CHAPTER 60
CHAPTER 60
"MOMMY, where are we going po? Bakit po may mga dala tayong maleta? Aalis po ba tayo? Kasama po ba natin sina Tita at Tito?"
Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Zion habang paulit-ulit na tinatanong iyon sa akin.
"Baby dadaan muna tayo sa doktor ni Mommy dahil may iko-consult lang po ako. Then after that pupunta tayo sa restaurant para magpaalam saglit kina Tita at Tito mo, okay po ba?"
Kahit naguguluhan sa biglaan naming pag-alis ay tumango pa rin si Zion.
Ilang saglit na lang ay malalaman mo na rin, baby.
"Saan po tayo pupunta, Mommy?"
"Sa lugar kung saan mo makikilala ang Daddy mo, baby."
Ang sinabi ko'y naging dahilan upang manlaki ang mga mata ng aking anak. Bilog na bilog rin ang pagkakabuka ng bibig nito sa gulat.
"D-daddy po, Mommy ko? Makikilala ko na po ang Daddy ko?"
Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito.
Pasensya ka na baby ah, ngayon lang naalala ni Mommy. Pero siaiguraduhin kong hindi na tayo malalayo pa sa Daddy mo, baby ko.
Wala akong pake kung ipagtabuyan pa rin n'ya ako. Dahil ngayon na naaalala ko na ang lahat, hindi ko na hahayaan pang alisin n'yang muli ang mga ala-alang iyon. Mga ala-alang iniingatan ng puso ko.
Umupo ako upang makapantay ko si Zion.
I caress his soft ang cute little face bago ko s'ya ginawaran ng munting halik sa noo.
"Yes, baby. Makikilala mo na si Daddy. Ipapakilala ko na s'ya sa'yo. Pasensya ka na baby ah, ngayon lang ni Mommy ipapakilala ang Daddy mo sa'yo. Huwag kang mag-alala, magugustuhan ka n'ya."
"Okay lang po, Mommy ko. I know naman po na may reason ka why you didn't let me know who's my father po. Mommy masaya po ako na kasama ka at sina Tita't Tito. Pero mas masaya po kung kasama natin ang Daddy ko."
Bakas ang lungkot, tuwa, at pananabik sa mukha at mga mata ng anak ko.
Niyakap ko s'ya ng mahigpit.
"Yes, baby. Makakasama na natin si Daddy. At hindi ko na ulit hahayaan na mahiwalay tayo sa kanya."
"I love you po, Mommy! Mahal ko po kayo pareho ni Daddy ko."
"I love you more, baby Zion ko! Mahal na mahal ka ni Mommy."
PAGDATING sa tapat ng San Roque Medical Hospital ay agad kong pinark ang kotse sa parking lot. Kinarga ko si Zion at saka kami naglakad papasok ng hospital.
Ibinaba ko saglit ang anak ko bago ako humarap sa nurse na nasa front desk. "Hi! Nand'yan ba si Doc. Mira?" Tanong ko rito.
Agad din naman itong nag-angat ng tingin sa akin. At nang makilala ako'y ngumiti ito.
"Good morning Ms. Arissa! Ikaw po pala iyan." Sumulyap ang nurse kay Zion. "Hello, baby Zion!" Pagkatapos ay bumalik ulit ang tingin sa akin. "Nasa opisina n'ya po si Doc. Mira. And she's also expecting you there. Akyat na lang po kayo."
Ngumiti naman ako.
"Thank you!"
"Welcome po!"
"Let's go, baby!"
Nagtungo kami sa elevator. I pushed the 8th button to take us in 8th floor. When the door open, lumabas din agad kami ni Zion at naglakad papunta sa dulong pinto which is Doc. Mira Alvarez's office.
Si Doc. Mira ang naging personal doctor ko noong nasa sinapulunan ko pa lang si Zion. At s'ya rin ang naging doctor ko noong nakaranas ako ng matinding depression. Pakiramdam ko kasi'y sa kanya ko lang maipagkakatiwala ang sitwasyon ko that time. And I'm really thankful dahil she gained my trust.
Pero ngayon, alam kong may alam s'ya tungkol sa tunay na nangyari sa akin sa nakalipas na tatlong taon.
Kumatok muna ako sa pinto ng opisina bago iyong buksan. Napatingin naman sa akin ang babaeng nakasuot ng doctor's gown nang pumasok kami ni Zion.
"Arissa! Come, have sit!"
Binaling ni Doc. Mira ang paningin sa anak ko.
"Hi, baby Zion! How are you?" Magiling na tanong ng doktor sa anak ko.
"Hello, Doc. Mira! I'm fine naman po."
"Gusto mo bang maglaro muna? May pag-uusapan lang kami saglit ng Mommy mo."
"Okay po, Doc."
Nagpaalam naman sa akin si Zion bago pumasok sa isang kwarto roon. May maliit na playground kasi ang loob ng opisina n'ya para sa mga bata.
Ang alam ko'y wala pa silang anak ng kanyang asawa dahil mas proiritize ng mga ito ang kinuhang profession. Hindi ko pa nakita ang asawa n'ya, pero alam ko na kapwa silang dalawa'y doktor.
Nang makapasok na si Zion sa loob ay agad akong nagsalita.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo? Alam ko na simula't sapol ay alam mo na kung anong nangyari sa akin sa nakalipas na taong hindi ko maalala."
"What do you mean?"
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko."
"Na isang Cordova ang tunay na ama ng anak mo? Na may dugo ng isang bampira ang nananalaytay kay Zion? Na namatay ang isa sa kambal dahil—"
Hindi ko na s'ya pinatapos.
"Wait! Anong sinabi mo? May dugo ng ano? Bampira? Si Zion? WHAT THE HELL?"
"Easy Arissa, easy. Okay, ipapaliwanag ko ang lahat pero bago iyon, gusto ko lang sabihin na sorry. Hindi ko agad sinabi sa'yo dahil alam ko na hindi ka maniniwala. In your condition that time, I know you will freak out if I tell you. Kaya napagpasyahan ko na sa tamang panahon na lang ipagtapat sa'yo ang totoo. Hindi ko lang inaasahan na, mapapaaga ang pagbalik ng ala-ala mo. Totoo nga ang kasabihan na, makalimot man ang isipan, ngunit ang puso? Maaalala nito ang tunay nitong nararamdaman."
"Oh-kay? Now, explain everything."
"Noong una, hindi ko alam na si Mr. Travis Cordova pala ang ama ni Zion. Actually nalaman ko lang iyon nang madulas ang asawa ko tungkol sa bagay na iyon—"
Muli ko s'yang pinutol sa pagsasalita.
"Asawa mo? At paano n'ya nalaman ang tungkol doon?"
"Naaalala mo ba iyong doctor na tumingin sa'yo noong nakunan ka? Doctor Ken Alvarez."
Matagal bago ko maalala ang itsura nang doktor na nagsabi sa aking patay na ang baby ko.
Noong mga oras na iyon, pakiramdam ko'y gumuho ang mundo ko. Dahil parang kahapon lang ay sobrang saya ko nang malamang nagdadalang-tao ako, pagkatapos ay sa isang iglap lang ay bigla na lang nawasak ang kasiyahang iyon.
"Natatandaan ko na. Asawa mo s'ya? Everything makes sense to me now."
"Nakilala ka kasi n'ya ng minsan s'yang dumalaw dito. Then sinabi ko na pasyente kita. Nalaman n'ya na buhay ang batang dinadala mo kaya nadulas s'ya at nasabing anak nga ng Young Master ang bata. Doon ko na inimbestigahan ang lahat."
Taimtim na nakikinig lang ako pero nanginginig na ang kamay ko. Siguro dahil sa kaba.
"And nalaman ko na kaya namatay ang isa sa kambal, dahil tao itong maisisilang. Hindi n'ya kinaya nang maubusan ka ng dugo. Samantalang nabuhay naman ang isa and its because he's a pure blooded. May kakayahan ang bata na mabuhay hanggang sa maipanganak ito ng normal."
Ilang minuto ko ring prinoseso ang katotohanang nalaman tungkol sa mga anak ko.
My poor baby. My poor little angel.
Kung sana lang nag-ingat ako noon, siguro'y kapiling pa rin s'ya namin ng kambal n'ya.
I'm so sorry, baby! Please, forgive Mommy!
"Wala kang kasalanan sa nangyari. Walang may kasalanan. At kung nasaan man si baby Angel, alam ko na masaya s'ya para sa inyo. Dahil pinalaki mong mabuting bata si Zion. I know, she's very proud of her Mommy."
Pinaglapat ko ang labi saka tumango.
"And about kay Mr. Cordova, anong plano mo? You should let him meet his son."
"Iyon nga ang balak ko. Alam mo ba kung paano kami makakapunta ni Zion sa Villa?"
Saglit itong nag-isip.
"AHA! Ang alam ko'y naghahanap ng panibagong secretary ang Young Master. Ikaw 'yong huli at ngayon ay naghahanap na ulit ng kapalit mo."
"That bastard," mahina kong bulong na ikinatawa ni Mira.
"Kailangan mo nang pumunta. Baka maunahan ka pa."
"Great!"
"So, goodluck girl!"
I winked at her bago ko tinawag si Zion.
"Let's go, baby! We will hunt your jackass Daddy."
"Bye, Doc. Mira!"
"Bye, baby Zion!"
Pagkalabas namin ni Zion ng ospital ay mabilis kong pinaandar ang sasakyan papunta sa Miracle Restaurant. Agad na sinalubong kami ng mga staff.
"Good morning Ms. Arissa! Hi, baby Zion!"
"Nasaan ang kapatid ko?"
"Nasa kusina po si Ma'am Mon," Jane answered.
Iniwan ko muna sa kanila si Zion saka ako nagtungo sa kusina.
"Moneth."
"Oh, ate. Mukhang nagmamadali ka ata."
"Kayo na muna ni Ranz ang bahala sa restaurant at sa bahay. Tatawagan ko na lang si Alexis na tulungan kayo dito."
"Bakit ate? Magbabakasyon ka ba? Mabuti 'yon para naman makapaglibang din si Zion."
"Hindi kami magbabakasyon, Moneth. Pupuntahan namin ang Daddy ni Zion."
Nagulat ang kapatid ko sa narinig.
"Daddy ni Zion, ate? Naaalala mo na?"
"Fortunately, yes!"
"Go ate! Kami na nina Kuya Alexis ang bahala dito."
Matapos naming magpaalaman ay tinungo na namin ng anak ko ang San Isidro, kung saan nakatayo ang Azula Hotel and Restaurant ng mga Cordova.
Katulad ng inaasahan, tulad nang una kong tungtong sa lugar na ito, napakaganda pa rin. Mas lalo lang nga yatang naging mamahalin ang lugar na ito. At katulad din nang pagpunta ko rito noon para mag-apply, mayroon ding mahabang pila ng mga aplekante ngayon.
Too bad, hindi ko sila hahayaang matanggap.
Dahil nandito na ang original na secretary ng Young Master. And no one can replace me in that position. No one.
Hawak ang kamay ni Zion, naglakad kami papasok ng Hotel. Agad kaming nilapitan ng guard.
Bago na ang guard na nagbabantay sa front door, kaya hindi ako nito kilala.
"Magandang umaga, Ma'am! Ano pong sadya n'yo?"
"Nalaman ko na naghahanap daw ng bagong sekretarya ang boss n'yo. Totoo ba?"
"Ah, opo Ma'am. Mag-aapply din ba kayo? Pila na lang po tayo ah."
"Sure!"
Susunod na sana ako sa pila nang may mamukhaan akong napakapamilyar.
Nang mapatingin ang matanda sa gawi ko ay nginitian ko ito.
Mr. Smith.
Bakas ang pagkagulat ng matanda nang makita ako, ngunit nang mapatingin ito sa batang kasama ko'y agad din itong napangiti.
Naglakad palapit si Mr. Smith.
"Good morning Mr. Smith! Its been a while, kamusta po?"
"Arissa... ayos naman ako iha, humihinga pa. Ikaw, kamusta ka? At..." Ibinaba ni Mr. Smith ang paningin kay Zion. "This kid is exactly look like him."
"Anak ko po, si Zion. Zion, say hello to Mr. Smith."
"Hello po! Ako po si Zion Miracle Montecarlos. Ikinagagalak ko po kayong makilala."
Napangiti si Mr. Smith.
"Ikinagagalak ko ring makilala ka, Zion."
Ibinalik ni Mr. Smith ang tingin sa akin.
"Nalaman ko ang nangyari. Ayos ka na ba?"
"Matagal na po iyon at ayos na po ako ngayon. Hindi naman po ako galit sa kanya, naiintindihan ko po kung bakit n'ya iyon ginawa. Naaalala ko na po ngayon ang lahat at nais ko pong bumalik sa mansion. Kami ng anak n'ya."
Tinapik ni Mr. Smith ang balikat ko saka tumango-tango na para bang sang-ayon din s'ya sa gagawin ko.
"Matagal na panahon ding naging tahimik at tila walang kabuhay buhay ang mansion. At ngayon na babalik ka na ulit doon,alam kong magiging masaya na ulit ang Young Master. Lalo pa ngayon na buhay ang anak n'yo. The Cordova's Heir was born."
Nakangiting ginulo ni Mr. Smith ang buhok ng anak ko. Pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan.
"Lance pauwiin na ang mga aplekante. Hindi na kailangan ng Young Master ng bagong secretary. Please tell them sorry for the inconvenience."
Tapos pinatay na nito ang tawag.
"Ipapahatid ko na kayo sa mansion. Arissa, maligayang pagbabalik!"
"Maraming salamat po Mr. Smith!" Saka ko s'ya niyakap ng mahigpit.
Malaki ang pasasalamat ko kay Mr. Smith dahil s'ya ang nagdala sa akin sa mundo ng taong pinakamamahal ko. S'ya ang dahilan kung bakit ko nakilala ang ama ng anak ko, ang lalaking kahit na makalimutan ko na ang lahat ngunit s'ya ay makikilala pa rin ng puso ko.
BINABA KO ang bintana ng sasakyan upang pagmasdan ang daan na tinatahak ng sasakyan.
Walang pinagbago, ganoon pa rin ang lugar na ito.
Wala kang makikitang mga bahay sa paligid, tanging malalaki at matataas na punong kahoy lang ang nakatanim. Makakapal na damo na may iba't ibang bulaklak na namumulaklak.
At dahil nga sa malalagong dahon ng mga puno, aakalain mong napakadilim ng dinaraanan mo.
Isang oras pa ang tinagal ng byahe namin bago kami makarating sa harap ng isang napakalaking gate. Mataas at makapal na pader ang himarahang sa malawak na lupain sa loob at maging sa malaking mansion na nakatirik sa gitna nito.
"Mommy, dito po ba nakatira si Daddy ko?"
"Yes baby ko."
"Mayaman po ang Daddy ko, Mommy?"
"Unfortunately, yes. Mas mayaman pa sa mayaman ang Daddy mo."
"Tatanggapin po kaya tayo ni Daddy?"
Natigilan ako sa tanong ng aking anak. Kasi kahit ako'y hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong na iyon. Tinambol ng matinding kaba ang dibdib ko nang maipark na ng driver ang sasakyan sa harapan mismo ng mansion.
"Nandito na po tayo Miss. Ibababa ko lang po ang mga gamit n'yo."
"Salamat Kuya."
Hinawakan ko ang munting kamay ng anak ko saka kami lumabas ng sasakyan.
At katulad nang una kong punta rito at maging ang imahe ng lugar na ito sa panaginip ko, ganoon na ganoon pa rin. May pagbabago man, ngunit mahahalata naman kung alin ang mga iyon.
Mas lalo pang gumanda ang mansion dahil sa mala-misteryong awra nito. Ang dating walang halamang gumagapang sa pader ng mansion, ngayon ay mayroon na. Nagmukha tuloy itong mansion sa mga fantasy novels na nababasa ko.
Sumunod kami ng anak ko kay Kuyang driver nang buksan nito ang malaking tarangkahan saka pumasok sa loob.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Zion sa kamay ko.
Kinakabahan ang baby ko. Because this is the first time na makikilala na n'ya ang tunay n'yang ama. Ah, no, hindi pala ito ang unang beses dahil kilala na n'ya ang Daddy n'ya nang hindi n'ya nalalaman.
Pero ito ang unang beses na makikilala n'ya ito as his father.
Kahit ako man ay kinakabahan din. Its been three years since we didn't see each other. At hindi pa maganda ang naging magkakalayo naming dalawa.
Hindi ko tuloy alam kung anong magiging reaksyon n'ya.
Maniniwala kaya s'ya? Tatanggapin n'ya kaya kami kung sakali? O ipagtatabuyan?
Nilikob ng takot at pangamba ang puso ko. Ayokong maranasan ng anak ko ang ipagtabuyan ng kanyang sariling ama.
"Magandang umaga Young Master! Nandito na po ang bago n'yong serketarya," wika ni kuyang driver sa lalaking nakaupo habang nakatalikod sa aming gawi.
"Hindi ba sinabi ko na sa inyong pupunta ako sa Hotel mamaya?"
Umalingawngaw ang panlalaking panlalaking boses ng lalaking nasa unahan namin. Hindi man lang ito lumingon o binigyan kami ng saglit na tingin. Seryosong nakatitig lang ito sa laptop.
His voice.
His damn baritone and manly voice.
Ang boses na nagpapabilis ng tibok ng aking puso.
How I miss this man. Namiss rin kaya n'ya ako? How will I know?
"Pero Young Master, si Mr. Hanz na po mismo ang nagpaalis sa mga aplikante dahil hindi na daw po ninyo kailangan."
"WHAT? Tawagin mo nga si Migs at magpapahatid ako sa Hotel ngayon din."
Seriously, Travis?
Hindi ka pa rin nagbabago. Mainitin pa rin ang ulo mo at magaling ka pa ring mag-utos. You're scaring Kuyang driver for goodness' sake!
Akmang magsasalita na sana ulit si kuyang driver nang pigilan ko s'ya. Pinalabas ko muna s'ya dahil mukhang natatakot na itong masigawan ulit. Para ako na lang din ang mismong kumausap sa boss n'yang nagmamaktol ngayon.
Mukhang hindi pa nito nararamdaman ang presensya namin ng anak n'ya dahil gigil na gigil ito sa ginagawa.
"Ganyan ka ba talaga? Hindi mo man lang ba iwe-welcome ang sekretarya mo?"
And with that moment, napatigil ito sa pagpindot. Dahan-dahan ang naging paglingon n'ya sa likuran kung nasaan kami ni Zion.
At nang magtama ang mga mata naming dalawa, bakas ang matinding pagkagulat sa ekspresyon n'ya.
Ngumiti ako ng matamis.
"Namiss mo ba ako, Sir Boss? Kasi ako, namiss kita ng sobra."
"A-arissa..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top