CHAPTER 40
OH EM GIE!!! Nasa exciting part na tayo mga bampirang nakagluta! ^^ rawr~
CHAPTER 40
HINDI ako naniniwalang dahil lang sa pagkabigla kung kaya't mabilis ang naging reflex ni Travis sa ginawa ko. He can move at faster than the human eye for goodness' sake!
Totoo nga ang narinig ko mula sa kanila ni Tyron, hindi sila ordinaryong tao. May kakayahan sila na hindi kayang gawin ng normal na kagaya ko.
They're imortals. What do I expect?
And what kind of imortals they are? That's what I'm going to find out.
"Arissa ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Are you nuts? What if tinamaan mo ako ng kutsilyong 'yon?"
"As if matatamaan ka nga," bulong ko. Pero mukhang narinig naman n'ya dahil sa pagbabago ng kanyang expression sa mukha.
Nabura na ang gulat na mga tingin at napalitan ng pagtataka. Malalim rin ang titig nito sa akin na akala mo'y binabasa ang iniisip ko.
He can read minds, so kailangan kong higpitan ang harang na nakapalibot sa isip ko.
I don't know kung gumagana nga ba ang ginagawa ko, dahil hindi ko naman talaga alam kung paano. Basta iniisip ko lang na may pader na nakaharang sa utak ko. Then, boom! 'Yon na 'yon.
Dahan-dahan na lumapit sa akin si Travis. Naka-kunot ang noo na may mapanuring mga tingin.
"What are you up to, Arissa? Hmm? Tell me," mahinahon ngunit may diing bulalas ni Travis.
Hindi pa rin n'ya inaalis ang titig sa mga mata ko habang naglalakad palapit, na para bang hinihipnotismo ako para lang umamin sa gusto kong gawin.
"I'm not trying to do anything, Sir Boss. Ang tawag sa ginawa ko kanina, practice. Gusto ko kasing sumali sa palaro ng dagger sa school. Pasensya ka na kung ikaw ang napag-practice-san ko."
"I'm not that fool, Arissa. Again, what are you up to, my sweet little secretary? Hmm?"
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero feeling ko may kung anong mahika ang pilit na komokontrol sa isip ko.
Damn! Hindi 'to maaari.
Travis is trying to manipulate me using my mind.
Pilit na pinigilan ko ang sarili sa nais na ipagawa sa akin ni Travis. Mabilis na umiwas ako ng tingin sa kanya. Mukha naman s'yang nagulat dahil tila hindi tumalab ang ginawa n'ya sa akin.
"The f*ck?!" Gulat na bulalas n'ya.
"Yeah, the f*ck!"
At dahil wala pa sa akin ang kanyang atensyon, hindi ako nag-atubiling tumakbo palabas ng kusina. I use my full speed para makalayo sa kanya, ngunit nabigo ako.
Wala pang ilang segundo'y natagpuan ko na lang si Travis na nakatayo sa aking harapan. Ni hindi man lang ito hiningal sa pagtakbo para maunahan ako. O baka nga hindi ito tumakbo.
He has this not so natural speed for a human. So, anong aasahan ko? Syempre, kahit saan ako tumakbo, hindi ko s'ya matatakasan. Maaabutan at maaabutan pa rin n'ya ako.
"A-anong..."
"Tryin' to escape, eh?"
Napaatras ako sa gulat. And once again I tried to run back to the kitchen but no avail. Mabilis na naharangan na naman n'ya ako. But this time, hinablot na n'ya ang aking braso para pigilang muling tumakbo papalayo.
"Arissa, stop it now, will you? Ano ba kasing gusto mong patunayan?"
Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak n'ya.
"ANO BA! BITAWAN MO NGA AKO!"
"NO! Not until you stop."
"Fine!" pagsurrender ko. "Bitaw na."
Binitiwan naman n'ya ang braso ko. And that's the cue to escape again. Hindi agad nakarecover si Travis kaya naman walang hadlang na nakarating ako sa kusina.
Agad kong kinuha ang tatlong steak knife at tinago iyon sa aking likod.
"Arissa please, stop running! Wala tayo sa laro para maghinabulan. At kung ano man ang tumatakbo sa isip mo, tigilan mo na ngayon din. Dahil hindi mo alam kung anong ginagawa mo."
"Alam ko kung anong ginagawa ko, Travis. At kung hindi ko sa'yo mahahanap ang sagot, pwes! Hahanapin ko sa iba."
"Arissa stop playing around. This is not a joke so please, just stop!"
Mahinahong pagpigil n'ya ngunit bakas sa kanyang mukha na nagtitimpi lang ito na huwag ilabas kung anong hinahanap ko.
Kailangan ko s'yang galitin para makita ko ang totoo. Alam kong delikado, but still, I need to know.
"Umalis ka d'yan Travis, sinasabi ko sa'yo masasaktan kita." As if kaya ko 'yon, baka nga ako pa ang saktan n'ya eh.
"Arissa I'm telling you, you can no longer escape from me if you continue what you're doing right now."
"Sinabi nang umalis ka d'yan sa daan eh!"
Pinatatag ko ang aking boses.
Kahit na nanginginig na ako sa takot ay pinilit ko iyong tinago. Ayokong makitaan n'ya ako ng pag-aalinlangan o kahit na konting kaba man lang.
Huminga s'ya ng malalim bago gumilid para bigyan ako ng daan. Nang hindi na s'ya nakaharang sa may pintuan, kumaripas na ako ng takbo palabas ng kusina. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa second floor.
Saglit na huminto ako upang sumagap ng hangin.
"Arissa—"
"AAAHHHHHHH!"
Dahil sa gulat ay naitaas ko ang aking kamay na may hawak na kutsilyo.
"F*ck!"
"Oh my god, Travis! I'm so sorry!"
Sinalag ni Travis ang kutsilyong tatama sana sa kanya gamit ang kanyang braso. Dahil hindi naman n'ya alam na may hawak akong matalim na bagay, hindi n'ya inaasahan ang sunod na nangyari.
Dumaloy ang dugo madaming dugo sa nasugatan n'yang braso.
"T-travis..."
Nabitawan ko ang kutsilyo dahil sa takot . Nahulog iyon sa sahig na gumawa ng matinis na ingay. Nanginginig ang kamay na lumapit ako sa kanya.
"T-travis may sugat ka. Kailangan nating gamutin."
Akmang hahawakan ko na sana s'ya sa braso, nang matigilan ako.
I gasped in shock on what I saw.
Unti-unting naghilom ang mahaba at may kalalimang sugat ni Travis. Maging ang mga duhong umagos sa kanyang braso ay tila nawala na parang bula.
Napaatras ako gulat at the same time ay takot.
"P-paanong... nangyari 'yon?"
Hindi ko mapigilang hindi mautal habang nagsasalita. Patuloy rin ang pag-atras ko dahil sa gulat. Nangingilid ang luhang inangat ko ang tingin pabalik sa mukha ng lalaking kaharap ko.
Ang dating kulay berdeng mga mata ay naging kulay ginto na.
"A-anong klaseng nilalang ka? Paano mo nagawa 'yon? Sino ka ba talaga? Sabihin mo naman sa'kin oh. Alam kong hindi ka—hindi kayo tao. May abilidad kayo na hindi kayang gawin ng normal na tao. H-hindi... hindi kayo tao!"
Naghi-histerical na ako.
Nabahala naman si Travis dahil doon. Kitang kita sa mukha n'ya ang pangamba.
"Arissa..."
That voice!
Mas lalo lang akong kinabahan ng mapagtanto ang isang bagay.
Kaya pala pamilyar sa akin ang boses ng lalaking palaging dumadalaw sa aking lanaginip, ay dahil pamilyar naman pala talaga ito sa akin.
Namutawi sa aking ala-ala lahat ng mga nangyari simula umpisa. Mula sa mga nakakakilabot na imahe sa panaginip ko, iyong lalaking may pangil at pulang mga mata, iyong lalaking nakikita ko na akala ko'y multo ay s'ya lang pala.
Si Travis lang pala.
Wala akong kaalam-alam na ang lalaking inaakala kong multo na nananakot lamang sa akin ay ang lalaking kasama ko lang pala sa mansion na ito. Ang boss ko! Ang inakala kong imahenasyon lang ay totoo pala.
Ang galing!
Nalinlang ako ng lugar na ito, maging ang mga taong kasama ko—ah, hindi nga pala sila tao.
I felt my both hands trembled.
Fear invaded my whole being. Fear because of the man infront of me. Ramdam ko rin ang panlalambot ng magkabila kong tuhod dahil sa panghihina. Binundol ako ng matinding kaba nang lalapit sana sa akin si Travis, pero agad ko itong napigilan.
Hindi ko akalain na kakainin ako ng kaba't takot sa kalokohang 'to.
No'ng pinaplano ko pa lang ang gagawin ko, ang lakas-lakas ng loob kong gawin. Pero ngayon, nanginginig na ako sa takot.
"H-huwag! H'wag kang lalapit sa'kin! Please, h'wag!"
"Arissa, I'm sorry okay?! I'll explain everything... everything you want to know. But before that, please, calm down."
"Inuutusan mo akong kumalma? Put*ng*na naman Sir Boss! Kalma? As in KALMA? Paano ako kakalma kung simula pa lang hindi pala mga tao ang nakakasama ko, nakakasalamuha ko araw-araw? Do you want me to f*cking calm down when in fact my freaking boss is what? A monster? A ghost? Or an alien?"
Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko.
"Tell me Mr. Cordova, what are you? What kind of monters are you?"
Hindi s'ya sumagot. Nanatiling nakatitig lang s'ya sa akin.
"Ayaw mong sumagot? Sige! Sig—"
"Hey, you both! Anong ginagawa n'yo d'yan? Filming some romantic scene in a movie?"
Napalingon kami ni Travis sa lalaking nagsalita. Nakatayo habang nakadungaw sina Tyron at Sage sa railing ng third floor.
May ngising nakapaskil sa labi ni Tyron, samantalang walang pakeng nakahalukipkip sa gilid n'ya si Sage.
"WALAKAMPAKE!" makalas na sigaw ko.
Pagkatapos ay mabilis na dinampot ko sa sahig ang steak knife na nabitawan ko kanina. Walang pag-aalinlangang hinagis ko iyon papunta sa pwesto ng dalawa.
At katulad ng inaasahan, walang kahirap-hirap na napigilan ni Tyron ang papatamang kutsilyo sa kanya.
Bakas ang matinding gulat sa mukha nito. Marahil ay dahil hindi n'ya iyon inaasahan. "Woah, woah, woah! What was that, Dollface?" Taas-kilay na pahayag nito na nagtatakang tumingin sa akin.
Kahit si Sage na kanina ay hindi mo makikitaan ng pakielam sa kung ano man ang naabutang nangyayari sa pagitan namin at ng kanyang pinsan, ngayon ay nakataas na rin ang isang kilay nito't tila nagkaroon ng interest sa nangyayari.
"Arissa, calm down first, will you?"
Bumalik kay Travis ang paningin ko nang magsalita itong muli.
"No, not gonna happen."
Mabilis kong dinampot ang isa pang steak knife na nasa sahig malapit sa akin.
"Arissa—"
Tinutok ko kay Travis ang talim ng kutsilyo na ikinabigla nito, maging ng dalawang nasa itaas ay nagulat din sa ginawa ko. Kahit ako naman ay hindi na rin alam kung ano nga bang pinaggagawa ko.
"Arissa..."
Akmang lalapit si Travis nang magsalita ulit ako.
"D'yan ka lang! D'yan ka lang at h'wag na h'wag kang lalapit."
Tinutok ko rin ang kutsilyong hawak kina Tyron na ikinataas nito ng dalawang kamay.
"Woah! Chill, Dollface! Alam mo bang kaya kong kunin ang kutsilyong hawak mo nang walang kahirap-hirap?"
Alam ko Tyron, alam ko.
"At alam mo rin bang kaya ko ring itarak ang kutsilyong 'yan sa dibdib mo. You know, I will not hesitate to do that if you don't put down that f*cking knife, Dollface!"
Napaiktad ako at napahakbang paatras nang lumakas ang boses ni Tyron.
"Sec!"
Mariing suway ni Travis sa pinsan. Pero hindi iyon pinakinggan ng huli. Tumalim ang pagkakatitig ni Tyron sa akin at nakita ng dalawa kong mga mata na nagbago ang kulay ng mga mata n'ya.
Those ocean like eyes suddenly change into a silver one. Ang intesidad ng pagkakatitig n'ya sa akin ay para bang ako'y pinapaso nito.
Damn it, I can't breath!
Mukhang napansin naman iyon ni Travis kaya dagli n'yang nilapitan ang pinsang hindi ko alam kung anong ginagawa sa akin.
"I said stop it Sec! Damn it! You'll kill her!" Malakas na sigaw ni Travis kay Tyron.
Natauhan naman ito sa ginagawa at pakiramdam ko'y nawala rin ang bigat sa dibdib ko.
I gasped for air.
"P-papatayin ko ba talaga ako?" mahina at nanghihinang bigkas ko.
"Uno, what the f*ck is happening?" For the first time in history, naka-adjust na sa nangyayari si Sage at nakapagsalita na ito.
Pero laking gulat ko nang matagpuang nasa harap ko na ang lalaki. Isang dangkal ang layo mula sa akin.
"Crazy witch, you're really crazy eh? Alam mo bang ikapapahamak mo ang ginagawa mo?"
Alam ko, Sage, alam ko. Muntik na nga akong mapatay ng pinsan mo awhile ago eh.
"D-don't you ever come near me. I-i swear..."
"Swear what? Hmm?"
Dahil sa takot na makalapit sa kanila, muli akong humakbang paatras. Ngunit, hindi ko alam na ang ginawa kong iyon ay s'yang magpapahamak sa akin.
"AAAAHHHHHHHHHHHH!"
"ARISSA!"
"DOLLFACE!"
Nawalan ako ng balanse dahil sa ginawa kong pag-atras at hindi ko alam na edge na pala iyon ng second floor.
If katapusan ko na po ito Lord, kayo na pong bahala sa mga kapatid ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang pagbagsak ko sa ibaba. Ngunit, ilang minuto pa'y hindi ko naramdaman ang malakas na pagbagsak ko sa semento. Wala akong naramdamang kahit anong masakit sa katawan ko. Bagkus ay para pa nga akong lumulutang.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. At sa pagmulat ko'y isang pares ng berdeng mga mata ang bumungad sa akin.
Travis is now holding me in a bridal way.
Does it mean...
"I won't let you fall, Arissa. And even if it happens, I'll never hesitate to catch you. Sabay tayong mahuhulog, my sweet Arissa!"
"T-travis..."
"So I'm begging you, please... please don't do that again. Hmm?! Huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo. Dahil hindi ko maipapangako na palagi akong narito para iligtas ka. Kasi kahit sa sarili ko, hindi ako sigurado kung ligtas ka rin ba."
Berdeng mga mata ni Travis na puno ng senseridad at pag-aala ang huli kong naaalala, bago tuluyang dumilim ang aking paligid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top