CHAPTER 46
CHAPTER 46
MABILIS na lumipas ang mga buwan hanggang sa maging taon.
At ang pananatili ko sa mansion ng mga Cordova at ang pagiging personal na sekretarya ng Young Master ay isa sa magagandang nangyari sa akin sa loob ng tatlong taong nagdaan.
Naging maayos ang pagtatrabaho ko sa mansion. Hindi mabigat at hindi rin magaan ang trabaho, pero nakatagal ako. Ginagawa ang trabaho bilang sekretarya sa umaga at nag-aaral naman sa gabi. Nagluluto ng breakfast at dinner ng Young Master at obligadong sundin ang iba pang utos maging ang hindi dapat gawin.
Pero minsan, may mga bagay akong nagagawa na labag sa kautusan.
I'm just being curious. And being that way can kill me. Pero sadyang mabait lang siguro sa akin ang tadhana dahil hanggang ngayon ay buhay pa ako. At ang pagiging curious at reckless ko ay ang ugaling masasabi kong naging dahilan ng pagtagal ko sa lugar na ito.
Naipagawa ko ang bahay namin at napagpatapos ko ng highschool ang dalawa kong kapatid dahil sa trabaho kong ito. At ngayon ay pareho na silang nasa kolehiyo. At ako? Isang semester na lang ga-graduate na ako.
Habang hindi pa dumarating ang araw ng aking pagtatapos. Sinisimulan ko nang ipatayo ang restaurant at coffee shop na imamanage ko pagkagraduate. Si Alexis ang katuwang ko, kumbaga s'ya ang right hand ko sa bagay na ito. Parang kapatid na rin kasi namin ang baklitang iyon eh. At nagpapasalamat ako dahil hindi n'ya kami pinabayaan ng mga kapatid ko.
At syempre, sobra ang pasasalamat ko sa pamilyang Cordova. Dahil kung hindi sa kanila, wala ako sa posisyong ito at hindi ko matutupad ang pangarap ko para sa aking pamilya.
Naging mentor ko rin si Sir Boss. Tinuturuan n'ya ako kung paano magpatakbo ng isang business. Sa una magiging mahirap para sa'yo. Marami kang pagdadaanang balakid sa pagsisimula ng negosyo. But in the end, makakamtan mo ang success basta may tiyaga at pagpupursige ka.
At syempre, tiwala sa sarili at sa Ama na s'yang sa ati'y lumikha.
Marami akong natuklasan sa lugar na ito. Lugar na kami lang nang mga naririto ang nakakaalam. Lugar na nakakubli ang tunay na katauhan sa labas ng mundong ito.
Lugar na mas minamahal ko habang tumatagal pa ako.
Sa loob ng tatlong taon, mas na-attached pa ako lalo sa lugar na ito at maging sa nagmamay-ari nito.
At iyon ang isang utos na sinuway ko.
Pero hindi ko pinagsisisihan na nagawa ko.
Noong una hindi ako sure kung totoo ba talaga ang nararamdaman ko kay Sir Boss. Baka dahil lang sa s'ya ang palagi kong nakakasama kaya ko nararamdaman ito sa kanya. Baka dahil mabait lang s'ya sa akin or something like that. Pero habang tumatagal palalim na ng palalim ang nararamdaman ko. At hindi ko alam kung kaya ko pa bang umahon.
Ngayong mas nakilala ko na si Sir Boss, mas nanaig ang nararamdaman ko para sa kanya.
Iyong dating normal na tibok ng puso ko kapag nakikita s'ya, ngayon nagwawala na kapag nand'yan na s'ya. Kahit hindi ko pa nakikitang papalapit s'ya, basta presens'ya na lang kilala ko na. Kahit galit o nagsusungit, gwapo pa rin sa paningin ko. Palagi man akong kagalitan dahil sa pagiging pasaway ko, ayos lang basta napapansin n'ya ako at nakatuon ang paningin n'ya sa akin.
At kapag hindi ako pinapansin, nagmamaktol na agad ako. Magkukulong sa kwarto na parang isang batang pinagkaitan ng favorite n'yang laruan.
Mas nagmature rin ako sa lugar na ito. Nakita ko iyong mga kakayahan kong ngayon ko lang nalaman na kaya ko palang gawin. I can be a professional inside the work place and act like a brat child when the work hour is finally done.
My both maturity and childish personality, sa kanya ko lang ipinapakita. Sa Young Master lang. Kay Travis lang.
S'ya lang ang gusto ko.
"WAAAHHHHHH! Bakit ang lamig?"
Natigil ang pagmumuni ko at napatingin ako kay Tyron nang makapasok ito ng pinto.
"I really hate it when December comes. Anong gusto n'yang iparating? Na malamig ang gabi ko dahil walang yayakap sa akin? Huh?! Feeling ba n'ya may yayakap din sa kanya? Ah, dahil ba single din s'ya kaya gusto n'ya ng karamay? ABA! Ang kapal ng mukha ah."
Napailing ako sa pagrereklamo n'ya.
Kadarating n'ya lang pero ang ingay-ingay na. Kaninang wala s'ya, tahimik ang lugar na ito. Pero pagdating n'ya, pagrereklamo n'ya sa lamig ang naririnig ko.
"Bakit kailangan mong idamay ang December sa pagiging single mo? Anong malay no'n kung walang kang jowa, aber?"
"Kararating ko lang ang sungit mo na agad, Dollface."
"Kararating mo nga lang ang ingay-ingay mo na agad."
"Wow! Sumasagot na. Sino nagturo sa'yo? Si Travis 'no?"
"Hindi ah."
"Sus!"
Pasalampak na umupo si Tyron sa couch pagkalapit. Agad naman akong lumayo dahil mahihigaan n'ya ako. Pero kahit umusog na ako palayo ay sumakto pa rin ang ulo n'ya sa lap ko.
"Ahhh! So good!" Parang batang aniya. "I need comfort, Dollface. Hug me, please!" He pouted.
Napangiwi ako nang binuka n'ya ang dalawang braso at akmang yayakapin ako habang nakahiga s'ya.
"Ewwww! Lumayo ka nga, hindi kita jowa!"
Mabilis s'yang bumangon at sumimangot.
"Ouch! Ang salbahe ng bibig mo. Parang gusto kong parusahan."
At sa isang iglap lang, ang pagiging batang pasaway n'ya ay naging binatang may kalokohang gagawin.
He smirk at me. And in just a second nasa harapan ko na agad s'ya.
"H-hoy! L-lumayo ka nga! Sige ka, sisigaw ako."
"You're trembling."
Mas ngumisi s'ya sa akin.
"Sa tingin mo ba makakasigaw ka pa kapag hinahalikan na kita? Baka ibang sigaw na ang gawin mo."
"Ang bastos mo!"
"Sa'yo lang naman, Dollface."
"Lumayo ka sabi eh. Isusumbong kita kay Travis."
"Go on!"
Walang pasabing hinawakan n'ya ang pisnge ko palapit sa kanya.
Napapikit ako. Hindi dahil gusto ko ang gagawin n'ya, kundi dahil ayaw ko s'yang makitang gagawin n'ya nga iyon.
Travis...
At sa pagpikit ko'y s'ya ring pagbigkas ko ng pangalan ni Travis sa aking isip.
Bago pa man mailapat ni Tyron ang labi n'ya sa akin, ay s'yang pagkalas din ng hawak nito sa akin. Napamulat ako sa pagkabigla nang makarinig ng malakas na kalabog.
"Oh my gosh!"
Natagpuan ko na lang si Tyron na nakabulagta sa kabilang side ng living room. Sira ang mesang pinagbagsakan nito dahil sa malakas na impact ng pagkakatilapon n'ya roon. Nahihirapan ngunit bakas ang malaking ngisi nito sa labi habang tumatayo.
Napatingin ako sa taong gumawa no'n.
"Travis."
Travis diverted his gaze on me. He grab my hand and took me on his side.
"Marking your territory eh?" May bahid ng pang-iinis sa boses ni Tyron.
Nakatayo na ito ay nagpapahid ng dugo sa gilid ng pisnge. May maliit na sugat ito roon dahil siguro sa pagtalsik kanina, pero unti-unti na rin iyong naghihilom.
"Do it again and I won't hesitate to kill you, Sec!" Maawtoridad na banda ni Travis sa pinsan. Hindi naman nagpaapekto ang huli at mas lalo lamang itong nang-inis.
"Ah-huh, as if I'm scared! First of all, she's not yours—"
"As for you!"
"I can make her mine."
"I won't let that happen."
At hinila na ako ni Travis paalis ng living room. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Tyron bago kami makarating ng second floor.
"Huwag kang lalapit kay Tyron kapag wala ako sa paligid."
"Hindi naman ako ang unang lumapit. S'ya kaya—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa paghila ni Travis sa bewang ko palapit sa kanya. He's now hugging me for damn sake.
"I won't let him took you from me. Akin ka lang, naiintindihan mo ba? Akin ka lang Arissa!"
Kahit hindi n'ya kita ay tumango pa rin ako.
Kahit hindi mo sabihin, sayo lang naman talaga ako.
Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Nakakatakot! Baka bigla na lang n'yang marinig.
"Simula nang tumapak ka sa pag-aari ko, akin ka na rin. At walang sinuman ang makakaagaw ng akin."
Mas humigpit pa ang yakap n'ya sa akin. At dahil matangkad si Travis, sa matigas at malapad n'yang dibdib nakabaon ang mukha ko.
Amoy na amoy ko ang panglalaki n'yang pabango. Hindi matamis at hindi rin matapang, sakto lang para sa katulad n'ya ang amoy ng pabango.
Nakakaadik.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingala sa kanya.
"Bakit ang gwapo mo?"
Sumilay ang munting ngisi sa kanyang mapula at malambot na labi.
What would it taste like?
"Hindi ko rin alam."
"Psh!"
Pahumble effect pa, hindi bagay.
Travis held my chip up. Nagtama ang mga mata namin. Hindi pa rin ako nasasanay kapag tinititigan ako ng berde n'yang mga mata. Nakakapanghina pa rin.
Tila hinihigop nito ang lakas mo. Pinapakabog pa rin nito ang dibdib ko kahit na wala namang ginagawa kundi ang titigan lang ako.
Pwede pala 'yon 'no?
"G-gusto kita!"
Wala sa sariling lumabas ang dalawang salitang iyon mula sa aking bibig.
Gusto ko mang takpan ang bibig ko ngunit huli na.
Akala ko magagalit s'ya o aalis na lang, pero nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Alam ko."
Napakurap-kurap ako.
Realidad ito 'di ba? Hindi naman ako nananaginip lang 'di ba?
"Alam ko na gusto mo ako, matagal na. Your eyes keep telling what your heart feels. Everytime your looking at me, this beautiful eyes you have, keep on sparkling like you are in love with me. Am I that handsome to you?"
Sumimangot ako.
Hinampas ko ang braso n'ya dahil sa pang-aasar n'ya.
"Hindi lang naman dahil sa gwapo ka kaya kita nagustuhan. Bonus na lang 'yon. Marami kang katangian na talagang magugustuhan ng isang babae. Maliban na lang sa pagiging masungit mo. Pero isa rin iyon sa nagustuhan ko. Kasi kapag gusto mo talaga ang isang tao, maging ang mga imperfection n'ya magugustuhan mo."
"You're now being cheesy eh?!" He pinched my cheeks afterwards.
Naramdaman ko naman ang pagdaloy ng kuryente mula sa kanyang kamay papunta sa aking mukha. And that makes me blushed like a teenage girl na napansin na sa wakas ng crush n'ya.
"And you're now blushing. Such a lovely Arissa eh. Gusto ko sa akin ka lang kikiligin, okay?!"
Naitakip ko ang aking dalawang palad sa mukha, dahil mas lalo lang yata akong pinamulahan sa pinagsasabi n'ya.
Damn you, Travis! Ba't ang galing mong magpakilig?
"Nagcecelebrate ba kayo every Christmas?" Tanong ko kay Travis.
Nandito kaming dalawa ngayon sa veranda ng third floor. Nasandal at magkatabi sa mahabang upuan habang nakatanaw sa labas ng mansion.
Papalubog na ang araw kaya naghahalo na ang kulay kahel na langit at maging ang malamlam na sikat ng araw sa kalangitan.
And it makes the ambiance more romantic. Ackk~
"We don't have Christmas, Arissa. Hindi kami naniniwala sa pasko. And we don't celebrate that."
"Ay, gano'n? Ang boring naman ng December n'yo. Pero may New Year kayo?"
"Of course! Our ancestors celebrating New Year. Para sa kanila, mas lumalakas ang angkan namin tuwing sumasapit ang bagong taon. Lalo na kapag tumapat ang January 1 sa full moon."
"Full moon? Pero that's unusual."
"That's why! And guess what, this coming New Year, tatapat ang unang araw ng bagong taon sa kabilugan ng buwan. And I need you to follow my order not to go out in your room when that day comes. Alright?"
"Opo!"
"Good!"
"Pero dapat mag celebrate tayo sa bagong taon ah."
"If that's what you want then fine with me. But before that you need to go home first, para icelebrate ang new year with your family. Okay?"
"Okay!"
"Then it's settled."
Tumayo si Travis at nakapamulsang nagtungo sa railing ng balkonahe. Pinagmasdan n'ya ng mabuti ang buong lugar sa ibaba namin.
Napatingin naman ako sa kalangitan. Naghahalong kulay kahel at rosas na ang langit na lalong nagpaganda ng view sa aking harapan.
Pasimple kong kinuha ang aking cellphone at kinuhanan ng larawan ang nakatalikod na si Travis kasama ng kulay berdeng paligid at kulay kahel na langit.
A beautiful creation in just one frame.
Nakagat ko ang aking labi ng may ideyang biglang lumitaw sa aking isip.
Tumayo ako at inisang hakbang ko lang ang pagitan namin ni Travis. Alam ko na malakas ang pakiramdam n'ya kaya malalaman n'ya ang gagawin ko kung magdadahan-dahan pa ako.
Pinulupot ko sa kanyang bewang ang dalawa kong braso para gawaran s'ya ng isang yakap mula sa likuran. A warm back hug.
At dahil hindi n'ya inaasahan, naramdaman ko ang kanyang pagiktad sa gulat.
Sinilip n'ya ako sa likuran nang hindi tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanyang katawan. Itinagilid ko ang aking mukha upang makita ko ang reaksyon n'ya.
"Did I make your heart fluttered? Or did I make your body warm?"
Hindi n'ya ako sinagot pero bakas ang kislap sa kanyang mga mata. There's also a small smile curved on his lips that makes my heart race.
I will keep this wonderful moment forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top