CHAPTER 43
CHAPTER 43
NAKASANDAL ako sa dingding ng kwarto habang nakatitig sa natutulog na si Travis.
Nagpapahinga na ito at malamang dahil sa pagod at pananakit ng katawan kaya mabilis itong nakatulog. Pero natutulog ba ang mga bampira? Nagpapahinga lang siguro sila.
Iyong nangyari kanina, buong buhay ko hindi ko aakalaing magagawa ko iyon. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong sugatan ang sarili ko para lang ipainom ang aking dugo sa isang bampira, na never pumasok sa isip kong mangyayari sa akin. May kung ano sa loob ko na gustong tulungan si Travis at iyon lang ang tanging paraan na alam kong magagawa ko.
Nabasa ko sa isang libro na kailangang painumin ng dugo ang bampirang nanghihina dahil sa full moon.
At hindi ko inaasahan mai-aapply ko iyon ngayon, at sa boss ko pa.
Nagpunta ako dito, tinanggap ko ang trabaho, para sa kinabukasan naming tatlo ng mga kapatid ko. Pero hindi ko inaasahan na may mala-fantasy movie rin palang mangyayari sa akin sa loob ng ilang taong ilalagi ko sa mansion na ito.
May mga bagay at pangyayari talaga na hindi natin inaasahang mangyayari sa atin.
Pero hindi ako nagsisisi na napunta ako dito at nakilala ko si Travis. Hindi rin ako nagsisisi na nahulog ako sa isang bampirang katulad n'ya.
Life is really full of surprises.
Surprises that might change our lives, forever!
Napatitig ako sa aking braso. Tuyo na ang kaunting bahid ng dugo sa sugat pero sariwa pa rin iyon maging ang bakas ng pangil ni Travis.
Huminga ako ng malalim.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kani-kanina. Ilang oras na akong nakaupo sa tabi ng natutulog na si Travis at hindi pa ulit ako bumabalik sa kwarto ko. Hindi rin naman kasi ako makakapagconcentrate kung gagawin ko ang report ko. Kaya napagpasyahan kong bantayan na lang si Travis habang hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Napatitig akong muli sa lalaking mahimbing na nagpapahinga.
Napangiti ako.
Napaka-amo ng kanyang mukha na hindi mo aakalaing isa palang mabangis at kinakatakutang mythical creature, isang bampira. Maliban na lang kung pagbabasehan ang physical appearance, pwede. Maputla ang kanyang balat na akala mo'y nakalunok ng isang boteng gluta. Malamig ang tempratura katulad ng isang patay. Those are some of vampire appearance.
At hindi ko rin ini-expect na may mga nilalang na katulad nila ang nabubuhay at pagala-gala sa mundong ito.
They can communicate with human being in an easy way. Ni walang nakakapansin na hindi sila tao. Even I, didn't realize in the first place na hindi ko pala kauri ang pamilyang pinagtatrabahuhan ko.
So, ibig sabihin tangin si Mr. Smith at Nanay Wilma lang ang nakakaalam ng kanilang sikreto? And ofcourse, me.
Nang mabagot ay nagpasya akong lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa library na nasa second floor para maghanap ng mapaglilibangang libro. Habang naghahanap ng magandang babasahin, nakita ko iyong kapareho ng librong nabasa ko sa opisina ni Travis.
Kinuha ko iyon bago nagtungo sa isang upuan sa tabi ng bintana. At hindi ko namalayan na napasarap na pala ako sa pagbabasa. Kung hindi pa ako nakaramdam ng antok ay hindi pa ako titigil.
Isinara ko na ang libro saka 'yon ibinalik sa kinalalagyan nito, pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa itaas. Sisilipin ko lang si Travis bago bumalik sa kwarto ko para matulog. Madaling araw na rin pala. Kailangan ko na ring magpahinga dahil maaga pa ako bukas.
Pagpasok ko sa loob ay walang Travis akong naabutang natutulog. Tanging ang comforter na kinuha ko kanina ang naroroon.
"Travis?"
Dahan-dahan akong naglakad palapit.
"Sir Boss nasaan ka?"
Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. At dahil madilim ang mga sulok nito, hindi ko s'ya nahanap. Wala namang sumasagot sa pagtawag ko.
Lumapit ako sa switch ng ilaw para sana buksan iyon nang matigilan ako.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon, Arissa. Hindi mo dapat ipinatikim sa akin ang dugo mo."
Malakas ang kabog ng dibdib na humarap ako sa pinanggalingan ng boses. Sa isang madilim na sulok nakatayo ang lalaking hinahanap ko.
"Trav.."
"Hindi mo dapat ginawa 'yon Arissa."
"P-pero b-bakit?"
Humakbang s'ya palapit kaya tumama ang sinag ng buwan na pumapasok sa nakabukas na bintana sa kanyang mukha. His blood like colored eyes drifted to me, glaring at me like I was his prey.
"Dahil binigyan mo ako ng dahilan para gawin ito."
At walang anu-ano'y natagpuan ko na lang s'ya sa aking harapan, hawak ng mahigpit ang batok ko gamit ang isa n'yang kamay habang nasa pagitan ng aking leeg at balikat ang kanyang mukha.
"T-trav—AAAARRGGHHHHH!"
Napahiyaw ako ng malakas nang maramdaman ang pagbaong muli ng kanyang matatalas na pangil sa akin, but this time, he's now sucking my blood in my neck like a hungry animal na isang taong hindi nakakain.
Sobrang sakit!
Parang pinupunit ang loob ng aking leeg. Ramdam ko ang pagbaon at pagdiin ng kanyang pangil sa aking laman.
Nanghihina ako. Nanghihina na ako.
"T-travis—" Itinulak ko s'ya papalayo ngunit mas malakas s'ya sa akin. Ang pagtulak ko ay walang naging epekto sa kanya.
Naiiyak na ako.
"T-tama na!"
Ilang beses pa akong nakiusap pero tila bingi s'ya at walang naririnig.
Napakapit ako sa laylayan ng kanyang damit dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa sakit na nararamdaman.
Mauubusan na ba ako ng dugo?
Humigpit naman ang kanyang hawak sa aking batok at mas nilapit pa ang leeg ko sa kanyang bibig. Tuloy lang ang kanyang pagsipsip ng aking dugo na parang sabik na sabik sa natikmang putahe. Habang ang isang kamay naman ay hinila ang bewang ko palapit sa kanyang katawan upang hindi ako tuluyang matumba.
"T-travis.... S-sir Boss t-tama na p-please..." pagmamakaawa kong itigil na n'ya.
Ngunit parang ibang tao s'ya sa mga oras na ito.
Tila lumabas ang tunay n'yang pagkatao na matagal nang nakakubli. At dahil sa dugo ko, nagkaroon ito ng daan upang makatakas sa loob ng isang madilim na seldang pinagtataguan nito.
"S-sir Boss... s-si A-arissa 'to. Itigil mo na. Tama na po—aaaccckkk!"
Naitingala ko ng husto ang ulo ko dahil may kung anong kirot but at the same time ay kiliti akong naramdaman mula sa loob ko.
Dahil ba ito sa kagat? Dahil sa ginagawa ni Travis? Pero bakit gano'n? Bakit nagugustuhan ng katawan ko?
"T-travis... TRAVISSSS!"
Tila natauhan si Travis sa naging pagsigaw ko. Napapasong lumayo s'ya at binitiwan ako. Napakapit ako sa aking leeg, sa parteng kanyang kinagat.
Sobrang hapdi't sakit.
Nang mapatingin s'ya sa akin at mapagtanto kung sino ako at kung anong ginawa n'ya, biglang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Muling bumalik ito sa totoong kulay na asul. Bakas din ang pagkagulat at halu-halong pag-aalala at pagsisisi.
"A-arissa... I-i'm... I'm so sorry! Oh god! Forgive me, please, Arissa!"
Naging malabo na ang paningin ko nang sumunod. At tuluyan na ngang nanlambot ang aking tuhod dahilan para matumba ako ng tuluyan.
"ARISSA!"
At bago pa man ako bumagsak sa sahig, naramdaman ko nang may yumakap sa akin.
"Arissa, no please, no! I'm so f*cking sorry, baby! This is my fault, I didn't control my damn self. I'm so sorry!"
And the last thing I know, buhat-buhat na ako ni Travis sa kanyang bisig, habang tuloy sa pagmumura at paninisi ng kanyang sarili dahil sa nangyari.
"Arissa..."
Pakiramdam ko'y nasa isang malamig na lugar ako, pero mainit naman ang pakiramdam ng katawan ko. I can't moved my body. Kahit ang mga mata ko'y hirap ko ring imulat. Maging ang paghinga ko'y napakabigat rin na tila hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa akin.
"Arissa..."
Ang boses na iyon.
Pinilit kong magmulat ng mata upang hanapin ang nagsasalita.
"Arissa..."
"T-travis? I-ikaw ba 'yan?"
At sa pagmulat ko'y kadiliman ang lumamon sa aking paningin. Ibinaling ko kaliwa't kanan ang aking ulo ngunit wala akong makita na kahit kaonting ilaw man lang.
"Travis ikaw ba 'yan? Nasaan ka? N-nasaan ako?"
"Arissa..."
"Magsalita ka naman oh, sagutin mo naman ako. Nasaan ka? Nasaang lugar tayo? Magpakita ka naman Travis oh! Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Para akong naparalisa. Anong nangyayari?"
"Arissa..."
"BAKIT BA TAWAG KA NG TAWAG? SAGUTIN MO NAMAN ANG TANONG KO DAHIL HINDI KO NA ALAM KUNG ANONG NANGYAYARI!"
I felt my tears run down my face. It's because of frustration together with fear .
Halu-halong emosiyon ang nararamdaman ko sa mga oras na'to lalo na't hindi ko alam kung nasaan ba talaga ako, kung si Travis ba talaga ang nagsasalita, o kung buhay pa ba ako?
Ang huli kong natatandaan ay kinagat ako ni Travis sa leeg hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Tapos ngayon? Hindi ko alam kung saang lugar ako naroroon. At hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Para bang may nakatali sa akin para hindi ako makawala.
"Arissa..."
Magsasalita pa sana ako nang may liwanag na sumilaw sa mga mata ko, kasabay niyon ay ang pagsulpot ni Travis sa kung saan. Ngunit nagbigay sa akin ng takot ay ang itsura n'ya. Ibang iba s'ya sa Travis na nakilala ko. Tila may kung anong halimaw ang bumalot sa kanyang pagkatao.
Magulo ang buhok, puno ng pawis ang buong katawan, maraming dugo sa kamay at maging sa labi. Punit-punit din ang suot na damit na para bang kinalmot ito ng isang hayop na may matutulis na kuko.
"AAAHHHHHHHHHHH!"
Ibinuka n'ya ang bibig dahilan para makita ko ang matutulis n'yang pangil. Walang pasabing sinakmal n'ya ang aking leeg at ang sunod na naramdaman ko na lang ay tila inuubos ang dugo sa aking katawan.
Then, blackout eat me up.
HINAHAPONG napabalikwas ako ng bangon. Sobrang bilis at lakas ng kabog ng aking dibdib. Parang gusto na nitong kumawala sa loob ko upang makatakas.
I also felt my knees and both hands shake in fear and nearvousness.
"Panaginip lang pala."
Ah, no! Scratch that, bangungot iyon at hindi basta simpleng panaginip lang.
Pero bakit?
Bakit ibang Travis ang nakita ko? Para s'yang isang...
Halimaw na handang ubusin ang kanyang prey ng walang pag-aalinlangan.
Inilibot ko ang aking paningin at natagpuan ang sarili sa isang pamilyar na kwarto. Maraming makakapal na libro sa bookshelfs at may malaking salamin sa harap ng kinalalagyan ko. Kaya kitang kita ko ang aking sarili rito habang nakaupo ako sa kama.
Ito rin ang kwartong kinamulatan ko noong nahimatay ako, dahil muntik na akong mamatay mula sa pagkakahulog sa second floor.
"Kaninong kwarto ito? Bakit ako naririto?"
"Here we go again!"
Napalingon ako sa kinalalagyan ng couch sa loob ng kwartong ito. At doon ay natagpuan ko na naman si Tyron, kung saan din s'ya nakaupo noong unang pasok ko rito.
De javu?
"Naniniwala ka ba sa de javu, Dollface? Kasi ako? Hindi! But seeing you with that state AGAIN, makes me believe that the word 'de javu' does exit."
Ito nga ang pangalawang pagkakataon na naulit ang nangyari ito. Nakahiga ako sa kamang ito at nasa couch si Tyron at binabantayan ako.
"Kanina ka pa ba d'yan?"
"Ah, not really? Actually isang oras pa lang naman."
"S-sorry!"
"You don't need to say sorry, you know. Ah! Nga pala, nalaman ko na may nangyaring hindi maganda? Pero I doubt that when it comes to the side of my cousin."
Kumunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Well, simple lang. Dahil finally, after how many years, muling nabahidan ng dugo ng mortal ang bibig ni Uno." Tyron look at the window, avoiding my sight. "Simula ng mangyari ang trahedyang sumira sa nakaraan ni Travis, pinangako n'ya sa sarili na hinding hindi na s'ya mahuhumaling pa sa amoy ng dugo ng tao. Kinulong n'ya ang tunay n'yang katauhan sa loob ng madilim n'yang nakaraan. At tinutoo nga n'ya iyon. Kahit gaano pa kalakas ang pang amoy n'ya sa dugo ng tao, kaya na n'yang kontrolin ang sarili sa uhaw. At kahit bigyan mo pa s'ya ng dugo, kapag naamoy n'ya na dugo iyon ng mortal, s'ya pa mismo ang magsasaboy sa'yong mukha ng dugong binigay mo. Ganoon s'ya kapursigido na pigilan ang sariling huwag nang muli pang tumikim ng dugo ng katulad mo."
Bumaling sa akin si Tyron ng may namamanghang tingin.
"But then, you came"
"A-anong kinalaman ko?"
"Let me tell you this, okay. But never ever mention it to him, kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Alam mo ba na tuwing gabi, simula nang dumating ka rito sa mansion, kinukulong ni Travis ang sarili sa kwartong nasa may veranda. Iyon kasi ang may pinakamatibay na pundasyon dahil gawa sa bakal ang dingding no'n. Alam mo ba kung bakit?"
Umiling ako.
"It's because... he's afraid that he might be harm you if the night finally came. Tuwing gabi, lumalakas ang pang-amoy ni Travis sa dugo. Kaya n'yang magpigil, pero pagdating sa'yo? There is something that trigger his thirst in human blood, especially with your blood. Kahit kasi malayo ka pa, malakas na ang aroma ng iyong dugo. And that's what he is being afraid of, and that's the first time it happens to him. Kaya nga kabilin-bilinan na h'wag kang lalabas ng kwarto mo pagsapit ng takip-silim. Because you triggered to come out the beast in him."
Nilagay ni Tyron ang dalawang kamay sa uluhan bago sumandal sa couch.
"Ang kwarto na ginagamit mo sa mansion na ito ay nakapangalan na sa'yo. Pinasadya iyon ni Travis at ikaw pa lang ang kauna-unahang nagkaroon ng sariling pag-aari sa mansion na ito. Kahit ang nauna na si Ianna, kahit pa minahal n'ya ito, o kahit ang sumunod pang sekretarya n'ya ay hindi nagkaroon ng ganitong special treatment from him. Sa pagpirma mo pa lang sa kontrata, napirmahan mo na rin ang katibayan na tinatanggao mo na mailagay sa pangalan mo ang kwartong iyon. You're really that special huh!? Interesting, right?"
"Bakit naman gagawin iyon ni Travis? Eh sekretarya lang naman ang trabaho ko dito?"
"Maybe you're a VIP? Ganito kasi 'yon, vampires doesn't have any invitation to come in inside your room, hindi ito makakapasok sa loob. Sa mansion na ito, ang kwarto mo ang pinakaligtas sa lahat ng bawat sulok. Kaya nga bawal kang lumabas dahil kung sakali man na maabutan si Travis o kami man ni Sage sa labas na magtransform in our real selves, hindi ka namin malalapitan o mahahawakan. So that you'll be safe from us."
I gasped.
Kaya pala. Pero ako itong makulit at palaging inuuna ang curiousity kaysa sundin si Travis. He just what me to be safe, kahit pa sa sarili n'ya.
Natatakot man ako sa kung ano man ang mangyari, para sa sarili at kaligtasan ko. Pero mas nananaig ang kagustuhan ng puso ko.
And that makes me love him even more.
"At nang ipainom mo sa kanya ang iyong dugo, kahit pa kagustuhan mo lang na tulungan s'ya, dapat hindi mo ginawa. Dahil binigyan mo lang ng maluwag na daan ang isang katauhan ni Travis na angkinin ka ng walang pag-aalinlangan. You made a way for your self from danger, Dollface. Pero..."
Bumalantay ang nakalolokong ngisi sa labi ni Travis. Iyong ngisi na lagi n'yang pinapakita kapag may kalokohang iniisip.
"Pero alam mo ba 'yong kasabihan na... Lust at first bite?"
Mas lumawak ang ngisi ni Tyron.
Feeling ko'y hindi ko magugustuhan ang sunod n'yang sasabihin.
"Feeling ko kasi iyon ang nangyari sa pinsan ko, simula nang matikman n'ya ang dugo mo. Mas hindi na n'ya makontrol ang sarili na tikman ka ng paulit-ulit, until he satisfied his cravings."
I felt chills in my whole body in what he said. But at the same time, may kung anong kumikiliti sa loob ko.
Kilig ba 'to? Excitement?
Oh, gosh! Baliw na yata ako dahil nai-excite pa ako sa maaaring mangyari sa amin ni Travis. Jusko!
"So, handa ka na bang magpakagat ulit? Be better prepared, Dollface... The storm is coming!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top