CHAPTER 56

CHAPTER 56


MAKARAAN ANG TATLONG TAON...

SA TATLONG taong lumipas, napakarami nang nagbago. Sa buhay naming magkakapatid hanggang sa sarili ko. Nakapagpatayo na kami ng maayos at malaking bahay, buo at tumatakbo na rin ng maayos ang negosyo ko na restaurant. Nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo at ngayon naman ay ang dalawa ko namang kapatid ng ga-graduate ng college.

Ngunit kahit na maganda na ang pamumuhay namin kaysa noon, pakiramdam ko'y may malaking kulang pa rin sa buhay ko. Sobrang daming tanong na hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Sobrang dami kong tanong dahil wala akong matandaan sa mga nakalipas na taon. Basta ang natatandaan ko na lang ay umalis ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Alam ko na maayos at maganda ang trabaho ko, dahil kung hindi, wala sana kaming malaking bahay at sariling negosyo ngayon. Nagising na lang ako na nakabalik na ako dito sa bahay nang walang kahit anong memorya mula sa pinanggalingan kong probinsya. Hindi ko tuloy kayang paniwalaan ang kasalukuyan naming buhay dahil wala akong matandaan.

Kahit si Moneth at Ranz ang alam ay nagresign ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi rin nila alam kung saang probinsya ba o kung anong trabaho meron ako roon. Even Alexis is no have idea what had happen.

Isang buwan matapos kong bumalik sa amin, natagpuan kong nagdadalang tao pala ako. Nasa restaurant ako that time ng makaramdam ako ng pangingirot ng tiyan. Mabuti na lang at naagapan ang pagdala sa akin sa ospital dahil kung hindi, mawawala ang baby. Nang malaman ko na buntis pala ako mas lalo lang dumami ang tanong sa aking isipan.

Paano ako mabubuntis kung wala naman akong boyfriend?

Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka kaya ako umalis sa trabaho ay dahil nabuntis ako ng boss ko.

Nalaman ko rin sa doktor ko na hindi lang isa ang naging baby ko, kundi kambal. But unfortunately, the other baby died. The doctor said it was really a miracle. A miracle indeed, my greatest miracle. Dahil kokonti lang ang may kaso ng ganito sa mga nagbubuntis. At kadalasan iyong iba kapag nakunan ang ina na may kambal na ipinagbubuntis, matapos mawala ang isa susunod naman na mamamatay ang isang natitira. O kaya naman ay magkakaroon ng sakit ang isang kambal pagkapanganak nito. But with my case, sinabi ng O.B ko na healthy at nasa maayos na kalagayan ang baby ko. My twinless miracle baby.

Kahit na nawala ang kakambal n'ya, until the last minute, he still hold on with me.

At wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa bagay na iyon.

Nakaranas ako ng matinding depression. Nahirapan akong matulog sa gabi. Minsan pa nga'y natutulala na lang ako at makikita ko na lang ang sarili kong umiiyak.

Sobrang bigat.

At iyong bigat na 'yon pakiramdam ko'y naramdaman ko na noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko iyon naranasan.

Wala man lang akong maalala. Hindi ko alam na buntis pala ako at namatay pa pala ang isa kong baby. Hindi ko man lang s'ya nailigtas kasama ng kambal n'ya sa loob ng tummy ko.

Pero naisip ko rin na huwag na lang munang problemahin iyon, dahil hindi na lang ako ang nagmamay-ari ng katawan ko ngayon. My baby boy is still inside of me, kaya katulad ng ginawa n'ya, I will also keep on fighting. Hindi ako pwedeng ma-stress na naman. Kaya imbes na isipin ko kung anong nangyari sa nakalipas na mga taon, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa aking sarili at maging sa munting anghel na nasa sapupunan ko.

Inisip ko na lang na ipagpatuloy ang buhay para sa little angel ko, na alam kong nagmamasid sa amin para gabayan kami ng kapatid n'ya.

Matapos grumaduate nina Moneth at Ranz silang dalawa ang katulong ni Alexis sa pagmamanage ng restaurant. Habang ako naman ay naging isang ganap na magulang na.

Ipinanganak ko ng malusog at cute na cute ang aking baby boy na ipinangalanan kong si Zion Miracle Montecarlos. Sayang nga lang dahil hindi na namin masisilayang lumaki kasabay ni Zion ang kanyang kakambal.

May lungkot at panghihinayang, pero kapag nakikita ko ang gwapong mukha maging ang kakulitan ni Zion, nawawala ang sakit sa dibdib ko.

"Mommy! Mommy!"

Napatingin ako sa pintuan ng kitchen nang marinig ko ang masiglang boses ng anak ko mula sa labas.

"Baby Zion watch your steps. Baka madapa ka. Ang likot mo talaga."

"But Tita Mon, I want to see Mommy na po."

"Nasa loob lang naman si Mommy mo kaya huwag kang magmadali, okay?!"

"Okay po Tita!"

Nakarinig ako ng hagikhik kasunod ng malakas na boses ni Moneth. Halatang hindi na naman sumunod ang anak ko at nagpasaway na naman.

"ZION! Pasaway ka talagang bata ka. Kanino ka ba nagmana?"

Naiiling na nakangiting binitiwan ko ang kutsilyong hawak. Sinandal ko ang bewang sa kitchen counter at hinintay ang pagpasok ng dalawa.

"Mommy! Mommy!"

Malawak ang ngiting pumasok ang makulit na si Zion sa kusina habang bibong tumatakbo.

Umupo ako upang magkapantay kami ng anak ko. At nang makalapit na ay binuka ko ang dalawang braso para yakapin s'ya.

"Mommy, I miss you po!"

Napapikit ako ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Zion.

"Namiss ka rin po ni Mommy, my baby Zion!" Pinugpog ko s'ya ng halik sa mukha na ikinahagikhik nito.

"Nagpasaway ka na naman ba sa Tita Moneth mo? 'Di ba sabi ko naman sa'yo huwag makulit para hindi mastress si Tita? Dapat behave lang."

"Sorry po, Mommy! Hindi na po mauulit. Behave na po ako next time."

"It's okay! Basta lagi kang susunod sa utos, okay po ba? Baby boy ko?"

"Yes po, Mommy! Pero hindi na po ako baby. Big boy na po ako."

"Ay! Ganoon ba? Pero baby boy ka pa rin ni Mommy. Okay lang ba?"

"Oo naman po Mommy. Baby boy n'yo pa rin po ako."

Napangiti ako sa kabibohan ni Zion.

Kahit bata pa lang ay matalino na rin ito. Halata naman kung kanino magmamana, syempre sa ina. Charot!

Kung umakto rin ito minsan ay akala mo'y isang matandang nagpapayo sa nakababata sa kanya. Napapaisip nga ako minsan kung kanino ito nagmana ng kaseryosohan. Kung mag-isip din ito ay aakalain mong si Einstein. Iyong mga hindi normal na ginagawa ng batang magtatatlong taong gulang pa lang ay alam na n'ya. Imbes na maglaro, puro libro ang nasa harap nito.

Hindi ko tuloy alam kung pag-aaralin ko pa ba s'ya sa elementary o baka sa college na. Baka kasi kainggitan ito ng magiging kaklase dahil hindi mo talaga maiisip na tatlong taon pa lang ito. Hindi mo rin masasabayan ang isip nito at maging ang mga nais na gawin.

Kaya nga palaging umaalis ang mga kinukuha kong baby sitter ni Zion kapag nasa work ako, ay dahil bukod sa pasaway at makulit talaga ang bata, puro tanong din ito na hindi mo nasasagot dahil out of the world of normal people ang mga tanong na lumalabas sa bibig.

Naiisip ko tuloy, baka pinaglihi ko talaga si Zion sa scientist. Para kasing isang scientist ito kung mag-isip.

Sobrang talino. Nakakabaliw.

But ofcourse, I am so proud of him.

Kaya nga hindi na ulit ako kumuha ng babysitter. Minsan ay si Moneth or si Alexis ng nagbabantay kay Zion kapag may study session ito sa kanyang private tutor. Kumuha ako ng tutor para may magturo kay Zion habang hindi pa s'ya pumapasok sa school. At maganda naman ang kinalabasan ng session dahil nagkakasundo si Teacher Zara at Zion pagdating sa mga lessons.

"Look what I've got, Mommy! May 5 stars po ako from Teacher Zara. Sabi pa n'ya sa akin, hindi ko na raw po kailangang pumasok sa school dahil matalino na raw po ako. But Mommy, I want to go to school po. Ang boring po kapag homeschooled lang. Hindi ako makaka-meet ng ibang new friends. Nagsasawa na po ako sa mukha ni Tita Mon at Tito Ranz."

"Hep, hep, hep! At ano ang narinig ko, aber?!"

Humahagikhik na tumakbo sa likuran ko si Zion nang biglang pumasok ang Tita n'ya.

"Ikaw na bata ka talaga, binaback stab mo naman ang maganda mong Tita. Pasalamat ka't cute ka, kung hindi, ipapahuli talaga kita sa pulis."

Pero imbes na matakot ang bata, mas tumawa lang ito na ikinainis pa lalo ng Titahin.

Sinuway ko na lang dahil baka mag-away na naman silang dalawa. Kahit bata pa lang si Zion ay ang hilig na nitong mang-asar, kaya nga palaging nag-aaway ang mag-tita. Kabaliktaran naman pagdating sa Tito nito na si Ranz, dahil magkasundo ang dalawa kapag asaran na ang pinag-uusapan. At ang palagi nilang target ay walang iba kundi ang kawawang si Moneth.

Pero syempre, mas matimbang pa rin ang lambingan moments nilang tatlo. Palibhasa paborito ng dalawa ang cute na pamangkin kahit na makulit ito.

"Sit na muna sa chair ni Mommy. Doon ka lang, okay? Tatapusin lang ni Mommy ang niluluto n'ya."

"Okay po, Mommy!"

Nakangiting pinagmasdan ko si Zion nang makaupo na ito. Binalikan ko naman ang niluluto pagkatapos.

"S'ya nga pala ate."

"Hmm?"

"Nadapa si Zion habang tumatakbo papauwi kanina. But when I check his knees, wala akong nakitang sugat. May dugo dahil sumadsad sa semento 'yong tuhod n'ya, pero walang sugat. Tinanong ko kung masakit ba, pero sabi n'ya hindi raw. Naisip ko lang na, ang weird 'di ba?"

Natigilan ako at napaisip.

"Ikaw na muna ang magtuloy nito."

"Sige ate."

Nilapitan ko si Zion at naupo sa tabi nito.

"Baby?"

"Yes po, Mommy?"

"Your Tita told me na nadapa ka raw kanina. Totoo ba?"

"Yes po, Mommy. Sorry po."

"It's okay, baby. Pero wala bang masakit sa'yo? Hindi ba mahapdi 'yong tuhod mo?"

Itinaas ni Zion ang binti at ipinakita sa akin ang tuhod n'ya. Tahimik na napasinghap ako ng makitang may dugo ang tuhod nito pero walang kahit anong sugat o gasgas.

"Hindi naman po masakit, Mommy. Saka wala na rin pong sugat. Magaling na po s'ya, Mommy. Ang galing po 'di ba? Parang may magic ako."

Pinilit kong matawa sa sinabi n'ya, pero hindi ko mapigilang hindi mag-isip.

Paano iyon nangyari?

Pinakatitigan ko ang anak ko habang nagbubuklat ito ng magazine. Wala namang kakaiba sa kanya. Normal naman ang lahat. Pero pansin ko ang ilang pagbabago kay Zion nang mag tatlong taon ito last month.

Nagiging sensitive ito sa amoy ng pagkain. Alam n'ya kapag may bawang ang kakainin n'ya, tatanggalin n'ya 'yon at ibibigay sa akin. Hindi ko naman pinansin iyon dahil baka ayaw n'ya lang talaga sa amoy ng bawang or lasa.

Last week naman nagpunta kami sa beach pero ayaw ni Zion na lumabas ng cabin dahil mainit daw. Napansin ko nga na medyo namula ang balat n'ya sa braso, dahil siguro sa init ng araw. Akala ko sensitive lang talaga ang balat ng anak ko dahil bata pa nga s'ya, pero...

Pero hindi naman sobrang init na halos nakakasunog na ng balat. Tama lang sa balat dahil medyo makulimlim din naman. Kaya dinala ko si Zion sa dermathologist para patingnan ang balat n'ya. But it turns out na normal lang naman daw at walang sakit sa balat si Zion. Nirekomendahan na lang ako ng doktor ng baby lotion para hindi ito mamula kapag nasa labas.

And now, ito naman.

What's going on with my baby? Hindi kaya nakuha n'ya ang mga ito sa kanyang ama?

If that so, ito na pala ang tamang oras para tuklasin kung anong nangyari sa akin sa mga taong lumipas na hindi ko maalala.

I need to find the truth. I need to find the answers to my questions that keep on making chaos in my head. Para sa sarili ko at maging kay Zion. I need to find who's my son's father.

"Mommy, look mo po ito. Parang nakita ko na ang guy na ito somewhere in the mall."

Tiningala ako ni Zion saka itinuro ang larawan ng isang lalaki na nasa cover ng magazine.

Gwapo ang lalaki at halatang mula sa mayamang angkan. He has a rough features na mas nagbigay ng malakas na awra rito. Well-sculpted face, makapal na kilay na bumagay sa masungit nitong feature, matangos na ilong at mapulang labi na tila nang-iinvite na matikman.

Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang kulay berde nitong mga mata.

Napakaganda nitong pagmasdan sa larawan, paano pa kaya kung sa personal na. Para nitong hinihigop ang lakas mo kapag tititigan ka. 

Nakakapanghina.

Pakiramdam ko'y parang kilala ko na ang mga matang iyon. Ang lalim ng tingin nito, ang intensidad sa titig at maging ang matinding kabog sa dibdib na kaya nitong iparamdam sa'yo. Tila ba ay naramdaman ko na rin ang pakiramdam na iyon. Pero hindi ko alam kung kailan nga ba.

Ang weird.

Para bang pamilyar ang mga matang iyon.

Teka—

"Baby, can you look at me?"

Nagtatanong ang mga matang tinitigan ako ng aking anak.

"Why po, Mommy?"

Gulat na napatakip ako ng aking bibig. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa mga mata ni Zion at maging sa lalaking nasa larawan.

My son has this deep beautiful green eyes like what the guy in the magazine had. Para akong nakatitig sa isang malawak na berdeng tanawin sa aking harapan.

"Mommy, totoo po ba?"

"W-what is it baby?"

"Sabi po kasi ni Tito Alexis nang makita n'ya ang magazine, kamukha ko raw po 'yong guy na nasa cover. Totoo po ba, Mommy?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top