CHAPTER 32
CHAPTER 32
AKALA ko ay sisitahin ako ni Travis about sa sinabi ko, pero iniwan lang n'ya ako sa kusina pagkatapos no'n.
Wala akong nagawa kundi tapusin ang aking pagkain. Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko at ang ilang ginamit ni Travis sa pagluluto. Pagkatapos ay umakyat muna ako saglit sa kwarto para kunin ang phone ko, bago ako lumabas ng mansion.
Dumiretso ako sa likod-bahay para pumunta sa garden ng hacienda. May shortcut sa likod papunta roon.
Hindi naman na siguro ako maliligaw dahil maliwanag naman. Kita ko na ang tamang daan.
Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang naka-arkong kahoy sa bukana ng hardin. May halamang baging na nakapukupot sa kahoy na nagsisilbing gate niyon. Napalilibutan ang baging ng iba't ibang kulay ng bulaklak. Feeling ko tuloy papasok ako sa isang mahiwagang hardin. Kulang na lang ng kumikinang na mga paruparong nagsisiliparan sa paligid nito, para maging isang mahiwagang paraiso na talaga ito.
Pumasok ako sa loob at bumungad sa aking mga mata ang isang malawak na lupaing natatamnan ng iba't ibang uri ng bulaklak.
My eyes twinkling in amusement. I felt like I got mesmerized by the beauty of the whole garden.
"WOW! Ang ganda!"
Sa isang mabahang plat ng lupa ay isang uri ng bulaklak ang nakatanim. May sunflower, giant and dwarf. Mayroon ding daisies, lily, lavender, orchids at iba't ibang kulay ng mga roses.
May fountain sa gitna na may nakatayong rebulto ni cupid. May tubig na lumalabas mula sa ibabaw niyon.
"This place is incredibly amazing."
Sa kabilang bahagi naman ay isang malawak na taniman ng...
Tulips!
"WAAAHHHHHH!"
Excited na tinakbo ko ang daan papunta sa taniman ng mga tulip.
May anim na plat para sa anim na kulay ng tulip. May pink, read, orange, white, yellow and lastly mg favorite, purple. Bukadkad na ang lahat ng bulaklak kaya napakagandang pagmasdan niyon. Lalo pa't maayos ang pagkakatanim ng lahat ng bulaklak.
Salute to those gardeners na nagmi-maintain ng kaayusan at kalinisan sa lugar na ito. Sobrang maalaga sila sa mga bulaklak dahil maganda ang pagkakatanim hanggang sa pagtubo ng mga halaman. Kaya nga ngayon na namumulaklak na sila, the flowers bloom perfectly and beautifully.
Kinuhaan ko ng litrato ang buong lugar. Iba't ibang anggulo at iba't ibang style. Nagselfie rin ako kasama ng mga bulaklak. Nagtimer na nga lang ako at ipinatong ang cellphone sa may fountain para makuhaan ako saka ang magandang view sa aking likuran.
Naka ilang shot din ako bago tumigil.
"Pwede kayang mamitas ng mga bulaklak dito? Tapos dadalhin ko sa mansion para naman may silbi ang flower vase nila."
Saktong may dumating na isang babaeng nasa edad na kinse siguro. May dala itong basket sa kabilang kamay at maliit na gunting sa kabila.
Nagulat pa nga ito ng makita ako, pero agad ding ngumiti saka ako binati.
"Magandang araw po!"
"Hello! Good morning din! Ako nga pala si Arissa."
"Nina po ang pangalan ko."
"Mamimitas ka ng mga bulaklak?"
"Ah, opo. Inutusan kasi ako ng Young Master na mamitas ng mga bulaklak na dadalhin sa kabilang bayan."
"Oh?!"
"May pagdiriwang na gaganapin kasi roon sa makalawa at dito sila namimili ng mga bulaklak. Sa katunayan ay hindi naman nagpapabayad ang Young Master sa mga bulaklak, ngunit tulong na raw ng gobyerno ang perang dinudunasyon nila para sa mga bibilhing bagong pananim."
"Ganoon ba? Gusto mo bang tulungan na kita?"
"Naku, huwag na po. Kaya ko naman ito. Saka ituloy n'yo na lang po ang pamamasyal dito."
"Pero... maaari mo ba akong kuhanan ng litrato? Nakakapagod kasing mag solo mode sa pagpicture eh." Kakamot-kamot sa ulong hingi ko ng pabor.
Ngumiti si Nina sabay baba ng hawak n'yang basket sa damuhan.
"Sige po, iyon lang naman pala eh."
Inabot ko sa kanya ang aking cellphone. Naka-limang capture din si Nina sa akin, saka ako nagpasalamat sa kanya. Nagpaalam na ako at s'ya naman ay namitas na ng mga bulaklak na kakailanganin.
Nagtungo ako sa pavilion, malapit sa daan papunta sa taniman ng mga gulay. Mula rito sa itaas, kitang kita ko ang malawak na taniman sa ibaba.
Busy ang mga trabahador sa pamumuti ng mga gulay at prutas na iaangkat sa bayan. Malalaking basket ang pinaglalagyan ng sariwa at bagong puting gulay at mga prutas. I even saw Tyron and Travis together with Ka Temyong. Nag-uusap ang mga ito at tila may pinapaliwanag si Travis sa kanya.
Samantalang si Tyron naman ay nakatayo sa gilid nila na nakapameywang pa. Feeling supervisor yarn?! May suot din itong shades na akala mo ay isang turista.
Kinuhanan ko ng litrato ang magandang view na nasa aking harapan.
Habang pumipili ako ng magandang kuha, may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Anong ginagawa ng isang binibini sa lugar na ito?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Natagpuan ko ang lalaking nakatayo habang bahagyang nakasandal ang likuran sa isang puno.
He's wearing a faded ripped jeans and sleeveless shirt na humahakab sa matikas nitong pangangatawan. He even wearing a cowboy hat and a black boots. Mukha s'yang haciendero.
But, the smirk that plastered on his lips makes him look like a jerk.
"S-sino ka?"
"Hindi ako sinuka, inire ako." Mapangahas nitong sagot. Hindi pa rin inaalis ang ngisi nito sa labi. Mas lalo pa nga iyong naging mapang-asar.
"Ha. Ha. Ha. Ha. Ang funny!"
Humalukipkip ang lalaki at naglakad palapit sa akin.
"Ano bang meron sa isang katulad at tila ba pinoprotektahan ka ng Young Master? Alam mo bang this is the first time na pinagalitan n'ya ako dahil tinakot kita? HUH! Hindi pa s'ya naging ganoon sa mga nauna n'yang sekretarya. Wala nga s'yang pakielam kung may mangyari mang masama sa kanila eh. But, when it comes to you?" Pinasadahan ako nito ng tingin mula paa hanggang ulo. "Binantaan rin ako ni Sir Tyron na huwag na huwag kang gagalawin. Hindi ko maintindihan kung bakit."
Tumigil s'ya sa paglapit nang isang metro na lang ang pagitan namin.
"Wala namang espesyal sa'yo. Kung naririto lang si Sir Sage at umayon din sa side mo, iisipin ko na talagang may kakaiba sa'yo. And that's make you more interesting."
Lalapit pa sana s'ya ulit ngunit agad ko na s'yang pinigilan sa gagawin.
"Huwag kang lalapit! Sige ka, sisigaw ako!"
"Iyon nga ang gusto kong gawin mo. Shout as you can. Shout until he hear you pleading."
Geezz....
Wait—parang pamilyar ang lalaking ito.
Teka, saan ko nga ba s'ya nakit—AHA! Alam ko na!
"I-ikaw! Ikaw 'yong lalaking nakita ko sa labas kagabi. Iyong naging w-werewolf."
Ngumisi s'ya sa sinabi ko.
"Nabanggit ni Tyron na Night ang pangalan mo. Iyong Night na nakasalamuha ko sa gubat at ikaw... ay iisa lang ba?"
Humakbang s'ya ng dalawang beses bago tumigil.
"Glad you remember me, little cub."
Napabuntong hininga ako. "Ano bang problema mo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo 'ah."
"Wala naman. Gusto ko lang ng playmate. And you're the one who applicable for it."
"Alam mo, wala akong panahon sa mga kalokohan mo. Kaya pwede ba, lubayan mo ako."
Akmang tatalikuran ko na sana s'ya nang mabilis na nahila n'ya ako sa braso. Napapikit ako nang isandal n'ya ako sa punong kanina lang ay sinasandalan n'ya.
"Not so fast, little cub!"
Tinulak ko s'ya sa balikat gamit ang lakas ko, ngunit walang naging epekto iyon sa kanya.
"A-ano ba! Lumayo ka nga sa'kin. Ano bang pinaplano mo? Ha?"
"May gusto lang akong malaman."
Napasinghap ako ng bigla n'yang ibaba ang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang hininga n'ya sa balat kong naka-expose roon.
"ANO BA, NIGHT!"
This time ay nilakasan ko na ang tulak sa kanya, pero mabilis n'yang nahawakan ang braso ko at piniin iyon sa aking gilid.
"Hanggang saan kaya ang kaya nilang gawin para sa isang katulad mo? Hmm?"
Hindi ko maintindihan kung ano bang gusto n'yang malaman para ganituhin ako.
Baliw na ba ang lalaking ito? Nag-aadik?
Mariin akong pumikit nang maramdaman ang labi ni Night na dumikit sa balat ko.
"AHHH—" Bago pa man ako makasigaw ng tuluyan ay agad n'yang tinakpan ng isang palad ang aking bibig. "HHHMMMPPP—" naipit ang paghingi ko ng saklolo dahil sa ginawa n'ya.
Jusko po! Ilayo n'yo po ako sa halimaw na ito.
Tahimik na nagdasal ako na sana dumating si Travis o si Tyron para tulungan ako at ilayo sa kamay ng labong ito. O kahit may makakita man lang para tulungan ako.
Jay Zeus please send Travis here, please!
S-sir Boss! T-travis, tulungan mo ako, pakiusap.
Lumandas ang ilang butil ng luha mula sa nakapikit kong mga mata, pababa sa aking pisnge. Nanginginig na rin ako sa takot. Takot na baka kung anong gawin sa akin ni Night. Takot na baka hanggang dito na lang ako.
Naalala kong bigla ang mga kapatid ko, si Ranz and Moneth. Sa susunod na linggo ay bibisita ako sa bahay para kamustahin sila. Bibisitahin ko rin ang ountod nina Mama at Papa. Sisimulan ko na rin ang pagpapagawa ng bahay namin at aasikasuhin ko rin ang pagbabayad ng tuition nina Moneth sa school.
One week na lang makikita ko na ulit sila kahit isang araw lang. Miss na miss ko na ang mga kapatid ko.
Pero ang malas ko lang dahil sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko nga alam kung may makakakita at tutulong ba sa akin dito.
"Ack—"
Napamulat ako nang bitawan ako ni Night. Napahakbang ako paatras upang makalayo dito. Ngunit nakita ko na lang s'ya na nakaluhod na sa lupa habang namimilipit sa sakit. Mahigpit ang hawak n'ya sa kanyang leeg na para bang may sumasakal sa kanya roon.
"A-anong nangyayari?"
Nahihirapan nang huminga si Night. Bakas iyon sa namumutla nitong mukha at puno ng pawis na katawan.
"AAAHHHHHH!"
Malakas na sumigaw ang lalaki na pakiwari ko'y may kung anong nangyayari ng masama sa kanya.
Anong nangyari? Sinong may gawa nito?
Akmang lalapitan ko sana si Night nang may pumigil sa kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagkung sino iyon. Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib sa ginawang pagyakap sa akin ni Travis.
"T-travis... s-si Night. Anong nangyayari sa kanya?"
Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay tanong din ang sinagot n'ya pabalik.
"Are you okay? I'm sorry to leave you alone, my sweet Arissa. But don't worry, hindi na uulit pa si Night ngayon nasample-an ko na s'ya ng isa."
Hindi ko maintindihan kung anong ibig n'yang sabihin at kung anong nangyayari kay Night. Pero nagpapasalamat ako dahil dumating s'ya para iligtas ako.
Kumalas sa yakap si Travis saka ako tinitigan.
"Hey, Arissa. Talk to me, please. Are you okay?"
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Travis. Napangiti ako dahil nakita kong magkaroon ng ibang emosyon ang kanyang mga mata at gwapong mukha, maliban sa pangkaraniwan n'yang emosyong ipinapakita.
"Arissa you're scaring me, damn it. Talk please. Kapag talaga may masamang ginawa sa'yo ang gag*ng Night na iyan, hindi lang 'yan ang aabutin n'ya."
A smile scape from my lips before I finally uttered a word.
"Thank you, Sir Boss! Salamat dahil dumating ka para iligtas ako."
Naging kalmado ang kanyang expression.
"Anytime, Arissa. Always remember that when you need me, just call my name and I'll be there. Walang pag-aalinlangang darating ako. Always!"
Travis...
Patawad dahil nilabag ko ang iyong kaisa-isang pinagbabawal na utos.
Patawad kung unti-unti na akong nahuhulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top