang pusa kong si Vivi.

"A-anak mo?" Nauutal na tanong ko sabay turo sa batang ngayon ay nakatitig na sa akin.

For the first time in history, nakaramdam ako ng matinding kaba sa titig ng batang ngayon ay nakakunot na ang noo sa akin.

Sinusuri nitong ang buo kong mukha na parang may hinahanap na sagot doon.

Is this kid—is my son?

Para akong nananalamin habang nakatingin sa bata. No doubt! He's my son! My own flesh and blood. He got his eyes from me. Maging ang kakaiba nitong awra.

Bakit ba hindi ko agad iyon napansin noong una kaming nagkita?

But how did it happened? I thought...

"Baby Zion, meet your Daddy. S'ya ang Daddy mo, baby ko. Pasensya ka na, ngayon lang kasi naalala ni Mommy ang lahat. Sige na baby, hug your Daddy. 'Di ba sabi mo love mo si Daddy?"

"Yes po, Mommy. Even though he's far from us, pakiramdam ko po ay nasa malapit lang si Daddy ko. Kasi s'ya po pala talaga ang Daddy ko. DADDY!"

Mabilis na binitiwan ng anak ko ang kamay ng Mommy n'ya saka tumakbo papalapit sa akin.

And because my instict told me to sit, I did it. Kaya ng makalapit na sa akin ang anak ko'y mahigpit ko s'yang niyakap.

Kaya pala!

Kaya pala ganoon ng naramdaman ko ng mayakap ko s'ya.

Lukso pala iyon ng dugo.

"Daddy hindi ka na po ba lalayo sa amin ni Mommy? Kasi sobrang lungkot po ni Mommy noong nalaman n'ya na namatay ang kakambal ko."

Gulat na napatingin ako kay Arissa.

"Kambal?"

"Isang buwan simula nang makabalik ako sa amin, nalaman ko na buntis ako. Sabi ng doctor, kambal daw ang anak ko pero unfortunately hindi kinaya ng isa kaya isa lang ang nabuhay. At si Zion iyon," paliwanag n'ya.

I want to punch my self.

Paano ko nagawa ito sa mag-iina ko? Kung hindi lang ako natakot at naging duwag, eh 'di sana nakasama nila ako sa mahihirap na sitwasyong katulad niyon. Sana naging karamay nila ako sa madidilim na pangyayaring ganoon.

Muli kong niyakap ang aking anak.

"I'm so sorry, baby. Please forgive Daddy for abandoning you and your Mommy."

"Okay lang po 'yon Daddy. Basta ang mahalaga ngayon ay kasama ka na namin ni Mommy."

"Yes baby, hindi na ulit lalayo si Daddy sa inyo ni Mommy. Hindi ko na ulit kayo iiwan."

Kinarga ko sa isa kong bisig ang aking anak saka ako tumayo. Sa isang iglap ay nakarating ako sa harapan ni Arissa.

Kinabig ko ang bewang n'ya saka inilapit sa akin.

"When did you remember?"

"Actually ngayon lang talaga."

"Really?" I cuckled. "Totoo ngang hindi ko malilinlang ang tunay na nararamdaman ng puso."

"At mas lalong hindi mo malilinlang ang isang Arissa Paige Montecarlos," she said then giggled. Na sinabayan naman ang mahinang hagikhik ng anak namin.

I missed her smile.

I missed her laugh and soft giggle.

I missed my sweet Arissa.

Ginawaran ko ng magaan at narahang halik ang ulo ng anak ko bago ko bigyan ng halik ang kanyang ina.

"I'm sorry for being coward, baby. This time I'll make it up to the both of you. Hindi ko na ulit kayo iiwan pa. We will build our own happy family. Me, you and our son."

Ngumiti si Arissa bago tumango. I let her hugged me together with Zikn, our son.

"I love you, my sweet Arissa!"

Finally!

Nasabi ko rin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

"I love you baby! Thank you for coming into my life. Thank you for changing me and for not giving up on me. Thank you so much baby!"

"Talaga? Love mo ako? Baka ini-echos mo lang ako dahil nalaman mong may anak ka sa akin?"

"Ofcourse not! I love you and I really do. Mahal ko kayong dalawa ni Zion. And I'm really thankful na bumalik ka sa akin. I'm so happy baby!"

"Binibiro lang naman kita. Sino ba naman kasi ang makakatanggi sa alindog at kagandahan ng isang Arissa, 'di ba baby Zion ko?"

"No one po Mommy. Alam ko po na patay na patay po si Daddy sa iyo."

"Oh, kitams! Tandaan mong hindi nagsisinungaling ang bata."

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa mag-ina ko. Alam ko na kung saan nagmana ng kakulitan ang anak ko, walang iba kundi sa ina n'ya.

"Oo na po, patay na patay na po ako sa'yo."

"Very good!"

Napailing na lang ako.

"I love you po Mommy and Daddy ko!"

"Mahal din namin ikaw ni Daddy, baby Zion namin."

"I love you, son! And I love you too my sweet Arissa!" bulong ko sa tainga n'ya.

"I love you more, Sir Boss!"

I miss that.

Sobrang namiss ko sila. At ngayon na binigyan ako ng ikalawang pagkakataon para itama ang kaduwagang nagawa ko noon, hinding hindi ko na ito sasayangin pa.

Ngayon na bumalik na ulit sa akin ang mag-ina ko. I will treasure and love them until the universe faded.

Because I, Travis Zaden Cordova, the Young Master of vampire clan is now finally signing a lifetime contract with the woman I love, my sweet Arissa Paige Montecarlos and soon my Mrs. Cordova. Together with our little angel in heaven, Angel Montecarlos-Cordova and our miracle, Zion Miracle Montecarlos-Cordova.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top