CHAPTER 47

CHAPTER 47


NANG sumapit ang Holiday break, umuwi ako sa amin para icelebrate ang holiday season kasama ng dalawa kong kapatid. Dinalaw din namin ang puntod nina Mama at Papa at syempre nagtungo sa kapilya para magpasalamat sa Amang may likha.

Binisita ko rin ang restaurant at coffee shop na pinapagawa ko na malapit nang matapos. Konting rennovation na lang at pwede nang ayusin ang mga equipment sa loob.

Baka before dumating ang mid'year ay pwede nang buksan ang restaurant at coffee shop sa mga costumers. Sakto iyon sa graduation day ko.

Hindi na ako makapaghintay.

Bago mag alas-dose ay nagpasundo ako kay Kuya Migs sa bahay pabalik ng mansion. Nangako si Travis na magcecelebrate kami ng New Year kaya inagahan ko talaga ang pagbalik.

"Nasa hacienda pa sina Sir Travis, Arissa. Mamayang hapon pa sila babalik. May maliit na handaan kasi na idinaos doon para sa trabahante ng hacienda. May oras ka pa para maghanda. Gusto mo bang tulungan kita?"

"Naku, h'wag na Kuya Migs. Kaya ko na 'to, ako pa ba. Isa pa kailangan mo na ring bumalik sa inyo para makapaghanda na rin kayo para mamaya."

"Oh s'ya, aalis na ako. Goodluck! Galingan mo ang performance mo."

"Sira ka talaga. Sige na Kuya, ingat and Happy New Year! Next year na ang regalo."

"Happy New Year din Arissa!"

Nagpaalam na si Kuya Migs. Pumasok naman na ako sa loob ng mansion. Binuksan ko ang ilaw ngunit nakamamatay na katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala manlang kadeko-dekorasyon kahit na christmas light man lang. Ang boring talaga ng mansion na ito kapag wala ako.

Hayyy!

Ibinaba ko sa couch ang bag ko at ilang paper bags na naglalaman ng gift ko para sa tatlo. Alam ko na mayaman na sila at hindi na kailangan ng kahit anong regalo, pero gusto ko pa rin na magbigay kahit simple lamang. Atleast pinaghirapan ko ang ibibigay ko at higit sa lahat mula ito sa puso.

Maaga pa naman kaya may oras pa ako para magluto. Kompleto naman ang mga ingredients na kakailanganin ko sa refregirator, kaya wala na akong poproblemahin pa.

Nagtungo na ako sa kusina para magsimula.

Dalawang oras ang ginugol ko sa pagluluto at pagpi-prepare ng handa sa mesa bago ako matapos. Sobrang haggard pero masaya sa pakiramdam. Lalo na kung may halong pagmamahal ang ginagawa mo para sa isang espesyal na tao sa buhay mo.

Nang matapos akong mag-ayos ng hapag ay nagmadali akong nagtungo sa kwarto para maglinis at magpalit ng maayos na damit. Nakakahiya namang amoy kusina akong haharap sa kanila.

Simpleng white dress ang sinuot ko at pinaresan ko lang ng black flat sandals.

"Okay, perfect!"

Nagsusuklay ako ng buhok nang maalala kong naiwan ko nga pala sa salas ang mga dala ko, pati na rin 'yong gifts ko sa tatlong tukmol.

Nagmamadaling binalikan ko ang mga dala ko sa salas.

"Ilalagay ko na lang siguro ito sa labas ng kwarto nila o isasabit ko sa doorknob. Sure akong tatanggihan nila itong ibibigay ko kapag personal kong iaabot."

Tama! Isasabit ko na lang sa doorknob ng kwarto nila para sure.

Nagtungo ako sa ika'tlong palapag ng mansion. Pagkarating ko sa itaas ay switch agad ng ilaw ang aking hinagilap. Sa sobrang dilim kasi ng palapag kahit na may sinag naman ng ilaw mula sa ibaba, nakakakilabot pa rin ang kadiliman sa lugar na ito.

Ibang iba ang ambiance ng palapag na ito kaysa sa ibaba. Maybe it's because this place is the dungeon of the vampires.

Napatakip ako ng braso sa mata dahil nabigla ako sa pagbukas ng ilaw. Nakakasilaw.

Nang makapag-adjust sa liwanag, sinimulan ko nang isabit sa doorknob ang tatlong paper bag na gift ko sa tatlo. Pagkatapos ay pinatay ko na ulit ang ilaw at bumalik sa kwarto.

Wala pa namang alas-onse, bababa na lang ako kapag dumating na sila.

NAGISING ako ng maramdaman ang paghampas ng malamig na hangin sa aking braso.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang naghihintay. Pumupungas ang matang bumango ako at sumilip sa labas ng bintana.

"AAAHHHHH!"

Gulat na napaatras ako nang biglang kumidlat ng malakas. Muli akong sumilip sa bintana upang tingnan kung umuulan ba, pero nakapagtataka dahil walang ulan ngunit bakit bigla na lang kumidlat na sinabayan pa ng malakas na kulog. Tiningala ko ang langit pero walang ulang nagbabadya. Malinis ang langit pero may paminsan-minsang pagkulog at pagkidlat.

"Uulan kaya? Pero wala namang ibinalita kanina na uulan ngayon."

I tilted my head sideways while thinking deeply.

Saan galing 'yung kidlat at kulog kung gayong hindi naman uulan?

Is that even posible? Well, tanong natin kay Kuya Kim. Kuya Kim, ano na? Charot!

Nakuha ko pa talagang mag-isip ng kalokohan 'no?

Kumuha ako ng jacket sa cabinet at isinuot iyon. Lumabas ako ng kwarto at natagpuan kong walang kailaw-ilaw sa kahabaan ng hallway. Tanging ilaw lang sa kwarto ko ang bukas at nagbibigay ng kaonting liwanag sa labas.

"Brownout ba? Pero bakit may ilaw sa kwarto ko?"

Sa pagkakaalam ko ay iniwan kong bukas ang lahat ng ilaw sa first at second floor bago ako magtungo sa kwarto. How did it turn off?

"Dumating na kaya sila?"

Kinuha ko sa bulsa ang aking cellphone at tiningnan ang oras. It's already 11:30 pm. Ilang minutes na lang at magpapalit na ng taon.

Marahil ay dumating na nga sila, pero bakit pinatay ang lahat ng ilaw?

Kinapa ko switch ng ilaw sa gilid ng dingding na nasa malapit ngunit ayaw magbukas ang mga ilaw. Ilang beses ko nang pinagpalit-palit ng pindot pero ayaw talaga.

"Ang weird?!"

Nagtatakang binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone saka nagsimulang maglakad.

I felt strange. Very strange.

Nang makarating ako sa hagdanan paibaba ay sinubukan ko ulit buksan ang ilaw pero wala pa rin.

"Anong nangyayari?"

Bigla akong nagpanic nang biglang kumulog ng malakas.

"AAAAHHHHHHHH! OH MY GOSH!"

Dumagundong ang malakas na kulog kasabay ng malakas na pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba at takot. Muli akong napasigaw nang kumidlat naman dahilan para mapaupo ako sa sahig.

At dahil sa liwanag na nagmula sa biglang pagdaan ng kidlat, naaninaw ko ang aking kinaroroonan.

Nakaupo ako sa semento malapit sa hagdanan habang nakaharap sa ibaba. Kaya nang lumiwanag ay medyo naaninaw ko ang malawak na salas mula sa aking kinauupuan.

Napasinghap ako sa nasaksihan.

May lalaking nakatayo sa ibaba ng hagdan. At sigurado akong paakyat ito.

Hindi ako makakilos. Tila natulos sa aking kinalalagyan. Nanginginig rin ang katawan ko dahil natatakot ako sa maaaring mangyari.

Sino ang lalaking ito?

Muling kumulog na sinabayan pa ng malakas na pagkidlat kaya napasigaw akong muli. Tanging ang malakas kong boses at maging ang malakas na kabog ng aking dibdib ang tangi kong naririnig.

Kahit nanginginig ang kamay ay nagawa ko pang itutok sa lalaki ang flashlight ng aking cellphone.

"S-sino ka?"

Imbes na sumagot, nagsimula na itong maglakad paakyat ng hagdan.

Napa-iktad ako. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Parang napako ang aking katawan sa semento at hindi makagalaw. Tila nablanko ang isip ko kung ano ba ang dapat na gawin.

At nang mag-angat ang lalaki ng tingin sa akin, I gasped in shock.

Kahit na pula at tila nagbabaga ang mga mata ng lalaki ay nakilala ko pa rin ito. Umawang pa ang labi ng lalaki dahilan para makita ko ang dalawang matitilos na bagay na nakakubli sa bibig nito.

Those sharp fangs na ilang beses nang bumaon sa aking laman. Hindi ko iyon makakalimutan.

"S-sage?!"

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Sage ang lalaking nakikita ko ngayon.

"Sage ikaw pala 'yan. Si Travis? Kasama mo ba? Si Tyron? Nasaan sila? Saka bakit patay ang lahat ng ilaw dito sa mansion? Brownout ba? Pero bakit may ilaw sa kwarto ko? Hoy, magsalita ka naman d'yan. Natatakot na ako oh."

Sunod-sunod ang naging pagsasalita ko at bakas sa aking boses ang matinding kaba.

"Buksan mo nga ang ilaw, wala akong makita. Malapit na mag alas-dose, nasaan na 'yong dalawa. Naghanda pa naman ako."

Hindi pa rin ito nagsalita.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Sobrang tahimik, nakakabingi.

"Sage—"

Sa gulat ay nabitiwan ko ang hawak na cellphone nang biglang mamatay ang ilaw nito.

Sh*t!

Bakit ngayon pa?

Napaatras ako nang muling kumidlat ng malakas. At kasabay ng pagkawala ng liwanag na nanggagaling sa kidlat sa labas, ay s'ya ring gulat ko nang matagpuan sa aking harapan ang lalaking kanina lang ay nasa ibaba pa.

"H-huwag kang lalapit! Nakikiusap ako, h'wag kang lalapit!"

Atras ako ng atras kahit na wala akong makita sa aking paligid dahil sa kawalan ng liwanag. Sobrang dilim na kahit may paningin ka naman, ngunit ang pakiramdam mo'y isa ka nang bulag dahil sa sitwasyon.

Nagpatuloy ako sa pag-atras, ngunit napatigil din nang pader na ang maatrasan ko.

Dead end!

Naramdaman ko ang pag-upo ni Sage sa aking harapan para mapantayan n'ya ako. Kilabot at takot ang dumaloy sa aking buong sistema nang dumapo ang malamig na palad ng lalaki sa aking binti.

"AAAAHHHHHHHH!"

Napasigaw ako nang hilahin n'ya ako sa binti palapit sa kanya.

"S-sage! A-anong gagawin mo? Bitawan mo ako, lumayo ka sa akin, Sage!"

Pinagsisipa ko s'ya kahit na wala akong makita. At dahil sa ginawa ko, nakuha n'ya rin ang isa ko pang binti. Dalawang binti ko na ang hawak n'ya ngayon habang nakadikit ako sa kanyang katawan.

"Ano ba! Bitiwan mo ako sabi eh."

Kahit hawak n'ya ako nagpumilit pa rin akong makawala sa kanya. Pero malakas s'ya sa akin kaya walang nagawa ang pagsipa ko sa kanya.

"SAGE!"

Napasigaw ako ng malakas nang maramdaman ko ang kamay ni Sage na humawak sa aking batok, saka hinila nito ang aking leeg palapit sa kanya.

I can feel his hot breath in between my neck and shoulder.

Nahihirapan at mabigat ang kanyang paghinga. Parang may iniinda iyong masakit sa katawan.

"Stupid witch, bakit ka lumabas." He whispered on my ears with annoyance. Parang galit pa itong lumabas ako ng aking kwarto at makita ako.

Bakit, bawal ba?

"You shouldn't leave your room, stupid! Kahit kailan talaga hindi ka nakikinig kay Travis. Alam mong gabi na, lumabas ka pa rin."

"I-i... I just want to celebrate New Year with you guys. May masama ba roon?"

"There is! And you shoul've call us first that you will come back tonight. Kung alam ko lang na naririto ka, hindi na sana ako umuwi at nanatili na lang muna sa hacienda."

"Ayaw n'yo ba akong kasama?"

"That's not what I mean, stupido ka talaga!"

"Ang bad mo talaga!"

"Psh!"

"Ano ba kasing problema? Saka bakit walang ilaw?"

Hindi sumagot si Sage. Muli itong natahimik pero alam kong naririyan pa s'ya dahil nakahawak pa rin ang mga kamay nito sa aking binti. Rinig ko rin ang mabibigat nitong paghinga na mas bumigat pa yata ngayong sobrang tahimik na.

"Sage—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may bumaong malamig at matitilos na na bagay sa aking leeg. Napasinghap ako sa gulat. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko s'ya agad naitulak papalayo sa akin. Napahawak rin ako ng mahigpit sa damit ni Sage nang tuluyan na nitong naibaon ang mga pangil sa aking laman.

"S-sage... B-bitaw—Aaahhhh! M-masakit, tama na."

Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit ng ginagawa n'ya. Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa aking bewang at mas idinikit pa ako sa pagitan ng kanyang dibdib at pader.

Naitulak ko si Sage sa kaba.

But he keep our distance closer at each other.

He keep on sipping my blood. Para itong sanggol na gutom na gutom. At nang makatikim na ng pagkain, hindi na nito magawang tigilan ang ginagawa. He even kissed and nipped my skin that he bitten.

"S-sage, tama na! A-ayoko na, please! Bitiwan mo na ako."

Hinarap n'ya ako.

"No, not gonna happen. Now that I've already taste your sweet and delicious blood, no one can stop me from wanting you."

Nakaramdam ako ng pagkabahala.

Hindi pwede.

Kay Travis lang ako bibigay.

Wala akong maramdamang kilig o kahit pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi katulad 'pag si Travis na ang kaharap ko, wala pa man s'yang sabihin, ramdam ko na ang pagwawala ng kaibuturan ko.

"You bewitch me, stupid!"

Hindi pwede. Hindi maaari.

"Sage hindi pw—"

"Shut up, stupid witch! I don't care who you want as long as I want you, you can't say no to me."

"Sage!"

Muling kumulog at kumidlat ng malakas. Naliwanagan ang mukha ni Sage kaya nakita ko ang mukha nito. May konting dugo na bumakas sa kanyang labi dahil sa ginagawa nito kanina.

Ang pula n'yang mga mata ay nanlilisik sa inis at the same time ay sa pagkauhaw muli sa dugo. Rage of fire and lust is visible on his glaring eyes.

Napasinghap ako ng bigla n'yang punitin ang suot kong dress. Dagli ko s'yang tinulak papalayo at nang maalis ang pagkakahawak ni Sage sa suot ko na hindi pa masyadong sira, kinuha ko iyong opurtunidad upang makatayo. At dahil madilim sa kinalalagyan namin natalisod ko. We have a different eyesight at dahil isa s'yang bampira kaya n'yang makakita sa dilim.

Nahawakan n'yang muli ang binti ko at hinila ako.

"AAAHHHHHH! BITIWAN MO AKO! BITIWAN MO AKO!"

Hinila ni Sage ang laylayan ng suot kong dress dahilan para gumawa iyon ng malaking hiwa mula sa kanyang pinunitan kanina.

"AAAHHHHH! TRAVISSSS!"

Hindi ko alam pero bigla na lang iyong lumabas sa aking bibig.

Natigilan si Sage.

Mabilis akong nakatayo. At sa pagtayo ko'y s'ya ring pagbukas ng mga ilaw. Marahas na bumukas ang pintuan sa ibaba. Napatingin ako roon. Humahangos na tumatakbo papasok ng mansion ang lalaking hindi ko inaasahang darating dahil sa naging pagtawag ko sa pangalan nito.

Bumalik sa akin ang kanyang sinabi noon.

"Always remember that when you need me, just call my name and I'll be there. Walang pag-aalinlangang darating ako. Always!"

"DAMN YOU, THIRD!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top