CHAPTER 3

CHAPTER 3

MABUTI na lamang at nagkataon na wala kaming pasok sa store ngayong araw. May importanteng pupuntahan kasi ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kaya pansamantala muna itong isasara ng dalawang araw.

Sumakto naman ang pagkakataon dahil ngayong gabi ay babalik ulit ako sa Azula Hotel para sa aking final interview with the Young Master.

Kinakabahan ako. Sobra!

Sana makapasa ako sa final interview. Sana matanggap ako sa trabaho. At sana hindi monster ang mga taong pagtatrabahuhan ko.

Pero may monster bang ganoon kayaman?

Malamang wala.

"Bakla congrats!!! Sabi ko naman kasi sa'yo think positive lang always. Basta galingan mo pa at maging attentive ka lang lagi para matanggap ka. Dapat globe lang lagi, go lang ng go!"

Natawa naman ako sa kasiglahan ni Alexis.

"Thanks Lexi!"

"Ayarn ang gusto ko. Lexi dapat at hindi Alexis."

Napailing na lang ako. Napaka-arte talaga. Akala mo babae, eh may lawit naman. Babaeng may lawit?

"Basta ikaw na muna ang bahala kina Moneth at Ranz ah. Pagtapos naman ng interview, uuwi rin agad ako. Kung may masasakyan pa."

"Ako na ang bahala sa sistereret at brotherlalu mo. H'wag mo masyadong isipin dito. Pero kapag sobrang gabi na at delikado na sa daan pauwi, baka pwedeng pakiusapan mo muna 'yung future boss mo na doon ka muna magpalipas ng gabi. Umuwi ka na lang ng maaga kinabukasan."

"Susubukan ko. Magtetext na lang ako sa'yo kung anong balita ah. Mag-iingat kayo dito."

"Ikaw ang mag-ingat, bakla ka. Basta, best of luck! At kapag hindi ka tinanggap no'ng future boss mo, isupalpal mo sa pagmumukha 'yang boobs mo. Tiyak sure win ka sa part na 'yon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "Gaga! Ang laswa talaga ng bunganga mong bakla ka." Sabay bato ko sa kanya ng nahawakan kong sapatos. Tumatawang nasakap naman nito iyon dahil kung hindi, sapol na sapol sa feslak.

"Sige na, aalis na ako. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kina Moneth."

"Bye-bye! Goodluck bakla!"

Kumaway na ako saka lumabas ng bahay. Naglakad ako patungo sa labasan para doon sumakay ng taxi papunta sa San Isidro.

Kung mag tricycle lang kasi ako, baka abutin pa ako ng s'yam s'yam sa daan. Ayokong malate dahil baka hindi pa ako nakakatapak sa Hotel ay fired na agad ako.

Naging mabilis naman ang byahe dahil wala masyadong traffic.

Mukhang umaayon sa akin ang panahon.

7:35 pm pa lang nang makarating kami sa harap ng Azula Hotel. At katulad ng una kong punta dito kahapon, kumikinang na naman ito sa kaliwanagan.

Mukhang hindi uso dito ang pagtitipid sa kuryente.

Mula sa mga poste sa paligid ng Hotel hanggang sa mataas ng building at maging ang katabi nitong mamahaling restaurant ay nagliliwanag.

Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako ng taxi at naglakad palapit sa glass door ng Hotel.

"Magandang gabi Manong guard!"

"Uy, ikaw pala Miss. Binabati kita sa iyong pagka-pasa. Goodluck ulit sa iyong final interview."

"Maraming salamat Manong guard."

"Mabuti pa sa waiting area ka na lang muna magpalipas ng oras. Saglit na lang naman ay darating na sina Boss. Si Mr. Smith na ang bahalang tumawag sa iyon kung ready na."

Itinuro ni Manong guard ang waiting area sa loob ng Hotel.

"Salamat ulit Manong guard."

"Kuya Fred na lang, iha."

"Arissa na lang din po, Kuya Fred."

"Good luck Ms. Arissa."

Bumalik na ulit ito sa kanyang post. Naglakad naman ako patungo sa waiting area para roon maghintay.

May ilang kababaihan ang nakaupo sa kabilang bahagi ng waiting area. They look sophisticated. Iba talaga kapag mayaman ka, lahat ng gusto mong bilhin, nakukuha mo ng walang kahirap-hirap. Mula sa pampaganda hanggang sa magagandang kasuotan.

Sana all! Linyahan ng mga kapos-palad na katulad ko.

Pero kaya nga nagsusumikap ako para mabili rin naming magkakapatid lahat ng pangangailangan at naisin namin. Darating din tayo d'yan, sa ngayon tiis-tiis muna. Wala pa kasi tayo sa exciting part.

Habang hinihintay ko ang pagtawag sa akin ni Mr. Smith, inabala ko na lang muna ang sarili ko sa paglalaro ng mobile games sa aking cellphone.

Dahil nakatutok ang aking paningin at atensyon sa nilalaro, hindi ko namalayan na dumating na pala ang hinihintay ko. Kung hindi pa ako nilapitan ni Mr. Smith ay hindi ko pa malalaman. Kaya rin pala nagkagulo kanina ay dahil dumating ng sabay-sabay ang tatlong magpipinsang Cordova.

Hindi ko sila kilala pero mukhang sikat ang mga ito.

Sa gara at yaman naman kasi eh, mula pa nga lang sa mga ari-arian, paano pa kaya sa looks, diba? Sure na nag-gagandahang kalalakihan ang mga ito, kaya malamang maraming magkakagustong paibigin ang nasabing magpipinsan.

"Nasa Top floor ang opisina ng Young Master. Doon din gaganapin ang final interview mo. Sige na, magtungo ka na roon dahil naroroon na sila."

Sila?

So, marami ang mag-iinterview sa akin?

Sana makapasa ako sa kanila. Kailangan ko talaga ang trabahong ito.

"Sige po, salamat po."

"Sana ikaw na nga ang hinahanap kong babaeng makakatagal sa Young Master."

Napakunot ang noo ko nang hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Mr. Smith bago ako nito tinaboy paalis, patungo sa opisina ng magiging Boss ko.

Sa pag-akyat pa lang ng elevator patungo sa top floor, dinaga na agad ng kaba ang aking dibdib.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito katindi.

Geeezzz...

Bakit kaya? Sana naman walang kinalaman sa application ko.

Narinig ko na ang pagtunog ng elevator, indicating na naririto na ako sa tamang floor. Lumabas na ako at iisang pinto lamang ang bumungad sa akin.

"Ito na siguro 'yung office 'no?"

Kumatok muna ako bago sana buksan ang pinto nang bigla na lang itong bumukas.

"Come on in." Utos ng maawtoridad na baritonong boses mula sa loob.

Nakakatakot ang boses nito pero buong buo at lalaking lalaki. Ang gwapo ng boses! Gwapo rin kaya ang nagmamay-ari?

Pagpasok ko sa loob, inilibot ko agad ang paningin sa buong lugar. Kapansin-pansin ang mga librong nakapalibot sa buong kwarto. Maayos at nasa tamang posisyon ang pagkakasalansan ng mga ito sa mahabang bookshelf.

Bookworm ba ang nag-oopisina dito?

At hindi katulad sa unang room na napasukan ko kahapon, kompleto sa mga kagamitang pang-opisina ang kwartong ito.

May mesa sa gitna at isang swivel chair. Nakakalat doon ang mga nakasalansang papeles. May ilang libro rin at ballpen holder na puno ng mga kagamitang pansulat. Maliwanag din sa loob dahil nakabukas ang kurtina ng glass window.

Sa kabilang banda naman ay isang maliit na mesa, isang mahabang couch at tatlong single sofa.

Teka—nasaan 'yung nagsalita kanina?

"You must be Arissa Montecarlos? Am I right?"

Ang boses na iyon.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at natagpuan ko ang isang lalaking naka-upo na ngayon sa swivel chair. Nakadekwatro ito at may pinaglalaruang ballpen sa kabilang kamay.

Kanina pa ba s'ya d'yan?

Pero wala naman ang lalaking ito kanina. Saan ito nanggaling? Pasulpot-sulpot na lang bigla. May lahi ba itong kabute?

Walang emosyong nakatitig ito sa akin, pero hindi nakabawas iyon sa kagwapuhan nitong taglay. Pula na may pagkabrown ang kulay ng buhok nito. Matangos na ilong at makapal ang kilay, na bumagay sa masungit nitong aura. Mapula ang manipis na labi. Matangkad din ito na halos kapantay lang siguro ako ng balikat nito.

All in all, gwapo ito. Wala nga lang emosyon ang magagandang mata—OH EM GIE! Totoo ba ang nakikita ko? Kulay ginto ang mata nito.

I blink, not just twice but trice. At nang tingnan ko ulit ang mata ng lalaki, brown na may pagka-pula na ulit ang kulay nito.

Namalik-mata lang ba ako? Hindi kaya nai-engkanto na ako dito?

Pero infairness, ang ganda ng mata n'ya.

"Ah, o-opo. Ako nga po. By the way, magandang gabi po."

"Walang maganda sa gabi."

Ay, ang sungit naman pala. Pero ang cute nitong magtagalog ah, may slang.

Napansin ko pa talaga iyon 'no?

"Excuse me po, meron kaya, ako." Sabay halakhak ko.

Pero agad ding napatigil at natahimik nang mapansin ni hindi manlang nagreak sa joke ko o tumawa ang lalaking nasa aking harapan.

"Not funny."

Napahiya naman ako sa winika nito. Sabi ko nga, hindi ako funny.

"You're applying for the position of?"

"Secretary po, malamang. Wala namang ibang hiring dito kundi secretary lamang."

Tumango-tango ito na para bang sumasang-ayon sa sinabi ko. Napangiwi ako ng hindi manlang nagbago ang expression nito—pokerface. Parang hindi manlang ito naapektuhan sa pambabara ko.

"Well, that makes sense. If papipiliin ka ng ibang position anong gusto mo?"

"Po? Ibang posisyon? Na gusto ko?"

"Yes."

"Ahmm... 69 po siguro?!" Nag-aalangang sagot ko pa.

"69—W-WHAT?" Tumaas ang isang kilay nito. Mas sumungit pa ang itsura na para bang may mali akong nasabi.

May mali ba? Position daw 'di ba? 69 is position naman eh. Gusto ko kaya iyon itry, pagta-try-an na lang ang kulang. Just kidding!

Boyfriend nga wala, iyon pa kaya?

Ah! Baka dapat Vocalist or Main Dancer ang sinagot ko. Baka hindi n'ya na gets iyong 69.

"69 position po. Pwede rin naman pong Main Vocalist na lang, marunong naman po akong kumanta."

Hindi nga lang ako marunong kumanta sa ibang mic, iyong mic na ginagawa bang lollipop ng iba.

Char!

"Ginagago mo ba ako babae?"

Nagulat ako sa pagtayo nito at sa paglakas ng boses.

Umiling-iling ako. "Hindi po. S-Sorry po—" Napatigil ako nang biglang may humalakhak mula sa may sofa.

"HAHAHAHAHA! Damn, girl!"

Sabay kaming napatingin ng lalaking kasama ko sa kinaroroonan ng tumatawa. Natagpuan namin ang isang lalaking may kulay gintong buhok.

Eto na naman, may sumulpot na naman sa kung saan. Wala namang nagbukas ng pinto kanina para pumasok, o baka hindi ko lang napansin.

Magulo ang buhok nito at maging ang suot na polo ay gusot din, kaya nagmukha tuloy itong pilyo. Isama mo pa ang mapaglaro nitong ngisi na nakakapanindig balahibo.

Katulad ng naunang lalaki, matangkad din ito. Siguro magkasing tangkad lang sila?! Pareho ring gwapo at talagang mapapalingon ka kapag dumaan ito sa harapan mo.

Hindi katulad ng lalaking nasa gilid ko na nakataas na ang kilay at mukhang nagsusungit, ang lalaking bagong dating ay mukhang friendly naman, but in a not good way.

Mukha kasi itong pilyong playboy. Iyong tipong bait-baitan sa'yo para kaibiganin ka, tapos kapag nakuha na ang loob mo, paglalaruan ka na.

Pero malay din naman natin, 'di ba?

At isa pa sa kapansin-pansin sa dalawang nag-gagwapuhang nilalang na kasama ko ay ang kulay ng balat ng mga ito.

Their both skin color is pale. Sa sobrang puti parang wala ng dumadaloy na dugo sa katawan.

At para ring hindi nabibilad sa arawan. Sabagay mayaman.

Ano kayang ginagamit nilang skincare at sabon? Matry ko nga baka sakaling pumuti rin ako tulad nila.

Kulay ocean blue naman ang kulay ng mga mata nito. Napakagandang tingnan. Siguro hindi sila pure na mga pilipino dahil kakaiba ang kanilang kutis at kulay ng mga mata.

"Didn't know that a woman like you..." Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "...looks so innocent, pero matabil din pala ang bibig. But, I like what you're thinking. 69, HUH!"

Mas lalo pa itong ngumisi na nagbigay kilabot sa akin. Joke lang naman iyon eh. Bakit kasi kung anu-ano ang sinasagot ko?  Virgin and pure pa po ako, promise!

Inaantok na yata ako kaya hindi na nagpa-function ng maayos ang utak ko.

"Teka—sino ba kayong dalawa? Saka kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa kita kilala, pero kilala n'yo naman ako." Sabay turo ko sa lalaking nasa likuran ko na may masamang tingin.

Pumitik ang daliri ng lalaking may gintong buhok.

"Good question." Naglakad ito palapit sa akin, hanggang sa maramdam ko na ang paghinga nito sa may tenga ko. Natigilan ako at hindi naka-kibo. Narinig ko pa ang mahina nitong tawa bago tuluyang magpakilala. "Nice to meet you, Ms. Montecarlos. I am Tyron Ryven Cordova."

Nakakakilabot ang boses.

Nakahinga lang ako nang lumayo na ito sa akin. "And that retarded guy behind you is my cousin, Sage Trevour Cordova. Pagpasensyahan mo na, allergic kasi 'yan sa babae." He pointed out the guy with a pokerface before winking at me.

Natigilan ako.

"Ibig sabihin kayo ang pamilyang pagtatrabahuhan ko?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top