CHAPTER 41
CHAPTER 41
"ARAY!" Daing ko nang magising ako mula sa malalim na pagkakatulog.
Nasa langit na ba ako?
Napahawak ako sa aking ulo dahil para akong pinupukpok sa parteng iyon. Medyo nahihilo rin ako nang imulat ko ang aking mga mata.
"Bakit ang sakit ng ulo ko? Anong nangyari? At saka... nasaan ako?"
Nang ilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto ay doon ko lang kasi narealize na hindi ito ang kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi rin naman pamilyar sa akin ang lugar na ito.
Ang naalala ko'y nasa hallway ako—ah, no. Kasama ko ang tatlo sa hallway bago ako...
Nahulog pabagsak sa first floor ng mansion!
Mygoodness! What am I doing in here?
Pero hindi iyon nangyari dahil sinalo ako ni Travis. Speaking of Trav—
"You're finally awake now. How are you feeling, Dollface? May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka ba? Kailangan mo ba ng tubig?" Sunod-sunod na tanong ng lalaking nagsalita from my back.
Gulat na napalingon ako roon. At doo'y natagpuan kong nakaupo sa single sofa si Tyron. Nakahalumbaba ang baba sa palad habang nakatukod ang mga siko sa tuhod. Nag-iisa lang ito at walang bakas nina Travis at Sage sa paligid.
"Bakit ako napunta rito?"
Sumimangot s'ya. "Hindi mo maalala ang nangyari? You know..." Pinatunog n'ya ang dila dahilan para gumawa iyon ng nakakairitang tunog. "You almost killed yourself Dollface. Mabuti na lang to the rescue ang pinsan ko. Kung hindi, nagkalat na siguro sa first floor ang dugo mo pati na rin ang walang buhay mong katawan. Tsk, tsk, tsk!"
Iniling iling pa n'ya ang ulo, sinyales na hindi nito nagustuhan ang nangyari.
Kahit ako man ay hindi rin gusto iyon. Hindi ko ini-exoect na end na pala ang inaatrasan ko.
Sino bang may gustong magpatihulog sa second floor paibaba? Mababa man iyon kung titingnan, hindi pa rin nangangahulugang hindi ka mamamatay kapag bumagsak ka. For goodness' sake semento ang babagsakan. Kung hindi mababagok ang ulo mo, sigurado namang bali-bali ang mga buto mo sa katawan.
Pero kung ganoon ang nangyari, totoo nga na niligtas ako ni Travis mula sa pagkakahulog.
Niligtas na naman n'ya ako mula sa kamatayan.
And then here I am, takot na takot sa kanya. Na halos ipagtabuyan na s'ya huwag lang akong malapitan.
Malalim na huminga ako bago muling tumingin kay Tyron. I composed my self not to trembled and show fear infront of him—of them. Pero bago pa man ako makapagsalita, inunahan na n'ya ako.
"You know what Dollface?! Kung masama man kaming tao lalo na si Travis tulad ng iniisip mo, matagal ka na naming pinatay. Unang tapak mo pa lang sa Azula Hotel hindi ka na sana nakabalik pa sa pamilya mo. But no, you're still here, breathing and doing fine."
Tumayo si Tyron saka naglakad palapit sa kamang inuupuan ko.
"Halimaw ba talaga kami sa paningin mo?"
Bigla akong napayuko dahil guilty ako. Tagos hanggang buto lahat ng sinabi n'ya.
Bumalik sa ala-ala ko lahat ng nangyari. Simula sa unang pagtapak ng mga paa ko sa Azula Hotel, isa sa business ng mga Cordova, hanggang sa matanggap ako sa trabaho na ngayon nga'y naririto ako sa mansion nila. Ang pagsusungit ni Sir Boss sa akin at maging ang mga panglalait n'ya na dati ay kinaiinisan ko pero ngayon, tinatawanan ko na lang because I know na kahit ang sama n'yang magsalita, he's a good man.
Pero ngayon, anong ipinamumukha ko sa kanila? Na sa tingin ko'y masama silang tao, a monster or what, dahil lang sa kakaibang kakayahan na meron sila.
Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Hey!" Biglang nagulantang si Tyron sa paghikbi ko na naging malakas na hagulhol na. Mabilis na umupo ito sa aking harapan saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.
"Hey, Dollface! I didn't mean to scared you or to make you cry?"
Pero mas lalo lang akong umiyak. Nakakahiya!
"Hey, Dollface, don't cry?!" Hindi na mapakali si Tyron kung paano ako patatahanin. Gusto kong matawa sa reaction at itsura n'ya, pero mas nananaig ang luha ko dahil sa hiya.
"Damn it! Nasaan na ba kasi si Travis? Bakit kasi ako naiwan dito? Wala akong alam sa mga babae and their unbalance emotions. Damn!"
Paroon, parito na ang ginawang paglakad ni Tyron dahil hindi nito alam ang gagawin. Hanggang sa nagulat na lang ako ng biglang may comforter na tumabon sa akin. Sakop na sakop ng kumot ang aking katawan, mula ulo hanggang sa aking binti na nakasalampak sa kama.
"There! Dollface naman, alam kong cute ka pa rin kahit umiiyak pero... pero don't cry na kasi. Ayokong masapak ng pinsan ko kapag dumating s'ya at naabutan kang umiiyak. Wala akong kasalanan!"
Ang pag-iyak ko ay naging hikbi na lang.
"Ang gusto ko lang naman sabihin, even though we're different from you and other human being here in Earth, hindi ibig sabihin no'n we're that monsters na. Sige na, huwag ka ng umiyak ah."
"S-sorry!"
Sa wakas ay nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin kanina pa imbes na pag-iyak ang aking ginawa. Hindi ko kasi alam kung paano iyon sasabihin. Alam ko na kahit imortal sila, nakakaramdam pa rin naman sila ng hinanakit at sama ng loob sa mga masasakit na salitang binitiwan ko.
And I'm really sorry for what I said.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa buong silid. Akala ko ay nawala rin si Tyron kaya nang iangat ko ang kumot na nakatalukbong sa akin, laking gulat ko nang mukha agad n'ya ang bumungad sa akin. Isang dangkal na lang ang pagitan ng kanyang mukha sa aking mukha, kaya gulat na napaatras ako.
"H-hoy!"
Agad din naman s'yang lumayo na may ngisi na sa labi.
"Akala ko kasi nabingi lang ako sa sinabi mo kaya lumapit ako. But don't worry Dollface, your sorry is accepted. Naiintindihan naman namin kung bakit ka nagkakaganyan. It's also our fault dahil hindi agad namin sinabi sa iyo ang totoo, gayong matagal na rin naman tayong nagkakasalamuha."
"Pero..."
"And oh, ang pinsan ko na ang bahalang magpaliwanag sa'yo ng lahat-lahat. They're coming!"
"Paano mo nalaman na nandyan na sila?"
"Ofcourse! You'll know it soon."
Kasunod niyon ay ang pagbukas ang pintuan kasabay ng pagpasok nina Travis at Sage. Agad na dumapo sa mga berdeng mata ni Travis ang paningin ko. He's looking at me worriedly.
"Lumabas muna kayo, mag-uusap lang kami ni Arissa," utos n'ya sa dalawang pinsan na walang tanong na sumunod pagkuwan.
"Bakit kailangang tayong dalawa lang ang mag-uusap?"
"Dahil gusto ko," masungit n'yang sagot na ikinasimangot ko.
Naupo si Travis sa edge ng kama sa harapan ko saka pinagmasdan ang aking kabuuan. Kumunot ang kanyang noo nang mapatingin sa kumot na nakabalot sa aking katawan.
"What's with the comforter?"
"Ah, eh, kasi... umiyak ako kanina tapos tinalukbong ng pinsan mo itong kumot sa akin." Nakasimangot na sumbong ko.
He chuckled. "Cute!"
"Ha?"
"Ha? Hakdog!"
Nanlaki ang mga mata ko't bagsak ang pangang napatitig kay Travis. Malakas na tumawa ito dahil sa reaksyon kong epic.
Tumikhim muna s'ya bago sumeryosong muli.
Grabe! S'ya lang ang lalaking kilala ko na ang bilis magbago ng expression in a second.
"Gusto ko munang humingi ng pasensya sa mga nagdaang araw na masama at malamig ang naging pagtrato ko sa'yo. It's just that... I'm just overreacting on something. But when you leave to visit your family, iba ang naging impact sa'kin. And I realize something... ayokong nawawala ka sa paningin ko, lalo na kung hindi tayo okay. I'll make it up to you, this time, hmmm."
I bit my lower lip to compress the smile that wants to escape from it.
Ang tampong nararamdaman ko nang dahil sa pag-iwas at pagsusungit n'ya sa akin ng hindi ko nalalaman ang dahilan ay parang yelong bigla na lang nalusaw. I felt warm butterflies on my stomach, na alam kong s'ya lang ang kayang makapagparamdam sa akin.
"Alam kong matagal mo nang gustong malaman ang totoo tungkol sa aming tatlo, hindi ba? And you're doing it in your own. Alam ko ring natatakot ka sa amin—sa akin. Kaya ngayon, kailangan mo ng malaman ang totoo. But before that, just calm down and don't freak out, okay? Are we clear, Arissa?"
Tango lang ang tanging naisagot ko sa kanya.
Ang mga mata n'yang nakatuon lang sa aking mga mata at ganoon din ako. And with that, the color of his eyes changed. Ang kaninang kulay green ay biglang naging ginto. At para akong sinisilaw nito sa ganda.
"We are something else entirely... existing between the living and the dead."
"You mean?"
"But we're different. Pinanganak kaming pure blooded. We're vampires, Arissa."
Halos huminto ang oras maging ang paghinga ko sa narinig mula sa bibig ni Travis.
"B-bampira?"
Bampira? Ibig sabihin—
Bumalik sa ala-ala ko lahat ng weird at kakaibang nangyari at nakita ko simula nang makilala ko sila. Iyong pakiramdam na tila may mabikis na hanging dumaan sa kung saan, iyong lalaking may pulang mata at matutulis na pangil, 'yong kulay ng balat nila na akala mo ay nakagluta sa puti at para bang wala ng dugong dumadaloy sa katawan. Kaya pala ang temperatura nila ay hindi normal para sa taong nabubuhay.
They're like a corpse—not just like, because they're really are.
Kaya rin pala ayaw nila sa bawang. Kaya pala kung magreact na lang sila noon sa pagkain ng tao ay akala mo'y hindi sila kumakain no'n, iyon pala hindi naman talaga kasi nga hindi sila tao. Mga bampira sila. At ang mga bampira, dugo at fresh flesh of human ang kinakain.
"As I've said, we're different. Hindi kami katulad ng mga bampirang napapanood n'yo sa mga movies at nababasa sa libro. Our ancestors are pure blooded but, different from vampires who's drinking human blood. Simula sa mga kauna-unahang Cordova Clan hanggang sa aming natitira ngayon, naipamana nila ang kakayahang hindi masunog sa sinag araw at kayang kontrolin ang uhaw sa dugo ng tao. We drink blood of wild animals and eat fresh meat from them too. We don't suck human blood and kill them afterwards. Maliban na lang kung..."
Humigpit at kapit ko sa kumot habang hinihintay ang sunod na sasabihin ni Travis.
"Maliban na lang sa mga araw na isinumpa. Ang araw ng kabilugan ng buwan at ang araw na tatapat ang araw sa buwan."
"E-eclipse."
"Yes, especially when the moon shut like a blood."
"B-blood Moon."
"Sa mga araw na nabanggit ko, mahirap para sa amin ang pagkontrol ng uhaw sa dugo ng tao. Lalo na kung malapit lamang ang pinanggagalingan ng amoy ng dugo. Malakas ang pang-amoy ng tulad namin sa dugo kapag full moon. At kapag nakaharap na kami sa tao, mahirap na sa amin ang pagkontrol sa...."
Travis sighed deeply before looking away from me. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pag-iwas n'ya ng tingin. At nang ituloy n'ya ang sasabihin, doon na nga ako kinain ng takot at kaba.
"Tawag ng laman. Thirst and lust will invaded our whole being. We become monsterious at different from who and what we really are. At iyon ang aking... kinakatakutan at iniiwasang manguari. Because it happened to me... once."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top