CHAPTER 39

CHAPTER 39


AYON kay Kuya Migs na s'yang naghabilin ng ilang bagay sa akin pagkabalik ko sa mansion, tuwing second full moon daw ay hindi nananatili ang tatlong magpipinsan dito sa mansion.

Hindi n'ya sinabi kung bakit. Hindi na rin naman ako nagtanong.

Pero nakapagtataka.

Basta ang habilin daw ni Travis pagkabalik na pagkabalik ko, huwag akong lalabas ng aking kwarto pagsapit ng alas-dies ng gabi. Maglock agad ng pinto at bintana pagpasok ng kwarto. At higit sa lahat, huwag maging matigas ang ulo at sundin ang utos nito.

Katulad nang mga unang araw ko noon dito sa mansion.

Wala namang pasok sa trabaho si Mr. Smith at maging sina Nanay Wilma kaya talaga solong solo ko ang buong lugar.

At isa lang ang masasabi ko.

Nakakabagot.

Wala akong magawa dahil wala namang inihabilin na kahit anong trabaho ang boss ko. Tuwing hapon lang talaga ako nakakalabas ng mansion para pumasok sa school. At obligasyon ni Kuya Migs na sunduin ako sa hapon at ihatid pabalik sa mansion pagtapos ng klase.

Kahit sa school, hindi ko rin mahagilap si Sage. Wala naman akong mapagtanungan dahil nakakatakot kung makatingin sa akin ang ilan kong kaklase.

Hinayaan ko na lang. Siguro busy kang ito kasama ng dalawa pang pinsan sa kung saan man.

Simula nang bumalik ako ay tatlong araw na ang lumilipas pero hindi pa sila bumabalik. Medyo nag-aalala na ako dahil wala akong kaalam-alam kung nasaan ba talaga sila or kung anong pinagkakaabalahan nila.

Pero palagi namang sinasabi ni Kuya Migs na okay lang naman ang tatlo.

Iniisip ko na lang na tungkol sa kanilang properties at businesses ang inaatupag ng mga ito. At para hindi ako mag-overthink, binubuhos ko na lang ang oras ko sa homeworks and portfolios.

Kinabukasan, nagising akong may ingay na naririnig mula sa labas ng kwarto.

Kahit bagong gising pa lang at hindi pa nakakapaghilamos ng mukha, dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagtatakbong bumaba.

Muntik pa nga akong madapa at magdire-diretso paibaba ng hagdan. Mabuti na lang at nakahawak agad ako sa railing bago pa ako sumalampak sa carpeted floor sa unang palapag.

Gulat at nagtataka ang mga expression ng tatlong lalaking naabutan ko sa living roon nang mapatingin sa akin. Ang kanina'y magulo at tila nagtatalo ay biglang natigil dahil sa grand entrance na ginawa ko.

Unang nakabawi sa gulat si Tyron. As always.

"Oh, hey Dollface! Are you that excited to see us? By the way, nice pajamas."

Nag-iwas ako ng tingin nang mapadako ang aking mga mata sa lalaking katabi nito. Travis. Nakakunot ang noo na para bang hindi gusto ang nakikita. Sungit.

Umayos ako ng tayo at normal na naglakad pababa ng hagdan.

"Magandang umaga!" mahinang bati ko.

"Good morning too, crazy witch! So, ganyang pala ang itsura mo kapag bagong gising," nakangising wika ni Sage.

Nagtaka naman ako kaya mabilis na napatingin ako sa maliit na salaming nasa ibabaw ng mesang nadaanan ko. Kumunot ang noo ko nang wala naman akong makitang katawa-tawa sa aking itsura.

Bumalik ang tingin ko kay Sage.

"What do you mean?"

"Sexy," si Tyron ang sumagot.

Muntik na akong ma-out of balance sa narinig. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge. Mabilis na nabitawan ko ang salamin at mabilis na tumakbo pabalik sa itaas.

What a nice morning, eh?!

Bago pa ako tuluyang makaakyat narinig ko pa ang malakas na tawa ng dalawa, maging ang pagsaway ni Travis sa mga ito.

Kahit na medyo hindi nice ang pag-welcome ko sa kanila, kahit papaano, napangiti pa rin ako.

Dahil alam kong nagbalik na sila.

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang lamig ng hangin sa aking katawan.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong bukas ang bintana ng aking kwarto. Nililipad ng may hindi kalakasang hangin ang pulang kurtina nito.

Inayos ko muna ang suot kong roba bago bumangon. Para sana isarang muli ang bintana na ang alam ko ay nilock ko kanina bago ako matulog.

Paano ito nabuksan kung ganoon?

Nang masiguradong lock na ang bintana, bumalik na ulit ako sa kama. Napatingin ako sa bedside table kung nasaan ang maliit kong orasan.

"Alas-onse pa lang?"

Gabi pa pala? Akala ko madaling araw na eh.

Kapag ganitong katutulog ko pa lang tapos nagising na lang bigla, hirap na akong makatulog ulit.

Nakatitig lamang ako sa kisame ng kwarto. Gusto kong lumabas pero natatakot ako. Sanay naman na ako dito sa mansion, pero kapag nag-iisa na ako, hindi ko mapigilang hindi kilabutan.

Lalo na kapag naaalala ko ang ilang imahe na palaging dumadalaw sa aking panaginip.

Imahe ng isang lalaki.

Hindi ko maaninaw ang itsura nito pero pakiramdam ko kilala ko ang taong ito. Ngunit isang bagay lamang ang ikinakatakot ko.

Hindi ito isang normal na tao.

Bampira.

Iyon ang tamang itawag sa lalaking palagi kong nakikita sa aking panaginip.

Gintong kulay ng mga mata na nagiging pula.

Matutulis na pangil.

Hindi ko alam kung totoo o guni-guni ko lang iyon dahil hindi naman totoo ang mga bampira sa panahon ngayon. Sa mga movies at books lamang nabubuhay ang mga ganitong uri ng nilalang at hindi sa totoong buhay.

Pero bakit feeling ko totoo ito?!

Napailing ako bago bumangon. Kailangan kong uminom ng tubig para mahimasmasan.

Sa tuwing naaalala ko ang bagay na iyon, nahihirapan akong matulog sa gabi. Hindi ko naman masabi kay Sir Travis at sa dalawa n'yang pinsan dahil alam kong pagtatawanan lamang ako ng mga ito.

Sa loob ng ilang buwang pananatili ko dito sa Cordova's Mansion, nakikilala ko na ang ugali ng tatlong lalaking iyon. Nasasanay na rin naman ako.

Pero minsan, feeling ko may itinatago silang sekreto.

Iyong mga kakaibang kilos nila na hindi pang normal na tao, iyong kakaiba nilang behavior, panlasa sa pagkain at iba pa ay nagbibigay ng kuryusidad sa akin.

Naghihintay na lang ako ng tamang oras para tuklasin ang kakaibang misteryo sa lugar na ito.

Pagbaba ko sa first floor ay dumiretso agad ako sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at sinalin iyon sa isang baso saka dire-diretsong ininom.

Ramdam ko ang pagka tuyot ng aking lalamunan.

Naibsan ng ginhawa ang nararamdaman ko nang makainom na ako ng malamig na tubig. Hinugasan ko muna ang basong ginamit ko saka iyon inilagay sa lalagyan.

Babalik na sana ulit ako sa itaas, ngunit sa paglingon ko sa likuran ay s'ya ring pagtigil ko dahil sa nakikita.

Shit! May ibang tao dito maliban sa akin.

Hindi ko kasabay sa pag-uwi si Sage at alam kong wala rin dito sa mansion si Tyron. Si Sir Travis naman ay nagtungo sa Azula Hotel dahil ay mga papeles daw itong dapat kunin sa kanyang opisina roon. Si Mr. Smith naman at si Kuya Migs ay kasama ni Sir Travis paalis kanina.

Kaya sure ako na nag-iisa lamang ako dito.

Sino ang taong ito? At paano ito nakapasok gayong mahigpit ang security system ng buong Villa.

"S-Sino ka? Anong ginagawa mo ditong talipandas ka!"

Unti-unti itong naglakad palapit sa akin.

Doon na ako kinabahan. Habot-habot ang kabog ng aking dibdib at hindi ko alam kung saan ako babaling ng tingin habang umaatras.

"H-Huwag kang lalapit! Sinasabi ko sa'yo sisigaw talaga ako." Pero patuloy pa rin ito sa paglapit. "SABING HUWAG KANG LALAPIT—"

Napatigil ako. Pigil ang aking paghinga nang bigla na lamang itong nakarating sa mismong harapan ko.

Napakabilis ng pangyayari.

"S-Sino ka? A-Anong—"

"Arissa..."

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa akin. At hindi ko alam na sa paglinaw ng kanyang itsura ay nakikita ko rin ang bagay na palagi kong nakikita sa lalaking nasa panaginip ko.

Fangs!

This guy in front of me have a pair fang!

Damn!

"Arissa..."

Bakit n'ya ako kilala?

Nang magtama ang aming mga mata, napatigil na lang ako at para bang hindi makakilos.

Ang berdeng mga matang iyon.

Kilala ko kung sino ang nag mamay-ari ng ganoong klase ng magagandang mata.

Ang dating berde ay naging ginto.

Napapikit na lamang ako ng mariin nang maramdaman ang paglapit ng mukha nito sa leeg ko, kasunod ng pagtusok ng dalawang matutulis at malamig na bagay sa parte ng aking balikat.

"T-Travis..."

Impit na napadaing ako sa sakit. And the next thing I know, nilamon na ako ng kadiliman.

NAGISING ako mula sa malalim na pagkakatulog. Pakiramdam ko'y ilang araw akong nasa ilalim ng tubig dahil sa bigat ng aking paghinga.

Ang huli kong naaalala, nasa kusina ako para uminom ng tubig. Paakyat na ako sa kwarto nang biglang may...

"Sh*t!"

Agad na bumangon ako at nagmadaling tumungo sa harap ng vanity mirror. Sinuri kong mabuti ang aking leeg, hinahanap kung may kagat ba ako roon, pero wala naman. Walang kahit anong bakas na may kumagat sa akin sa parteng iyon.

Anong nangyari kagabi? Panaginip na naman ba?

Bumalik ako sa kama at naupo sa gilid. Ilang oras akong nakatulala at pinoproseso lahat ng nangyari. Kung panaginip na naman ba o totoo.

Pero kahit isang katiting na katinuan, hindi ako tinulungan. Nababaliw na yata ako.

"S-si Travis..."

Sigurado akong si Travis ang nakita ko kagabi. At s'ya...

S'ya ang lalaking may pulang mata at mga pangil.

"AAAHHHHHH!"

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa frustration na nararamdaman. Hindi ko na alam! Hindi ko na alam ang totoo o ang hindi sa mga nangyayari at nakikita ko.

At para makompirma ang aking hinala, dapat na akong kumilos.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili, lumabas na ako ng kwarto. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para magluto ng agahan.

Alas-siete pa lang at malamang ay tulog pa ang mga kasama ko.

Habang nagluluto ng steak para sa tatlo, hindi maalis sa isip ko ang imaheng nakita ko kagabi. Even if I'm just imagining things or what I saw is true, gagawa na ako ng paraan para alamin ang totoo.

Sure ako na isang uri ng bampira ang imaheng dumadalaw sa panaginip ko. Pati na rin ang lalaking bigla na lang nagpapakita nowhere.

Ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang presenya ni Travis na papalapit.

Patagong kinuha ko ang bread knife sa lagayan saka iyon hinawakan ng mahigpit. Kahit kinakabahan ay disidido na akong kailangan ko 'tong gawin.

"Good morning, Sir Boss!"

At sa pagharap ko sa kanya'y mabilis na hinagis ko rin ang kutsilyo papunta sa kanya.

Napasinghap ako nang walang kahirap-hirap na nailagan n'ya ito. Tumama ang kutsilyo sa semento. Nahulog ang kawawang kutsilyo, dahilan para gumawa ito ng ingay.

Pero ang ikinabigla ko ay kung paanong mabilis na nagreflect ang senses ni Travis at parang hanging umiwas agad sa kutsilyong papalapit.

"WHAT THE F*CK, ARISSA?!"

Yeah, what the f*ck!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top