CHAPTER 59
CHAPTER 59
NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan.
Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.
Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?
Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro.
Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes sa mga taong nagtutungo roon.
May ilan pa nga na nagsasabing baka raw hunted ang gubat. May iba naman na nagsasabing baka roon ang kampo ng mga NPA o kaya ay mga mamamatay tao.
Wala namang makapagsabi kung totoo nga ba ang mga bali-balita ayon sa nasabing gubat.
Pero may ilan pa rin ang naniniwalang may diwatang nagbabantay sa gubat, upang mapangalagaan ang lugar laban sa mga taong nagtatangkang manira sa mga puno sa gubat.
Akmang lalakad si Arissa nang mapatigil s'ya. Wala s'yang suot na kahit anong pansapin sa paa. Nakapagtataka! Anong nangyayari sa kanya? Paano s'ya napunta sa gubat na wala man lang suot na tsinelas? Naghihirap na ba sila? At nasaan ang mga kasama n'ya? Si Zion?
At upang malaman kung nasaan nga ba s'yang lupalop ng pilipinas naroroon, nagpatuloy s'yang muli sa paglakad. Lakad lang ng lakad si Arissa hanggang sa makarating s'ya sa harap ng isang malaking gate.
Gawa sa bakal ang mataas at malaking gate na may nakaukit na uwak sa itaas nito. Makapal at mukhang napakatibay ng pader na humaharang sa kung ano man ang nasa loob ng gate.
Lumapit siya't sinipat ang kalooban.
At dahil madilim pa, hindi n'ya maaninaw kung ano bang meron sa loob niyon. Hahawakan na sana n'ya ang gate nang bigla na lang itong bumukas. Lumikha ng malakas at masakit sa taingang ingay ang pagbubukas nito.
"Hala! Bakit biglang nagbukas?"
Gulat na napaatras si Arissa.
Wala naman s'yang ginagawa ngunit tila ba computerize ang gate dahilan para bumukas ito kapag nasense na may tao sa labas.
Pero bakit kaya ito bumukas?
Ibig bang sabihin, maaari s'yang pumasok sa loob? Paano kung makita s'ya ng may-ari at mapagkamalang magnanakaw? Eh 'di nayari na s'ya?!
"Hindi bale na. Mukhang wala namang tao. Saka gusto ko lang malaman kung anong lugar ito."
Kahit kinakabahan sa maaaring mangyari ay pumasok pa rin si Arissa sa loob. Pagkapasok n'yang kusa ring sumara ang gate.
Nagpatuloy si Arissa sa paglalakad sa gitna ng mahabang pathway na napagigitnaan ng malawak na vermuda grass sa magkabila. Siguro kung umaga lang ay mas maaappreciate ni Arissa ang paligid. Mukha kasing nasa isang private land s'ya ng isa sa mayayamang negosyante sa bayan ng San Roque
Mula pa lang sa malaking gate ay alam n'yang may mansion na nakatayo sa gitna ng malawak na lupain.
At hindi nga s'ya nagkamali.
Dahil pagtungtong ni Arissa sa hagdanang bumungad sa kanya pagkataos ng mahabang pathway, isang mataas na fountain ang kanyang natagpuan. At sa paglipas ng fountain, isang malaki at magandang mansion ang nakatayo.
Sa gitna ng malawak at madilim na paligid, mag-iisang nagliliwanag ang malaking mansion.
"Woah! Para akong nasa palasyo ni Beast ng Beauty and the Beast."
Nagliliwanag ang mansion dahil bukas ang lahat ng ilaw nito sa loob maging sa labas. May mga halamang baging na gumagapang sa pader ng mansion. Nagbibigay ito ng mala-enchanting feels sa makakakita. Siguro'y may tatlo o apat na palapag meron ang naturang mansion. May dalawang mataas na tore sa magkabila.
Mula sa panlabas na kaanyuan ay napakaganda na nito. Paano pa kaya pagdating sa loob? Baka hindi na ako umuwi at manatili na lang dito. O kaya dadalhin ko na lang ang pamilya ko sa lugar na ito.
Kanino kaya ang mansion na ito?
Hindi ko pa ito nakita. At mukhang hindi ito hayag sa labas ng lupaing ito.
May tao kaya sa loob?
Naglakad papasok ng malaking pintuan si Arissa. At pagpasok n'ya sa loob ng mansion, bumungad sa kanya ang mala-palasyong lugar.
"Sh*t! Bilyonaryo ang nag mamay-ari sa mansion na ito, sigurado ako. At hindi pangkaraniwan na negosyante o kaya ay politiko ang kayang magpagawa ng ganito kalaking mansion. Halos nagmumukhang ginto na ang mga kagamitan. O baka nga ginto ang mansion na ito. Grabe talaga!"
Manghang mangha si Arissa sa nasaksihan. Ngunit bigla na lang naglaho ang magandang mansion sa kanyang harapan at napunta s'ya sa isang madilim na kwarto.
"Anong nangyayari?"
Inilibot ni Arissa ang paningin at natagpuan n'ya ang isang malaking portrait na nakadikit sa dingding. Napakaganda ng pagkakaguhit sa larawan. Larawan ng isang babae ang nasa portrait.
At napaka-pamilyar nito sa kanya.
Bakit nga ba hindi. Samantalang ang babaeng nasa portrait ay walang iba kung hindi siya.
Maliban na lang kung may kamukha pala s'ya na hindi na nalalaman.
Nilapitan ni Arissa ang portrait at pinagmasdan ito. Katulad n'ya ngayon, mahaba pa rin ang buhok n'ya sa larawan. Napakaganda ng suot ngiti sa labi at bagay na bagay sa suot na kulay puting blusa.
Parang hindi s'ya ang nasa larawan. Napaka-engrande kasi nitong tinganan.
Ngunit bakit s'ya may larawan sa lugar na hindi n'ya naman alam kung sinong nakatira? Paano s'ya nagkaroon ng larawan sa kwartong hindi s'ya pamilyar?
Then an image of a guy lingered on her mind.
Ang matapang at perpekto nitong mukha. Matangos na ilong, mapupulang labi, makapal na kilay na bumagay sa masungit nitong feature at higit sa lahat, ang magaganda nitong berdeng mga mata.
Pamilyar kay Arissa ang lalaki.
At katulad ng naramdaman n'ya nang makita n'ya ang lalaki sa mall, naging hindi normal na naman ang pagkabog ng kanyang dibdib. Para s'yang nakipaghinabulan sa kahabaan ng highway dahil halos kumawala na ang kanyang puso sa loob ng kanyang ribcage. Pakiramdam din niya'y may mga libo-libong paru-paro na nagsisiliparan sa kanyang tiyan na nais kumawala.
Sigurado na s'ya ngayon na ang lalaking ito rin ang nakita n'ya noon sa kanyang panaginip.
Pero bakit ganoon? Bakit n'ya ito napapanahinipan at bakit nakikinita n'ya ito sa kanyang isipan?
Anong dahilan?
"Arissa..."
Biglang bangon ni Arissa, hawak-hawak n'ya ang dibdib dahil sa pagkabigla.
Panaginip.
Isa na namang panaginip.
Isang panaginip na para bagang totoo. Hindi n'ya tuloy alam kung imagination n'ya lang ba ang lumilikha niyon o isa lang iyong ilusyon. Pero may parte sa kanyang isip at puso na totoo ang panaginip na iyon.
Sa ilang linggong lumipas ay hindi na nawala ang mga panaginip na iyon sa tuwing napapahimbing ang tulog ni Arissa. Nagigising na lang s'ya sa kalagitnaan ng gabi dahil sa gulat o hindi pangkaraniwang napanaginipan. Ngunit sa mga panginip na iyon, iisang imahe lang ang natatandaan n'ya.
Imahe ng isang lalaki.
Lalaking may hindi ordinaryong katangiaan. Napakalayo nito sa ordinaryong tao, mamamayan man ng lugar nila, artista o negosyante man 'yan na palagi n'yang nakakasalmuha. Alam n'ya sa sarili na hindi ito pangkaraniwan.
Pagod at hinihingal na muling ibinagsak ni Arissa ang katawan sa kama. Natulala siya't matagal na pinagmasdan ang ceiling.
Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nakita n'ya sa kanyang panaginip.
Iyong maganda at malaking mansion sa gitna ng malawak na lupain. Iyong prortrait ng kanyang imahe na nakadikot sa dingding sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. At maging ang mukha ng lalaking nakita n'ya sa knyang ala-ala.
Napahawak si Arissa sa kanyang dibdib.
Tila may kirot s'yang naramdaman doon hanggang sa mariin s'yang napapikit dahil sa biglaang pagbalik ng ilang imahe sa kanyang isipan. Imahe ng mga ala-alang kanyang nakalimutan. At ngayon, isa-isa na ulit iyong nanunumbalik sa kanyang memorya.
"Argghh!"
Namilipit si Arissa sa sakit. Parang pinipiga ang kanyang utak dahil sa mga imahe at ala-alang naghahalo-halo sa kanyang isipan.
Mahigpit na nasabunutan n'ya ang sarili. Ang mabilis na pagbabalik ng mga ala-ala ay naging dahilan upang makaramdam s'ya ng pagkahilo.
Anong nangyayari?
Ano ang mga ala-alang ito?
Mabagal at mabigat ang naging paghinga ni Arissa habang nakahawak sa kanyang ulo. At sa pagmulat ng kanyang mga mata'y natagpuan n'ya ang sarili sa gitna ng isang malaking mansion.
Ito rin ang mansion na nakita n'ya sa kanyang panaginip.
Napasinghap si Arissa nang bumukas ang malaking tarangkahan at pumasok doon ang isang lalaki na pamilyar na sa kanya ngayon. Kasunod nito ang isang babae na may malawak na ngiti sa labi habang may dala-dalang mga papel.
Gusto sanang tumakbo ni Arissa papalayo dahil baka makita s'ya ng mga ito, pero mukhang hindi naman iyon ganoon. Dahil dumaan ang dalawa sa kanyang gilid na hindi s'ya napapansin.
Isang ilusyon ang nakikita n'ya ngayon.
Ilusyon ng isang pangyayari na marahil ay mula sa kanyang nakaraang hindi n'ya matandaan.
Ngunit ang tanong...
Bakit s'ya kasama ng isa sa tatlong magpipinsang Cordova? At higit sa lahat, bakit s'ya nasa pamamahay ng mga ito? Anong ginagawa n'ya dito?
Nawala ang ilusyon at napalitan na naman iyon ng panibago. At ngayon ay nasa isang kwarto na s'ya, specifically nasa loob s'ya ng opisina. Opisina marahil ito ng lalaking kasama n'ya.
Napatingin si Arissa sa dalawang taong pumasok sa loob ng opisina. Napamulagat s'ya sa pagkabigla sa nasaksihan. Naghahalikan na ang dalawang taong kanina lang ay tila hindi nagkikibuan sa ibaba.
What the heck? Anong relasyon n'ya sa isang Travis Cordova?
Iniiwas na Arissa ang tingin sa dalawa. At sa pagbaling n'ya sa kabila direksyon, ibang imahe naman ang nakita ng kanyang mga mata.
Magkakasamang nakaupo ang tatlong magpipinsang Cordova na sina Sage, Tyron at Travis sa living room ng mansion. Habang nakatayo naman ang isang babae sa harapan ng mga ito. Muntik nang mapaupo si Arissa ng bigla na lang tumayo si Travis at parang hanging nakarating ito sa harapan ng babae. Napakabilis ng pangyayari, sa isang kisap mata'y nakarating agad sa harap ng babae si Travis. At tuluyan na ngang napaupo sa gulat si Arissa nang biglang kinagat ni Travis ang leeg ng babae. Sinisipsip nito ang dugo ng babae na hindi naman nito pinipigilan.
Ilang sandali pa'y tumayo na rin ang dalawa at sumalo sa ginagawa ng kanilang pinsan.
Naka-upong umatras si Arissa papalayo sa mga ito. Natatakot na baka maging totoo ang ilusyong nakikita. Pero kahit na ilusyon lang iyon, pakiramdam niya'y totoo iyon.
Anong klaseng nilalang ang mga ito?
Ibig bang sabihin ay hindi tao ang tatlong Cordova?
Pero bakit n'ya ito nakikita ngayon?
Isang imahe ang biglang lumitaw sa isipan ni Arissa. Imahe ni Travis na kitang kita ang dalawang matutulis na pangil at ang mga mata nito'y kulay pula. May bahid ito ng dugo sa labi at may tumutulo rin sa gilid ng labi.
Bampira. Isang bampira.
Nanlalaki ang mga matang napabangon si Arissa mula sa pagkakahiga.
Nakita n'ya. At alam n'yang totoo ang nakita n'ya.
"Sir Boss," mahina n'yang bigkas.
Napahawak si Arissa sa kanyang dibdib habang inaalala ang mga nakitang ilusyon. At sa puntong ito, sigurado na s'ya sa mga nakita at nalaman. Sumasakto ang mga iyon sa ilang imaheng bumalik sa kanyang ala-ala.
Ang pagtanggap sa kanya sa trabaho bilang sekretarya ng unang tagapagmana. Ang pagpirma n'ya ng kontrata. Ang pagtira n'ya sa mansion ng mga ito. Ang pagsaksi n'ya sa mga kakaiba at hindi pangkaraniwang hiwaga ng mansion at higit sa lahat, ang pagtuklas n'ya sa sekretong tinatago ng pamilyang ito.
Bumalik din sa kanyang ala-ala ang mga memories na pinagsaluhan nila ni Travis. Ang kulitan at awayan nila ni Sage at maging ang mga kalokohan ni Tyron. Naalala na rin n'ya ang pagsuway n'ya sa pinagbabawal na utos ng kanyang boss, at iyon ay ang pagkahulog ng loob n'ya dito.
Lahat ng masasayang ala-ala ay sa isang iglap ay tila bumalik sa kanya. Pati na rin ang pinakamsakit sa lahat.
Ngayon ay alam na n'ya kung bakit namatay ang kanyang baby, ang isa sa kambal.
That memory is painful but there is the most painful. Ang pag-alis ni Travis sa kanyang ala-ala upang huwag na n'ya pang maalala ang masakit na pangyayaring iyon. At higit sa lahat, ang pagtaboy sa kanya ng lalaking pinakamamahal dahil lang nakagawa ito ng kasalanan sa kanya.
Ngunit hindi naman n'ya ito sinisisi, dahil hindi nito kasalanan ang nangyari.
Pero sa kabila ng pagmamakaawa n'ya ay mas pinili pa rin nito ang desisyon na ibalik s'ya sa kanyang normal na buhay. Ngunit para kay Arissa ang makilala ang binata at mahalin ito ay ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay. Lalo pa't nagbunga ang pagmamahal na iyon ng isang anghel.
At ngayong bumalik na sa kanyang memorya ang mga nakalimutang ala-ala, napagdesisyon na s'yang gawin ang nararapat.
"Nagawa mo mang alisin ang mga ala-ala mo sa isip at memorya ko, ngunit hindi ka makakalimutan ng pusong ikaw lang ang tinitibok," mahinang usal ni Arissa na may mumunting ngiti sa labi.
"Your son needs to know who's his father. We need you, Travis!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top