CHAPTER 37
CHAPTER 37
THIRD PERSON'S P.O.V
MAAGA pa lang ay handa na ang ilang gamit na dadalhin ni Arissa sa pag-alis.
Sinadya rin talaga n'ya na gumising ng maaga para makapagluto pa ng breakfast ng kanyang boss at dalawa nitong pinsan. At bago nga s'ya tuluyang lumabas ng mansion, sinigurado muna n'ya nakahanda na ang umagahan nila.
Sa susunod na tatlong araw ay ang mga katulong na lang sa mansion ang bahalang magluluto ng kakainin ng tatlo habang wala si Arissa.
Ngayon kasi ang day-off n'ya sa trabaho.
Uuwi muna si Arissa sa kanilang tahanan dahil miss na miss na rin kasi n'ya ang dalawang nakababatang kapatid. Maghahanap din si Arissa ng trabahador para sa pag-aayos ng bahay nila habang wala pa s'yang trabaho.
Sa loob ng ilang buwan ay nakapag-ipon naman na s'ya ng pera para sa pagpapagawa ng kanilang tahanan, na pinaglumaan na yata ng panahon. Hindi na sila bumili ng bagong bahay dahil ayaw nilang umalis sa lugar na binuo ng kanilang mga magulang. Ipaparenovate na lang n'ya ito at padadagdagan para lumuwang.
Actually, two days lang talaga ang day-off n'ya. Pero nagpa-extend pa s'ya ng isang araw. Gusto lang n'ya na makapag-isip isip muna. At hindi n'ya iyon magagawa kung mananatili s'ya sa mansion. Habang araw-araw n'yang nararamdaman ang malamig na trato ni Travis sa kanya. Ang pag-iwas nito at pakitungo nito sa kanya na para bang isa s'yang hanging hindi nakikita.
"Kuya Migs tara na po. Mauuna na po kami Mr. Smith."
"Nakapagpaalam ka na ba kay Travis, Arissa?" Tanong ni Mr. Smith na nagpatigil sa kanya.
Umiling si Arissa bago pekeng ngumiti sa matanda.
"Nag-iwan na lang po ako ng sulat sa may pinto ng kwarto n'ya. Hindi rin naman po ako kikibuin no'n eh. Magdaramdam lang po ako lalo, kaya hangga't maaari, hahayaan ko po muna s'ya."
Rinig n'ya ang malalim na buntong hininga ni Mr. Smith.
"Napakatigas talaga ng ulo ng batang iyon," bulong pa nito. "Oh s'ya, mag-iingat kayo sa pag-alis. Migs ikaw na ang bahala kay Arissa."
"Huwag po kayong mag-alala Mr. Hanz. Ako pong bahala kay Arissa, iuuwi ko 'to ng safe sa kanila."
"Sige na, para hindi kayo abutin ng tanghalian sa byahe."
Nagpaalam na si Arissa sa matanda bago nagtungo sa pintuan ng sasakyan. Ngunit bago s'ya tuluyang pumasok, tumingin muna s'ya sa itaas ng mansion, kung nasaan ang third floor.
Bukas ang bintana ng balkonahe at tinatangay iyon ng hangin.
Naningkit ang kanyang mga mata ng may mapansing nakatayo sa likurang bahagi ng puting kurtina. Bulto iyon ng isang lalaking nakamasid sa kanya.
Gusto n'yang isipin na si Travis iyon, ngunit sa tuwing naiisip n'ya ang pagiging walang pakielam nito sa kanya sa lumipas na mga araw, natutunaw ang pag-asang baka nga si Travis iyon.
Ipinilig n'ya ang ulo para mawala ang kung ano mang kanyang naiisip.
Muling kumaway si Arissa sa nakatayong matanda sa may pintuan bago pumasok sa loob ng kotse.
Sa kabilang banda, tahimik na nakatanaw si Travis sa labas ng bintana. Mula sa kanyang pagkakatayo sa may veranda ng third floor, natatanaw n'ya ang tatlong tao na nag-uusap sa ibaba.
Matamang pinagmamasdan ni Travis ang maamong mukha ng babaeng ilang araw din n'yang iniwasan. Nakasimangot ito kay Hanz. Gusto n'yang matawa sa itsura ni Arissa. Kahit busangot ang mukha ay maganda pa rin ito.
Ilang beses na n'yang sinabihang pangit ang dalaga sa tuwing iniinis n'ya ito, pero ang totoo ay kabaliktaran iyon ng kanyang sinabi. Gusto lang talaga n'yang makita kung paano kumunot ang noo ng dalaga at sumimangot.
Pero nang marinig n'ya ang sinabi ni Arissa, natigilan s'ya.
"Nakapagpaalam ka na ba kay Travis, Arissa?"
"Nag-iwan na lang po ako ng sulat sa may pinto ng kwarto n'ya. Hindi rin naman po ako kikibuin no'n eh. Magdaramdam lang po ako lalo. Kaya hangga't maaari, hahayaan ko po muna s'ya."
Gusto n'yang pawiin ang lungkot sa magandang mukha ng dalaga, ngunit hindi n'ya alam kung paano.
Nabasa na n'ya ang sulat na iniwan nito sa labas ng kanyang kwarto.
Hindi naman talaga s'ya tulog at nakaupo lamang sa kanyang kama habang nakatulala sa kawalan, nang makita n'ya ang anino ni Arissa sa labas ng pinto. Ilang beses din itong nagpabalik-balik roon, tila gusto nitong kumatok sa pintuan ngunit hindi magawa. Alam naman n'ya kung bakit nag-aalangan ang dalaga na gawin iyon.
Sa mga araw na lumipas ay tanging malamig na pagtrato ang pinakita n'ya kay Arissa. Sinusungitan kahit na wala naman itong maling ginagawa. Iniiwasan na tila ba isang hangin na bigla na lang dumaan sa kanyang harapan na hindi n'ya nakikita.
He knows that every single night, Arissa is silently crying in her room.
At wala s'yang magawa kundi pakinggan iyon mula sa kanyang kwarto, dahil alam n'ya na s'ya ang dahilan ng pag-iyak nito.
And he knows to himself that he's really an asshole for doing that to her sweet Arissa.
Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya. Napakadali nitong mabasa. Hindi man n'ya nabasa ang iniisip nito, ngunit ang magaganda at inosenteng mga mata ang nagsasabi ng tunay nitong nararamdaman.
Alam ni Travis na darating ang araw na malalaman at malalaman din naman ni Arissa ang katotohanang bumabalot sa kanilang angkan. Hindi lang talaga n'ya inaasahan na may sariling paraan ang dalaga na tuklasin ang misteryo sa tunay na katauhan nila.
At ayaw n'yang lumayo ito o katakutan s'ya ng dalaga kapag nalaman na nito ang totoo.
Iyon ang ayaw n'ya.
Kaya hangga't maaari, gusto n'yang patagalin pa ang araw na iyon. Pero alam n'ya sa sarili na hindi na mangyayari iyon, dahil nalalapit na ang araw na kinakatakutan n'ya.
Ang second full moon.
Na kung saan delikado para kay Arissa na manatili sa mansion, habang silang tatlong magpipinsan ay nasa delikadong sitwasyon.
Tuwing ikalawang kabilugan ng buwan ay lumalabas ang tunay nilang katauhan. Wala silang nakikilala at tanging tawag ng laman lang ang naiisip nila. Sa mga oras na ito malakas ang pang-amoy nila sa dugo ng tao at hindi nila kayang pigilan ang kanilang uhaw.
Ang tatlo sa kwartong nasa ika'tlong palapag ang nagsisilbi nilang kukungan sa tuwing dumarating ang araw na ito. Safe iyon dahil gawa ang loob ng kwarto sa bawal, ngunit gusto pa rin ni Travis na makasigurado.
Ayaw na n'yang maging iresponsable. Ayaw na n'yang maulit ang nangyaring iyon, sa pangalawang pagkakataon.
Kaya gusto man n'yang pigilan si Arissa na mag day-off ng tatlong araw, hindi n'ya ginawa. Mas gugustuhin pa n'yang isipin ni Arissa na galit s'ya kaysa i-risk ang kaligtasan ng dalaga.
May mga bagay talaga na kailangan nating gawin hindi dahil gusto natin, kundi dahil iyon ang makabubuti at nararapat na gawin.
"What are you afraid of, my dear cousin?"
Hindi na s'ya nagulat na pagsulpot ng presensya ng pinsan.
Hindi sumagot si Travis. Pareho silang nakatanaw ni Tyron sa ibaba ng teresa.
"Spill it, my dear cousin. Baka matulungan kita."
"Shut up, Sec!"
"Wow! Family nickname basis na ba tayo ngayon, Uno?"
Uno ang tawag sa kanya bilang s'ya ang panganay at nakatatanda sa kanyang dalawang pinsan. Si Tyron ay Sec bilang second o pangalawa. At si Sage bilang bunso sa tatlo, Third ang nickname nito.
Ang mga nickname na iyon ang palatandaan nilang tatlo.
Hindi na n'ya pinatulan ang panghahamok ng pinsan.
"Alam mo, kung ano man ang ikinatatakot mo, let it go! Let it go~ Let it go~ Don't hold it back anymore~"
Napailing na kang si Travis sa walang kwentang kapaparakan at pang-aasar ng pinsan.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" Pag-iiba ni Travis ng usapan.
"Hmmm... Meron?"
"So, bakit nandito ka pa at sinasayang ang oras sa walang kwentang mga bagay?"
"Chill, cousin! Meron nga akong gagawin at iyon ay ang tumambay dito. Ah, ihahatid ko nga pala si Arissa sa kanila. I just want to meet her siblings. You know, for the getting to know each other stage." May sumilay na mapang-asar na ngisi sa labi ni Tyron.
Ngunit hindi nagbigay ng kahit ang expression si Travis to make his cousin's satisfaction. Pinanatili n'yang walang pake kahit na apektado s'ya sa pinagsasabi nito.
"Oh, c'mon my dear cousin. Show some emotions. Para kang patay."
"You know, vampires are dead. So, hindi lang iyon parang, kasi patay na talaga ako."
"Whatever!"
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan ng dalawa. Tinanaw lang nila ang papalayong sasakyan, na kung saan lulan nito si Arissa.
"Three days na mawawala si Dollface, right? At hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa loob ng tatlong araw na iyon. What if..."
"What if hindi na bumalik si Dollface? Paano kung maisipan na n'yang magresign dahil sa pag-iwas mo sa kanya?"
Tinapunan ni Travis ng masamang tingin ang katabi.
"Oh, please my dear cousin! Don't look at me like that. What I'm saying is the possibilities that might happen in three f*cking days.
"Not gonna happened, my jackass cousin."
Tyron rolled his eyes when he heared the term 'jackass' that his cousin used.
"You might be refering to you, dear cousin. Jackass is not me."
"Oh, really?"
Muli s'yang umirap. Walang kwentang kausap.
"Kidding aside, cousin. Hindi mo naman kailangang matakot eh. Malalaman at malalaman ni Dollface ang totoo tungkol sa ating tatlo. Ayaw mo bang mas mapaaga ang pagtuklas n'ya ng katotohanan? What if, handa naman pala s'ya at hinihintay na lang sabihin natin kung ano talaga tayo?"
"We never know that."
"Kaya nga eh! Hindi natin malalaman kung hindi susubukan. Palibhasa kasi, duwag ka lang."
Sapol na sapol ang sinabing iyon ni Tyron sa kanya.
He may be a coward jackass to tell the truth to Arissa. And he's afraid to know what will she react after she'll knew the truth.
Ngayon lang s'ya natakot.
Ngayon lang.
Nang malaman ni Ianna, noon, ang tungkol sa totoo n'yang pagkatao, pati na rin ang katotohanang gustong umalis ni Ianna matapos iyon. Hindi s'ya nagdalawang isip na pigilan ito. Dahil alam n'ya na iyon ang nararapat.
But things happened.
Bago pa man makaalis ni Ianna sa mansion, the tragedy happen. The tragedy that hunts him until now.
At ayaw na n'yang mangyari pa iyon.
Lalo na kung si Arissa na ang pinag-uusapan.
"Darating ang araw na ikaw naman ang maduduwag, Tyron."
"Nah-ah! Hinding hindi. So, pa'no, alis na rin ako. See you tonight, my dear cousin."
Mabilis na nawala si Tyron sa tabi n'ya. Natagpuan na lang ni Travis ang pinsan na nakaupo sa bubong ng kotse na sinasakyan ni Arissa.
Nakangisi pa ito habang kumakaway sa kanya.
Nakita naman n'ya ang pag-iling ni Hanz na nasa ibaba. Siguradong nakita nito ang ginawa ng kanyang pinsan. Hanz is aware kung ano ba talaga sila. Iyon ang dahilan kung bakit pinagkakatiwalaan n'ya ito sa lahat ng bagay.
Kung may itinuturing man s'yang mga magulang simula nang mamulat s'ya sa kakaibang mundong kanyang ginagalawan, si Hanz at Manang Wilma iyon. Ang dalawang taong pinagkakatiwalaan nilang tatlo na nakaaalam ng totoo nilang pagkataon. Ang dalawang taong tanggap kung sino at ano sila.
Bago pumasok ang matanda sa loob ng mansion, tumigil muna ito bago tumingala sa kanyang kinaroroonan.
Hanz knew that Travis is watching Arissa from afar. Kahit hindi nito sabihin at ilang beses mang itanggi, may puwang na sa puso nito ang dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top