CHAPTER 9

CHAPTER 9

PARA AKONG dinaganan ng isan-daang bakal pag-gising ko kinaumagahan.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko na naging dahilan para tamarin akong bumangon. Ngayon lang ako nagising ng maliwanag na. Sabagay, hindi nga pala ako natutulog sa gabi dahil pang gabi palagi ang shift ko sa store. At kung pang umaga naman, hindi rin ako tinatanghali ng bangon dahil kailangan madaling araw pa lang gising na. Aasikasuhin ko pa kasi ang umagahan naming tatlo bago pumasok sa school.

Kaya naman ngayon, nakabawi-bawi ako ng tulog. Napasarap din ang pagtulog ko dahil sa komportable at malambot na kama.

Maliwanag na sa labas at ang sinag ng papasikat pa lang na araw ay kumakaway na sa akin.

Hindi ko nga pala tinanggal ang tali ng kurtina, kaya pumapasok dito sa loob ang liwanag mula sa labas ng bintana.

Tanghali na ba?

Bumango na ako ng kama kahit pa tinatamlay. Inayos ko muna ang bedsheet at unan bago magtungo sa closet para kumuha ng damit.

Maliligo muna ako baka sakaling mahimasmasan at mawala ang bigat ng pakiramdam ko.

Nang matapos maligo at mag-ayos ng aking sarili, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Nagkaroon na rin ng gana ang katawan kong kumilos. Pagkatapos kong magsuklay, lumabas na ako ng kwarto at nagtungo agad sa ibaba.

Ngunit habang tinatahak ang mahabang hagdanan, bigla akong natigilan ng maalala ang nangyaring kababalaghan kagabi.

Mula sa bulto ng lalaki na nasa labas ng veranda hanggang sa malamig na hanging bigla na lang dumaan sa aking likuran kagabi.

Lahat ng iyon ay biglang bumalik sa aking ala-ala.

"WAAAHHHHHH! MAMA, PAPA!"

Nagtatakbo ako pababa ng hagdan. Hinihingal na nakarating ako sa kusina. Inilibot ko ang paningin ngunit wala pang tao. Hindi pa dumarating sina Nanay Wilma.

"Anong oras na ba?"

Bumaling ako sa likuran kung saan makikita ang wall clock sa living room.

"Mag aalas-otso pa lang? Ang bagal naman ng oras?"

Nagmartyang nagtungo ako sa island counter para gumawa ng aking almusal. Nasanay akong hindi kumakain sa umaga at tamang kape lang, kaya hindi ko alam kung anong kakainin ko ngayong umaga.

Lumapit ako sa ref saka iyon binuksan.

"Hhhmmm... ano kayang masarap?"

Halos lahat ng pagkaing nasa harapan ko ay masasarap. May iba't ibang prutas, may gulay, karne, isda at iba pang frozen foods. Kompleto rin sa imported na gatas, bottled mineral water, chocolate drink, itlog, tinapay at kung anu-ano pang pagkain. Meron ding chips, curls, chocolate bars at iba't ibang kutkutin.

"Mag titinapay na lang siguro ako."

Kumuha ako ng tasty bread at nutella para pampalaman. Nagdala na rin ako ng chocolate drink bago bumalik sa island counter. Nilapag ko muna ang mga dala ko sa ibabaw para kumuha ng high stool na mauupuan.

Kumuha rin ako ng tasa para ilagay ang chocolate drink ko at iinit iyon. Habang hinihintay na uminit ang tsokolate ko, nagpalaman na ako ng tinapay saka kinain iyon.

Habang kumakain napaisip ako.

Paano kaya kung totoo iyong sinabi ni Kuya Migs na haunted ang mansion na ito? Tapos may mga ligaw na kaluluwang nakulong dito at hindi na nakaalis. O kaya naman ay dating sementeryo ang buong Villa na ito at iyong nakita ko kagabi at naramdaman ay mga kaluluwa na nagpaparamdam?;

"OH EM GIE!"

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Napayakap ako ng mahigpit sa aking sarili.

"Kailan ba kasi uuwi ang magaling kong boss? Aist! Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Baka mabaliw na ako dito kung hindi pa sila darating. Arghhh!"

Pagkatapos kong mag-almusal, namalagi lang ako sa living room. Hindi ba uso dito ang tv?

Sobrang boring naman!

Noong nasa San Roque pa ako, ni hindi ko nga namamalayan ang oras dahil sobrang busy ko sa mga gawain sa school. Uuwi lang ng bahay para silipin ang mga kapatid ko at magpahinga saglit. Tapos aalis na naman ng hapon para pumasok sa trabaho.

Pero dito?

Unang araw ko pa lang pero nakatambay na agad ako. Wala rin namang hinabilin ang boss ko na gagawin. Kaya heto boryong boryo na ako.

Kapansin-pansin din ang mabagal na pag-ikot ng oras dahil wala akong ginagawa buong araw.

Pagdating ng alas-dies, dumating na rin sina Nanay Wilma pero si Yna lamang ang kasama nito. Pagkatapos ng paglilinis ni Yna sa ikalawang palapag ng mansion ay pinasamahan ako ni Nanay sa kanya na maglibot-libot muna sa Villa.

Kung eestimahin ang kabuoan ng Villa, para itong isang malaking baranggay. Sa gitna ng malawak na lupain ay nakatayo sa gitna ang isang malaking mansion. Kung lilibutin mo ang buong mansion hanggang sa kasuluksulukan nito, aabutin ka siguro ng ilang araw bago matapos.

May maliit na hardin at green house sa kabilang gilid at mini forest sa likurang bahagi ng mansion.

"Nakapasok ka na ba sa gubat na iyan, Yna?" Kuryusidad na tanong ko habang nakaharap kami sa kakahuyan.

"Sabi ni Manang Wilma may mababangis na hayop daw sa loob ng gubat. Ayoko naman makipagsiklaban sa mga hayop para lang makita ang loob. Pero ayon kay Mr. Hanz, maganda ang Hacienda Del Cordovia. Tanging ang tatlong magpipinsan nga lang ang kayang pumasok d'yan."

Inilabas ko ang aking cellphone sa bulsa at kinuhanan ng litrato ang nakahilerang mga puno.

Ang ganda sigurong makipag tagu-taguan sa loob niyan.

Nang tingnan ko ang larawan ay napatingin din ako sa signal. Ngayon ko lang napansin na wala manlang itong kalaman-laman ni isa.

"Walang signal dito?"

"Wala. Hindi abot ang signal dito. Sa Village ay mahina rin ang sagap ng signal kaya naman minsan lang kami gumamit ng cellphone. Tanging sa Central lamang meron."

"Ay! Hindi pala uso dito ang wifi? Ang boring naman no'n kung ganoon."

"Sanayan lang iyan, Arissa."

"Sabagay, minsan nakakatamad na rin gumamit ng cellphone lalo na kapag walang load. Tsaka ang toxic ng social medias." Pero dahil kdrama addict at kpop lover ako, kailangan ko ang cellphone, load at signal. Minsan ko na nga lang magawa iyon simula nang magtrabaho ako.

Bumalik na ulit kami sa mansion dahil malapit na namang umuwi sina Nanay Wilma. Mag-isa na naman ako dito hanggang umaga.

Habang naglalakad ay kinakabisado ko rin ang mga lugar na itinuturo sa akin ni Yna. Para talagang isang open field ang Villa at tanging ang mansion sa gitna nito lamang ang laman.

Hindi ba sila nababagot dito?

Parang walang kabuhay-buhay ang lugar.

But don't worry, I'm here naman na kaya hindi na magiging boring ang lugar na ito. Huwag lang akong makakita ng multo. Char! Baka magkatotoo, h'wag naman sana.

Nang makarating kami sa pinaka-hallway ng mansion papunta sa pintuan ay napatingin ako sa itaas.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Feeling ko kasi may nakatingin sa akin mula sa ika'tlong palapag ng mansion. Kung may veranda sa second floor, meron din sa third floor. May rooftop nga rin pero nasa kabilang bahagi pa ito.

Inaninaw ko ang bawat bintana kung meron bang tao sa loob, pero wala naman. Mas lalo lang ako nakaramdam ng kilabot sa katawan.

Ano 'yun?

Feeling ko lang ba? Guni-guni? O baka naman tulog pa ako at nananaginip lang?

Pero alam mo naman iyon kapag may nakatingin sa iyon, mararamdaman mo. At iyong feeling na iyon, parang totoo... parang totoo na may nakatitig sa akin mula sa itaas, sa loob ng isa sa mga kwarto roon.

"Arissa halika na."

"Ah, o-oo. Oo, nandyan na ako."

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang pakiramdam na iyon at sumunod na kay Yna sa loob. Siguro lutang pa ako. Iyon lang 'yon at wala ng iba.

"HINDI PO ba talaga pwede Nanay Wilma? Kahit ngayong gabi lang po sana. Medyo hindi pa kasi ako sanay dito eh. Natatakot pa ako kapag walang kasama. Pero pramis po Nay, ngayong lang talaga."

Nakiusap ako ng bonggang bongga kay Nanay Wilma na samahan muna ako pansamantala ni Yna dito, habang wala pa sina Sir Travis.

Sa tuwing naaalala ko kasi iyong lalaki sa veranda sa second floor, pati na rin iyon hanging bigla na lang dumaan kahit na sarado ang lahat ng bintana at pinto, kinikilabutan ako. Isama mo na rin iyong pakiramdam na parang may nakatingin sa akin.

Shooocckkksss!

Ayoko namang mabalita na,

Arissa Paige Montecarlos, bagong sekreatrya ng Young Master. Pangalawang araw sa trabaho, natagpuang patay sa Cordova's Mansion.

Cause of death: inatake sa puso dahil nakakita ng multo.

Masyadong hilarious at hindi kapani-paniwala ang balitang iyon. Ayokong ma headline sa tv, radio at diyaryo.

"Gustuhin ko man pero.... baka mapagalitan kami ng Young Master. Ayaw na ayaw pa naman no'n na may ibang tao na inaabot ng gabi dito sa mansion."

"Pero Nanay... anong tingin n'yo sa akin? Hayop? Manika? Tao rin kaya ako. Pero bakit pwede akong tumira dito?"

"Iba ka. At iba rin kami. Ikaw, personal secretary ka ng Young Master. Kami tagasunod lamang n'ya."

"Isa rin naman ako sa tagasunod n'ya. Ano bang ginagawa ng secretary? Edi sumunod sa mga utos ng boss n'ya."

"Arissa huwag nang matigas ang ulo."

Napasimangot na lang ako. Para akong batang nagtatampo dahil hindi pinayagang maglaro sa labas ng bahay.

"Bukas ay darating na sila, kaya may makakasama ka na rito. Sa ngayon, magtiis ka na munang mag-isa. Sa nakalipas na mga taon, wala pa namang nabalitaang tinakot ng multo o di kaya ay ligaw na kaluluwa ang naging sekretarya ng Young Master. Siguro puyat ka lang kaya kung anu-anong nakikita mo. Ang mabuti pa, pagkatapos mong maghapunan, matulog ka ng maaga para hindi ka matakot."

"Sige na nga po. Ingat po kayo sa pag-uwi."

"Oh s'ya, wala kami bukas. Sa Sabado na ang balik namin. Pagbutihin mo ang trabaho at.... at sana makatagal ka Arissa. Pero alam kong kaya mo. Nakikita kong ikaw na ang makakapagturo sa Young Master kung paano magmahal."

May huli pang sinabi si Nanay Wilma ngunit hindi ko gaano naintindihan. Pero hindi ko na lang inusig iyon. Basta ang importante ngayon ay ang mahalaga. Choss!

Basta ang mahalaga ngayon, alam kong may ibang tao na naniniwalang makakatagal ako sa trabahong ito. Para sa mga kapatid ko.

KATULAD ng habilin ni Nanay Wilma, papalubog pa lang ang araw ay naghapunan na ako. At pagkatapos kong kumain at maghugas, umakyat na agad ako sa itaas, para magkulong sa kwarto.

Pero syempre bago ako umakyat ay sinigurado ko muna na sarado at lock lahat ng bintana at pinto sa unang palapag. Sa pag-akyat ko sa second floor, I've make sure na this time ay lock na talaga ang glass door ng veranda.

Ayokong makakita na naman ng tao sa labas niyon. Pero as if naman lalabas ako. Kaya nga kumain na ako ng maaga para hindi na ako lumabas pa ng kwartong ito ngayong gabi.

Baka kasi matuluyan na talaga ako.

Dumating ang alas-dies ng gabi pero dilat na dilat pa rin ako. Nakahiga na ako at balot na balot ng kumot pero hindi ko pa magawang makatulog. Kahit pilitin ko mang pumikit, hindi pa rin natutuloy, didilat at didilat pa rin ang mga mata ko. Kaya ngayon, heto, nakatulala lang ako sa kisame.

"Arghhh! Naho-home sick yata ako. O baka inaatake na naman ako ng insomia."

Dahil nga palagi akong night shift sa trabaho noon, nakasanayan ko na rin ang hindi pagtulog ng gabi. Kaya ang ending, hirap na hirap akong matulog sa gabi.

Inis na bumangon ako at naglakad papunta sa harap ng bintana.

Kitang kita ang malawak na vermuda ground sa labas dahil sa maliwanag na sikat ng buwan. Napatingala ako para pagmasdan ang kalangitan. Malinis at puno ng bituin ang langit. Napakagandang pagmasdan ng buwan dahil parang ang lapit nito sa akin, bukod pa doon bilog na bilog din ito.

Kabilugan ng buwan ngayon.

Habang nakatingin ako sa kalangitan, nakaramdam na naman ako ng dumaang hangin sa likuran ko. Kasabay no'n ay nakarinig din ako ng ingay mula sa labas. Parang may nahulog na mga gamit.

"Ano na naman iyon?"

Bakas sa boses ko ang pagkayamot na may halong takot.

Hindi ko alam kung lalabas ba ako ng kwarto para tingnan kung ano iyong nahulog, pero baka kung ano na naman ang makita ko.

Matutuluyan na talaga ako nito.

Pero may part sa akin na nagtutulak sa katawan ko na lumabas. Napapikit ako ng mariin. Nilalabanan ang sarili kong huwag gawin iyon, pero para bang may sariling buhay ang katawan ko at hindi ko na ito nakokontrol.

Pigil na pigil ang hiningang naglakad ako patungo sa pinto.

Sumilip muna ako sa siwang pagkabukas ko, sinisiguradong walang multong bubulaga sa akin. At nang wala akong makitang kakaiba, tuluyan na akong lumabas. Naglakad ako papunta sa hagdan para bumaba sana, pero pahakbang pa lang ay napatigil na agad ako.

Dahan-dahan akong lumingon sa ika'tlong palapag.

Parang may tumutulak sa akin na tumingin doon, na sana ay hindi ko na lang ginawa. Dahil sa pagtigil ng paningin ko sa hagdan pataas, isang bulto na naman ng lalaki ang nakita ng mga mata ko.

Pero ngayon nakaharap na ito sa akin at...

At dahil madilim sa parteng iyon, mga mata lamang nito ang nakikita ko.

Kulay pula.

Parang mata ng isang....

"MULTOOOOOOOOOOOO!!!!!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top