CHAPTER 30
CHAPTER 30
HINDI ako makatulog!
Malalim na ang gabi ngunit nanatili pa rin akong nakatambay sa labas ng veranda sa second floor. Nakatitig sa malinis na kalangitan habang nakapahalumbaba sa railings ng balkonahe.
Maliwanag ang bilog na buwan. Sa makalawa siguro ay full moon na. Konti na lang kasi ay bilog na bilog na ito. 'Yong mga ganitong view ang tipong masarap titigan kapag gusto mo ng kapayapaan, maliban na lang sa crush mo, ofcourse. Puno rin ng mga bituin ang langit at sobrang linis. Idagdag mo pa na tahimik ang paligid at sumisimoy ang sariwang hangin.
Pagkatapos kumain ng dinner ay dito na ako dumiretso. Hindi sumabay sa akin na maghapunan ang magpinsan, sa hindi ko alam na kadahilanan.
Nag-iwan na lang ako ng note sa labas ng pintuan ng kanilang kwarto. Para kapag lumabas sila ay makikita nila iyon at mababasa. Hindi na rin naman ako naglakas ng loob na katukin sila dahil baka mabulyawan pa ako bigla. Hahayaan ko na lang muna sila.
Habang nakatitig ako sa malawak na lupain sa labas, muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina.
Maging iyong mga kababalaghang nakita ko simula nang makilala ko sila, at dumating ako sa lugar na ito ay naisip kong bigla. Lahat ng mga nangyayaring hindi pangkaraniwan, na dati naman noong hindi pa ako nagiging sekretarya ni Travis ay hindi ko nararanasan. Tulad na lang ng napapanaginipan ko na lalaking may pangil. Hindi naman ako nanonood ng horror movies para managinip ako ng gano'n. At isa pa, sa tuwing magigising ako kinabukasan pakiramdam ko totoong nangyari sa akin iyong nasa panaginip ko.
Kaya talagang kinikilabutan ako.
Gusto ko mang sabihin kay Travis ang concern ko about doon, pero kapag gagawin ko na, hindi ko na magawa.
Pero, siguro isang linggo na rin since hindi na ako nagigising sa kalagitnaan ng hating gabi dahil nananaginip ako ng masama. Isang linggo na rin na maganda ang tulog ko at maging ang pag-gising.
Na talagang ikinatuwa ko.
Pero hindi ko pa rin mapigilang hindi ma-weird-an sa nangyayari.
Hindi kaya... totoo ang sinabi ni Kuya Migs noong bagong dating ako sa lugar na ito, na hunted ang mansion?
O baka naman multo ang mga kasama ko?
Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan dahil sa kalokohang iniisip. Nagtaasan yata lahat ng balahibo ko sa buong katawan. Geeezzzz....
"Ano kayang klaseng nilalang sila? Walang ordinaryong tao ang kayang gumawa niyon. Ano ngang tawag doon? Teleportation? Maliban na lang kung may kapangyarihan sila, like iyong magic chuchuness."
Sheeesh! Kinikilabutan ako.
Should I investigate now? With on my own? Pero paano kung mahuli ako o 'di kaya ay mapahamak ako sa gagawin ko?
Ah, bahala na!
Sisimulan ko na ba ngayon?
Hmmm, okay?!
Nang makapagdisesyon ay tumayo na ako para pumasok sa loob. Ngunit bago ko pa maisarado ang glass door, may kung anong nilalang akong nakita sa ibaba.
Dahil nga sa maliwanag ang sikat ng buwan, kitang kita ko kung anong nasa labas. Kaya kahit medyo malayo mula sa pwesto ko ngayon, maaari ko pa ring makita.
Nakatayo sa may bulaklakan malapit sa daan papuntang taniman ang lalaking hindi ko mamukhaan, dahil sa nahaharangan ng ilang matataas na halaman ang mukha nito. Pero ramdam kong nakatingin s'ya sa akin.
I felt thousands of goosebumps when he finally showed himself.
My eyes widen at what had happened. I felt my knees trembled in fear and shocked.
Pero ang mas nagpataas talaga ng balahibo ko ay ang pagbabago nito ng anyo. Mula sa pagiging tao hanggang sa maging isa itong aso. Isang malaking aso.
Aso nga ba?
O isang lobo?
Kulay abo ang balahibo nito at kasing-laki ng isang human stuff toy.
Totoo ba ang nakita ko?
Papaanong naging isang lobo ang isang tao?
Sa mga movies lang ako nakakapanood ng ganitong eksena, at hindi sa totoong buhay. Pero iyong nasaksihan ng dalawa kong mga mata kani-kanina lang, hindi ko alam kung gawa-gawa lang ba ng imahenasyon ko, o totoong nangyari iyon.
Hindi ko na alam!
Hindi ko alam!
Pero isa lang ang alam ko...
Naglalakad na papalapit dito sa mansion ang lobo.
"Ahwwwwooooooohhhhhh...."
Isang malakas na alulong ang umalingawngaw sa malawak na kaparangan sa labas. Mula ang ingay na iyon sa lobong papalapit, na ngayon ay nakatitig na naman sa gawi ko.
Nanlilisik ang mga mata nito at nagtatangis ang mga matutulis na ngipin. Handa nang manakmal.
Sh*t!
Bakit ba kasi ako tumambay dito gayong gabi na?! Ah, ang engot ko rin eh.
"Ahhwwwoooooohhhhhhhh..."
Muli na naman itong nagpakawala ng malakas na alulong. Para itong nagtatawag ng kanyang mga kampon at handa ng sumugod sa isang laban.
Iyon na ang senyales para tuluyang manlambot ang magkabila kong tuhod. Kung wala ako sa may pintuan, malamang ay bumagsak na ako sa sahig. Mahigpit na kumapit ako sa glass door para hindi ako matumba sa kaba. Ramdam ko ang pag-atake ng kaba sa aking dibdib.
Umawang ang bibig ko nang aabanteng tatalon ang lobo.
Mabilis pa kay Flash na tumakbo ako papasok. Nanginginig ang kamay na sinarado ko ang glass door saka iyon nilock. Tinanggal ko rin ang pagkakatali ng kurtina at hinayaang nakabuhaghag iyon.
Nanginginig na umatras ako patalikod habang nakatingin pa rin sa may veranda. Inaabangan kung tatalon nga ba roon ang lobong nasa ibaba.
Ilang saglit pa ay may kumalabog mula sa veranda.
"AAAHHHH!"
Tumakbo na ako palayo sa lugar na iyon, hanggang sa may mabunggo ako.
"AAAHHHH!"
"Hey!"
Tumingala ako sa taong nabunggo ko. Nag-aalalang mukha ni Travis ang bumungad sa akin.
"Hey, Arissa. It's me, Travis. What happened?" Kumapit s'ya sa magkabila kong balikat saka sinuri ang buo kong mukha. "You're shaking. What happened?"
Hindi ako sumagot, bagkus...
Mabilis na pinulupot ko ang dalawa kong braso sa kanyang bewang. Binaon ko rin ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon na ako tuluyang humagulhol sa takot.
"Arissa, hey! Ssshhhhh... tahan na. Nandito na ako, hindi kita iiwan, promise."
Humagod ang isa n'yang palad sa aking likuran, habang ang isa naman ay nasa aking buhok.
Niyakap ko s'ya ng mas mahigpit.
Patuloy lang ang paghaplos ng kanyang palad sa aking likod at buhok. Naramdaman ko ang pagkawala ng aking panginginig at takot dahil sa banayad n'yang pag-aalo sa akin.
Bakit ko 'to nararamdaman?
Bago ito para sa akin kaya mas nagpadagdag iyon sa nararamdaman ko sa aking dibdib.
"Sssshhhh, tahan na Arissa. I'm already here, so don't be afraid. At habang nandito ako, walang makapapanakit at makakahawak sa'yo. Sssshhhh..."
Kumalas ako mula sa yakap saka s'ya tiningala. Ang kulay luntian n'yang mga mata ay nagsasabing huwag akong mag-alala dahil nand'yan na s'ya.
May kung anong humalos sa aking puso habang nakatitig sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ako sure kung gusto ko na ba talaga ang boss ko. Pero sa pagkakataong ito, alam kong safe ako.
Safe ako kapag nand'yan s'ya.
Safe ako kapag s'ya ang kasama ko. I can see assurance in his eyes that I am safe now, that no one can harm me.
Bumaba sa aking pisnge ang kanyang paningin. Ang ilang butil ng luhang lumalandas sa aking pisnge ay pinalis ng kanyang hinlalaki.
"T-travis... natatakot ako. M-may malaking lobo na nakabantay sa labas ng mansion," nauutal na pahayag ko.
This time s'ya na ang nag-initiate ng yakap.
"Don't be afraid now, Arissa. Just... just think that what you saw is just a dream. Don't think to much, okay? Hmmm?!"
Tumango ako habang nakabaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.
I felt calmness inside his arms.
Pwede pala iyon 'no?
Sa mga palabas sa tv lang kasi ako nakakapanood ng mga ganito. Iyong bidang lalaki ay yayakapin ang bidang babae para mawala ang takot nito.
At hindi ko aakalaing mararansan ko iyon, ngayon. At sa mga bisig pa ni Travis, ang boss ko. Ang lalaking bawal kong mahalin.
Pero hindi ko mapigilan.
"DOLLFACE, okay ka na ba?"
Tumango ako kay Tyron saka ngumiti. "Okay na ako, Tyron."
"Are you sure? Baka kailangan mo pa ng yakap para pakalmahin ka, okay lang sa akin, willing ako."
Natawa ako ng umakto itong yayakapin ako. Binuka n'ya ng malapad ang mga braso at hinihintay na lumapit ako.
Napailing na lang ako sa kanya.
"No need na Tyron, okay na talaga ako. Nabigla lang talaga ako doon sa lobo kanina kaya nanginig ako sa takot."
"Loko talaga iyong si Night. Tsk!" asik ni Tyron bago lumingon sa kinauupuan ng pinsan. "Hoy, Travis! Pagsabihan mo nga iyong tagapagbantay mo na huwag tumambay sa labas ng mansion kapag gabi. Sa taniman o sa gubat dapat s'ya naglilibot, hindi iyong si Dollface ang binabantayan. Ano s'ya, babysitter?"
"Night?" naguguluhang tanong ko. "Iyong lobo na kasama ni Rocus at iyong lobo kanina ay iisa? Pero bakit tao ko itong nakita kanina? At nakita ko rin kung paano s'ya nagbago ng anyo. Is Night is really a werewolf?"
"Huh? Tao? Baka naman mali ka lang ng nakita, Arissa."
"Pero totoong nakita ko na tao s'ya tapos naging lobo."
"Hoy, Travis! Pagsabihan mo na talaga iyang si Night. Baka kung ano na namang kalokohan ang pinag-gagawa at tinatakot itong si Dollface. Alam mo ba kung anong ginawa ng alagad mo? Tinatakot n'ya si Dollface."
Hindi sumagot si Travis.
Tumingin ito sa akin at pakiramdam ko ay biglang nag-init ang magkabila kong pisnge.
Nawalang bigla sa isip ko ang pinag-uusapan namin dahil sa titig n'ya. Naalala ko kasi bigla kung paano n'ya ako patahanin at yakapin kanina. Ah, ako nga pala ang unang yumakap, pero kasi... nabigla lang ako. Wala namang malisya iyon.
Weh? Wala nga ba, Arissa?
Pero niyakap din naman n'ya ako eh.
At sa kanya, wala talagang malisya iyon. He just helping me to calmed.
But at some point, that heart melting scene in the hallway awhile ago, made me realized that... that... I already like him.
I already like Travis, as a man. A man that making my heart goes wild and my system to melt like an ice. Sa kanya ko lang iyon naramdaman, simula nang una kaming magkita. At sure ako na hinding hindi ko makakalimutan ang scenario na iyon, kahit sa panaginip ko, hanggang sa pag-gising ko kinabukasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top