CHAPTER 35

CHAPTER 35


HINDI ko alam kung ilang oras na ba ako nakatitig sa painting ni Ianna.

Dalawang oras? O mas higit pa?

I don't know! Basta ang alam ko pagkagising ko ay naabutan ko na lang ang sarili kong papunta sa third floor—specifically, sa dulong kwarto malapit sa veranda. Kung saan hindi ko inaasahang makikita ko ang painting ng isang magandang babae, which is Ianna.

And I don't even know why I'm actually here.

Its really weird, right?

"Ianna, sino ka nga ba? Anong connection mo sa pamilyang ito?"

Sobrang daming tanong. Tanong na hindi ko alam kung saan ko hahanapan ng sagot.

Sino si Ianna? Sino s'ya sa buhay ni Travis? At anong ibig sabihin noong sulat na nabasa ko? Bakit iniwan ni Ianna si Travis? At nasaan na ito?

Sobrang dami. Sa sobrang dami, parang mababaliw na ako.

Kung hindi tao, anong klaseng nilalang sina Travis? Bakit may mga hindi pangkaraniwang kakayahan sila na kaya nilang gawin?

And... who even are they?

And why I'm here? In these place? Why I'm being summoned here? And why I even feel this way towards my boss?

Is it normal?

Una sa lahat, napunta ako sa sitwasyon na ito para sa mga kapatid ko. Para mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan. Hindi ako nagpunta rito para mahulog lang sa lalaking... sa lalaking hindi ko lubusang kilala.

Pero bakit?

Bakit ako nahulog? Alam ko namang bawal. Na bawal akong mahulog sa kanya, utos iyon, pero bakit... bakit kailangan ko pang mahulog sa kanya? Bakit...

Bakit bawal akong mahulog sa kanya?

"NANAY Wilma, pwede bang... pwede bang magtanong?"

Nasa kusina ako kasama si Nanay Wilma. Pagbaba ko mula sa itaas ay saktong dating naman n'ya. Hindi n'ya kasama sina Yna dahil day off nila ngayon at next week pa ang balik ulit nila sa trabaho.

Bukas naman ang dating ni Travis mula London.

Napatingin si Nanay Wilma sa akin habang nagpupunas ng kubyertos.

"Ano iyon iha?"

"Ahmmm... Ano kasi Nay... Ahmmm, iyong painting sa third floor kasi..."

Hindi ko maituloy kung ano bang sasabihin ko. Pero mukhang nahimigan na ni Nanay Wilma ang gusto kong iparating dahil sa pagbuntong hininga n'ya.

I bit my lower lip because I'm guilty.

Alam kong pinagbabawal ang pumunta sa third floor, iyon pa kayang pumasok sa isa sa mga kwarto roon?

"Pasensya na po Nanay Wilma. Sinuway ko ang utos."

Hindi lang po iyon ang sinuway ko, maging ang kaisa-isang pinagbabawal na utos. At iyon ang ang huwag mahulog sa Young Master.

"Alam kong mangyayari ito. Alam kong darating ang araw na magiging kuryoso ka sa mga kakaibang bagay na nakikita mo dito sa mansion. Sa loob ng ilang buwang pananatili mo rito, alam kong napapansin mo na ang mga iyon. Hindi ka lang nagtatanong."

Hindi ako nakasagot.

Tama s'ya, una pa lang pansin ko nang mag kakaiba sa lugar na ito. Naranasan ko ang ilan doon, pero hindi ko sinabi sa kanila o kahit ang magtanong man lang.

Its because, alam ko ang hangganan ko.

Empleyado lang rin ako dito at wala akong karapatang makielam o manghimasok sa personal na buhay ng pinagtatrabahuhan ko.

Pero iba na ngayon.

Iba na ngayon dahil... dahil pakiramdam ko part na ako ng pamilyang ito, simula nang pirmahan ko ang kontrata. At higit sa lahat, iba na ngayon dahil deep inside in my heart, I want to know more of his, Travis.

Gusto ko s'yang makilala. Gusto kong makapasok sa totoong mundo n'ya.

Dahil gusto ko s'ya... no scratch that, unti-unti ko na s'yang minamahal.

Kahit na bawal.

Muling bumuntong hininga si Nanay Wilma. "Alam kong mapapalapit ang loob mo sa Young Master. Alam kong darating ang araw na magtatanong ka ng tungkol sa kanya."

Masyado ba akong obvious?

"Hindi ko lang inaasahan na ngayon ka lang magtatanong."

"Po?"

"Ramdam ko iha, ramdam ko."

"Hindi ko po kayo maintindihan Nay."

"Okay lang na mahulog lalo na kung napalapit ka na sa isang tao. Okay lang na maramdaman mo iyan dahil parte ng buhay ang magmahal. Okay lang magmahal ka. Pero iha, huwag sa kanya."

"Nay?"

"Huwag kay Travis, iha."

"B-bakit po bawal, Nay? Bakit bawal s'yang mahalin? Is it because of her? Dahil po ba kay Ianna? Iyong babaeng nasa painting? Nay sino s'ya? Please po sabihin n'yo sa akin, gusto ko lang malaman. N-nay, sino si Ianna sa buhay ni Travis?"

Umuling si Nanay Wilma.

"Hindi sa akin dapat na manggaling ang sagot diyan iha."

"Kanin po ba dapat? Kay Travis po ba mismo? Hindi naman ako sasagutin no'n. Tinanong ko na sa kanya kung sino si Ianna, pero hindi n'ya sinagot kung sino ba talaga ito."

"Iha."

"Kaya nakikiusap po ako Nanay Wilma, sa inyo lang ako makakakuha ng maayos na sagot sa mga katanungan sa isip ko. Baka... baka sakaling kapag nalaman ko na ang totoo, matauhan ako sa kahibangang ito."

Huminga muna ng malalim si Nanay Wilma bago naglakad palapit sa akin. Hinawakan n'ya ako sa aking balikat bago magsalita.

"Katulad mo rin si Ianna, Arissa. Ang pagkakaiba n'yo nga lang ay s'ya ang nauna."

Kumunot ang noo ko. Anong ibig n'yang sabihin?

"Hindi ko po kayo maintindihan? Anong ibig n'yong sabihin doon?"

"Si Ianna... s'ya ang unang sekretarya ng Young Master Travis."

TULALANG nakatitig ako sa malinis na kalangitan. Walang makikitang bituin o buwan manlang. Isang mapayapa ngunit madilim na kalawakan.

Hanggang ngayon pilit ko pa ring pinoproseso ang nalaman ko kay Nanay Wilma kanina.

Tandang tanda ko pa bawat detalye ng katotohanang bumulusok sa sistema ko na parang isang rumaragasang bulalakaw.

"Si Ianna, s'ya ang unang sekretarya ng Young Master Travis..."

"At ang unang babaeng minahal n'ya, higit pa sa lahat ng kayamanang meron sila."

Napasinghap ako sa narinig.

Ianna is he's first love!

Tila mag tumusok na kutsilyo sa dibdib ko. Unang bagsak, saksak agad? Paano pa kaya sa mga susunod kong malalaman?!

"Makulit, masiyahin at mabait na bata 'yang si Ianna. Sasabihin n'ya kung anong gusto n'yang sabihin. Gagawin kung anong gustong gawin. Walang makakapigil sa kanya, kahit pa si Travis. Naalala ko pa na halos oras-oras yata ay nagsisigawan at nagtatalo silang dalawa. Pero sa huli, si Ianna pa rin ang hihingi ng pasensya."

"Hindi po nagagalit sa kanya si Travis?"

"Naiinis, oo. Makulit at pasaway kasi talaga si Ianna at maging utos ni Travis ay hindi nito sinusunod. Pero ang magalit? Hindi ko pa nakitang magalit si Travis kay Ianna."

"Paano po naging sekretarya ni Travis si Ianna. Mukha kasing mayaman ang babae."

Natawa si Nanay Wilma.

"Hindi naman talaga si Ianna ang dapat na magiging sekretarya ni Travis."

"Po?"

"Naglayas si Ianna sa kanila dahil ayaw n'yang magpakasal sa lalaking hindi n'ya mahal."

"Arrange merraige po, ganoon?"

"Ganoon na nga."

"Eh 'di mayaman nga po si Ianna?"

Tumango si Nanay Wilma bilang sagot.

"Hindi n'ya alam kung saan pupunta hanggang sa mapunta s'ya dito sa Villa. Si Travis ang unang nakakita sa kanya sa labas ng gate. Akala n'ya ito ang magiging sekretarya n'ya kaya pinalayas n'ya, sinigawan at inaway. Pero dahil ayaw na ni Ianna na bumalik sa kanila, nagpumilit s'yang tumuloy bilang sekretarya ni Travis. At doon nagsimula ang lahat. Ang masungit at palaging galit na si Travis ay tila nagbago simula ng dumating si Ianna. S'ya lang kasi ang kayang sumuway at sumagot-sagot kay Travis, na kahit sino ay hindi pa nagawa ng iba. Naging masigla at masaya rin ang mansion dahil sa kanya."

"Nalaman din po ba ni Travis na hindi naman talaga si Ianna ang dapat na sekretarya n'ya?"

"Oo, dalawang araw simula nang mamalagi dito si Ianna. Walang bagay na hindi agad nalalaman ng magpipinsang Cordova. Bata pa lang may mga kakayahan na silang hindi kaya ng ordinaryong tao. Nagmakaawa si Ianna na manatili rito. At dahil napalapit na si Travis sa dalaga, pinayagan n'ya."

"Tapos po?"

"At nalaman din ng mga Salvatore na nandito ang anak nila."

"Ano pong nangyari?"

"Akala ng mga magulang ni Ianna may relasyon ang anak nila sa panganay na Cordova. Dahil malakas ang empluwensya ng pamilyang Cordova sa bayang ito at maging sa mga negosyo, pinagkasundo nila ang dalawa. Nagpanggap si Travis at Ianna na magkasintahan, kapalit ng pagiging malaya ni Ianna sa kamay ng mga magulang. Umabot ng sampong taon ang kanilang relasyon. Ang pagpapanggap ay naging totohanan. Minahal ni Travis ng lubos si Ianna at binigay ang lahat para sa dalaga. Binayaran n'ya ang mga magulang ni Ianna para lang huwag na nila itong gambalain pa. Pinag-aral at binigyan ng magandang buhay."

"Mahal na mahal po talaga ni Travis si Ianna 'no?"

"Sobra, iha. Ngunit... dumating ang isang madilim na trahedyang sumira sa pangarap ni Travis para sa kanilang dalawa ni Ianna."

"A-ano pong nangyari?"

"Kabilugan ng buwan iyon nang magising kami na may sumisigaw. Mula iyon sa kwarto ni Ianna, ang kwartong nasa ika'tlong palapag, sa dulo, malapit sa balkonahe."

Nanlaki ang mga mata ko.

Iyon ang kwartong hindi ko sinasadyang pasukin dahil sa nahulog kong cellphone.

"Nang makarating kami roon, walang buhay na katawan ni Ianna ang natagpuan namin. Puno ng dugo ang kulay puting bistida at may ilang kalmot pa. Pero ang gumulantang sa amin ay ang ilang bakas ng matutulis na ngipin sa ilang parte ng katawan nito."

"Oh my gosh! S-si Travis po?"

"Noong mga panahong iyon nasa Hacienda ang tatlo kaya hindi n'ya alam ang nangyari sa kanyang kasintahan, na noo'y magiging asawa na sana."

Natutop ko ang aking bibig. Hindi ako makapagsalita.

"Labindalawang taon na ang nakakaraan simula ng mangyari ang trahedyang iyon. Ang magpipinsan at kaming mga nakasaksi lamang sa nangyari ang nakakaalam. Simula noon hindi na nabanggit ang pangalan ni Ianna sa mansion na ito. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw na ni Travis magkaroon ng babaeng sekretarya."

"Pero bakit po?"

"Dahil sinisisi n'ya ang sarili sa pagkamatay ni Ianna. At hanggang ngayon hindi pa rin n'ya iyong nakakalimutan. Naging madilim at walang buhay ang pamumuhay ni Travis sa mga nagdaang taon. Saksi kami kung paano s'ya nagdusa sa pagkawala ni Ianna. Hanngang sa..."

"Dumating ka Arissa."

Napatingin ako sa kamay ni Nanay Wilma nang hawakan n'ya ang dalawa kong kamay.

"Alam kong sobra ang hihilingin ko, pero sana... sana ikaw na ang sagot sa kahilingan namin. Sa lahat ng sekretaryang dumating dito, ikaw pa lang ang nakatagal. Simula nang makilala ka ni Travis, pansin namin ang pagbabago n'ya. Nagkaroon ng buhay ang mga mata ni Travis nang dahil sa'yo, Arissa. At higit sa lahat..."

"Nakita namin kung paano s'ya mag-alala sa'yo ng husto. Kung paano ka n'ya tingnan at pagmasdan kapag hindi ka nakatingin. Ibang iba sa mga tingin na binigay n'ya kay Ianna. Alam namin na ikaw ang makakatulong kay Travis. Please Arissa, tulungan mo si Travis. Tulungan mo s'yang muling makita ang liwanag na matagal na panahong hindi n'ya hinanap."

"Nanay Wilma, hindi ko po alam kung kaya ko ba ang kahilingan n'yo."

"Alam naming kaya mo, nagtitiwala kami sa'yo Arissa. At sana kapag nalaman mo ang totoong katauhan ni Travis, huwag kang matakot sa kanya. Huwag mo s'yang iiwan, Arissa."

"Katulad nang binalak na gawin noon ni Ianna, bago pa man s'ya mawala..."

NGAYONG nalaman ko na kung sino ba talaga si Ianna, hindi ko alam kung paano ako haharap kay Travis.

I know its been very hard for him.

Sa kabila ng sakit at lungkot na naramdaman n'ya ng mga panahong iyon, alam kong hanggang ngayon dala-dala pa rin ni Travis iyon.

Pero...

Kaya ko nga ba? Paano kung hindi?

Ano naman kasing laban ko sa first love 'di ba?

Pero sa kabila ng malungkot na katotohanang nalaman ko, may bumabagabag pa rin sa akin. May ilang tanong pa ako na hindi nabibigyan ng kasagutan.

Anong tunay na katauhan nina Travis? Bakit huwag akong matatakot sa kanya? Hindi naman sila mukhang masasamang tao ah. Masungit at cold, literal na cold, oo. Pero hindi naman sila multo, 'di ba?

Saka iyong huling sinabi ni Nanay Wilma, hindi mawala sa isip ko.

Binalak ba talaga ni Ianna na iwan si Travis?

Pero bakit?

Minahal s'ya ng buong buo ni Travis. Ibinigay ang mga kailangan. Binigay ang kalayaang inaasam. Pero bakit n'ya ito naisipang iwan?

"Maliban na lang kung..."

Nalaman ni Ianna ang tunay na katauhan ni Travis.


_____________

Author's Note:

Halu mg bampirang nakagluta!!! 🙋‍♀️🧛‍♀️ Kamusta kayo??? Sana nag eenjoy kayo sa mga chapters ng istoryang ito. Maraming salamat sa pagbabasa at pag-aabang ng mga updates ko kahit na medyo mabagal talaga. ^^

Maraming salamat sa pagbibigay ng oras na basahin ang kwento ni Travis at Arissa 😊

More bampirang nakagluta to come! Kamsaranghae! 💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top