CHAPTER 45

CHAPTER 45


"I WANT you, Arissa!"

My eyes got widen in shock on what he remarked.

His eyes changed into gold.

At sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Travis. He held my waist firmly at walang kahirap-hirap na binuhat ako paupo sa sandalan ng sofa. He stuck himself between my thighs. Napakapit naman ako sa kanyang magkabilang balikat dahil sa sensasyon na nagsisimula nang magparamdam.

My whole being electrified in excitement on what will he do next.

Pakiramdam ko'y para akong isang batang uhaw sa isang bagay na hindi ko pa nararanasan.

This is bad, really bad.

But if being bad can gave you the satisfaction on something, then why not?!

"Travis..."

"It will be quick."

Gamit ang ngipin, kinagat n'ya ang suot kong off-shoulder na tumaas dahil sa pag-angat ng aking braso kanina, saka iyon ibinaba hanggang sa itaas ng aking dibdib.

Ang gesture na iyon ay nagbigay ng kakaibang init sa aking kaibuturan.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang mainit at malambot na labi sa aking balat. He showered my bare shoulder with his featherly kisses, down to my exposed collarbone.

Mas humigpit ang kapit ko sa kanyang suot na long sleeve.

I even tilted my head to give him more access to my neck when I felt his lips went there. Unti-unti na akong nawawala sa katinuan. Mababaw na halik pa lang iyon, paano pa kaya kung mas higit pa roon?

Baka himatayin na ako sa kakaibang feeling na kumukulob sa sistema ko.

This man is really dangerous. Dangerously handsome.

"T-travis... m-masakit."

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Travis sa bewang ko. Kasabay niyon ay ang pagbaon ng kanyang pangil sa aking balikat.

Impit na dumaing ako sa sakit ng kanyang kagat. Pakiramdam ko'y aabot sa loob aking buto ang kanyang pangil kahit hindi naman.

"M-masakit..."

Naisubsob ko ang aking mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat, nang maramdaman kong tila may kung anong kiliting dumadaloy sa aking katawan. Ang hapding nararamdaman ko ay nahaluan nang sensasyong hindi ko mawari kung ano.

Hindi ito ang unang beses na kinagat n'ya ako, kaya hindi rin ito ang unang beses na maramdaman ko iyon. Pero mas matindi ang balik ng pakiramdaman na iyon sa akin ngayon. Is it because... nasasanay na ako?

Anong mangyayari sa akin? Mauubusan ba ako ng dugo kapag nagtuloy-tuloy ito?

Oh, god! Is that even posible for a human being like me? Hindi ba't kapag kinagat ka ng bampira, maari kang mamatay o maging isa ring bampira?

Pero bakit ako? Ibig bang sabihin, magiging human blood bank ako ni Travis?

"What a nice view! Bakit kayo nagsosolo?"

Naiangat ko ang aking ulo nang may magsalita sa likuran ko. Boses iyon ni Tyron at nahuli n'ya kaming dalawa ni Travis sa ganitong sitwasyon. Ngunit hindi man lang nagreact si Travis kahit na alam ko namang alam n'yang nand'yan ang prisensya at nakikita kami ng kanyang pinsan.

Itutulak ko sana si Travis palayo ngunit naiwan sa ere ang balak ko sanang gawin, nang maramdaman ko ang panibagong matutulis na bagay na bumaon sa leeg ko.

Napasinghap ako nang mapagtanto ang nangyari.

Mula sa aking likuran, without a second thought, Tyron grab my hair to make me tilted on the other side before he drove into my flesh.

"AAAARRRGGGHHHH! Damn you both!" I shouted in pain.

Inangat ni Travis ang mukha mula sa aking balikat. Akala ko'y lalayo na s'ya, ngunit nagkamali ako. Dahil sa pangalawang pagkakataon, muli n'ya akong kinagat, pero sa pagkakataong ito ay sa itaas na ng aking kanang dibdib n'ya iyon ginawa.

It's more painful this time dahil dalawa na sila ni Travis na nagpapakasasa sa sariwa kong dugo.

At bago pa manlabo ang aking paningin, nakita ko pa kung paano punasan ni Travis ang dugong tumutulo mula sa kanyang bibig.

Narinig ko rin ang pagbulong ni Tyron sa likod ng aking tainga.

"I told you Dollface, you better be prepared."

Then everything went black.

MABIGAT ang pakiramdam na bumangon ako sa kama, pero agad din akong napasandal sa headboard dahil parang pinipiga ang ulo ko.

Ipinikit ko ang mga mata at isinandal ang aking ulo para mawala ang pagkahilo ko.

Ilang oras ba ako nakatulog at sobrang bigat ng pakiramdam ko?

"O-ouch!"

Napahawak ako sa aking leeg nang makaramdam ng kaonting hapdi mula roon. Maging sa aking balikat at itaas ng dibdib ay tila may kumikirot. Kaya naman kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo. Nagtungo ako sa harap ng vanity mirror para tingnan kung anong meron sa parteng iyon ng aking katawan.

Biglang nawala ang pagkirot ng aking ulo maging ang hilo ko nang makita ang bakas ng mga kagat roon. Mula sa leeg ko hanggang sa kanang balikat at pati na rin sa kanang dibdib ay merong bakas ng kagat. Medyo naghihilom na pero kumikirot pa rin.

Nang mapatingin ako sa aking sarili sa salamin, doon pumasok ang mga nangyari nang gabing iyon.

"OH. MY. GOSH!!! I'm doom!"

Habang nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin, may lumabas na mapaglarong imahe sa aking balintataw. Imahe ko habang nakasubsob ang mukha ni Travis sa balikat ko, habang si Tyron naman ay nasa likuran ko. Ang imaheng iyon ay naging dahilan para magtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

I've  never imagine in my entire life na mangyayari iyon sa akin.

I wash away those thought before I went to the bathroom to take a shower. Kailangan kong mahimasmasan bago lumabas ng kwarto.

White long sleeve at black pants na lang ang sinuot ko. Nang makapag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa salas.

Wala akong naabutang tao nang makababa ako. Tumingala ako sa third floor pero mukhang wala ring tao roon. Nakakabingi ang katahimikan.

Anong oras na ba?

"10:30 am na? Hala! Hindi pa ako nakakapagluto ng breakfast ni Travis. Tsk! Bakit kasi hindi ako ginising? At hindi rin nag alarm ang letcheng alarm clock sa kwarto."

Nagmamadaling naglakad ako patungo sa kusina. Pero napatigil ako nang papasok na ako sa pintuan dahil nabunggo ako sa kung saan.

Pader ba 'to? Paano nagkaroon ng pader sa gitna ng pinto?

Pero bakit ang bango? Ang bango naman ng pader na 'to.

"Are you done?"

Bakit nagsasalita? May nagsasalita bang pader?

"Baka naman maubos na ang amoy ko n'yan."

Napatigil ako sa narinig. Nanlaki ang mga matang naiangat ko ang aking ulo at doo'y nagtagpo ang paningin namin ni Travis.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw.

"Nagpahanda ako kay Manang Wilma ng breakfast."

Dali-daling napalayo ako kay Travis. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge at pagwawala ng mga paru-paro sa aking tiyan, dahil sa pagkakadikit namang dalawa.

Kay agang lumandi, Arissa?

Naglakad na ulit papasok sa kusina si Travis at sumunod naman ako sa kanya.

"Wow! May handaan ba at ang dami yatang pagkain? Sure ka bang breakfast lang 'to? Hindi kaya last meal ko na 'to kaya dapat ko nang sulitin?"

"Don't think to much, Arissa. Just eat!"

Naupo naman ako at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa aking pinggan. May menudo at bicol express which is favorite ko. May inihaw na isda at tatlong klaseng luto ng gulay. May mga dessert din at iba pang putahe. Ano kayang meron?

Hindi ko pa naman birthday. Hindi kaya...

"Birthday mo ba Sir Boss?"

"What make you think na birthday ko?"

"Ang dami kasing handa. Hindi ko naman birthday ngayon, kaya baka kayo ang may birthday? Hindi ba?"

"I told you, don't think too much at kumain ka na lang. You need to eat more food dahil malimit kang nawawalan ng malay kapag—"

"You mean, nahimatay ako kagabi?"

"Kagabi? Dalawang araw ka nang nakahilata sa kama."

Muntik ko nang maibuga ang juice na iniinom ko.

"ANO? Two days? Dalawang araw na akong tulog?"

"Yeah! So you need to eat more para magkaroon ka ng sustansya sa katawan. You're so thin, may fats ka pa ba? You also need baby fats para naman hindi buto kapag hinawakan kita. But, I love your waist, so soft."

Napanganga ako sa winika n'ya.

Seriously?

"O-obserbahan ko ang kakainin mo tatlong beses sa isang araw. At kahit ayaw mo, kailangan mo pa ring kumain. Do you understand?"

Kung aangal ako, hahaba lang ang usapan. Kaya sumang-ayon na lang ako sa gusto n'ya. Basta ba kasabay ko s'yang kumain eh.

"Sir Boss pwedeng magtanong?"

"What is it?"

"Bakit hindi ako nagiging bampira o 'di kaya ay namatay nang kagatin mo ako? Hindi ba ganoon kapag nakagat ng bampira ang isang tao?"

"May proseso para maging isang ganap na bampira ang taong nakagat nito. At hindi agad mamamatay kapag nakagat ng bampira dahil kinokontrol namin ang paginom ng dugo ng isang tao."

"Magiging bampira rin ba ako?"

"No! You can't handle the process, so I'll never take that risk."

Ayoko rin namang maging bampira. Hinding hindi ako iinom ng dugo. Yuck!

"By the way, napagpasyahan ko nang gawin kang regular and permanent secretary ko. You will have a long-term contract with me, maliban na lang kung ikaw na mismo ang gustong magre-resign sa trabaho. Pero ako ang masusunod kaya naman..."

Dinukwang ni Travis ang pagitan naming dalawa. Bahagyang napaurong ang katawan ko nang isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"You will never leave my side until I say so."

Hindi ko maialis ang titig sa kanyang mga mata. Tila may kuryenteng dumaloy sa pagitan ng titigan namin, na nagbigay ng matinding kilabot sa akin. The way he looked at me, nahipnotismong tumango ako bilang sagot.

"Never leave your side."

"Very well said, my sweet little secretary." Then he patted my head bago bumalik sa pagkakaupo.

Wait—did he patted my head?

"Pero bakit ako?" Tanong ko nang matauhan.

Sinubo n'ya ang karneng nasa tinidor bago sumagot. "My body needs you. I need your blood."

May kirot na bumalantay sa aking dibdib. Kaya n'ya ginagawa ito ay dahil kailangan n'ya ang dugo ko? DUGO KO lang pala ang kailangan n'ya!

Pero ako ba, kailangan din n'ya?

I bet yes, it's because I work as his personal secretary at kapag wala ang sekretarya walang gagawa ng ibang gawain sa opisina.

That was a sad fact.

Edi sana kumuha na lang sila ng blood donor sa redcross na willing maging anemic buong buhay n'ya, kung dugo lang rin pala ang gusto n'ya mula sa akin. Ano ako? Blood bank? Na hingian ng dugo kapag kailangan n'ya?

Pero okay lang, as long as nakakasama ko s'ya at nakikita araw-araw, okay lang. Atleast, kailangan n'ya ako 'di ba?!

Ngunit hindi napigilan ng bibig kong bigkasin ang isang masakit na katotohanan sa harapan n'ya.

"Dahil lang sa dugo ko? Paano kung wala ka nang makuhang dugo mula sa akin? Ibig bang sabihin hindi mo na rin ako kailangan?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top