CHAPTER 44
CHAPTER 44
WALANG trabahong ibinigay si Sir Boss sa akin. At wala rin s'yang work today dahil kahapon pa lang ay naayos na lahat ng dapat ayusin sa Azula Hotel maging sa iba pa nilang company.
He even gave his employees a vacation trip. Dalawang linggo na bakasyon kung saan man ng mga ito gustong pumunta, together with their families. Si Travis na rin ang gumastos sa lahat ng expenses ng bawat pamilya ng kanyang employees, tanging mga sarili na lang nila ang kani-kanilang dala para sa bakasyong iyon. Kaya nga tuwang tuwa sina Kuya Migs at maging sina Yna nang malaman ang balitang iyon. Kahapon pa lang ay ready to go na ang mga ito sa kanilang vacation trip.
Nagulat nga rin ako nang malaman na binigyan n'ya ng plane ticket ang mga kapatid ko, even Alexis, para sa trip to Seoul next week. He invited Alexis para raw may kasama sina Moneth at Ranz na bumyahe palabas ng bansa. Sayang nga lang kasi hindi nila ako kasama. But then Travis promise me na sa susunod ay kasama na ako ng mga kapatid ko sa trip. And I decline the offer.
Jusko naman. Bakit naman may susunod pa? Hindi ko kayang tanggapin iyon lalo na at ang mahal-mahal kaya ng gastos n'ya sa lahat tapos may susunod pa?
Grabe, sobrang yaman talaga nila.
Kahit nga yata hindi na sila gumawa o magtrabaho may pera pa ring darating sa kanila ng walang kahirap-hirap.
Aasawahin ko na talaga 'tong boss ko eh. HAHAHA! Why not, 'di ba?
"May tanong ako," I asked them.
"Go on, crazy witch," Sage answered.
"Bakit ang puputi n'yong mga bampira? Uminom ba kayo ng gluta bago kayo naging isang ganap na bampira?"
"GLUTA? The heck with that?"
"Oo, gluta. 'Yong iniinom o tinuturok ng mayayaman para pumuti sila."
"You're really one of a crazy witch eh? It's normal for each one of us to be pale like this. Our body is dead but our soul and mind are alive. Anong gluta ang pinagsasabi mo?"
Tumango-tango naman ako. Malay n'yo naman 'di ba?
"May tanong pa ulit ako."
"What is it this time, Dollface? Make sure that it has sense, alright?" Si Tyron naman ang sumagot habang nakatutok na naman ang paningin sa cellphone ko.
"Kapag ba ang mga black american naging bampira, puputi rin sila?"
Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong living room. Pero agad ding nabasag iyon dahil sa pagkahulog ng ilang libro ni Sage na nasa ibabaw ng mesa. Laglag ang pangang napatulala ito sa kawalan. Umirap naman si Tyron sabay hagis sa akin ng cellphone ko. Mabilis ko naman iyong nasalo.
"I'm outta here! Masisiraan ako ng bait kapag nagtagal pa ako rito."
At naglakad nga paalis ng living room si Tyron. Si Sage naman ay tamad na nahiga sa sofa sabay tabon ng libro sa mukha.
Nakita ko naman ang pag-iling ni Travis habang tutok pa rin ang paningin sa laptop.
"What? Bawal bang magtanong?"
Walang sumagot. Bumangon si Sage saka walang pasabing umalis. Naiwan naman kaming dalawa ni Travis. Wala akong mapapalang matino sa lalaking ito kaya nagcellphone na lang ako.
"OH MY GOD!" Malakas kong bulalas ng makita kung anong laman ng gallery ko.
"WHAT? What happened?"
Nakaawang ang labi at hindi makapaniwalang hinarap ko kay Travis ang cellphone ko. Puro mukha ni Tyron ang nakasave sa gallery ko, at hindi lang iyon, may ilang pictures din na wala itong suot na pang-itaas kaya naman kitang kita sa larawan ang hubad nitong katawan.
Tapos anong kasunod, mga karumaldumal na pictures o 'di kaya naman ay videos n'ya? Jusko naman! Gagawin pa yatang porn site ng lalaking iyon ang cellphone ko.
"That f*cker! Give me that!" Inis na bulalas ni Travis.
Mabilis na naitago ko ang cellphone sa aking likuran. "Bakit? Anong gagawin mo sa cellphone ko?"
"Stupid! I'll erase those dammit photos."
"Weh? Baka naman bigla mong itapon ah."
Tiningnan n'ya ako ng may makahulugang tingin.
"Ayaw mo? Bakit? Tititigan mo tuwing gabi ang mga pictures na 'yan?"
Nanlaki ang mga mata ko. "HOYYYY! Wala akong iniisip na ganyan ah! Oh, ayan!" Inihagis ko sa kanya ang cellphone ko. Kinuha naman n'ya iyon at may kung anong pinagpipindot-pindot doon.
"There, done!" Binalik na n'ya sa akin ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay burado nga lahat.
Enebeyern! Seyeng nemen! CHAROT!
Nang binalik ko kay Travis ang aking tingin, seryoso na ulit ito sa pagtatype sa kanyang laptop.
Kinagat ko ang ibabang labi nang may biglang pumasok na kakatihan sa isip ko. Grabe, kakatihan talaga? Hindi ba pwedeng pang-remembrance lang. Nang masiguradong hindi s'ya nakatingin, itinapat ko ng pasekreto ang camera sa pwesto ni Travis.
Bakit gano'n? May favoritism yata si God nang magsabog s'ya ng kagwapuhan. Kahit mukhang galit at hindi ngumingiti, gwapo pa rin ang lalaking ito.
HMP! Edi s'ya na, s'ya na ang pinagpala ng lahat.
MY GOSH!
Why so hot, Sir Boss?
Emeged!
Nandito na naman ako, pinagnanasaan ko na naman ang magaling kong boss na walang kaalam-alam sa kalokohang pinaggagawa ko.
Kapag ako nahuli nito, lagot na. At iyon na nga ang sinasabi ko...
"Am I that really handsome eh? Kung kukuhanan mo ako ng litrato, dapat nakaharap ako."
Kitang kita ko sa screen ng cellphone na nakatapat kay Travis ang kanyang paglingon sa akin. Sumilay ang nakaloloko pero at the same time ay nakakaakit na ngiti. Sakto naman na napindot ko ang screen dahil sa panginginig ng daliri ko. Kaya ayun...
Huli pero hindi kulong.
"Oh my gosh!!!" Muntik ko nang mabitiwan ang cellphone nang makita ang kinalabasan ng shot.
Sobrang gwapo ni Travis. Kung gwapo na s'ya, mas gumwapo pa. With that naugthy smirk he showed in the photo, mapapasabi ka na lang ng...
Bakit may gwapong demonyo sa harap ko?
S'ya 'yong epitone of innocent handsome and naugthy devil. He can be the man na kaya kang utusan na gumawa ng kasalanan kahit ayaw mo.
"Pang model na ba?"
Naitago ko agad ang cellphone sa ilalim ng unan.
"A-anong pinagsasabi mo d'yan?"
"You know what I mean. Pero sige na nga, iisipin ko na lang na wala kang ginawa."
"Wala naman talaga!"
"Sure, if you say so." Ngunit hindi pa rin n'ya inaalis ang ngisi sa labi na mas ikinainis ko.
Kakahiya ka, Arissa! Gagawa ka na lang din ng kalokohan, papahuli ka pa. Halatang halata ka, gaga!
"Wala nga sabi akong ginagawa."
"Hmm... Let me see it, your cellphone."
"Ayaw ko nga! HMP! Bahala ka na nga d'yan!" Akmang tatayo na sana ako para mag walk-out nang unahan n'ya ako. Tumayo s'ya sa harapan ko kaya napaupo ulit ako sa sofa.
"You want to took photos of me? Just this once, why not? Pagbibigyan kita. At sisiguraduhin kong hindi ka makakatulog sa gabi."
"Anong—"
He cut me off by what he did unexpectedly. Walang pag-aalinlangang hinubad n'ya ang suot na white long sleeve sa harap ko, revealing his well-defined hot and sexy body. Harap-harapang binalandra n'ya ang kanyang maganda at kaakit-akit na katawan sa aking mga mata.
Hindi agad ako nakapagreact.
Bumaba ang paningin ko mula sa kanyang broad shoulder na kay sarap paglambitinan, pababa sa kanyang anim na masasarap na pandesal. Sakto! May kape sa kitchen pwede ako magtimpla saglit, para may pandesal na, may kape pa. Solved na!
"Enjoying the view, my little secretary?" He flashed his evil and deadly smirk.
Nagwala ng sobra sobra ang mga organs ko sa katawan. Mula sa small intestine to the large intestine hanggang sa mga bulate ko sa tiyan. Hindi ko alam kung anong iri-react ko sa karumaldumal na live show sa harap ko. At dahil bigla akong tinubuan ng kahihiyan sa katawan kahit konti, tanging pagsigaw sa gulat ang nagawa ko. Kahit late reaction na.
"AAAAAAHHHHHHH!!! B*ld!"
Mabilis na tumayo ako at bahagyang naitulak ko pa si Travis dahil sa kahihiyang natamo. Habol ng matinding kaba ang dibdib ko habang papalayo sa living room, leaving behind my demonyo but yummy na boss.
Narinig ko pa nga ang malutong na halakhak ni Travis bago ako tuluyanh makalayo.
Damn that bwesit pero kay sarap papakin na nilalang! Trip talaga ako bwesitin eh. Wait ka lang, may araw ka rin sa'kin. Nanggagalaiti man, ero deep down, may tumitibok-tibok. CHAROT HAHAHAHAHA!
KINAGABIHAN...
Busy ako sa panonood ng kpop group music video sa laptop ko habang nakataas pa ang dalawang paa sa mesa. Mukha akong senyorita na walang magawang maganda sa buhay, pero atleast maganda naman.
Kilig na kilig na ako kay Soobin at may paghampas pa sa sofa, nang maramdaman ko ang presensya ni Travis sa aking likuran.
At tama nga ako nang lumingon ako, dahil nakatayo s'ya isang metro ang layo sa pwesto ko. Nakahalukipkip ang mga braso at nakataas ang isang kilay. As usual suot na naman nito ang kanyang masungit na mukha.
"What are you doing?"
"Sir Boss ikaw pala." Napatingin ako sa laptop na nasa lap ko. Agad kong inistop ang video bago sumagot. "Nanonood?"
"Anong pinapanood mo at may hampas ka pang nalalaman. Alam mo rin bang rinig mula sa second floor ang halakhak mo? I also heared you talking to your self. Nababaliw ka na ba?"
Napahagikhik ako.
Gano'n ba talaga ako kalakas tumawa? Sorna, sinapian lang ng kabaliwan.
"Nanonood kasi ako ng bagong released na music video ng mga asawa ko."
"WHAT? ANONG ASAWA ANG PINAGSASABI MO D'YAN?"
Gulat na napatitig ako kay Travis nang bigla na lang itong sumigaw.
"Ako ba'y pinagloloko mo, Ms. Montecarlos?"
"Ang o.a ah!"
Iniharap ko sa kanya ang pinapanood ko.
"Ayan oh! Asawa ko si Soobin at kabit ko naman 'yong apat." Ngumisi pa ako ng malawak habang pinagmamalaki ko ang asawa kong si Soobin sa kanya.
Asawa sa imagination. HAHAHAHA!
Pero tinapunan n'ya lang ako ng nakakapasong titig. Naging blanko rin ang kanyang expression na kanina lang ay gulat na gulat sa sagot ko.
"Ginagago mo ba ako babae?"
"Bakit? Imposible ba? Sa gwapo ni Soobin at sa ganda kong ito hindi malabo na maging kami." Confidence na pahayag ko.
Pero sa loob-loob ko'y gusto ko nang matawa sa expression na pinapakita ni Travis.
Oo na! Imposible na kung imposible. Fangirl lang ako and he didn't even know na I'm existing. Pero ang sarap pagtripan ng magaling kong boss eh.
Kapag alam mong naiinis na, mas inisin mo pa. Ganern!
Pero ang akala ko'y makakaganti na ako sa pangbubwesit n'ya sa akin, nakalusot pa rin ang magaling.
"Iyan? Gwapo na 'yan para sa'yo? TSK! Wala pa nga sa kalingkingan ng karisma ko 'yang gwapong sinasabi mo. God, Arissa! You've got a very bad taste eh?"
Laglag ang pangang napamulagat ako nang sabihin n'ya 'yon. Hindi ko iniexpect na lalabas iyon sa mismong bibig n'ya.
WOW! JUST WOW!
Ang lakas ng apog ng bampirang ito.
Pero sabagay, may maipagmamalaki naman kasi talaga s'ya.
"Ah, by the way, I'm hungry."
Ibinaba ko ang laptop sa mesa saka tumayo.
"Ipagluluto na kita ng dinner mo."
"No, thanks."
"Akala ko ba nagugutom ka na? Ipagluluto na nga kita oh."
"Iba ang gusto kong kainin."
"Ano? Tell me para maihanda ko."
Naghintay ako ng kanyang sagot pero taimtim lang s'yang nakatitig sa akin.
"HOY! Ano na?"
"Ibibigay mo ba talaga kapag sinabi ko?"
"Ano nga kasi? Dami mo pang arte. Lulutuin ko kahit anong gusto mo. That's my job, to obey you."
"Really?"
"Oo nga!"
Konti na lang talaga mapipigtas na ang pasensya ko sa lalaking ito. Pasalamat s'ya boss ko s'ya ah.
Dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan ko si Travis na hindi inaalis ang titig sa aking mga mata. I felt voltage of eletricity run down through my veins.
He look at me intently in the eye with those beautiful green orbs that can hipnotized you in just a second.
And right now, feeling ko ay nahuhulog ako sa isang malalim na bangin. Isang bangin na hindi ko alam kung kaya ko bang akyatin para lang makabalik sa ibabaw nito. Dahil habang tumatagal, parang ayaw ko ng bumalik sa itaas at gusto ko na lang na mahulog pa lalo.
"I want you, Arissa!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top