CHAPTER 38

CHAPTER 38

TUWANG TUWA sina Moneth at Ranz nang umuwi ako sa bahay, kahapon. Galing sila sa school nang maabutan nila akong nagluluto ng aming hapunan.

Naalala ko pa ang sinabi ni Ranz nang makita ako.

"ATE MONETH!! Ate Moneth may nakapasok yatang magnanakaw sa mansion natin."

Mula sa labas ng pinto ng bahay ay malakas na sumigaw si Ranz dahil bukas ang pintuan.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. I just want them to surprise. At ang makitang bukas ang munti naming tahanan ay nakakagulat na sa kanila.

"Shunga lang, Ranz? Baka naman nakalimutan mo lang na i-lock kaninang umaga."

"Ate sure ako, ni-lock ko ang pinto bago ako umalis."

"Alam mo, tingnan mo na lang kung sinong nasa loob."

"Ayoko nga! Paano kung may kutsilyo o baril na hawak 'yon? Edi nawalan kayo ni Ate Rissa ng gwapong bunso."

"HA. HA. HA. Nakakatawa! Kumuha ka ng pamalo tapos huwag kang maingay, papasok tayo. Dali!"

"Oo na!"

Nagkaroon ng saglit na komusyon sa labas ng bahay. Nang lumingon ako sa likuran ko ay gulat na mukha ng dalawa kong kapatid ang aking naabutan.

"Ate Moneth, multo yata ni Ate Rissa ang nakikita ko. Tingnan mo nakangiti pa s'ya sa atin. Hindi ba ay nasa trabaho s'ya? Sino iyang kaharap natin?"

"Si Ate 'yan, Ranz."

"Si ate? Patay na ba ang ate at nakikita natin ang kaluluwa n'ya ngayon? Dinadalaw na ba n'ya tayo?"

Doon na ako tumawa ng malakas na mas lalong nagpalaki ng mga mata ng bunso kong kapatid.

"SURPRISE! Hindi n'yo ba namiss ang ate?"

"WAAHHHH! Ang ate nga!"

"Ate sobrang namiss ka po namin!"

Agad na tumakbo ang dalawa palapit sa akin saka ako niyakap ng sobrang higpit.

"Sobrang namiss ko rin kayong dalawa."

At tulad ng ipinangako ko na kapag dumalaw ako sa kanila, bibisita kami sa puntod nina Mama at Papa. At ang panghuli, ay mamamasyal kami.

Naririto kaming tatlo kasama si Alexis sa Night market ng San Roque. Fiesta kasi ngayon dito kaya buhay na buhay ang gabi ng baranggay na ito.

Tuwing fiesta sa San Roque ay nagkakaroon ng malaking kasiyahan sa bayan. Nagkalat ang mga tindahan ng kung anu-ano, pagkain man o mga kagamitan. Marami rin ang mga dayo na nagtutungo dito upang makisaya. Maingay ang buong bayan mula umaga hanggang madaling-araw.

"Grabe ate! Sobrang yaman naman ng boss mo. Sana gwapo din 'no?"

Natawa ako sa winika ni Moneth.

Si Sir Boss? Gwapo?

Aba!

Kung may mas gwapo pa sa pinakagwapo sigurado akong iboboto ko s'ya. Kung ang physical na itsura lang din naman ang pag-uusapan, mula mukha hanggang katawan, nawawalan ng trabaho ang mga sikat na modelo kapag si Sir Boss ang itinapat ko.

"Oo nga bakla! Wala ka manlang bang picture ng boss mo? Kahit sikat at kilala ang pamilyang Cordova, wala pa sa kanila ang nagpapakita sa press or magpost ng pictures nila sa social media," segunda naman ni Alexis.

"Beke nemen ate."

Umiling ako. "Wala akong picture eh. Bawal!" pagde-deny ko na lang.

Bakit nga hindi ko naisip iyon?

Wala man lang nga akong picture ni Travis sa phone ko. Psh! Next time, pagbalik ko na lang siguro.

"Ayyy, ang daya naman."

Napailing na lang ako sa dalawa. Kapag talaga sa ganitong usapan ang bilis nilang magkasundo.

"Ate doon lang kami sa rides ah."

"Huwag kayong lalayong dalawa."

"Opo!" sabay nilang sagot bago masiglang nag-unahang tumakbo papunta sa rides station.

"Nga pala Alexis, may alam ka bang pwedeng kuhanin para sa pagpapagawa ng bahay? Nakapag-ipon naman na kasi ako at pwede ko nang ipaayos ang bahay namin."

"Ay naku ka bakla. Iyon lang ba? Marami akong kakilala na gumagawa ng bahay. Hayaan mo, kakausapin ko at baka makakuha pa tayo ng discount."

"Sige, sige."

"Kailan ba?"

"Three days lang ang day-off ko kaya by tomorrow baka pwedeng kausapin na natin sila? Para makapagsimula na rin kaagad."

"Hhmmm... Let see if wala pa silang ibang ginagawa. Tawagan na lang kita later kapag nakausap ko na."

"Walang problema. Salamat talaga Lexi!"

"Ay, wow! Kanina Alexis tapos ngayon Lexi na? Bakla ka!"

"Ikaw kaya ang bakla sa ating dalawa," pagbibiro ko pa sabay tawa.

"Babae ako, babae. Duh!"

"Oo na, babaeng may lawit. HAHAHAHA!"

"Hayop ka talaga!"

Mas lalo lang akong natawa sa nanggagalaiti n'yang itsura.

"Alam mo naman na nandito lang si Pretty Lexi if you need me, right? Simula nang magbanat ka ng buto para sa mga kapatid mo, you know naman na I'm here lang para sa inyong tatlo. Para n'yo na akong pretty godmother, you know that."

"Kaya nga sobrang thankful ako sa'yo. Balang araw mababayaran ko rin lahat ng itunulong mo sa amin ng mga kapatid ko."

"Ano ka ba, huwag mo ng isipin 'yon. Kahit ihanap mo na lang ako ng wafung fafa, bayad ka na."

Pareho kaming natawa sa kalokohan n'ya.

Katulad ng pinangako ni Alexis, tinawagan n'ya ako para iinform na tinanggap ng mga kakilala n'ya ang offer ko. Kinabukasan nga ay sinamahan ni Alexis ang mga ito sa bahay upang pag-usapan ang presyo at kung anong style ng bahay ang ipapagawa ko. At dahil aayusin na ang bahay namin sa susunod na araw, mananatili muna sina Moneth at Ranz sa apartment ni Alexis.

Ang kaibigan ko na rin ang bahalang mag-asikaso dito habang nasa trabaho ako. Sabi ko nga, bibisita na lang ako minsan sa isang linggo. Pero he insist na huwag na akong mag-abala pa dahil pwede namang s'ya na lang.

Naisip ko rin na may pasok din ako sa gabi at trabaho naman sa umaga, isa pa malayo rin ang byahe kung susundin ko ang pasya ko. Kaya sumang-ayon na lang ako sa pag-insist ni Alexis.

Sobrang laking tulong ni Alexis sa akin at sa mga kapatid ko. At darating ang araw na ako naman ang tutulong sa kanya kapag may kailangan s'ya.

And that's what friends are for nga 'di ba.

KINAGABIHAN, bago ako bumalik sa Villa kinabukasan. Another weird things happened to me... again.

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ng mga kapatid ko, nagtungo na kami sa aming kanya-kanyang kwarto upang magpahinga. Maaga pa kasi akong gigising bukas para ipagluto sila ng kanilang babaunin sa school, bago ako umalis.

"Arissa..."

Nasa kalagitnaan ako ng aking mahimbing na pagtulog nang maalimpungatan ako. May tila malamig na hanging dumampi sa aking pisnge na nagpawala ng aking antok.

"Arissa..."

Napabangon ako nang may marinig akong tinig mula sa kung saan.

Malalim ang panglalaking boses na para bang nahihirapan, tila may iniinda itong sakit. Dahilan para dumaloy ang matinding kilabot sa aking katawan.

"M-may tao ba d'yan? S-sino ka?"

"Come to me, Arissa. I need you, please!"

Mabilis na binuksan ko ang switch ng ilaw. Pero wala akong naaninaw na kahit sino.

"S-sino ka muna. Bakit ako pupunta sa'yo? Paano kung masama ka palang tao o kaya'y multo? Ano ka sinuswerte? At saka bakit ba kasi ako?"

Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Nilibot ko ang aking paningin sa loob pero wala naman akong makitang kakaiba. Kung anong ayos ng kwartong ito nang umalis ako, ganoon pa rin ngayong bumalik ako.

"Hoy, sino ka! Magsalita ka, sino ka?"

Kung may makakarinig lang siguro sa akin ngayon, iisipin na nilang nasisiraan ako ng ulo.

Una sa lahat, wala akong kasama dito sa kwarto kaya sinong kinakausap ko? Pangalawa, sino ang nagsasalita? At pangatlo, bakit bukas ang bintana ng aking kwarto?

Ramdam ko ang malamig na hanging dumampi sa aking balat. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso dahil doon.

"Hoy, kung sino ka man hindi na ako natutuw ah. Kung prank man ito, sinasabi ko na sa'yo, malilintikan ka sa'king bwesit ka!"

"Arissa..."

Nagtalukbong ako ng kumot dahil may nagsalita na naman.

Pero ilang sandali pa'y dahan-dahan ding nawala ang boses ng nagsasalita.

"Sh*t naman!"

Mabilis na bymangon ako sa kama para takbuhin ang pagitan namin ng bintana. Naka-bukas ito kaya pumapasok sa loob ang simoy ng malamig na hangin. Hinawi ko ang kurtina saka sumilip mula roon.

"Bakit pala bukas itong bintana? Ang pagkakaalam ko ni-lock ko ito bago ako humiga."

Binaling ko ang tingin sa orasang nasa ibabaw ng mesa. Alas-tres pa lang ng madaling araw.

"Ghost hour."

Muli akong tumingin sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa maliwanag at bilog na buwan. Kitang kita kung anong meron sa labas, pero kahit anong pilit kong pag-aninaw, wala akong makitang kahit sinong maaaring mag-prank sa akin.

At isa pa, medyo mataas ang pwesto ng kwarto ko. Kaya paano makakaakyat kung sino man ang taong iyon dito? Unless...

Isa 'yong multo!?

Mabilis na sinara ko ang bintana. Ngunit nang isasarado ko na rin pati ang kurtina, isang imahe ng lalaki ang nadaanan ng aking tingin mula sa labas.

Nakatayo ito sa likuran ng punong mangga.

At dahil against the light ang kinaroroonan nito, tangin bulto lang ng kanyang katawan ang aking naaninag. At sure ako na lalaki ito base sa tindig at porma.

At...

At parang pamilyar sa akin ang kabuoan ng lalaki.

Parang si...

Parang si—

"OH MY GOSH!"

Gulat na napaatras ako palayo sa bintana nang may humampas na ibong itim sa salamin nito.

Habol ang hiningang dahan-dahan ulit akong lumapit sa bintana. Bakas ang konting dugo doon, na marahil ay mula sa ibon nang tumama ito sa salamin. Nagkaroon din ng maliit na lamat ang bubog dahil sa malakas na impact ng pagkakatama ng ibon dito.

"Sh*t! Saan galing 'yon?"

At nang maalala ko ang lalaking nakita ko sa labas, binalikan ko ulit ng tingin ang lugar, pero wala na ito roon. Binuksan ko pa nga ulit ang bintana para hanapin ang lalaki, ngunit hindi ko na ito mahagilap.

Basta ang alam ko lang pamilyar ang bulto ng lalaki, ngunit ang problema.

Hindi ko na maalala.

Hanggang dito ba naman, sinusundan ako ng panaginip na iyon?

"ATE RISSA bisita ka ulit dito sa sunod na day-off mo ah. Tapos kakain naman tayo sa Jollibee at maglalaro sa Timezone."

"Opo, promise po ni ate. Sa susunod na bisita ko dito kakain tayo sa kahit saan n'yo gusto at mamamasyal ulit tayo."

"YEHEYY! Ingat ka roon ate ah."

"Mag-iingat si ate. Kayo rin ni ate Moneth mo, mag-iingat din kayo palagi. Hindi ko kayo araw-araw na makakamusta dahil walang signal sa pinagtatrabahuhan ko. Moneth, ikaw na ang bahala sa kapatid mo ah. Huwag n'yong pababayaan ang pag-aaral. Saka huwag matigas ang ulo kay Kuya Alexis, okay?"

"Grabe naman bakla! Kuya Alexis talaga? Ang pretty ko ah."

Natawa naman kami sa pagrereklamo ni Alexis na pinapanood pala kami.

"Kuya ka naman talaga. Oh s'ya, basta Moneth at Ranz behave ah. Sa susunod na buwan pwede na tayong lumipat ulit sa bahay dahil tapos na iyon. Sa ngayon, dito muna kayo sa puder ni Kuya Alexis."

"Okay po ate."

"Don't worry ate, akong bahala rito kay Ranz. Ang isipin mo ate ay ang sarili mo. Walang mag-aalaga sa'yo roon kapag nagkasakit ka, kaya iwasan mong magkasakit. Maliban na lang kung... Kuya Sir Boss will took good care of you." May mapanuring mga tingin ang pinukol sa akin ni Moneth at pati na rin si Alexis. Samahan mo pa na nakangisi ang dalawa sa akin.

"Alam n'yo kayong dalawa, tigilan n'yo ako ah. Oh, s'ya sige na. Aalis na ako, naghihintay na ang sundo. Moneth at Ranz mag-iingat kayo dito kapag wala ang Kuya Alexis. At ikaw naman binibining Lexi, huwag mong tuturuan ng mga kalokohan 'tong dalawa."

Biglang nagtaas ng kanang kamay ang tatlo sa harap ko. At sabay-sabay na...

"Promise! Cross our hearts!"

Natatawang inilingan ko na lang sila. Nagpaalam na akong muli bago sumakay sa loob ng sasakyan. Maagang dumating si Kuya Migs kaya maaga rin kaming makakarating sa mansion.

At pagdating sa mansion, parang bumalik lang ulit ako noong unang araw ko sa lugar na ito.

Sobrang tahimik at wala kang makikitang kahit na isang tao sa paligid.

"Maligayang pagbabalik sa mansion, Arissa!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top