CHAPTER 51

CHAPTER 51

ISANG LINGGO ko nang kinukulit si Tyron na sabihin sa akin kung anong gift ba ang ibinigay nito sa babaeng iniligtas. But still he's avoiding it.

At konti na lang talaga ay mapipiksi na ang pagtitimping pinipigilan nito.

Hindi ko na ipinaalam pa sa dalawa ang inamin ng pinsan nila. Mukha namang alam na rin ng mga ito ang nangyari at ginawa ng pinsan, maliban sa inamin nitong nagawa lang n'ya iyon dahil akala n'ya ay ako ang babae. At ginawa n'ya iyon dahil wala si Travis sa paligid.

Kung malalaman iyon ni Travis, baka hindi lang sila ni Sage ang may alitan ngayon.

But knowing that man, alam kung walang sekretong hindi n'ya malalaman.

Haist, buhay parang life!

"Tyron!" Sigaw ko nang makitang papalabas ito ng mansion. Tumakbo ako papalapit sa lalaki. "Saan ka pupunta?"

Nakataas ang kilay na humarap ang lalaki sa akin. Nameywang pa ito sa harapan ko bago magsalita.

"Why you're asking, Dollface?"

I shrugged my shoulder. "Just asking."

Humalukipkip ito at itinagikid ang mukha na may hindi naniniwalang tingin.

"What?" I hissed.

"I'm not dumb. Kung kukulitin mo na naman ko tungkol sa bagay na iyon, quit it, Dollface. Dahil hindi ko sasabihin kahit araw-araw mo pa akong bwesitin."

"Tsk!" Napapadyak ako sa inis. "Ang damot! D'yan ka na nga!" Padabog na bumalik ako sa ginagawa. Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga ni Tyron bago tuluyang naglakad palabas ng mansion.

And why I been bothering about that thing? Just nothing! I was just curious.

At nag-aalala rin ako roon sa babae. Nakagat s'ya ni Tyron for goodness' sake! Paano kung natrauma 'yong babae because of what had happened to her wayback in the forest, tapos may estrangherong nagligtas sa kanya at the same time ay bigla na lang may ginawa sa kanyang hindi pangkaraniwan.

If I were her, mag papanic talaga ako. Pero dahil aware na ako sa tunay na mundong meron sa lugar na ito, hindi na ako takot.

At saka may isang bagay pa pala na bumabagabag sa akin.

Bakit kailangang ako pa ang makita ni Tyron sa mga oras na iyon? Why he even thinking of me? Is he really thinking of me? Wait—

Is he lusting over my blood for all this time?

Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napalingon sa pintong nilabasan ng lalaki kanina.

Totoo nga kaya iyong sinabi n'ya dati? Vampires has this mannerism when they taste human blood for the first time. Ano nga ulit iyon? Lust at first bite?

Yeah, lust at first bite!

And when they found this human, that can satisfy their thirst in blood, hindi na nila ito titigilan.

"PAK! THAT'S RIGHT! Iyon nga 'yon."

Tila may isang importanteng impormasyon akong natuklasan. I even clapped my hands continuously while laughing like a crazy.

Kung makikita lang ako ni Sage ngayon, iisipin na talaga nitong nababaliw na ako. At mas lalong hindi n'ya ako titigilan sa pagtawag ng crazy witch. Argh!

That's right!

Iyon 'yong nakita ko sa mga mata ni Tyron when he came back from the forest. Blangko ang mukha nito pero hindi ang kulay asul n'yang mga mata.

His eyes telling that he finally found the girl that can satisfy his cravings. For blood.

At katulad na katulad iyon ng expression na nakita ko sa magagandang berdeng mga mata ni Travis, when he offer me this lifetime contract with him. The lust in his flaming green eyes don't lie. That's because of my blood has a great impact to him, to his thirst, to the monster who hiding into his being.

Dahil sa dugo ko, binuhay ko iyon.

Just like what happened to Tyron. When he taste that woman's blood, ang imahe ko na naglalaro sa kanyang isipan that time ay nawala na parang bula. And that's because, magkaiba kami ng dugo ng babaeng iyon. Pero ang pagkakaiba lang, may kakaibang impact iyon sa sistema ni Tyron.

Maybe he's lusting over my blood, pero nang mangyari ang bagay na iyon, it changed. Totally changed. That woman's blood can satisfy Tyron's craving from it.

At iyon ang bagay na bumabagabag sa lalaki.

Parang tangang napangiti ako ng malawak habang inaalala ang impormasyong natuklasan ko just by my self.

Ah, I'm so genius!

In human world, there is this word that every human believing in. That is our fate!  Kung ano ang nakatakdang mangyari, iyon ang mangyayari. Even if you changed it, but when the right  time comes, mangyayari pa rin ang nakatakda para sa'yo.

And you can't do anything about it.

And the gift that Tyron was refering, maybe it is their fate.

Kami kaya ni Travis? Anong tadhana ang naghihintay sa aming dalawa?

Will this contract lead us to our happy ending? Or this contract will seperate us also?

Oh, well. Kami pa rin naman ang gagawa ng tadhana namin. Sometimes we don't need to rely on our fate. Because fate can also change.

PAGDATING ng tanghalian ay dumating sina Nanay Wilma kasama sina Yna.

"Magandang umaga po!" Masiglang bati ko pagpasok nila.

"Magandang umaga rin iha!"

"Magandang umaga Miss Arissa!"

"Hello, Ris!"

"Hi, Arissa!"

"Nariyan ba ang Young Master?" Tanong ni Nanay Wilma.

"Nasa itaas po, 'Nay."

"Oh s'ya, kakausapin ko lang. Kayong tatlo gawin na ninyo ang mga gawain n'yo." Habilin nito bago naglakad papunta sa itaas.

"Yes, 'Nay!" Sabay sabay na sagot ng tatlo.

Pagkaalis ng matanda ay nagkanya-kanya na ng gawa ang tatlo. Gumagawa ako ng report sa laptop ko nang marinig ko ang sinabi ni Rose.

"Hoy, mga baklita! Malapit na ang Valentines Day, anong balak n'yo?"

"Valentines Day? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" sabi ni Yna.

"Gaga! Palibhasa bitter ka."

"Ano pa bang gagawin, e'di matulog. Wala naman akong boyfriend eh. Ano, idedate ko ang sarili ko? Baka magmukha lang akong shunga n'yan," mapait na pahayag ni Shasha.

Mukhang bitter din ang isang ito.

"Ano ba 'yan! Akala ko ba may jowa ka, Sha? Nasaan na 'yong lalaking laging pumupunta sa inyo?"

"Ano pa ba, e 'di MIA."

"MIA?" Sabay na nagtatakang tanong ni Rose at Yna.

"MIA. Missing In Action."

"Hala! Ghinost ka girl?"

"Gusto mo resbakan natin?"

"Hayaan n'yo na ang lalaking 'yon, hindi naman s'ya kawalan."

"Tama 'yan girl! Ang ganoong mga lalaki hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras at panahon ng mga katulad natin. Hindi s'ya kawalan, s'ya ang nawalan."

"Tama! Alam n'yo pumunta na lang tayong tatlo sa night market sa 14. Balita ko magbubukas ulit ang Night Paradise sa araw na 'yon eh. Alam n'yo na, maraming couples ang magcecelebrate ng Valentines. Malay n'yo marami ring pumuntang papables, 'di ba?"

"Oo nga 'no?! Baka doon na natin mahanap ang ating THE ONE."

At sabay sabay silang tumili sa kilig at excitement.

Night Paradise? Ano kaya iyon? Parang park? Park for couples, ganurn?

Napakabilis talaga ng panahon 'no? Akalain mong parang kahapon lang nang magsimula ang taon, tapos ngayon, February na pala. At ilang araw na lang Valentines Day na.

"Ikaw, Arissa? Anong gagawin mo sa February 14? May lakad ka ba o date sa araw na 'yon?"

Hinampas ni Yna si Rose dahil doon.

"Tigilan mo nga si Arissa. Chismis ka na naman eh."

Natawa naman ako.

"Okay lang, Yna. Wala pa naman akong balak sa araw na 'yon. Bakit pala?"

"May boyfriend ka ba? Sure ako na may boyfriend ka sa labas ng lugar na ito. Taga San Roque rin ba? Naku, baka day off mo sa araw na 'yon kaya pwede kayong magdate."

Gusto kong matawa.

Mukha ba akong may jowa? Rose talaga oh!

"Naku, wala. Wala akong jowa."

"Ha? Wala? Bakit wala? Ang ganda-ganda mo tapos walang magtangka? Aba! Wala silang taste ah. Nasa harap na nila ang biyaya, nililipasan pa."

Muling hinampas ni Yna si Rose. Natawa ako sa kadaldalan nito. Hindi nauubusan ng sasabihin.

"Ang daldal mo. Nakakahiya ka!" Sumimangot si Rose sa pagsuway ni Yna sa kanya. Bumaling si Yna sa akin at ito naman ang nagtanong na mas ikinatawa ko. "Pero wala ka talagang jowa, Arissa? Gusto mo ba ireto kita sa kuya ko? Gwapo 'yon! Para naman magkaroon ng magandang lahi ang pamilya namin—ARAY! ANO BA ROSE!"

Pinalo kasi ng dalawang beses ni Rose ang babae.

"Ayurn! Kaya naman pala! May balak kang ibugaw si Arissa sa kuya mo. Tapos ako itong crush na crush ang lalaking iyon, sabi mo hindi kami bagay kasi may jowa na 'yon. Grabe ka! Grabe ka talaga!"

At nagbardagulan na silang dalawa.

"Ano ba kayong dalawa. Ang kakalat n'yo," suway ni Shasha sa dalawa bago tumingin sa akin. "Sumama ka na lang kaya sa amin Arissa? Hahanap tayo ng gwapong fafa sa Night Paradise. Ah, can't wait!" Tila nag-iimagine na hayag nito.

Napailing iling na lang ako.

Pero... wala namang masama. Kaso biglang sumagi sa isip ko si Travis, kaya napailing agad ako.

Day-off ko sa araw na 'yon dahil sumaktong Sunday. Balak ko sanang umuwi sa San Roque para na rin bisitahin ang mga kapatid ko pati na rin ang tapos ng shop, pero next time na lang siguro, kapag long holiday.

Gusto ko rin kasing makasama si Travis sa araw ng mga puso.

And I can't help not to giggle with that thought. Me and Travis having a candle light dinner under the clear sky. Ahhh, heaven!

"Girls, maiwan ko muna kayo. May kukunin lang akong mga files sa office ni Sir Boss," paalam ko sa tatlo bago tumayo. Pero pahakbang pa lang ako paalis nang makaramdam ako ng hilo kaya agad akong napakapit sa sofa.

Mabilis naman na dinaluhan ako nina Yna nang mapansin agad nila ang nangyari.

"Arissa, okay ka lang ba? Tubig! Kumuha kayo ng tubig."

Hindi ko na alam kung anong nangyayari dahil mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang mabawasan ang pagkahilo ko. Pero alam kong nataranta silang tatlo dahil sa pagkabigla.

"Tawagin natin si Nanay Wilma."

"Tubig muna. Kailangan ng tubig. Pamaypay! Pahiram nga n'yang karton."

Hindi ko alam kung sino ang tumulong sa aking makaupo ulit sa sofa at kung sino ang kumuha ng ganito ganyan. I laid back my head on the backrest ng sofa habang nakapikit pa rin. Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawahan ng makaramdam ako ng hangin, na marahil ay dahil sa pagpaypay nila.

"Arissa, anong nararamdaman mo? Nahihilo ka pa ba? Kaya mo bang mumulat?"

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Nag-aalalang mga mukha ng tatlo ang bumungad sa akin.

"May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka pa ba?" Agad na tanong ni Rose sa akin.

"M-medyo nahilo lang ako, pero nawawala naman na."

"Uminom ka muna ng tubig. Baka pinapagod mo na rin ang sarili mo sa trabaho at sa pag-aaral kaya nagkakaganyan ka."

"Magpacheck-up ka kaya. Baka anemic ka na."

"Salamat sa pag-aalala, girls. Pero baka sa puyat lang ito, ipapahinga ko na lang din siguro."

"Matulog ka ng maaga, girl. Saka kumain ka araw-araw ng fresh fruits. Sayang ang mga iyon kung itatambak lang sa ref."

"Salamat ulit at pasensya na."

"Basta alagaan mo ang sarili mo. Mahirap magkasakit sa panahon ngayon."

"Oo nga! Pinag-alala mo kami. Nataranta akong bigla."

"Siguro mainam na ipaalam mo rin ang nangyari kay Sir Travis, para alam n'ya. Kung sakali na maulit ito madadala ka agad sa hospital para mabigyan ka ng vitamins."

"Sasabihin ko mamaya."

"Umakyat ka na muna kaya sa kwarto mo para makapagpahinga ka na. Kami na lang ang bahalang magsabi kay Sir na kailangan mo munang magpahinga saglit, para may lakas ka na ulit."

"S-sige."

Tinulungan nila akong mag-ayos ng mga gamit ko. Sinamahan na rin nila ako papunta sa kwarto. Habang inaalalayan nila ako paakyat ay ramdam ko ang pag-iingat nila.

Nasa huling baitang na kami ng hagdan nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Agad na naalarma sina Yna at agad na tinawag sina Nanay Wilma at Travis.

Napakapit ako sa braso ni Shasha nang nanghina ang mga tuhod ko at malapit na akong bumagsak. I barely open my eyes because of dizziness. At ang huli ko na lang na naaalala ay ang nag-aalalang mukha ni Travis habang mabilis na tinakbo ang pagitan namin.

Parang umiikot ang mundo ko that time,  hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

"ARISSA!"

NAKARAMDAM ako ng malamig na hampas ng hangin sa aking balat. Nagmulat ako ng mata at inilibot ang paningin. Madilim ang kwarto pero may kaunting liwanag naman na sumisilip sa bintana.

Napasinghap ako ng makita kung bakit ako nilalamig.

"Anong nangyari? Nasaan ako?"

Ang alam ko'y nahimatay ako kasama nina Yna dahil sa sobrang pagkahilo.

Pero bakit ganito na ang itsura ko?

Nakalumpasay ako sa sahig. May ilang malalaking punit ang suot kong puting dress. Tila kalmot ng isang halimaw na may matutulis na kuko ang may kagagawan ng mga punit sa suot ko. May mga dugo rin ang braso't binti ko na hindi ko alam kung saan galing.

"O-oh m-my... A-ano 'to."

Nanginig ako sa takot ng makita ang pagdaloy ng maraming dugo sa aking hita pababa sa aking binti. Naramdaman ko rin ang pagsakit ng aking tiyan at katawan.

"AAAAHHHHHH!"

Sa sobrang sakit ay wala akong nagawa kundi ang mamilipit habang humihiyaw.

"T-travis..."

Lumandas ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha sa aking pisnge.

"T-travis... a-ang daming dugo. Travisssss!"

May narinig akong ingay mula sa harapan ng kinapupwestuhan ko. Ang malalim nitong paghinga na tila nahihirapan at may iniindang sakit. Ang mabibigat na yabag mula sa papalapit na pigura.

Kahit madilim ay kilalang kilala ko kung sino ito. Mula sa malakas nitong prisensya hanggang sa mabilis na pagkabog ng aking dibdib habang papalapit ito ng papalapit.

"T-travis..."

Nang tumapat na ang lalaki sa liwanag na mula sa siwang ng bintana ay para akong kinapos ng hininga.

Ang kanyang kulay berdeng mga mata ay napalitan ng kulay ng dugo. Nakalabas ang mga matutulis na pangil at may dugo pa ang labi. Ang suot na puting long sleeve ay sira-sira at naghahalo na rin ang dugo sa kulay nito.

At nang bumaba ang aking paningin sa kanyang kamay, mas kinalibutan ako at nagsibagsakan ng walang hinto ang aking mga luha.

"T-travis... h-hindi... hindi maaari... hindi pwede..."

Ang kamay ni Travis ay puno ng dugo. Dugo mula sa akin.

"Magagaya ka rin sa kanya. Hindi na ako magbabago, Arissa. Dahil kahit ikaw, nagawa ko ring saktan... at maaari ring mapatay."

"T-travis... h-hindi... hindi ako naniniwala."

"Magagaya ka rin sa kanya."

Nanlaki ang aking mga mata nang umatake ito palapit sa akin.

"AAAAHHHHHHH!"

MABILIS ang paghingang napabalikwas ako ng bangon. Hawak ang dibdib, ramdam ko ang malakas na pagkabog nito at maging ang mabigat kong paghinga na tila kaaahon ko lang mula sa pagkakalunod.

Inilibot ko ang paningin at napagtantong nasa kama ako sa loob ng aking kwarto.

"Panaginip. Panaginip na naman."

But it felt so real.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top