CHAPTER 50

CHAPTER 50

PAGLABAS ko pa lang ng kwarto ay naririnig ko na ang mga ingay na nagmumula sa ibaba. Tila may kaguluhang nangyayari roon.

Napatingin ako sa orasan ng aking cellphone at madaling araw pa lang. Hindi pa nga tumutunog ang sinet kong alarm na naunahan ko pa ng pag-gising.

Pagbaba ko'y nagtanong agad ako kung anong nangyayari kay Kuya Migs nang makita ko ito.

"Kuya Migs, anong nangyayari? Bakit kayo nagkakagulo?"

"Oh, Arissa. Ang aga mong magising ah."

"Naalimpungatan kasi ako at hindi na ako dinalaw ulit ng antok kaya napagpasyahan ko na lang na lumabas ng kwarto. Anong nangyayari? Bakit maingay?"

"Nagkaroon kasi ng MALIIT na kaguluhan sa gubat."

Kuya Migs emphasize the word 'maliit'. Kapag ganoon ibig niyon sabihin hindi lang basta maliit na kaguluhan ang nangyari sa gubat.

"Kaguluhan? Sa gubat? Anong nangyari?"

"Nakarinig ng malalakas na alulong ng mga lobo sina Mang Karding nang papaalis na sila sa hacienda kaninang alas-onse ng gabi. Akala nila naglalaro lang ang mga batang lobo, pero nang nasa kalagitnaan na sila ng gubat palabas ng hacienda, nakarinig na rin sila ng mga sigawan at iyakan mula sa mga kabataan. Alam ng lahat ng tao sa Central na bawal mamasyal tuwing gabi sa gubat ng hacienda kaya sigurado silang taga-labas ang mga narinig nila."

Hindi ako nagsalita, nakinig lang ako sa mga sasabihin pa ni Kuya Migs.

"Nalaman nila na may forest camping ang mga kabataang nakita nila. Wala silang alam na gubat na maaaring pagcamping-an, maliban sa gubat ng hacienda na akala nila isang simpleng maliit na gubat lang. At dahil hindi exclusive sa mga taga-labas ng Central at Cordova Properties ang tungkol sa gubat na naririto, walang nakakaalam sa kanila na ipinagbabawal ang pagpunta sa lugar na iyon. Huli na ang lahat bago pa nila maisipang huwag nang ituloy ang camping. Nagulat na lang sila nang makitang napapalibutan na ang grupo nila ng mga naglalakihang lobo."

Nangilabot ako sa narinig.

Alam ko ang pakiramdam nang mapalibutan ng mga lobong iyon, dahil minsan ko na rin iyong naranasan. Ang kaibahan lang, nag-iisa ako that time, pero ang mga kabataang iyon, magkakasama sila.

Pero kahit na ganoon, masasabi kong hindi mo pa rin magugustuhang makita ng ganoong klaseng nilalang sa kalagitnaan ng gabi.

"Mabuti na lang at natawagan agad nina Mang Karding sina Sir at mabilis na napigilan ang mapanganib na pag-atake ng mga lobo sa mga kabataan. Kaso nga lang..."

Natigilan ako.

Mabilis na pinalo ko si Kuya Migs sa braso ng natagalan ito sa pagtutuloy ng kwento.

"Kuya Migs ituloy mo na. Anong nangyari? Kaso ano?"

"Kaso... isa sa kasamahan ng mga kabataang natagpuan doon ay napahiwalay sa grupo nang magkagulo ang lahat at magsitakbuhan papalayo. Namalayan na lang nila na nawawala ang isa sa kanila ng ipabilang ni Sir Travis kung kompleto ba ang lahat. And then boom! Isa na sa kanila ang nawawala."

"Tapos ano pang nangyari? Nasaan na 'yong isa? Nakita na ba nila? Hah?"

"Chill ka lang, Arissa."

"How can you say that? Nawawala iyong isang bata. Paano kung may nangyari sa sa kanyang masama? Paano kung nakuha na s'ya ng mga lobo? Paano kung hindi na s'ya makabalik pa?"

"Easy ka lang, Arissa, easy lang. Hinahanap na s'ya nina Sir Tyron kaya huwag ka na mag-alala. Alam kong mahahanap s'ya nina Sir. Kung mayroon man sa atin ang nakakakabisado sa buong lugar na ito, walang iba kundi ang may-ari lang rin ng lugar na ito."

Nawala ang bagabag sa dibdib ko.

Kuya Migs is right. Kung may nakakaalam man ng mga pasikot-sikot sa gubat walang iba kundi ang mga Cordova. Besides sila ang may-ari ng gubat na pinuntahan ng mga kabataan at isa pa, matagal na silang nakatira sa lugar na ito.

Nagtitiwala ako na matatagpuan nila ang batang nawawala.

Paglipas ng mga oras na wala kaming nababalitaang goodnews mula sa labas, parang napakatagal na nang oras na lumilipas.

"Paparating na ang Young Master." Napatingin ako kay Mr. Smith nang sambitin n'ya iyon. Kalalabas lang n'ya ng kusina habang nasa tainga ang telepono.

"Ano raw po ang balita sa nawawala, Mr. Hanz?" Kuya Migs asked.

"Nakita na nila ang batang nawawala."

Doon ay nakahinga ako ng maluwag. Ang kaba at barang nakaharang sa aking dibdib ay tila isang batong biglang nadurog nang marinig ang balitang iyon.

Sabay-sabay na napatingin kami sa pintong bumukas. Prenteng naglakad papasok si Travis at kasunod naman nito si Sage na tila pagod na pagod.

Pero ang mga mata ko'y hindi maalis sa perpektong nilalang na naglalakad palapit. Mukhang pagod ito pero hindi pa rin maiaalis dito na isa nga pala itong hindi ordinaryong tao. Ang malakas na presensya ni Travis ang nagbibigay ng matinding kuryente sa paligid ko. Kahit malayo pa'y ramdam ko na ang hindi normal na pagkabog ng dibdib ko.

His presense can give you an actual heart attack. And when he's close, it can gave you a dozen of electicshock.

Hindi maipagkakailang ang lalaking ito lang ang kayang magpabuhay sa dugo at katawan ko. I'm reall into this man who's now looking intently at me.

"Kanina ka pa gising?" Bungad na tanong ni Travis nang makalapit ito sa amin.

Napatingin ako kina Kuya Migs at Mr. Smith, pero hindi sumagot ang dalawa. Bagkus ay nakaiwas ang tingin ng mga ito na may nakaukit na ngiti sa labi.

"Dapat tulog ka pa sa mga oras na ito. Did they wake you up?"

Hindi ko alam kung sino bang tinatanong n'ya. Ako ba o sina Mr. Smith. Nang tumigil ang mga hakbang ni Travis sa harap ko na may iritableng expression sa mukha, doon ko lang napagtanto na ako pala ang kinakausap nito.

Tinuro ko pa ang sarili para makumpirma ang totoo.

"Ako? Ako ba ang kausap mo?"

Para akong t*nga ngayon. Halatang lutang at sabog. Bakit kasi ang gwapo gwapo ng lalaking ito?

Gusto kong kutusan ang sarili nang lalo akong samaan ng tingin ni Travis.

"You should sleep more, Arissa. Look at you, halatang lutang ka pa. Do you want some coffee? Or you want me to wake you up in another way I know?"

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa pinagsasabi ng lalaki. At mas lalo lang akong pinamulahan ng marinig ko ang pagkasamid ni Kuya Migs. Nakangusong lumingon ako dito at nakita ko ang paghampas ni Mr. Smith sa lalaki. Kuya Migs mouthed him 'what'.

Travis naman eh! Pinapahiya mo ako. Jusko!

Sh*t! Sobrang init ng pakiramdam ko.

"Tumigil ka nga! Nasa tabi lang sina Kuya Migs at Mr. Smith," mahinang bulong ko kay Travis bago umiwas ng tingin. Bahagyang lumayo naman ito sa akin.

Malakas na tumikhim si Sage. Blangko ang expression ng lalaki pero hindi ang mga mata nito. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, masasabi kong kanina pa dapat nakabulagta si Travis na kanina pa binibigyan nito ng matalim na titig.

Napakunot ang noo ko. May alitan bang nangyari sa dalawa?

Simula nang matapos ang New Year ay pansin ko na ang pagiging cold ng dalawa. Kung dati'y parang nasa refregirator lang kami dahil sa malamig nilang personality, pero ngayon para na kaming nasa North pole sa sobrang lamig.

Hindi rin nakalampas sa mga mata ko ang matatalas nilang iringan kapag nagkakaharap na ang dalawa.

Wala namang pakielam si Tyron kung may kuryenteng nag-aaway sa harap n'ya. Pero minsan ay napapansin kong gusto na n'yang pigilan ang dalawa sa silent war ng mga ito, pero pinipigilan lang. Siguro'y ayaw na rin nitong madamay pa sa kung ano mang alitan meron ang dalawa.

Pero hindi forever na ganyan sila.

Iyon kayang nangyari sa second floor ang dahilan?

"Nakita n'yo na ba 'yong batang nawawala? Ligtas ba s'ya? Hindi naman s'ya nakuha ng mga lobo 'di ba?" Pagbabago ko na lang sa usapan, bago pa man may mabuong tensyon na naman.

"The woman is now safe. Tyron found her in the lake malapit sa gitna ng gubat."

May lawa pala sa gitna ng gubat? Bakit hindi ko alam ang lugar na iyon? Oh, well, atleast the woman is safe—wait—the woman?

"Woman? Ibig sabihin matanda na? Hindi bata?" Gulat na bulalas ko.

"Group of college students trespass in the Hacienda's forest, Witch. What will you expect, a little girl? Of course it is a woman. Really a stupid witch," Sage hissed.

Sungit!

"Pasensya okay, pasensya! So, nasaan na nga ang babae? Saka 'yong mga kasaman n'ya?"

"Nakabalik na sa bayan ang grupo. Pero iyong babae, hindi pa. Tyron just call us immediately when he saw the woman, at hindi pa ulit tumatawag kung nadala na ba nito ang babae sa labas ng bayan."

Natahimik ang paligid.

Natulala ako sa pintuan habang nag-iisip.

"Sigurado ba kayong walang gagawing kalokohan si Tyron sa babae?"

"Sec is not like that, Arissa. Maybe his playful, reckless and asshole sometimes, but he's not a bad person." Mabilis na pagtatanggol ni Travis sa pinsan. "Maliban na lang kung..." Dugtong pa ulit nito pero pinutol din naman.

"Kung?"

"Kung umatake ang uhaw ni Tyron sa dugo," pagpapatuloy ni Mr. Smith.

"Damn it! If ever it happens, he should control his thirst. And if not, ako talaga ang magkukulong sa kanya sa basement."

Parehong napahilamos ng palad sa mukha ang magpinsan dahil sa maaaring posibilidad na mangyari.

Nakatulala't naghihintay kami sa pagdating ni Tyron. Sobrang bigat ng atmosphere at tila nababahala sa matagal na pagbalik ng lalaki.

Sage break the silence. "He should be here by now. Hanapin ko na kaya?"

But Travis stopped him from doing it.

"Don't! He's here."

At ang pagbukas ng pintuan ay hudyat na nakarating na nga ang hinihintay namin.

Walang bakas ng kahit anong ebidensya na maaaring may ginawa ito sa babaeng kasama. Tahimik na naglakad ito papasok at tila ba malayo ang tingin at may malalim na iniisip.

Anyare dito?

"Sec!" Pagtawag ni Travis sa nakatulalang pinsan.

Umangat ang tingin nito at ngayon lang kami napansing nandirito.

"Oh?"

"What happened back there?"

"I saved the girl?" Patanong na sagot nito.

Bakit patanong? Bangag rin ba ito, katulad ko?

"Then?"

"Then what?"

"Then what happened next?"

"I took her to a safe place. She's really scared at nanginginig pa. Ayaw ngang magpahawak sa'kin. Pero dahil mabait akong nilalang, iniwan ko na lang s'ya roon kung saan alam kong ligtas siya't makakalabas ng lugar na ito ng maayos. That's it! Ano bang iniisip n'yong ginawa ko?"

Nang sabihin iyon ni Tyron ay nagkaroon ng maagang pakiramdam sa buong salas. Mula sa mukha ng dalawang pinsan ay mukhang convince naman sila sa paliwanag ni Tyron.

Pero ako?

Tahimik na inobserbahan ko ang lalaki. Mula sa pagpasok nito kanina hanggang ngayon.

Pakiramdam ko'y may nag-iba sa kanya. Hindi ko alam kung ano, pero parang may alam s'yang hindi namin alam. Ibang iba si Tyron ngayon kaysa sa usual Tyron.

I felt that saving that woman gave some impact to him.

Wala nga kayang nangyari?

NANG maging okay na ang lahat ay umuwi na rin si Mr. Smith at Kuya Migs sa kani-kanilang tahanan. Wala munang pasok sa trabaho ngayon dahil sa nangyari kanina. Mukhang magpapahinga rin muna ang tatlong lalaki.

Habang ako? Nakaupo ako sa living room habang malalim ang iniisip.

Ako lang ba ang nakapansin niyon? Ako lang ba ang nakahalata? Ako lang ba ang nakaramdam ng kakaiba? Ako lang ba?

Tyron seems normal when the tension is done. Nang-aasar at nangbubwesit na ulit ito. Pero may something talaga eh. And I felt it.

Nakarinig ako ng mga yabag mula sa hagdan.

Napatingin ako sa papababang si Tyron. Nakasuot ito ng kulay itim na polo at itim na pantalon na pinaresan din ng itim na tsinelas. 'Yan ang normal nilang pambahay, parang aalis ng bahay.

Tumayo ako at nilapitan ito.

"Saan ang lamay?" Tanong ko.

"Bakit? Sama ka?" Balik nitong tanong na ikinairap ko. "Huwag na, makiki-kape ka lang doon. Sayang iyong ibibigay sa'yo, eh meron naman dito. Ibigay mo na 'yon sa nangangailangan." Akmang hahampasin ko s'ya ng mabilis itong nawala sa harapan ko't natagpuan ko na lang na nasa likod ko na pala.

"Bakit kasi full black ang outfit mo? Parang dadalo ka tuloy ng lamay."

"Bakit? Masama?"

"Oo, masama. Mamasamain ka na sa akin, bwesit ka!"

"Ito naman, meron ka? Ang init ng ulo mo."

Masamang tingin lang ang isinagot ko. Iiwan ko na sana s'ya sa sala nang maalala kong may sasabihin pala ako.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Anong pag-uusapan natin? Naisip mo na bang ako talaga ang para sa'yo at hindi ang pinsan ko?" Ngumisi pa ito ng nakakaloko. I rolled my eyes in irritation.

Feeling mo tsong, ah!

"As if!"

"So, ano nga?"

"Pwedeng sa kusina tayo?"

"Ang choosy ah."

"Shut up!" Narinig ko pa ang nakakaasar n'yang tawa bago sumunod sa akin.

Pagdating sa kusina ay diniretso ko agad s'ya.

"You seems you're not in your usual self, Tyron. Napansin ko iyon agad sa'yo pagkadating mo kanina. Tell me, anong totoong nangyari sa gubat?"

Mukhang nabigla si Tyron sa sinabi ko. At doon ko nakumoirma ang hinala ko.

May nangyari nga.

He took a deep breath before answering.

"She's scared. Really scared. Not with me, but with the wolves. I can see the fear in her eyes and it shoot me big time. With that bigla kitang naalala. The way you trembled with fear, the way your eyes telling that you're really scared with us when you knew the truth."

"T-ty..."

"Hindi ko na maalala ang nangyari but... I saw you! Ikaw ang nakikita ko sa babae. And it happened."

"W-what happened, Tyron?"

"Someone's telling me to take care of you, kaya dinala kita sa ligtas na lugar. But then, my thirst attacked me when I saw some blood on her wrist. And... and..."

"And?"

"I grab the oppurtunity that my cousin is out of the sight. Ilang beses na n'ya ako winarningan not to touch you, so I do. But that time, I really can't control it. At huli na nang marealize ko ang nangyari. I really thought that she was you. But I'm wrong."

"What happened to the girl, Ty?"

"Para makalimutan n'ya ang nangyari, I erase that memory of her. Pero hindi natuloy dahil baka lahat ng memorya n'ya ang mawala kapag ginawa ko iyon kaya, I gave her a gift."

"What gift?"

"A gift that she will never forget."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top