CHAPTER 36

CHAPTER 36

"MAGANDANG uamaga Sir Boss! How's the trip in England, Sir Boss? Sana sinama n'yo na lang ako roon para may kasama kayo. Pero... happy po ako na nakabalik kayo ng safe."

Matamlay na tinapunan ako ng tingin ni Travis.

I don't know but I feel different with his stares. Mula sa vibes at awra n'ya simula ng makabalik s'ya from England, kaninang madaling araw. Hanggang sa tingin at pagtrato n'ya sa akin.

Malamig at walang kabuhay buhay.

Ayokong bigyan ng ibang kahulugan dahil baka ako lang naman ang nakakapansin.

Pero kasi... iba eh.

Iyong tipong kalmado, pero mabigat ang hatid no'ng pakiramdam sa'yo.

Feeling ko tuloy galit s'ya sa akin, sa hindi ko malamang kadahilanan. Pero bakit naman s'ya magagalit sa akin samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanya?

FYI! Two days kaming hindi magkasama, kaya bakit s'ya magagalit sa akin?

"Let me rest for a while, Ms. Montecarlos. Kararating ko lang kanina, right?"

Napaawang ang labi ko sa narinig.

Ms. Montecarlos?

Bago s'ya umalis two day ago, tinawag pa n'ya akong 'my sweet Arissa'. Pero ngayong bumalik s'ya Ms. Montecarlos na?

Ang cold hah!

Masyado s'yang pa-fall pero ang ending hahayaan ka lang palang bumagsak sa semento. Worst iyong bare floor talaga at walang carpet man lang  or even foam.

Ayurn, awts peyn pighati dalamhati.

Nabali na buto mo, wasak pa puso mo.

"Ah, hehehe. Pasensya na po Sir Boss."

"You have lots of work to do right now, am I right?"

I nod at him. "Yes po!"

"So, bakit wala ka sa working table mo para gawin ang mga trabaho mo? I'm paying you to do your job and not to middle with my business."

Nabigla ako nang medyo tumaas ang boses n'ya.

Batid ko ang pagiging mainit ng kanyang ulo dahil lumalabas iyon sa kanyang bibig. Ang inis at lamig ng kanyang pakikitungo in the same time ay kapansin-pansin. Siguro dahil lang sa jetlag kaya mainit ang ulo n'ya kaya hinayaan ko na lang muna s'ya.

Umakyat na lang ako sa opisina n'ya para gawin at tapusin ang mga trabaho ko.

Pero sa paglipas ng mga araw ramdam ko na ang pagiging cold n'ya sa akin. Minsan kahit wala akong ginagawa ay sinisigawan n'ya ako. May times rin na lahat ng trabaho ko ay mali para sa kanya kaya kailangan ko pang magpuyat para lang tapusin ang pinapagawa nito.

Hindi ko magawang magreklamo dahil simula nang dumating s'ya galing sa trip n'ya sa England, hindi na n'ya ako kinakausap. Hindi rin ako pinapansin, at kung papansinin man puro pagkakamali ko lang ang nakikita.

Para kaming bumalik sa dati. Iyong unang pagkikita naming dalawa. Sobrang sungit at cold n'ya sa akin.

Biglang nawala 'yong maayos n'yang pakikitungo sa akin. Nawala 'yong concern at pag-aalala sa mga mata n'ya. Nawala rin iyong pagiging kalmado n'ya sa tuwing tititigan ako. Nawala na rin maging iyong mga pang-iinis o pang-aasar n'ya sa akin.

Na sobrang namimiss ko na.

Miss ko na s'ya. Iyong Travis na mysterious at minsan ay weird. Miss ko na 'yong Travis na mapanglait at nakakainis. Miss ko na iyong Travis na nagustuhan ko.

Sobrang miss ko na s'ya.

Magkasama nga kami sa iisang bahay at palaging nagkikita, pero pakiramdam ko sobrang layo n'ya.

Dumidistansya rin s'ya sa akin. Ipagluluto ko lang s'ya ng breakfast, lunch at dinner tapos pinapaalis na n'ya ako. Kapag nagkakasalubong kami hindi n'ya ako magawang sulyapan man lang. Para ba akong hangin na bigla na lang na dumaan sa kanyang harapan at wala s'yang pakielam.

Feeling ko may malubha akong sakit na dapat n'yang iwasan dahil ayaw n'yang mahawa.

Sobrang sakit.

Lalo na at hindi ko man lang alam kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo n'ya sa akin.

Pansin na rin nina Nanay Wilma at Mr. Smith ang paglayo ni Travis sa akin. Pero hindi nila ako tinanong kung anong problema naming dalawa. Hindi sila nagtanong kung may nangyari ba. Para bang may alam na sila, na hindi nila pwedeng sabihin sa akin kung ano.

Tuwing gabi umiiyak ako ng tahimik.

Ang bigat kasi sa pakiramdam.

Iniiwasan ka ng taong mahalaga sa'yo ng hindi mo alam ang dahilan.

Dalawang araw bago ako mag day off ay bumisita si Tyron sa mansion. Umuwi naman si Sage dahil bored daw ito sa condo n'ya.

At alam ko sa mga oras na iyon, pagtapak nila sa loob ng mansion ramdam din nila ang pagiging mabigat sa pakiramdam ng vibes sa mansion.

"Did something happens here?" Taas-kilay na tanong ni Tyron.

Alam kong s'ya ang unang magtatanong. Sa kanilang tatlo si Tyron ang pinakamadaldal. Samantalang si Travis at Sage ang parehong tahimik.

"M-maiwan ko po muna kayo. Marami pa po pala akong tatapusing trabaho," paalam ko gamit ang mahinang boses.

Tumayo ako bago nakayukong umalis sa living room. Iniwan ko silang nagtataka sa inasal ko, maliban pala sa isa.

Nang lingunin ko si Travis ay prenteng nakaupo lang ito sa sofa, habang pinaglalaruan ang hawak na kopitang may lamang alak.

And this is my first time seeing him drink.

"Aalis na po ako."

Tumalikod na ako at akmang aalis na nang may biglang pumigil sa aking braso. Nilingon ko ito at nakakunot-noong si Tyron pala ang gumawa niyon.

"Sir Tyron, bitaw. Marami pa akong trabahong gagawin."

"Arissa? What happened?"

"W-wala pong nangyari Sir Tyron. So if you please excuse me."

Pilit kong tanggalin ang pagkakahawak n'ya pero mas lalo lang humigpit iyon.

"Ty—"

"Let her be, Ty." Malamig na pahayag ni Travis. "Binabayaran s'ya para magtatrabaho rito at hindi para tumambay lang."

Marahas na bumaling ng tingin si Tyron sa pinsan. Maging si Sage ay napalingon din ito habang may mapanuring mga tingin.

"Uno, are you for real?"

"Yes, Sec. Bitiwan mo na s'ya para makapagtrabaho na."

Nagsukatan pa ng matatalim na tingin ang dalawa. Hindi pa rin ako binibitiwan ni Tyron kaya ako na ang kusang humila ng braso ko mula sa pagkakahawak n'ya.

Walang sali-salitang nagmadaling naglakad ako paalis.

Hindi ko na kayang marinig pa kung ano mang sasabihin ni Travis. Ang pag-iwas pa lang n'ya sa akin ay masakit na, iyon pa kayang marinig na wala s'yang pake at masasakit na salita mula sa kanya?

Para akong sinasaksak sa dibdib.

Malinaw na sa akin ang lahat. He's now avoiding me. Lahat ng nangyari sa amin in the past few months ay wala lang para sa kanya. Ang kabaitan pinapakita n'ya sa akin ay dahil lang sa boss ko s'ya.

At ang namamagitan sa amin ngayon ay pawang trabaho na lang. S'ya bilang boss ko at ako bilang secretary n'ya.

NANG kinagabihan ay bumaba ako para magluto ng hapunan. Hindi ko sila naabutan sa living room, marahil ay nasa kani-kanila ng mga kwarto o kung saan man nila gustong pumunta.

Bumuntong hininga ako.

"Ang lalim ah."

"OH MY GOSH—TYRON! ANO BA?! BAKIT NANGGUGULAT KA?"

"Oh, chill ka lang Dollface. Hindi ako kalaban, okay."

"Bakit ba kasi?"

"Ang lalim kasi ng hugot ng hinga mo eh. Saka... iyong kanina. May nangyari ba habang wala kami?"

Another sigh.

"Alam mo Ty, hindi ko rin alam. Huwag ako ang tanungin mo kasi kahit ako hindi ko rin alam, okay?!"

Nagulat s'ya sa pagsigaw ko. Maging ako ay nagulat rin dahil  sa bigla kong pagsabog.

"I-im sorry."

Mabilis na tumakbo ako patungo sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref saka iyon inisang lagok. Pagkatapos ay naghilamos rin ako ng mukha, baka sakaling mahimasmasan ako.

"Hey!"

"Ty, please! Not now. Huwag mo muna akong tanungin kasi wala akong isasagot sa'yo. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit nagkaganoon."

"Hey, its okay! Its okay, Arissa. Don't pressure your self, hmm?!"

Naramdaman ko ang marahan n'yang paghagod sa aking braso.

Feeling ko kapag tinanong pa ako kung ano bang nangyayari, bigla akong mag burst out. Kasi... paano ko sasagutin iyon kung maging ako ay hindi rin alam kung anong nangyayari.

Ayokong bigla na lang akong sumabog dahil sa sama ng loob. Baka kasi may masabi pa akong hindi dapat, dahil baka iyon pa ang maging dahilan kung bakit s'ya lalong magalit sa akin.

Tama na iyong ilang araw na pag-iwas at pagiging malamig n'ya.

Ayoko nang madagdagan pa.

"Hush now, Arissa. Hindi na ako magtatanong. Pero..."

Napatingin ako sa kanya.

"Pero ano?"

"Anong lulutuin mo? Gutom na kasi ako eh." Sabay kamot n'ya sa batok.

Medyo natawa ako sa itsura n'ya. Hindi mo maintindihan kung magtatanong ba o hindi.

"Psh! Sit back ka lang d'yan at magluluto na ako."

Nagkibit-balikat ito saka naupo sa high stool malapit sa island counter.

Sweet and sour shirmp na lang siguro ang lulutuin ko para hindi matagal lutuin.

Nagsalang muna ako ng bigas sa ricecooker. Para kapag tapos na akong magluto ng ulam, luto na rin ang kanin.

Pagkatapos, hinanda ko na ang mga kakailanganin ko at ilang sangkap para sa sweet and sour shirmp. Nang maayos ko na ang mga ingredients, hinugasan ko muna ang hipon bago iyon lutuin.

Habang nagluluto ako napalingon ako kay Tyron na nakatitig sa akin.

"Problema mo?"

"Do you have a boyfriend, Arissa? O asawa na babalikan sa labas nitong Villa?"

Bigla akong natawa sa tanong n'ya.

"Really, Ty? Iyan talaga ang itatanong mo?"

"Sagutin mo na lang."

"Manliligaw nga wala, boyfriend o asawa pa kaya? Eh kung sapakin kaya kita d'yan? Talagang gusto mong ipaalala sa akin kung gaano ka-sad ng lovelife ko 'no? Psh!"

I heared him chuckled.

"Nagtatanong lang naman, malay ko ba kasi. Siguro bulag ang mga lalaki sa inyo kaya hindi ka nililigawan 'no? Gusto bang iuwi na lang kita at gawing asawa ko?"

Kung may iniinom o kinakain lang siguro ako, malamang ay nabulunan na ako sa sinabi n'ya.

Mabilis na kumuha ako ng kutsara saka iyon hinagis na kanya. Umawang ang labi ko nang mabilis n'yang nailagan iyon.

"Ang harsh mo naman. Nagsa-suggest lang eh, baka makalusot."

Hindi ko na lang pinansin iyong nakita ko.

"Tigilan mo ako ah. Masasapak na talaga kita."

"Nagbibiro lang eh. Sungit! Meron ka ba ngayon?"

At sa pangalawang pagkakataon, binato ko na naman s'ya ng kutsara na mabilis naman n'yang nasalo.

Para s'yang si Flash.

"Malapit na'tong maluto. Huwag mo akong guluhin, pwede."

He just shrugged his shoulder. Binalik ko naman ang atensyon sa nilulutong ulam.

At dahil hindi ko s'ya napansin agad, sa pagharap ko sa kanya hindi ko sinasadyang maidampi sa kanyang braso ang sandok na hawak ko.

Biglang napaiktad paatras si Tyron sa nangyari.

"OH MY GOSH!" gulat na bulalas ko. "Hala! Sorry Ty. Bakit kasi nand'yan ka?"

Binitiwan ko agad ang sandok. Pinatay ko na rin ang stove saka ko hinawakan ang braso ni Tyron na nadikitan ng sandok.

Napangiwi si Tyron.

Natutop ko ang aking bibig nang mapansing nagkaroon ng kulay pula ang maputi n'yang balat. Alam kong napaso s'ya doon dahil sa kumukulong sauce galing ang sandok na hawak ko. Sure ako na nagkaroon ng lapnos ang balat n'ya at mahapdi iyon.

"Halika, gagamutin natin. Kukuha lang ako ng oitment sa salas."

"No, hindi na kailangan Arissa. Hindi naman masyadong mainit kaya okay lang talaga."

Pilit na itinago n'ya ang braso sa kanyang likuran. Habang ako, hinihila ko iyon para sana gamutin.

"Tyron huwag nang makulit. Akin na ang braso mo para magamot ko. Mahirap na baka ma-infection pa."

"Arissa okay lang talaga. Maliit na bagay lang naman ito, hindi malala. Malayo sa bituka."

"Kahit na!"

Sa huli nahila ko rin ang braso n'ya. Pero nabigla ako ng walang bakas ng kahit anong lapnos o paso roon. Wala na rin ang mapulang bahagi na kanina lang ay nakita ko bago n'ya itago.

Nagtatakang tumingin ako pabalik sa kanya.

"See? No worries, Arissa!" Hinila na n'ya ang braso mula sa hawak ko. "Ako na mag-aayos ng mga pinggan."

Tulalang napatitig na lang ako kay Tyron habang nag-aayos ito ng mga pinggan sa dining table.

How did that happened?

I swear! I saw the red spot na nasa braso ni Tyron. Isa pa, mainit ang sandok kaya sure ako na magkakalapnos talaga ang balat na madadampian no'n.

Pero bakit...

Bakit biglang nawala? Bakit wala?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top