CHAPTER 33

CHAPTER 33

"ANO KA ngayon, ha?! Anong napala mo? Edi ayan, sakit ng katawan. Pinagsabihan ka na nga, sumuway ka pa rin. TSK! Sa susunod kasi ikadena mo 'yang curiousity mo."

Malakas na paninermon ni Father Tyron kay Night. Halos marinig na sa buong mansion hanggang sa labas ang boses nito.

Nandito kaming apat ngayon sa living room ng mansion. Nakaupo si Night sa single sofa habang namimilipit pa rin sa sakit ng katawan. Hindi naman na katulad kanina na halos hinfi na ito makahinga at makagulapay sa sakit.

Si Tyron naman ay nakatayo sa harap ng kawawang si Night at walang habas na sinisermonan ang lalaki. Isang oras bago kami makita ni Tyron ay wala na itong ginawa kundi sermunan si Night.

Kawawang Night.

Hindi naman makaangal ang isa dahil nanghihina talaga ito.

Si Travis naman ay sitting pretty sa mahabang sofa na nasa harapan ng kinauupuan ni Night. Nakasandal ang magkabilang braso sa sandalan habang naka-cross ang mga binti. Masama ang tingin na ipinupukol nito sa kawawang si Night.

"ANO? Uulit ka pa? Baka gusto mong masample-an ko rin?"

Umawat na ako.

"Tama na nga 'yan, Tyron. Wala namang masamang ginawa sa akin si Night."

"Anong walang masamang ginawa? He f*cking kissed you. Ako nga, hindi ko pa nagagawa 'yon—"

"Hoy! Anong hindi?! Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo 'yong katarantaduhang ginawa mo sa akin, sa kwarto mo. Hayop na'to. Si Sir Boss na lang 'yata ang matino dito."

"Anong matino? Baka nga mas malala pa doon ang gawin n'yan sa'yo," bubulong bulong na usal ni Tyron.

"Ano kamo?"

"Wala! Ang sabi ko, ang pangit mo."

"WALANGHIYANG 'TO! Eh kung tadyakan ko kaya 'yang mukha mo?!"

"Sige, gawin mo. Tatadyakan ko rin ang isang 'to." Sabay turo n'ya kay Night na wala namang ginagawa sa kanya.

"Tigilan mo nga 'yong tao."

"Bakit ba pinagtatanggol mo?"

"Kasi nga hindi naman n'ya sinasadya."

"So, hihintayin mo pa bang sadyain?"

"HEY, YOU TWO! STOP IT RIGHT NOW, OR ELSE..."

Pareho kaming napatigil ni Tyron sa pagsasagutan nang pumagitna ang mababa ngunit nakakatakot na boses ni Travis.

I rolled my eyes on him before turning my gaze to Travis. Nakatayo na ito habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na jeans.

"Ayusin mo na ang gamit mo, babalik na tayo sa Villa," baling n'ya sa akin.

Tumango naman ako. Pero si Tyron ay umangal pa.

"Travis naman! Wala pa naman pasok si Dollface bukas—"

Ngunit agad ding pinutol ni Travis ang pagmamaktol ng pinsan.

"May pasok na si Arissa bukas. At paano ako papayag na manatili pa ng isang araw si Arissa dito, kung hindi mo man lang s'ya mabantayan sa ibang tao at.... maging sa sarili mo?"

Napayuko si Tyron at hindi na umangal pa. May sasabihin pa sana si Travis nang mapatingin ito sa akin.

"Sige na, Arissa. Kunin mo na ang gamit mo at aalis na tayo."

Gusto ko mang makinig pa sa kung anong sasabin nito, ngunit ayoko namang maging chismosa sa paningin n'ya. Mukhang importante kasi kung ano man iyong pag-uusapan nila ni Tyron. Nacurious ako kung tungkol saan iyon.

Dahan-dahan lang ang paglakad ko, baka sakaling marinig ko ang sasabihin ni Travis. Ngunit, wala akong narinig. Gusto ko mang lumingon sa kanila, pero baka isipin pang nakikinig ako.

Paakyat na ako sa hagdan nang marinig ko ang huling pag-uusap ng dalawa.

"Tomorrow night is very dangerous for her to stay here. At alam mo iyan. Lalo na at pinag-aaralan mo pa lang na kontrolin ang sarili mo. Even Sage is not capable of going in the mansion tomorrow, dahil sa inyong dalawa, s'ya ang mas delekadong makaamoy ng dugo ng tao."

"Kaya nga gusto kong itry ang may kasamang tao dito para malaman ko kung kaya ko na ba talaga. Paano ko malalaman kung hindi susubukan, Travis."

"Still a no, Ty. I will never risk her safety, para lang malaman kung kaya mo na bang kontrolin ang uhaw mo."

"Pero..."

"No, Ty, no! Paano kung hindi mo pa kaya? Paano kung mapahamak s'ya? Ayokong matulad ka sa nangyari sa akin noon. Tama nang ako lang ang may pagsisisi dahil sa pagiging iresponsable ko."

At dahil sa narinig kong iyon, mas rumagasa sa aking sistema ang kagustuhang tuklasin ang katotohanan, tungkol sa kanilang tunay na katauhan.

Mapahamak man ako ay ayos lang, basta wala akong pagsisisihan.

PAGPATAK ng alas-nuebe ng gabi ay lumabas na ako ng aking kwarto. Sinigurado kong hindi ako makakagawa ng kahit anong ingay na magpapalaglag sa gagawin ko.

Pagkatapos naming maghapunan ni Sir Boss kanina ay umakyat agad s'ya sa itaas para raw magpahinga. Pero bago n'ya ako iwanan ay mahigpit na ipinagbilin n'ya na huwag na huwag akong lalabas ng kwarto. Ako naman ay naghugas ng pinagkainan namin at naglinis sa kusina, bago ako umakyat sa kwarto.

Pinagplanuhan kong mabuti ang gagawin kong ito. I'd make sure na tulog na si Sir Boss bago ako umakyat sa ika'tlong palapag para magmatyag.

At heto nga, tahimik na tinatahak ko ang hallway patungo sa hagdanan paitaas.

Tulad ng nakasanayan ko na simula nang mamalagi ako dito, bukas ang lahat ng ilaw mula sa ibaba hanggang dito sa second floor. At tanging ang palapag sa itaas lamang kung nasaan ang kwarto ng tatlo, ang walang bukas na kahit isang ilaw.

Hawak ng mahigpit ang cellphone ko ay umakyat ako. Nang makarating sa huling baitang ay binuksan ko na ang ilaw ang aking cellphone.

Iginala ko ang hawak kong cellphone sa buong palapag.

Isa lang ang masasabi ko...

Sobrang tahimik sa floor na ito. Wala kang maririnig na kahit anong ingay.

Sabagay, wala naman kasing nag-iingay. Kaya talagang walang maririnig na ingay.

Pero kasi... iba ang ambiance ng floor na ito. Ang bigat sa pakiramdam na hindi mo maintindihan. Parang may kung anong mahikang bumabalot na mas nagbibigay ng kilabot sa'yo.

Geezzzz....

Ramdam ko ang pagtaas ng aking mga balahibo sa katawan, nang may kung anong hanging dumaan sa aking likuran. Inilibot ko ang aking paningin sa buong floor ngunit sarado naman ang mga bintana, maging ang pinto ng veranda sa dulo.

Kaya saan daraan ang hangin papasok? Kung gayong walang bukas na bintana.

Sh*ta! Tama ba itong gagawin ko? Paano kung makita ko na naman iyong lalaking may pulang mga mata? Sheesshhh!

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng kwarto ni Sage. Pinihit ko ang doorknob pero lock iyon. Ganoon din ang pinto ng kwarto ni Tyron.

Nilampasan ko ang kwarto ni Sir Boss at dumiretso sa sunod na pinto.

"Bukas."

Maingat na binuksan ko ng tukuyan ang pinto saka pinasok ko sa siwang ang aking ulo. Pinasok ko rin ang isang kamay ko na may hawak ng cellphone.

Walang ibang laman ang kwartong ito kundi isang mesa sa gilid at upuan.

Sinara ko na iyon at tinungo ang pinakadulong kwarto, malapit sa may veranda. Katulad sa nauna, isang mesa at upuan lang din ang naroroon. Pero kapansin-pansin ang kakaibang amoy sa loob.

Napangiwi ako. "Anong amoy iyon? Ang lansa!"

Inikot ko ang ilaw para makita ang kabuuan ng kwarto. Nahinto ang tingin ko sa kabilang bahagi ng silid, malapit iyon sa may malaking bintana na natatabunan ng puting kurtina.

Pinakatitigan ko ang bahaging iyon at napansin ko ang isang bagay...

Isang bagay na nagpataas ng balahibo ko.

Nagkalat ang natapong dugo sa ibaba ng bintana. Doon siguro nanggaling ang umaalingasaw na hindi kaaya-ayang amoy. Natuyo na iyon at hindi pa nalilinis.

Dugo? Saan 'yan galing? Sa tao? O sa hayop? Pero bakit may dugo rito? Sinong may gawa nito?

"Sh*t! H-hindi kaya...."

Hindi kaya may masama nang nangyari kay Travis?

"Booogggsssshh!"

Malakas na kalabog ang biglang umalingawngaw sa paligid. Nagmula ang ingay sa isa sa mga kwarto dito. Mahina hanggang sa palakas iyon ng palakas.

Ngunit ilang saglit pa'y nawala rin ang malakas na kalabog. Bumalik ang nakakabinging katahimikan na para bagang walang ingay na naganap.

At dahil sa pagkabigla'y hindi sinasadyang nabitawan ko ang aking cellphone at nahulog iyon. Walang habas na dumulas ang aking kawawang cellphone papasok sa loob ng kwarto.

"Hala naman! Bakit ka pumasok d'yan?"

Patay na talaga!

Kahit nag-aalangang pumasok ay ginawa ko pa rin, mailigtas lang ang cellphone kong nagswimming sa loob. Luminga-linga muna ako sa paligid bago tahimik na nag sneak-in papasok sa loob ng kwarto.

Mabilis na kinuha ko agad pagkapasok ang aking cellphone. Ngunit sa pagbaling ko sa kabilang bahagi ay tumapat ang ilaw ng aking cellphone sa dingding ng kwarto.

I gasped at what I saw.

"Oh my gosh! Bakit may painting ng isang magandang babae dito? Sino 'to?!"

Nasisinagan ng ilaw ang isang painting na nakadikit sa dingding. Larawan iyon ng isang magandang babae. May mahabang buhok at malasutlang kutis. Nakasuot ito ng puting bistida na lalong nagpatingkad sa tagkay nitong ganda.

Kapansin-pansin din ang kulay ng bilugan nitong mga mata.

Kulay lila.

"Ang ganda! Mukha s'yang diyosa."

Nilapitan ko iyon at tinanlawan ang maliit na sulat sa ibaba ng larawan.

"Euria Ianna Salvatore?"

Basa ko sa pangalang nakaukit sa ibaba ng larawan.

"Euria Ianna? Euria Ianna?!"

"Euria Ianna."

"Euria."

"Ianna."

Pinaulit-ulit ko ang pagbanggit sa pangalan ng babae. Pamilyar sa aking pandinig ang pangalan, ngunit hindi ko maalala kung saan ko nga ba narinig.

"Ianna. Pamilyar ang pangalan. Saan ko nga ulit narinig ang pangalang iyon? Parang narinig ko na talaga eh. Hindi ko lang sure kung iyon nga ba. Ianna—"

"Ilang taon ka na nga ulit walang s*x? Si Ianna pa yata ang huli eh. That was almost ten or twelve years na, right?"

Ianna.

"AAHHHH! Alam ko na! Narinig ko ang pangalang Ianna kay Tyron habang kausap nito si Travis."

Binalik ko ang tingin sa painting.

"Kung ganoon, ikaw pala si Ianna."

Kung ano mang meron sa inyo ni Travis noon, ang swerte mo naman pala.

Dahil hanggang ngayon may epekto ka pa rin o kahit ang pangalan mo sa kanya, kahit na wala ka na.

May mumunting pait na namutawi sa aking puso habang nakatitig sa larawan ni Ianna. Kung pagkukumparahin, walang wala ako sa kanya. Mula pa lang sa itsura, mukhang yayamanin na. Halatang mataas na ang estado sa buhay kumpara sa akin sa isang hamak na empleyado lang.

Sobrang ganda rin nito, halatang walang wala talaga ako. Ganito ang mga tipo ng isang Travis Zaden Cordova.

Ngunit...

Nasaan na nga ba si Ianna?

"WHAT ARE YOU DOING HERE, ARISSA?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top