CHAPTER 4
CHAPTER 4
NANG MALAMAN ko na sila ang mga Cordova-iyong apelyedo ng pinag-aapply-an ko ng trabaho, parang gusto kong magpalamon ng buhay sa lupa.
Paano kung hindi nila ako tanggapin, di ba?
Knowing na kung anu-anong pinagsasagot ko kanina nang tanungin ako ng lalaking nag-ngangalang Sage Trevour. Iyong lalaking walang emosyon at parang laging galit sa mundo. Sabi nga ni Tyron Ryven, allergic daw ito sa babae.
Meron bang gano'n?
Pero hindi ko na dapat isipin iyon, ang dapat kung intindihin ay ang pag-aapply ko. Sayang ang malaking sahod kung hindi ako makakapasa. Malaking tulong iyon sa aming magkakapatid.
"Ah, actually..." napapakamot ito sa ulo. "Wala pa iyong taong pagtatrabahuhan mo, mismo. Malaki ang galit niyon sa mundo kaya chill and relax ka lang muna, dear. We're just here to interview you and talk about the contract."
"And speaking of the contract-pwede ba tapusin na natin ang usapang ito? May pasok pa ako." Iyamot na wika ni Mr. Sage saka muling naupo, but this time ay sa pang-isahang sofa na. Tapos ay may kung anong papel itong kinuha sa drawer.
May pasok pa ito? Sa work o school?
Gusto ko sanang itanong kung may eskwelahan pang nagsasagawa ng night classes ngayon, pero baka masinghalan na naman ako. Nakakatakot kaya itong mainis, parang mangangain ng buhay.
Sumunod naman ako sa kanila at naupo rin sa upuang paharap sa dalawa. Naka-upo na ulit si Mr. Tyron sa kaninang kinauupuan nito, ni hindi ko manlang namalayan.
Bakit parang ang bilis nilang kumilos?
"So, as Tyron said a while ago, we're here to talk about the contract for the Young Master Travis Zaden Cordova's secretary. Kung makikita mo, may dalawang kontrata dito."
Nilapag ni Mr. Sage ang sinasabi nitong papel sa center table at nilapit sa harapan ko.
"This one is for the corporate secretary position." Tinuro nito ang papel na nasa kanan ko. "Two hundred dollars for a month with health and insurance benefits. Five days in a week ka lang papasok dito sa Azula HR, may sarili kang office and 12-hours ang duty mo. Ikaw ang gagawa lahat ng naiwang trabaho ng dating secretary dito. Six-month contract lang ito and after six months ang Young Master ang magdidisesyon kung kukunin ka n'yang regular employee." Pagkatapos ay itinuro naman nito ang papel na nasa kaliwang bahagi. "This other contract is for personal secretary position. One hundred dollars per day with health and insurance benefits, groceries and one sack of rice for your family every week, with car incentives, meal incentives, and daily allowance. Bibigyan din ng libreng room accommodation and services ang pamilya mo dito sa Azula HR. Magiging personal secretary ka ng Young Master for a year-if makakatagal ka. This is for four-year contract. Kapag natagalan mo ang Young Master he'll decide if he will extend your contract. May mga araw na hindi pumupunta dito ang Young Master at may mga araw na naririto s'ya. So, if you gonna choose to be his personal secretary, hindi mo na kailangan pumasok pa araw-araw, pero may sahod ka."
Napaawang ang bibig ko.
Wow! As in wow!
Ang laki ng pagkakaiba ng dalawang kontrata. Anong pipiliin ko? Kung corporate secretary, five days akong papasok ng 12-hours and if personal secretary naman, work from home ako.
"So...." Itinukod ni Mr. Sage ang dalawang braso sa mesa at dumukwang palapit sa akin. "What will you choose, then?"
I gulp.
Hindi dahil kinakabahan ako sa kung anong pipiliin ko, kundi dahil sa napaka-intense na titig ng lalaking nasa harapan ko.
Geezzz...
Alam kong nakakatakot talaga s'ya, pero mas nakakatakot pala ito kapag tumitig na sa'yo.
"Hey, 'couz! H'wag mo namang takutin si dollface."
Napunta kay Mr. Tyron ang paningin ko. "Dollface?"
"What? Why? What's wrong with that? Just don't mind me and choose immediately. Baka kapag natagalan ka pa ay bigla ka na lang bumulagta d'yan. Nakakatakot ma-late ang isang Sage Trevour sa klase."
So, may pasok nga ito?
Bumalik kay Mr. Sage ang atensyon ko. "Ahmm... kapag po ba-"
"Can you please drop the po and that Mr. with my name?" May inis na putol nito sa sasabihin ko.
Napataas ang isa kong kilay.
Paano n'ya nalaman na may Mr. ang pangalan n'ya kapag binabanggit ko sa aking utak?
"Paano n'yo po-I mean paano mo nasabing may Mr-"
"It's obvious, ofcourse. I can read you f*cking min-"
"Easy, easy, ladies and gentleman. May party pa akong pupuntahan kaya tapusin na natin 'to. Pwede?" Sumingit na si Mr. Tyron kaya naman napatigil na kami. "And oh, drop the Mr. alright?"
Napatanga ako.
Papaano nila nalalaman ang iniisip ko? May mind-ano bang tawag doon? Mind reading?
Iyon nga! Shocks! Paano kung... kung may iba pa silang nabasa sa iniisip ko? Ahhh! Nevermind!
"Don't worry, hindi namin ugaling alamin lahat ng iniisip mo. Sadyang bothered lang talaga ang pinsan ko sa word na Mr. Mukha ba kaming matanda sa lagay na ito?"
Umiling naman ako.
"So, ano na?"
"Kapag ba pinili ko ang personal secretary paano ko magagawa ang trabaho ko kung hindi ako papasok at nasa bahay lang?"
"Ah, we forgot about that thing. Kapag personal secretary ang pinili mo, sa Mansion ka titira kasama ng Young Master at doon mo gagawin ang trabaho mo. Which is ang pagsilbihan at sundin lahat ng utos ng Boss mo, bilang secretary n'ya ofcourse.." Nangilabot ako sa huli nitong sinabi. Para bang mag ibang laman iyon.
O baka ako lang?!
"S-Sa Mansion titira? Kasama ng magiging Boss ko?"
"Kung... tatanggapin ka."
"S-Sige po... iyon ang pipiliin ko."
Wala namang kaso sa akin kung saan ako titira, basta ba may matutuluyan ako eh. Isa pa, trabaho lang naman ang ipupunta ko roon at hindi ang ibang bagay. Sobrang laking tulong talaga para sa aming tatlo ang benefits ng pagiging personal secretary ng Young Master.
May sumilay na kakaibang ngiti sa labi ni Tyron. At kung hindi ako namalik-mata, bahagyang napangisi rin ang masungit na si Sage dahil sa sinagot ko.
Kinabahan ako sa paraan ng kanilang pag-ngisi. Pero hindi ko na lang iyon pinansin, baka kasi kulang lang ako sa tulog kaya kung anu-anong nakikita ko.
Pumalakpak si Tyron. "Perfect!" May inilabas itong ballpen mula sa bulsa saka inabot iyon sa akin. Kinuha naman nito ang isang kontrata na hindi ko pinili saka iyon pinunit.
"Sign this first then we'll done." Tukoy n'ya sa natitirang kontrata.
"Pero hindi ko pa alam kung tatanggapin ba ako ng Young Master o hindi."
"It's okay! Akong bahala sa'yo. Nararamdaman kong matatanggap ka. I really smell something sweet... right here."
Tumaas ang mga balahibo ko sa batok nang bigla na lamang itong lumapit sa likuran ng inuupuan ko at inilapit ang mukha sa may leeg ko.
Sobrang bilis ng naging kilos nito kaya nagulat ako.
"Really... really... sweet..." mahinang bulong nito na nagpataas ng balahibo ko sa batok kaya agad akong napatayo.
Nakakakilabot.
"TYRON RYVEN!!!" May pagbabanta sa boses ng pinsang si Sage. "Stop that and just go. Baka ikaw ang bumulagta d'yan maya-maya kapag hindi ka pa nagtigil."
"Fine, fine, fine! I'm outta here." Sage uttered. Bumaling ito sa akin pagkatapos. "We'll see each other again, my sweet dollface." Then he winked at me again before leaving out the room.
Bumalik ako sa pagkakaupo na may kaunting pag-aalinlangan.
Na-trauma ata ako sa lalaking iyon. Bakit kasi bigla-bigla na lang lalapit tapos aamuyin pa ako? Nakakabigla kaya. May lahi ba s'yang aso?
Nakita kong may hawak nang libro si Sage at nakasuot na rin ito ng salamin sa mata. Titig na titig ito sa librong binabasa.
"Ahmm.. may pasok ka pa 'di ba? Hindi ka pa ba aalis? Baka malate ka na at ako pa ang sisihin mo."
"We'll wait for my cousin then aalis na rin ako." Sagot nito nang hindi inaalis ang tingin sa libro.
"Oh-kay?!"
Cousin? Ah, siguro iyong isa pa nilang pinsan na nangangailangan ng secretary.
Pinagsawa ko ang aking paningin sa kabuoan ng opisina nang may malalakas na ingay akong narinig mula sa labas ng kwarto.
Kahit si Sage ay napatigil din sa pagbabasa at umangat ang paningin, patungo sa kinaroroonan ng pintuan.
"They're already here."
Hindi ko inalis ang tingin sa may pintuan, hinihintay ang pagpasok ng mga taong nag-uusap-let me correct it-nagtatalo pala.
"HINDI KO KAILANGAN NG SECRETARY! Ilang beses ko bang sasabihin iyon Hanz? Hindi ko kailangan ng isa pang istorbo at sagabal sa trabaho ko. Kaya kong gawin ang mga ginagawa ng isang sekretarya, for goodness' sake."
"Pero Travis... Alam kong kaya mong gawin ang mga iyon, pero kabawasan na rin iyon sa mga trabaho mo. Hindi ka habangbuhay na ganito na lang. You need to be happy and enjoy life, also. Hindi ka robot-"
"Ofcourse I'm not. At mas lalong hindi rin ako tao-What's that smell?"
Tumigil ang mga papalapit na ingay sa labas. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Para bang may malamig na hanging dumaan sa likuran ko na hindi ko nakikita.
Ano iyon?
Simula nang tumungtong ako sa lugar na ito, kung anu-ano na ang napapansin at nararamdaman ko.
Hindi kaya totoong naeengkanto ako?
Pero may engkanto ba sa ganito kagandang lugar? Ang engot ko talaga. Siguro kulang lang talaga ako sa tulog. Kapag natanggap ako sa trabahong ito, siguro naman pagbibigyan nila ako na tumulog ng mahaba-habang oras, 'di ba?
Wala naman sigurong overtime?
Quota na talaga ako sa puyatan.
"May ibang TAO sa opisina ko? Nagpapasok ka ng ibang tao sa loob ng opisina ko? And what the hell? I can smell Sage inside."
"Young Master-"
"Not now, Hanz! May ibang taong nakapasok, ah no, may ibang taong pinapasok sa opisina ko."
Nakarinig kami ng mga mabibigat at nagmamadaling yabag mula sa labas.
I heard Sage chuckled.
Ah, what's funny?
"You! You're funny."
Nagulat ako nang sabihin iyon ni Sage. Nasa ibabaw na ng mesa ang suot nitong salamin kanina.
"Ah, pwede bang huwag mong basahin ang iniisip ko? At paano ka natutong ng mind reading?"
"None of your business! And if you don't want me to read what's on your mind, stop thinking anything."
Napangiwi ako. Eh, pwede ba iyon?
Nakarinig kami ng malakas at marahas na pagbukas ng pinto, kaya bumaling ang tingin ko roon.
Pumasok ang isang lalaking matangkad, siguro mas mataas ng konti kay Sage. Kulay black na parang dark blue at may halong puti ang buhok nito. Bumagay iyon sa matapang nitong itsura. At katulad ng dalawa, sobrang puti rin nito at angat na angat ang kulay ng balat dahil sa suot na black long sleeve polo at itim na slacks na pinaresan ng itim na sapatos. Matikas ang tindig nito at nagsusumigaw ng kadominantihan.
Pero ang umagaw ng atensyon ko ay ang kulay berde nitong mga mata.
His flamming green orbs is intently staring back at me, questioning who I am.
"Who is she?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top