CHAPTER 42

CHAPTER 42

BALIK sa dating normal ang lahat. Matapos kong malaman ang katotohanan tungkol sa tunay na katauhan ng boss ko at ng dalawa n'yang pinsan, parang normal na para sa akin ang weird nilang kilos.

Normal na rin nilang naipapakita at nagagamit kung ano mang powers na meron sila.

Pero madalas nga lang akong magulat kapag nagteteleport sila o kaya kapag nagiging si Flash sila kung kumilos. Hindi pa rin kasi ako sanay. But one of this days, masasanay rin ako na talagang hindi normal na tao ang mga kasama ko.

Matapos na mag sorry ni Travis sa akin, mas naging makulit ako kapag nandyan s'ya. And I know, hindi man n'ya sabihin alam kong alam na n'ya na may feelings ako for him. He didin't took this as advantage, bagkus parang naging mas masungit pa yata s'ya sa akin. Pero okay lang naman, dahil simula't sapol naman ay masungit talaga s'ya. Naiintindihan ko naman ang limitasyon ko as his secretary.

But sometimes, it hurts din pala.

Kasi alam ko na alam n'yang may gusto ako sa kanya, pero s'ya? Totally nothing. Employee to employer, boss to ssecretary lang talaga ang peg naming dalawa para sa kanya. At iyon ang pilit kong ipinauunawa sa puso ko. Na boss ko s'ya at secretary n'ya lang ako. If naging magkaibigan man kami sa haba na ng pinagsamahan namin, hanggang doon lang din iyon.

Kapag oras ng trabaho, trabaho lang talaga. At kapag tapos na ang oras ng trabaho, para na kaming normal na magkakilala.

"Ilang taon na kayong tatlo?" Kuryosong tanong ko habang nakahalumbaba sa mesa.

Nasa visitor's lodge kaming tatlo at may kanya-kanyang ginagawa. Si Sage as usual busy na naman sa kanyang libro at tila walang pakielam sa paligid n'ya. Palagi naman. Si Tyron naman ay may kung anong ginagawa sa cellphone ko na halos oras-oras yatang sa bagay na iyon lang nakatutok ang atensyon. Habang si Travis naman ay wala na yatang ibang inatupag kundi trabaho.

At ako? Heto...

"Uy, ilang taon na nga ulit kayo?"

"A hundred years. Why Dollface?"

Kung may iniinom o kinakain lang siguro ako sa mga oras na ito, sure ako na bulunan na ako.

"Seryoso ba? Isandaang taon na kayo? Weh? 'Di nga? Baka ini-echos n'yo lang ako ah."

"Am I look like I'm joking to you, Dollface?" Tyron stared at me with his bloodshot eyes.

"Sabi ko nga! Pero hindi halata ah. Mukha pa rin kayong binata."

"Actually, 153 years nang nabubuhay si Travis sa mundo at matagal na panahon na rin s'yang hindi nakakapagdilig ng halaman," sabay halakhak ni Tyron pagkatapos.

Tumaas ang isa kong kilay sa pahayag ni Tyron.

"Ha?"

"Ha? Ha? Hangslow!"

Slow na kung slow, hindi ko naman talaga kasi gets kung anong ibig n'yang sabihin doon. Anong connect ng pagdidilig ng halaman sa edad ni Travis?

"Shut up, Moron!" Iritableng suway ni Travis sa pinsan. Tumawa naman ang hinayupak na Tyron dahil sa iyamot na reaksyon ng pinsan.

"What? Totoo naman ah! Si Ianna sana 'yong una, kaso hindi natuloy dahil—"

Nagbabagang titig ang itinapon ni Travis kay Tyron kaya hindi na nito naituloy ang dapat na sasabihin.

Anong meron? Bakit nasama si Ianna sa usapan?

"Dahil goodboy ka. Oo, iyon 'yon! Dahil masyado kang goodboy kaya hindi natuloy ang dapat na maitutuloy—"

"Itutuloy mo pa o tatanggal na kita ng dila?"

"Ah yeah, whatever! Ang kj naman."

At muling ibinalik ni Tyron ang paningin sa aking cellphone.

Siniko ko si Travis na s'yang katabi ko sa couch.

"Hoy! Anong ibig sabihin ni Tyron doon? Anong wala ka pa ring nadidiligang halaman? Kailangan ba 'yon? Saka anong una si Ianna?"

Hindi n'ya ako sinagot, bagkus ay kinuha ang mga portfolio na nasa ibabaw ng mini table sa harap bago nilagay sa lap ko.

"Anong gagawin ko dito?"

"Kainin mo nang manahimik ka."

"Travis naman eh!"

"Travis naman eh!" He mocked me. "Huwag mo akong ma-Travis Travis naman eh d'yan ah. I-arrange mo 'yan at huwag kang magtanong ng magtanong. And make sure matapos mo 'yan in 30 minutes."

"30 minutes?"

"20 minutes."

"Sabi ko nga 30 minutes!"

Narinig ko ang pagtawa nina Tyron at Sage sa kabilang couch. At nang tingnan ko na silang dalawa, iwas na ang mga tingin at kunwari ay busy sa ginagawa.

Sumimangot ako.

Nakakainis! Pinagkakaisahan nila akong tatlo. Nakakainis!

Kahit napipilitan ay sinunod ko pa rin ang ipinapagawa sa akin. Padabog na sinalansan ko ng nasa tamang ayos ang mga portfolio sa dati nitong kinalalagyan.

"Nililiwas ang usapan, halatang ayaw sa'kin ipaalam," bulong ko habang nakasimangot.

Ganyan ba ang he will make it up to me na pinagsasabi n'ya? Tsk! Galing magsalita, wala namang ginagawa. Pwe! Tapos ano pang sabi no'ng sinalo n'ya ako? Naaalala ko pa 'yon eh! Na hindi n'ya hahayaang mahulog ako at kung mangyari man handa s'yang saluhin ako para sabay kaming mahuhulog?

Pa-fall talaga, amp!

Sana na-aapply din sa real life 'no?

"Gawin mo na 'yan para matapos ka kaagad."

Pasekreto akong umirap.

"Oo na po, Young Master!"

Habang ginagawa ko ang trabaho ko, naglalayag ang utak ko sa kung saan. Inisip kong mabuti kung saan ko nga ba narinig iyong nadiligan ang halaman na phrase, tulad ng sinabi kanina ni Tyron.

Ginalugad ko na lahat ng kabalbalang naririnig ko kay Alexis noon kapag nagchichismisan kami sa trabaho. Hanggang sa...

Tila may umilaw na bombilya sa aking utak dahil naalala ko na kung anong ibig sabihin no'n.

Dati kasi ay may ka-fling si Alexis sa internet. Hindi n'ya alam na babae pala 'yong ka-fling n'ya na akala n'ya ay boylet dahil sa profile pic nito na pogi. Iyon pala cross role player meaning lalaki ang profile pic pero babae ang gumagamit ng account. Sinabihan kasi si Alexis na gusto daw magpadilig ng flower, eh inosente po talaga ako at si Mareng Alexis lang ang nag explain sa'kin ng ibig sabihin niyon.

Umalpas ang pilyong ngisi sa aking labi ng may kalokohang pumasok sa isip ko.

"Ibig bang sabihin..." Inangat ko ang tingin papunta sa lalaking busy sa kanyang laptop. Ngumisi ako ng nakaloloko bago inosenteng nagtanong. "Virgin ka pa Sir Boss? OMO!" Kunwari pa'y nagulat din ako sa aking isiniwalat at naitakip ko ang aking mga palad sa bibig.

Ang galing kong um-acting! Pang amas award na. Char!

"Walang nangyari sa inyong dalawa ni Ianna noong kayo pa? Narinig ko kasi kayo ni Tyron noon na nag-uusap about sa s*x, oh teka, hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan n'yo ah. Tigang ka raw kasi Travis. So, it means, ang tanda mo na pala pero virgin ka pa? Tibay ng junior mo ah, nakaya n'ya 'yon?"

Wala sa sariling napatigil ang tatlo sa kani-kanilang ginagawa.

Nabitiwan ni Tyron ang cellphone ko, mabuti na lang at sa couch iyon nahulog. Kawawang cellphone. Si Sage naman ay gulat na naibaba ang binabasang libro pagkatapos ay hindi makapaniwalang tiningnan ako.

Habang si Travis naman na seryosong nagta-type ng document ay gulantang na nahulog mula sa pagkakaupo sa sofa.

"O-ooppsss!"

Mukhang may magwawalang dragon ah.

Dahan-dahang bumaling sa akin si Travis at nakumpira ko nga ang hinala nang matunton na ako ng nanlilisik n'yang mga mata.

"ARISSA PAIGE MONTECARLOS!!!!!"

"Ohh-owwww!"

Tumayo si Travis at handa nang atakihin ako ngunit agad akong nakapagreact at nakatakbo palayo sa kanya.

"Run for your life Dollface! Make sure na hindi ka magpapahuli."

"Such really a crazy witch, eh?!"

Rinig ko ang malakas na hagalpak ng tawa ni Tyron pati na rin ang pang-aasar ni Sage habang papalayo ako.

"ARISSA COME BACK HERE!"

Dumagundong ang malakas na boses ni Travis sa buong mansion. Batid ang matinding iritasyon sa boses nito, kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Paakyat na sana ako sa second floor nang laking gulat ko na matagpuan si Travis sa unahan ko.

"Not so fast, baby!"

"AAAAHHHHHH! MULTOOOOOOO!"

Tumakbo ulit ako pabalik sa ibaba, dumiretso naman ako sa kusina para maghanap ng mapagtataguan. Pero mukhang wala yata akong lusot sa isang bampira.

Oo nga pala, nakalimutan ko, isang bampira nga pala ang kinalaban ko.

Damn!

"You can't escape from me, my sweet Arissa! Remember that baby, so just stop running away and let me ravish your smart little mouth. Hmmm!?"

Put—baby daw?

Wait... tama ba ako ng narinig?? Tinawag n'ya akong baby?

HE F*CKING CALL ME BABY?!


MATAPOS naming maghinabulan ni Travis na tumagal yata ng kalahating oras, pinagbigyan din n'ya akong makatakas, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan kong sundin lahat ng ipag-uutos n'ya kahit na labag man sa loob kong gawin kung ano ba iyong ipapagawa n'ya.

Kinakabahan tuloy ako sa iuutos ng lalaking iyon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-gawa ng aking thesis report para bukas nang makarinig ako ng malakas na kaluskos mula sa itaas.

Nawala ang kaluskos.

Nagkibit-balikat na lang ako at muling ipinagpatuloy ang pagtatype sa aking laptop.

"Baka may butiking naghahabulan lang."

Pero ilang saglit pa'y bumalik ulit ang mga kaluskos. Noong una ay mahina lang pero katagalan ay palakas na iyon ng palakas.

Nabitiwan ko ang hawak na ballpen at napatingin sa kisame.

Parang kinakalmot ng kung anong nilalang ang sahig o ang dingding sa itaas. Tila may kadena ring hinihila at pilit na kinakalas dahilan kaya gumagawa iyon ng nakakarinding tunog. At dahil sa tapat ng kwarto ko nagmumula ang ingay, nasisigurado kong sa kwartong malapit sa balkonahe iyon nanggagaling.

Mabilis na tumayo ako at tumakbo palapit sa bintana. Pagbukas ko ng kurtina, liwanag ng bilog na buwan agad ang tumama sa mga mata ko.

Napatingin ako sa maliit na kalendaryong nasa ibabaw ng aking bedside table.

May bilog ang petsa ngayon gamit ang pulang ballpen. At ngayon ko lang din naalala na NGAYON nga pala ang ikalawang kabilugan ng buwan.

Nagkaroon ng ingay na tila nabasag na salamin o babasaging bagay mula sa itaas. Ang kaluskos naman ay napalitan ng ilang mahihina na suntok sa dingding. May mga ungol na rin akong naririnig. Mahina pero bakas ang paghihirap sa boses ng kung sinong nasa itaas.

Naalala ko'y isa sa utos na ibinigay ni Travis sa akin ay huwag akong lalabas ng kwarto pagsapit ng alas-siete, pagkatapos mag dinner.

Pero sadyang makulit at pasaway lang yata talaga ang katawan ko at may sariling buhay itong kumikilos labag man sa utos. Natagpuan ko na lang kasi ang sarili na nasa third floor, sa harap na ng kwartong malapit sa veranda. Ang kwartong hindi sinasadyang napasok ko at ang kwartong kinalalagyan ng larawan ni Ianna.

Naroroon pa kaya iyon?

Habang nakatitig ako sa pintuan, isang masakit na tanong ang biglang pumasok sa isipan ko. Isang tanong na alam kong may malaking impact sa kanya.

Mahal pa kaya ni Travis hanggang ngayon ang unang babaeng minahal nito?

Hindi naman imposible, lalo na at si Ianna ang first and great love n'ya. S'ya ang nauna at ang babaeng nagbigay ng malaking puwang sa puso at buhay ni Travis. Kaya hindi imposible ang tanong na iyon.

Bumalik ako sa reyalidad nang biglang may kumalabog sa pintuan ng kwartong nasa harapan ko.

Kahit nanginginig ang kamay ay nagawa ko pa ring hawakan ang seradura saka iyong pinihit pabukas. Madilim na loob ang bumungad sa akin. May maliit na liwanag sa may bintana dahil sa sinag ng bilog na buwang sumisilip sa siwang ng kurtina.

Dinaga ng kaba ang dibdib ko nang maaninaw ang nakahandusay na katawan ni Travis sa gilid.

Mabilis na tinakbo ko ang pagitan namin. Nang nasa harapan ko na s'ya doon ko lang nakita ang kanyang kalagayan. Nakakadena ang dalawang braso at binti. Nanghihina ang katawan at tila nauubusan na ng lakas para gumalaw pa.

Agad ko s'yang dinaluhan.

"T-travis..."

I cupped his face at marahang hinarap sa akin. Puno ng pawis ang kanyang mukha maging ang buong katawan. Marahil ay dahil sa pagpupumilit n'yang makawala sa kadena.

"Travis... a-anong nangyayari?"

Nanginginig ang kamay ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa awang nararamdaman habang pinagmamasdan ko ang kalagayan n'ya ngayon.

Gusto ko s'yang tulungan. Gusto kong pawiin ang sakit na nararamdaman n'ya.

Pero paano?

May nabasa ako sa isang librong nakita ko sa bookshelf na nasa opisina ni Travis na... tuwing kabilugan ng buwan, bukod sa malakas ang kanilang pang-amoy sa dugo, mabilis din silang manghina. Kabaliktaran iyon kapag eclipse, dahil kapag eclipse mas lumalakas ang mga bampira kahit na hindi nakakainom ng dugo.

Nahihirapang hinarap ako ni Travis.

"I-i told you to stay inside your room, right? B-bakit ang tigas ng ulo mo, A-arissa? B-bakit hindi ka sumusunod sa utos ko? Ikapapahamak mo 'to!"

"P-pero Travis... I just... i just want to help you."

"Wala kang maitutulong, Arissa! Lumabas ka na at bumalik sa kwarto mo. P-please baby, please! Just this once makinig ka naman. I don't want to hurt you, so please, leave now. LEAVE!"

Umiling iling ako ng paulit-ulit.

"NO! Hindi ako aalis. Tutulungan kita!"

Itinaas ko ang manggas ng suot kong jacket at itinapat sa bibig n'ya ang braso ko.

"W-what the heck are you doing?!" Kahit nahihirapan ay ramdam ko pa rin ang galit at inis sa boses nito.

"Sige na, okay lang. Kailangan mo 'to, alam ko."

"A-ARISSA!"

"Please Travis! Sige na, kaya ko, kakayanin ko."

Nangingilid ang luhang mas pinilit ko pa ang braso ko sa bibig n'ya.

"N-no! No, Arissa, no!"

"Travis—"

"Hindi ko pwedeng inumin ang dugo mo, Arissa, hindi pwede! Makinig ka, lumabas ka na at bumalik sa kwarto mo. Huwag kang matigas ang ulo."

Pero hindi ako nakinig sa kanya at pinilit ko pa rin ang kagustuhan kong tulungan s'ya.

Ako na ang gumawa ng paraan. Tumayo ako at kumuha ng maliit na bubog na nagkalat sa kabilang gilid. Pikit-matang hiniwa ko ang braso ko at walang pag-aalinlangang dinala iyon sa bibig n'ya.

"A-ARISSA—"

Hindi na naituloy ni Travis ang pagpigil sa akin dahil natigilan s'ya nang malasahan na ang dugo sa labi n'ya. Kahit dim ang liwanag, I saw how his eyes changed into a bloody red.

Nakatitig lang sa mga mata ko ang pula n'yang mga mata na tila hinihigop na ang lakas ko. Nakakapanghina.

Naramdaman ko na ang paghapdi ng braso ko sanhi ng sugat roon. Pero may mas hahapdi pa pala sa ginawa kong pagsugat sa aking braso.

"A-acckkk—"

Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagtarak ng matutulis na pangil ni Travis sa aking braso. Mas bumaon pa iyon at ramdam ko ang matinding kirot ng pagsipsip n'ya sa dugo ko.

"A-aahhh! M-masakit..."

Para akong sinisilaban. But at the same time may kakaibang pakiramdam na bumalantay sa aking kaibuturan.

At nang magmulat ako'y mga mata agad ni Travis ang una kong natagpuan.

"T-trav..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top