CHAPTER 58
CHAPTER 58
MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan.
"Mommy where we'll go first?"
"Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?"
"Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."
Arissa laugh at what her son said.
Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon.
"Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?"
"Yes po, Mommy!"
"Okay! We will eat in Jollibee."
"Yehey!"
Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.
May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustura. At talagang bagay na bagay ang suot nito sa kanya. Kulang na nga lang ng shades at aakalain mo nang batang artista.
Hindi mapigilang mapangiti ni Arissa habang nagpapahila sa anak.
Sa bawat pagdaan kasi nilang mag-ina ay napapasunod din ng tingin ang mga taong naroroon sa mall. May ilan pa nga na tinuturo ang anak saka kukuhanan ng larawan. May iba naman na tuwang tuwa sa kabibuhan ni Zion lalo na iyong mga bagets pa at ang ilan naman ay iyong mag seniors na may mga apo na rin.
Naalala ni Arissa ang kanyang ina't ama. Kung nabubuhay lang siguro ang mga magulang ay tuwang tuwa rin ang mga ito sa apo nila.
Pero alam n'ya na kahit wala na ang mga magulang ay proud na proud ang mga ito sa kanya. At mula sa lugar kung nasaan man ang mga ito, alam ni Arissa na tuwang tuwa ang mga magulang sa kanyang anak.
"Waahh! Ang cute no'ng bata. Pwede nang maging artista."
"Paglaki n'yan, maraming maghahabol d'yan."
Sigurado rin si Arissa sa bagay na iyon.
Pero syempre mas gusto n'yang lumaking simple lang ang anak. Ayaw n'yang lumaki ang ulo nito dahil sa kasikatang matatamasa mula sa ibang tao. Dahil naniniwala s'yang ang malayo sa media at mayayamang pamilya, malayo rin sa issue at bali-balita.
At kung dumating man ang araw na makilala n'ya at maalala ang ama ng kanyang anak, mas nanaisin n'yang mamuhay ng tahimik at malayo sa gulo ng showbiz kasama ang mga ito.
Pagkatapos kumain nina Arissa at Zion ay napagpasyahan na nilang mamili muna ng mga grocery at ilang gamit sa bahay.
"Anong gusto ng baby ko?"
"Mommy I want chocolates po."
"Chocolates? Pero bawal sa'yo ang matatamis, hindi ba? Your doctor said it's not good for your teeth. Gusto mo bang masira ang ipin mo at mabungi ka? Sige ka, pagtatawanan ka ng mga tao."
"Pero Mommy konti lang naman po ang kakainin ko. Once in a day lang po, Mommy. Promise po ni Zion he will brush teeth po after kumain ng chocolates. Saka iinom din po ako ng more water."
Sunod sunod na sagot ng anak.
Napangiti naman si Arissa.
Syempre hindi pa rin n'ya matitiis na hindi ito pagbigyan.
"Sige na nga po. Pero you will drink more water and brush your teeth after you eat, okay po?"
"Aye, aye, Mommy!"
Ginulo ni Arissa ang buhok ng anak saka ito ginawaran ng halik sa leeg. Malakas na humagikhik naman si Zion dahilan para magsitinginan sa kanilang dalawa ang ilan ding namimili roon.
Alanganing ngumiti si Arissa bago humingi ng pasensya. Muling tumawa ang anak ngunit mahina na ngayon, ng marealize nito ang ginawa.
"Sorry po, Mommy!"
"It's okay po baby. Let's go na to your chocolates?"
Tumango ang anak saka sila lumipat na dalawa sa may mga chocolates stand.
After makapamili ng mag-ina ay nagtungo na sila sa counter para magbayad. Binuhat muna ni Arissa ang anak na naka-upo sa cart para mailabas ang mga pinamili nila.
"Mommy baba po ako."
"Okay po! Basta huwag lalayo kay Mommy ah."
"Opo!"
Mahigpit na humawak si Zion sa hem ng suot na damit ng ina. Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng SuperMart para aliwin ang sarili habang hinihintay na matapos ang ina sa pagbabayad.
At sa paglilibot ng paningin ni Zion sa buong lugar, may natagpuan ang mga mata nito na isang itim na pusa. Naka-upo ang pusa sa paanan ng isang lalaking nakasuot ng itim na kasuotan, habang naglilinis ito ng mga paa.
And the little curious kid find it a very suspicious.
Isang itim na pusa?
Sa loob ng mall? At sa gitna pa ng grocery store na puno ng mga nagkalat na tao?
Weird.
Kasama kaya ang pusa ng amo nito na naririto rin sa mall?
Parang alam na alam ng pusang itim kung nasasaan itong lugar. Parang komportable ang hayop sa pwesto nito.
Sa pagtagal ng titig ng batang si Zion sa pusa, bigla na lang itong tumingin sa gawi niya.
Ang kulay gintong mga mata ng itim na pusa ay taimtim na nakatingin sa berdeng mga mata ni Zion. Para bang kinikilala s'ya ng itim na pusa dahil sa paraan ng titig nito sa kanya.
Kahit na malayo, rinig na rinig ni Zion ang pag meow ng itim na pusang ngayon ay nakatayo na, handa na para umalis. Mas lalong nacurious ang batang si Zion sa pusa. Dahil bakit tila napakalakas ng kanyang pandinig kahit na malayo naman ito sa pwesto n'ya.
Naglakad paalis ang lalaking malapit sa pusa, kaya lumakad din kasunod ng lalaki ang pusa. At bago pa man makalayo ito sa kanya ay kailangan na n'ya itong sundan. Tumingin muna si Zion sa busy'ng ina.
At dahil dakilang makulit at pasaway ang batang si Zion, bumitaw s'ya sa pagkakakapit sa ina at nilapitan ang pusa. Hindi naman namalayan ni Arissa ang pagtakas ng anak dahil busy ito sa pag-aasikaso ng kanilang mga pinamili. At sure rin naman kasi s'ya na hindi lalayo si Zion sa kanya, ngunit doon s'ya nagkamali.
Nasa kalagitnan ng pag-aayos ng pinamili si Arissa nang makarinig s'ya ng malakas na tilian mula sa 'di kalayuan. Ilang kababaihan at kabataan ang nagkukumpulan sa bukana ng mall. Tila ba may artistang dumating kaya nagkagulo ang mga tao.
Nang matapos si Arissa sa pagbabayad ng pinamili, hahawakan na sana nito ang kamay ng anak para ayain nang umuwi, ngunit wala s'yang naabutang Zion sa kanyang gilid.
"Zion? Baby? Where are you?!"
Biglang nagpanic si Arissa nang maabutang nawawala ang anak. Malamang ay tumakas na naman ito dahil may nakitang nakapukaw ng atensyon ng bata.
Dala-dala ang pinamili'y tumakbo si Arissa palabas ng grocery store. Wala s'yang pake kung mabigat ba ang dala o kung may mabunggo man s'ya. Ang mahalaga ay makita at mahanap n'ya si Zion.
Dali-daling hinagilap ni Arissa ang cellphone sa sholuder bag saka tinawagan ang kapatid na nasa labas ng mall.
"Hello, ate?"
"Ranz nawawala si Zion."
"Hah? Teka, papasok ako sa loob. Pero medyo maraming tao dahil dumating yata 'yong may-ari ng mall na ito. Mahihirapan akong pumasok."
"Iiwan ko muna sa isang coffee shop dito sa third floor ang mga pinamili. Puntahan mo na lang kapag nakapasok ka na. Ako na ang maghahanap kay Zion."
"Sige, ate! Mag-iingat ka, maraming fans ang nanggugulo."
"Sige, sige!"
Pinatay na ni Arissa ang tawag saka nagmadaling tinakbo ang buong third floor. Inilibot niya ang tingin sa buong lugar, nagbabakasakaling matagpuan ang anak.
Ngunit hindi n'ya natagpuan si Zion.
"Baby please, where are you?! Nag-aalala na si Mommy."
"Are you lost, baby girl?"
Napalingon sa likuran si Arissa ng makarinig ng tinig ng isang lalaki. Natagpuan n'ya ang matangkad at maputing lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at itim na pantalon. May suot din itong shades na akala mo'y silaw na silaw sa araw kahit nasa loob naman sila ng mall.
Hindi n'ya ito kilala. Pero nang magtanggal ito ng shades ay doon n'ya ito namukhaan.
Cordova.
Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki nang makita s'ya. Hindi n'ya maintindihan kung bakit. Pero base sa tingin nito sa kanya, tila ba kilala s'ya nito. Ngunit s'ya, hindi n'ya maalala. Basta ang alam n'ya lang ay nakikita n'ya ito sa social media articles.
"Dollface?"
SA KABILANG banda, nagkaroon ng stampid sa loob ng mall dahil sa pagpasok ng tatlong magpipinsan. Pero dahil maraming guard na nakaabang upang umawat, nakapasok ng maayos ang tatlo ng hindi nakikipagsiksikan sa maraming tao.
Sanay na sila sa ganitong eksena.
Sa loob ng tatlong taong lumipas, naging laman ang tatlo ng mga social media at maging ng ilang sikat na magazine. Dahil kasi sa naging paglago pa lalo ng kanilang mga negosyo, mas nakilala pa ang pangalang Cordova sa buong San Roque at maging sa mga karatig na bayan at lungsod. At hindi lang sa Pilipinas, maging sa labas din ng Pilipinas ay nakilala ang tatlong magpipinsan pagdating sa matalinong paghahandle ng kanilang negosyo.
"Sage!" Travis called his cousin.
"Hmm?"
"Where's Tyron?"
"Dunno! Maybe nand'yan lang 'yon sa paligid-ligid. Naghahanap ng malilinlang."
"Tsk! Mauna ka na sa office. May kailangan lang akong daanan sa third floor."
"Got it!"
"And if you find that d*ckhead cousin of yours, tell him to zipper his pants tightly at baka konti na lang ay ako na mismo ang puputol sa kaligayahan n'ya."
Sage chuckled.
"Do I really have to tell that? Hayaan mo s'ya sa ginagawa. S'ya naman ang papasan ng responsibilidad kapag naanakan n'ya 'yong babae."
Tila ba isang bombang sumabog ang mga salitang iyon sa isipan ni Travis.
Naalala na naman n'ya ang mag-ina n'ya na dapat ay kasama n'ya ngayon. But because of his stupidity and cowardness, he lost both of his little angel and the woman he wants to be with.
Arissa.
Itiningala ni Travis ang paningin as if nakikita n'ya ang kalangitaan mula sa loob ng mall.
Kung nagawa lang n'yang macontrol ng maaga ang demonyong nasa loob n'ya, maaaring malaki na siguro ngayon ang anak nila ni Arissa. He's imagining that their son or daughter running towards him while they we're playing. Pero alam n'yang isang imahenasyon na lamang iyon. Imahenasyong hindi n'ya alam kung maaari pa kayang magkatotoo.
"Sorry Trav—"
"It's okay! That was a past."
"Bakit kasi hindi mo ipahanap? We have lots of money for you to find a good investigator."
Hinarap ni Travis ang pinsan.
"No need to do that. Gumawa na ako ng isang malaking desisyon tatlong taon na ang nakakaraan. If even if I found her, sa tingin mo ba'y maaalala pa n'ya ako despite of what I did to her. I took her goddamn memories. The memories which I was there."
"Madali lang naman iyon, 'yon lang ba? E 'di gumawa ulit ng panibagong memories. Memories na mas masaya na kaysa noong una."
"As if that was easy."
"Alam mo, pinsang kong t*nga—este pinsan. Wala namang mahirap kung gugustuhin mo. Ang mahirap iyong wala ka na ngang ginawa, wala ka pang napala."
"Wait! Are you really Sage? At kailan ka pa natuto ng mga cringe lines na ganyan?"
"Ah, simula noong nauso 'yong kantang Babalik Sa'yo?"
"Whatever! I'll go ahead!"
Tuluyan nang umakyat sa ika'tlong palapag ng mall si Travis kasama ng limang bodyguard. Kahit na maingay ang paligid dahil sa samu't saring sigawan mula sa mga kababaihan, hindi n'ya iyon pinagtuunan ng pansin.
Saktong magtungtong n'ya ng third floor ay s'ya naman pagbunggo sa kanya ng isang batang lalaki.
"Woah!"
At dahil nasa edge sila ng escalator, muntik na s'yang matumba dahil sa impact ng pagkakabunggo ng bata. Mabuti na lang at hindi s'ya normal na tao na may mabagal na reflexes. Agad s'yang nakaiwas sa bata at nang ang bata naman ang muntik nang mahulog sa hagdan, agad n'ya itong niyakap para mailayo roon.
Kukunin na sana ng isang guard ang bata mula sa kanya, hindi n'ya agad iyon binigay. Bagkus ay inilayo n'ya ang bata habang yakap pa rin ito.
"It's okay! I'll take care of this kid."
Tumango naman ang guard at bumalik sa pwesto nito upang magbantay.
Ibinaba ni Travis ang bata.
"Hey, little buddy! Where are you going?"
At nang magtama ang kanilang mga matang parehong kulay ng mayamang tanawin sa kabundukan, tila may kung anong damdaming dumaloy sa kanyang katauhan.
What was that?
"Sorry po. I just want to catch the black cat po."
Hindi mapigilang mapangiti ni Travis sa bata.
Pansin ang pagiging slang nito sa tagalog na nagbigay ng kakaibang karisma sa bata. Kahit bata pa lang ay marami na itong magiging tagahanga.
"Black cat?"
"Yes po. Nasa likod n'yo po 'yong black cat."
Napatingin naman si Travis sa pusang nakapatong na pala sa kanyang balikat.
He knew this cat. Because this black cat became his companion in the past three years. Nang makita n'ya ito at naisipang ampunin, hindi na ito humiwalay sa kanya. And everywhere he goes, kasama n'ya ang pusa.
"Ohh!"
Marahang kinuha ni Travis ang pusa sa kanyang balikat. Nilagay n'ya ang maliit at mabalahibong pusa sa kanyang dalawang palad saka nilapit sa bata.
"Her name is Vivi. Gusto mo ba?"
Umiling iling ang bata sa kanya.
"Hindi po ako papayagan ni Mommy na magdala ng pusa sa house po."
"And why is that?"
"Kasi po magkakalat sila ng balahibo at ng pupu sa loob ng house po. Busy po si Mommy sa work n'ya kaya walang maglilinis ng pupu nila."
Hindi mapigilang matawa ni Travis sa sinabi ng bata.
"Ganito na lang. Everytime you'll visit this mall, punta ka lang sa Top floor. Makikita po si Vivi sa office ko."
"What if hindi po ako papasukin sa office n'yo po?"
Mas lumawak ang ngiti ni Travis.
This kid infront of him is indeed a genius one.
"Just tell them that you're the Young Master's exclusive visitor. They will let you in."
The kid smile at him.
He felt something on his system when he saw the kid's smile. The smile seems familiar to him. Hindi lang s'ya sigurado.
At para bang gusto n'ya ulit yakapin ang bata. Bigla s'yang nakaramdam ng pananabik na mayakap ng kanyang sariling anak. He wants to embrace his own son's little body. Napakawarm ng ganoong pakiramdam.
"C-can I hug you again, little kid?"
Hindi na sumagot ang bata at ito na mismo ang yumakap sa kanya. And when he finally hugged the kid, memories of Arissa lingered in his mind.
Arissa.
Unang humiwalay sa yakap ang bata.
"Where's your parents? Ihahatid na kita sa kanila."
Tila doon lang naalala ni Zion ang kanyang ina. Tumakas nga pala s'ya dito. At malamang ngayon ay nag-aalala na ito sa kanya.
Umiling ang bata kay Travis.
Hindi n'ya alam kung anong ibig nitong sabihin. Wala ba itong kasamang magulang? O hindi na s'ya kailangang ihatid?
"Until next time po, Mr. Travis Cordova!"
Travis stunned in silence. Kilala s'ya ng bata.
At dahil hindi agad nakapagreact, nakita na lang n'ya na tumatakbo na papalayo ang bata.
While looking at the kid's back, pakiramdam niya'y nais n'ya ulit makita ang bata.
Nananabik ba s'yang magkaroon na rin ng anak? Iyong anak na matatawag n'yang kanyang sarili? Dugo't laman?
Pero alam n'ya na sa iisang babae lang n'ya nais na magkaroon ng anak at masayang pamilya. And that was her, his sweet little secretary.
NAPATAGAL ang titig ni Arissa sa lalaking kaharap. Nagtataka s'ya sa pagtawag nito sa kanya ng Dollface.
Sino si Dollface?
Arissa ang pangalan n'ya at hindi s'ya isang manika.
"Ah, Mister. Pasensya na po kayo ah, pero Arissa po ang pangalan ko at hindi Dollface."
"I know—"
Hindi na naituloy ng lalaki ang dapat na sasabihin dahil sa pagtawag ng isang munting tinig.
"Mommy!"
Mabilis na bumaling si Arissa sa kanilang gilid at doon n'ya nakitang tumatakbo ang anak papalapit. Nawala sa kanyang isipan ang lalaking kausap at dali-daling tinakbo ang pagitan nila ng anak.
Agad na niyakap ni Arissa si Zion.
"Baby, pinag-alala mo si Mommy. Bakit ka umalis ng walang paalam? Paano kung may nangyari sa'yong masama."
"Sorry po, Mommy! Hindi na po mauulit."
Hinigpitan ni Arissa ang pagkakayakap kay Zion bago ito binuhat.
"Uuwi na tayo, okay? Naghihintay na si Tito Ranz sa ibaba."
"Okay po, Mommy!"
At nang humarap si Arissa sa kinapupwestuhan nila ng lalaking kauaap kanina ay wala na ito roon.
"Baby, nakita mo ba 'yong guy na kausap ni Mommy kanina?"
"Umalis na po Mommy."
Nagtataka man dahil bigla na lang itong naglaho ng walang kahit anong bakas, ipinagsawalang bahala na lang ni Arissa ang bagay na iyon. Ang mahalaga walang nangyaring masama sa anak n'ya.
Habang pababa ang escalator na kinatatayuan nila ni Zion, may itinuro ang anak sa kanya.
"Mommy, s'ya po 'yong nagsave sa akin kanina. Muntik na po kasi akong mahulog sa hagdan dahil hinahabol ko po 'yong pusa n'ya."
Napatingin si Arissa sa tinuro ng anak.
Isang lalaking nakasuot ng all-black-suit ang natagpuan ng kanyang mga mata. Matangkad ito at maganda ang hugis ng pangangatawan base sa suot na long sleeve na humahakab sa katawan nito.
Bumilis ang tibok ng dibdib ni Arissa.
May kung anong pakiramdam na tila nabuhay muli sa pagkatao n'ya.
At hindi n'ya alam kung bakit n'ya iyon naramdaman. Para bang may nais sabihin ang kanyang puso. Damdaming matagal na nakalimutan. Memoryang ilang taon ding nakakubli lang sa kanyang kalooban.
Sino ang lalaking ito? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Is he someone that I know in the past few years that I've been forgotten?
MATAPOS ang eksenang nasaksihan mismo ng dalawang mata ni Tyron, agad din n'yang nilisan ang lugar para punatahan ang pinsan. Na siguradong magiging interesado sa kanyang natuklasan kani-kanina lang.
"Hey, my dear cousin!"
Bungad ni Tyron pagpasok pa lang ng opisina ni Travis.
"Where have you been?"
"Just... somewhere."
Malawak ang ngising naupo si Tyron sa couch na nasa gilid ng opisina.
Nakataas ang kilay na pinagmasdan si Tyron ng pinsan. May pagdududa sa mga tingin nito.
"Hey, stop that look. Namasyal lang ako sa third floor. May nakita kasi akong something interesting. And guess what..."
"What?"
"I meet someone from the past. And she's with a child."
"And so what?"
"Hindi mo man lang ba itatanong kung sino?"
"Wala akong pake sa mga ganyang bagay. Marami pa tayonh trabahong gagawin ngayon, so why don't you do your job now?!"
"Ang k.j naman. Let me tell you something na lang na magpapapukaw ng interest mo. Nalaman ko rin na anak ni ate girl ang bata na kasama n'ya. Nawala ito sa mall. Guess what..."
Ibinalik ni Travis ang paningin sa mga papeles na nasa harapan n'ya. Ngunit agad din napabaling sa nagsasalitang pinsan dahil sa sunod nitong sinabi.
"May berdeng mga mata rin ang bata katulad ng sa'yo. A flaming green one. And.... He exactly look like you, couz! May fling ka ba noon na nabuntis mo ng hindi nalalaman? Aside from Dollface ofcourse, because she's different from your flings."
Isang malutong na mura ang pinakawalang ni Travis sa isipan.
Damn it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top